Chapter 12: Food House

"Miss Umali, you're finally here!" nakangiting bati sa kaniya ng isang guro na mukhang giliw na giliw sa pagdating ng dalaga. "Come here and introduce yourself in front of the class."

Lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki nang makita ang mga estudyanteng ngayon ay nakatingin sa kaniya. Lahat ng atensyon ay pawang nasa dalaga na ngayo'y hindi alam kung paano magsasalita. Tahimik ang paligid at hinihintay siyang magsalita.

"Go on. Don't be scared," wika ng guro.

"H-hello. Ako si Minikki Genesis Umali. Eighteen years old," panimula ng dalaga.

"What association do you belong to?"

"Association po?"

Tumango ang guro. "Yung nakalagay sa viridescent card mo."

Kinuha ni Minikki ang tinutukoy ng guro at ipinakita niya ito sa kaniya.

"Dreamer... Interesting. Alright, you can sit beside Mr. Constano."

Hinanap naman ni Minikki ang upuang tinutukoy ng kaniyang guro ngunit masyadong mahirap manghula dahil maraming bakanteng upuan.

"The guy with the long hair," bulong pa ng magandang guro kay Minikki.

"Here, Minikki!" Tinuro ng isang lalaki ang bakanteng upuan malapit sa lalaking pamilyar ang mukha. Ngunit isinantabi muna niya ang isiping iyon dahil naalala niya ang sinabi ni Kieffer na araw na ng pagsusulit.

Umupo na siya at sinubukang alisin ang kaba sa dibdib. Huminga siya nang malalim at ikinalma ang sarili.

"By the way, Miss Umali, I'm Miss Evergreen. I am the homeroom adviser of this class and also the proctor for today's final exam," nakangiti nitong pagpapakilala sa dalaga. Matangkad ito at maputi. Straight ang mahaba nitong buhok at mukhang dalaga pa. Tumango si Minikki bilang sagot.

"As you can see everyone, Miss Umali has just got here. Some might ask why all of a sudden someone entered the class when it was almost the end of the year but I know, most of you encountered or experienced the same situation. So, if she passes the final exam today, she can proceed to college with you."

Napayuko si Minikki. Ramdam niya kasing hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa pagtingin sa kaniya. Mabuti na lang at nagsimula na ang final examination at mabilis din niya iyong natapos.

"To those who finished their exam, you can go now and rest."

Napatingin si Minikki sa paligid. Walang lumalabas. Kung gano'n siya palang ang nakakatapos?

Nagulat siya nang tumayo ang lalaking nakaupo kanina sa tabi niya. 'Yong lalaking nagbalak na dalhin siya sa Gaol. Sumunod namang tumayo ang isang babae.

"Minikki, tapos ka na?" tanong ng babae sa kaniya. "Halika na, labas na tayo."

"H-ha? O-oo."

Ipinasa na ni Minikki ang test papers niya kay Miss Evergreen. Nakita niyang nasa pinto ang babaeng yumaya sa kaniya. Nakangiti ito habang hinihintay siya.

"Gellie, hintayin niyo 'ko!" sigaw naman ng lalaki na kumausap kay Minikki kanina. Nagmadali itong magpasa ng test paper bago lumapit sa kanila.

"Sa'n tayo?" tanong ng lalaki.

Nagsimula na silang maglakad. Sumasabay lang si Minikki sa kanila. Bukod sa nahihiya siyang magsalita sa mga ito, mas mabuti nang sumama siya sa kanila tutal hindi niya alam ang pasikot-sikot sa Occoii University.

"Tara muna sa Food House, nagugutom na 'ko," sambit ng lalaki.

Hindi ganoon kalayo ang Food House mula sa building nila kaya nakapunta na kaagad sila roon. Napanganga si Minikki nang sumalubong sa kaniya ang malawak na bilihan ng pagkain. Walang katapusan ang pagkamangha niya sa bawat lugar na napupuntahan niya rito.

"Lahat ng pagkain sa mundo ay nandito," komento ng lalaki.

"Totoo?"

"Oo, kaya hindi ka magsasawa. Maraming choices!" wika nito bago tumakbo sa isang stall.

May iba't ibang stall na nakapalibot. Sa gitna naman ay ang mga table at chair kung saan may mga estudyanteng kasalukuyang kumakain. Para itong food court sa isang mall, ang kaibahan lang ay high-end ang mga gamit dito at sobrang ganda, maaliwalas ang ambiance. Sobrang lawak na hindi magkakabungguan ang mga estudyante. Katumbas ng limang basketball court.

"Pagpasensyahan mo na ang matakaw na 'yon, Minikki. Pabibo talaga siya kapag may mga bagong salta sa O.U.," biro ng babae. "Siya nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala sa 'yo nang maayos. Ako si Gellie Chance Merced, kabilang ako sa Acer Association. At ang isa namang 'yon ay si Jaeson Casphere Zalazarres. Defender siya."

Tumango-tango si Minikki habang inuulit ang mga pangalan ng dalawa.

"I heard you're a dreamer. So, hindi mo pa natutuklasan ang abilidad mo? Pareho kayo ni Haylan."

"Haylan? Teka, anong abilidad?"

"Abilidad. Katulad ko, Acer. Lahat ng mga Acer may kani-kaniyang galing at talas ng utak. May mga mabibilis makaresolba ng problema, may mabilis malaman ang iniisip ng ibang tao, mayroon naman matalas ang memorya na katulad ko. Kahit anong librong nabasa ko, tanda ko pa rin ang nakasulat kahit ilang taon na ang lumipas na mabasa ko 'yon."

Napanganga si Minikki. Hindi niya inakala na ang kaharap niya ay isang matalinong babae. Napatingin siya sa mukha nito maging sa ulo ng babae. Nahihiwagaan siya kung gaano kabilis magproseso ang utak nito.

Gellie smiled as she saw the glimpse of surprise on Minikki's face. Unang beses na may humanga sa kaniya dahil ang abilidad niya ay masasabing mababa lamang kumpara sa ibang Acer.

"Si Jaeson? Anong kaya niyang gawin bilang isang Defender?" tanong nj Minikki sabay tingin sa lalaking ngayon ay bumibili ng pagkain.

"Malakas si Jaeson. Kaya niyang magbuhat ng limang beses sa timbang niya. Kaya siguro ganoon na lang siya kalakas kumain. Alam mo ba? Siya 'yong nanalo sa weightlifting last year. I can't help but to remember his face. May picture nga ako no'n so I can use it for blackmailing."

Ipinakita naman ni Gellie ang picture na tinutukoy niya. Gusto mang tumawa ni Minikki ay hindi niya magawa dahil pakiramdam niya mas pangit pa rin siya kaysa kay Jaeson.

"Hoy, ako ba ang pinag-uusapan niyo?" tanong nj Jaeson nang makabalik na sa dalawang dalaga. Nakita nito ang picture na hawak ni Gellie.

"Potek! Akala ko ba may usapan na tayo na hindi mo 'yan ipapakita sa iba? Wala ito! Tokis!"

Nahihiya namang tumingin si Jaeson kay Minikki. "Masama talaga ang ugali ni Gellie kaya huwag kang makikipagkaibigan sa kaniya."

"Tsk. As if you're a true friend! Ni hindi mo man lang kami ibinili ng pagkain."

"Malay ko ba kung gusto mo ng turon."

Natahimik bigla si Minikki nang makita ang pagkaing iyon. Sandaling bumalik sa kaniyang alaala ang trauma na naidulot sa kaniya ng mga tao sa labas.

"Minikki! Okay ka lang?"

Nabalik sa reyalidad si Minikki nang may humaplos sa balikat niya. Si Gellie. "Halika na, kumain na tayo. Nag-order na ako ng food for us. Don't worry about the cost. It's my treat."

Umupo sila sa table at nagsimulang kumain. Tahimik lang si Minikki. Hindi maalis sa isip niya ang takot na muling maranasan ang mga mapapait na karanasan niya sa labas. Paano pala kung ang mga taong lumalapit sa kaniya ngayon ay katulad din nila Andrea na aapihin din siya paglaon ng panahon?

"Sana maipasa mo 'yong final exam para makasama ka namin," wika ni Gellie.

"Siya inalala mo, paano naman ako? Pakiramdam ko bagsak ako," singit naman ni Jaeson.

"Huwag ka nga! Alam kong papasa ka, well, pasang-awa nga lang. Anyway, can you stop interrupting? This is about Minikki and not you."

Gellie rolled her eyes but then smiled toward Minikki. "Kung wala kang gagawin after this, we can tour you around, Minikki."

"Nawiwirduhan ka na ba sa kaniya, Minikki? Tatakbo kasi 'yang presidente next school term kaya 'yan ganiyan."

Nakatanggap ng hataw si Jaeson mula kay Gellie. Daig pa ng dalawang ito ang aso't pusa sa pagbabangayan. Natawa naman si Minikki sa mga ito at tila ba gumaan ang loob niya kahit papaano.

"It wasn't like Minikki but if you really see that I fit the position of classroom president, you can vote for me. Anyhow, I am willing to help you without any hidden agenda. I promise."

Minikki smiled. It was as if she could trust those words from her newly found friend.

"Ako rin, kung kailangan mo ng kaibigan. Pwede ako!"

She felt happy. That time she remembered her one and only friend Jeremiah Nicolei who she couldn't get to say goodbye to. She just now appreciates the love and care Maya provides her when she was outside and now she felt missing him.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top