Chapter 10: Buried Emporium

Ilang sandali pa ay bumaba na sila sa lugar na sunod nilang destinasyon. Tahimik. Tanging buga lang ng malamig na hangin ang naririnig ni Minikki. Maging ang mga pagaspas ng mga dahon mula sa puno. Saglit pa ay napagtanto na ni Minikki kung nasaan sila. Sa sementeryo.

Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ni Minikki. "Ina, bakit tayo narito?" tanong niya. Puno man ng pagtataka ay sinundan niya ang kaniyang ina papasok dito. Ramdam ni Minikki ang kaba dahil naglalakad sila sa pagitan ng mga lapida.

"Tulungan mo ako," sambit ni Kireina. "Itulak mo 'yong lapida." Napatingin si Minikki sa mataas na pader na animo'y isang apartamento ng mga patay.

"H-ha? Ina, seryoso ka?" apela ni Minikki. "Bakit itutulak?"

Lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Minikki dahil hindi niya gustong hawakan ang lapida na nasa harapan niya ngayon. Napatingin siya sa nakasulat sa lapidang nasa harap niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot nang makita ang nakaukit na pangalan dito maging sa katapat na lapida ng kaniyang ina. Nandoon ang kaniyang pangalan.

"I-ina! Bakit ganito? Bakit may pangalan natin? Hindi pa naman tayo patay!"

Ngunit imbes na pansinin si Minikki ay nagsalita ito. "Pagkabilang ko ng tatlo, itulak mo ang iyo," utos ni Kireina.

Napapikit si Minikki. Nakatuon na ang kaniyang mga palad sa ibabaw ng lapida. "Isa...Dalawa...Tatlo!"

Buong lakas na itinulak ni Minikki ang kaniyang lapida at tila ba parang may nag-click doon.

"Atras."

Nagpapagpag ng kamay si Minikki at pilit na kinakalimutan ang nangyari. Nagulat siya nang biglang lumubog ang mataas na pader kung nasaan ang mga lapida nila. Kasunod no'n ay bumukas ang lupa na kaninang kinatatayuan nila. May hagdan pababa. Doon siya hinila papunta ng kaniyang ina.

"Ina, wala bang mabilis na paraan para makarating sa Buried Emporium?" bakas ang takot sa tono ng pananalita ni Minikki. Tila ba gusto niya nang umatras sa nakakapanindik na pangyayari na kanina niyang nasaksihan.

Naramdaman niya ang butil ng malamig na pawis sa pisngi at leeg niya. Para siyang hihimatayin.

Nakita niyang ngumiti ang kaniyang ina at patuloy itong naglalakad. Agad na natanggal ang kaba ni Minikki nang makita niya ang nasa ilalim ng sementeryo.

"Nandito na tayo sa Buried Emporium," bulalas ng ina ni Minikki.

Minikki's jaw dropped in amazement. There are no words to express what she feels inside. The overflowing joy was striking on her face as she saw a bunch of people in the emporium. Some are wearing the university uniform lurking around the market. Some younger students were playing around. There were also teenagers who were talking with each other while laughing.

Hindi maiwasan ni Minikki na mapaluha sa saya at makaramdam na napakaswerte niya dahil nabigyan siya ng pagkakataong makapunta sa ganitong lugar. Akala niya'y puro pasakit na lang ang mararanasan niya sa buong buhay niya.

"Ano pang hinihintay natin? Mahaba pa ang listahan ng kailangan nating bilhin," sambit ni Kireina bago isinakbit sa kaniyang braso ang kamay ng anak.

Halos mangawit ang leeg ni Minikki sa pagmamasid. Inililibot niya ang kaniyang mga mata sa mga matataas na building na may iba-ibang disenyo.

Pumasok sila sa isang shop. Napangiti si Minikki nang makita niya ang mga naka-display na uniforms.

"Welcome to Regalia!" pagbati sa kanila ng isang lalaki. "First year?" tanong pa nito.

"First year," sagot ng ina ni Minikki.

"K-kireina?" Lumabas ang lalaki mula sa estante at niyakap ang ina ni Minikki habang nakangiti. "It's been a long time! How come you're back?"

Napatingin ang lalaki kay Minikki. "Wait, don't tell me."

Sumeryoso ang mukha nito. Sandaling katahimikan ang pumalibot sa kanila.

Tumango n lang ang lalaki at mabilis na ibinigay ang complete set ng uniform kay Minikki. Maging ang silver brooch na simbolo na siya'y isang first year college. Agad na pumunta si Minikki sa fitting room at isinukat ang magandang uniform. Kaharap niya ang malaking salamin habang sinusuot ang white blouse na may green na coat, checkered green skirt and ribbon tie. Nilagay niya na rin sa coat niya at ang silver brooch. Tiningnan niya ang kaniyang sarili.

"Kahit anong ganda ng damit ko, hindi kayang dalhin 'yung kapangitan ko," puna ni Minikki sabay tawa. Inayos niya na ang kaniyang salamin bago siya lumabas upang ipakita sa kaniyang ina ang kaniyang suot. Saktong-sakto ito sa kaniya.

Nadatnan niyang seryosong nag-uusap ang dalawa.

"Ina," tawag ni Minikki. Napatigil naman sa pag-uusap ang mga ito at dagling ibinaling ang atensyon kay Minikki.

"Perfect! I'll get you another two sets in the same size," sabi ng lalaki habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Nakangiti rin ang kaniyang ina habang pinagmamasdan siya.

Iniabot na ni Kireina ang card niya upang bayaran ang uniform ng kaniyang anak.

"Thank you, Madrioh!" wika ni Kireina.

Pagkatapos magpalit ni Minikki ay lumabas na sila at pumunta sa katabing shop. Ang Counting House.

"Ano pong gagawin natin dito ina?" tanong ni Minikki nang makapasok sila.

"We'll claim your viridescent card."

Kumunot ang noo ni Minikki dahil ngayon niya lang narinig ang salitang iyon.

"Kireina, how can I help you?" tanong ng isang babae na sumalubong sa kaniya. "Oh, you're with Minikki?"

Ngumiti lang si Minikki at hinayaan na lamang niya ang kaniyang ina na makipag-usap sa babaeng naka-business attire. Ilang sandali pa ay bumalik na ang kaniyang ina dala ang isang sobre.

"Your father left a sum of money for you," sambit ng babaeng naka-business attire. Nakita niya ang nameplate nito. Ms. Variniah.

"My father?" tanong ni Minikki. Tumingin ang babae kay Kireina ngunit imbes na sumagot ay ngumiti lamang ito bago nagpaalam.

"Halika na, marami pa tayong pupuntahan." Hinila na siya ng kaniyang ina palabas ng Counting House at sumunod na pumunta sa Book House para bumili ng libro. Ganoon din sa Station of Supplies kung saan bumili sila ng mga gamit na kailangan ni Minikki sa kaniyang pag-aaral sa Occoii University. Para tuloy siyang si Harry Potter doon sa Sorcerer's Stone dahil sa nararanasan niya ngayon. Paborito kasi ni Minikki ang seryeng iyon at hindi naman niya maililihim na humanga siya sa lalaking nakasalamin na may peklat sa noo. She never thought that she'll experience the same magical world that she once dreamed about.

Takipsilim na nang matapos sila sa pamimili. Hindi na nila namalayan ang oras dahil abala sila sa paghahanap ng mga bibilhing gamit ni Minikki. Bitbit ni Minikki ang mga paper bags na puno ng mga gamit na kanilang pinamili simula kaninang umaga.

"Uuwi na tayo ina?" tanong ni Minikki.

"Hindi anak, dederetso ka na sa Occoii University," sambit ng kaniyang ina.

"P-po?"

"Natatandaan mo 'yong sinabi sa 'yo ni Mrs. Laluzienne sa Hidden Office?"

Agad na nanglambot si Minikki nang maalala ang sinabi ng matanda sa Hidden Office na pagkatapos niyang mamili ng gamit ay maaari na siyang pumunta sa Occoii University. Tila ba pinagsisisihan na ni Minikki ang pag-enrol niya dahil ngayon lamang niya napagtantong hindi niya makakasama ang kaniyang ina nang mahabang panahon. "Dito ka maninirahan habang nag-aaral ka. May mga Lodging Houses dito."

"Magkakalayo tayo? Paano ka, ina? Hindi ka ba pwedeng manirahan dito?" nagpa-panic na tanong ni Minikki. Madalas man siyang magkulong sa kwarto niya noon, hindi siya sanay na mapalayo sa kaniyang ina lalo na't ito na lamang ang pamilya niya.

Umiling si Kireina. "Hindi, anak. May mga bagay akong kailangang gawin sa labas kaya hindi ako pwedeng manirahan dito." Hinaplos ni Kireina ang pisngi ni Minikki. "Kaya ingatan mo ang iyong sarili. Gamitin mo ang oras na magkahiwalay tayo upang magsanay at mag-aral nang mabuti. Upang kung bumalik ka man sa labas ay kaya mo nang protektahan ang 'yong sarili pati na rin ang mga tao sa paligid mo."

Tumakas ang luha sa mga mata ni Minikki. Pakiramdam niya ay isa itong pamamaalam.

"Huwag mo akong alalalahanin. Mabilis lang ang panahon. Magkikita tayong muli, Minikki."

Yumakap si Minikki sa kaniyang ina. Ilang sandali pa silang naroon sa kalagayan bago bumitiw si Kireina sa pagkakayakap.

"Maya-maya lang ay may susundo sa iyong lalaki. Siya ang maghahatid sa iyo sa Occoii University."

Isa-isang namatay ang ilaw sa bawat poste na nakapaligid sa Buried Emporium na siyang ikinagulat ni Minikki. Ilang sandali pa ay nawala na ang kaniyang ina sa kaniyang paningin.

Hindi na napigilan ni Minikki ang labis na pagluha. Nasasaktan siyang isipin na magkakalayo sila ng kaniyang ina. Hindi niya kaya. Gusto niya itong kasama palagi.

Maya-maya pa ay nakita niya ang isang taong naglalakad papalapit sa kaniya. Isang lalaki.

###

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top