EPILOGUE
EPILOGUE
“Ladies & Gentlemen, we’re now approaching Philippines where the local time is 09:00. At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened. Personal television screens, footrests and seat tables must be stowed away and all hand luggage stored either in the overhead lockers or under the seat in front. Please ensure all electronic devices including laptop computers and computer games are turned off,” I announced.
As soon as the airplane landed I once felt at ease because I was finally back to my country. After watching the passengers leave the plane, we remained standing at our post and waited for the pilot before we left together with him.
And when my phone suddenly rang, I immediately answered it, “Hoy, Belle! May kilala ka bang Clarabelle Marquez?”
Wala sa sarili akong napatigil sa paglalakad at nang mapansin iyon ng mga kasama ko’y binigyan nila ako ng nagtatakhang tingin kaya’t umiling na lamang ako sa kanila’t muling lumakad.
Limang taon na simulo noong huli kong narinig ang pangalan na iyon, limang taon na rin simula noong lihim kong pinapanalangin na ako’y muling makabalik sa panahon na iyon. At sa panahon na ito ay walang nakakakilala kay Clarabelle Marquez kaya’t nanatili lamang akong tahimik tungkol sa bagay na iyon.
At ang tanging pinanghahawakan ko’y ang kuwintas at singsing na binigay sa akin ni Columbus, hindi ko alam kung bakit ito nanatili sa akin ngunit sa maraming hiwaga na nangyari sa aking buhay ay hindi na ako ganoong nagtatakha pa.
“Belle, sumagot ka.”
“A—ano…”
Isang buntong-hininga ang narinig ko sa kabilang linya, “Naiinis na ako ha. Para kang tangang kausap…”
“Sa ating dalawa ay ikaw ang tanga, Zion. H’wag mong kalimutan iyon,” natatawang sambit ko’t pilit nililihis an gaming usapan tungkol sa pangalan na kanyang sinambit.
“Hindi ba’t may nakuwento ako na tungkol sa isang babae—”
Napangiwi na lamang ako sa kanya, “Wala akong oras para sa kalandian mo, Zion.”
“You’re getting on my nerves, Belle. Just shut up and listen,” he mumbled. I heaved a sigh and let his serious captive the conversation, “That woman talks like a Maria Clara… and every time she looks at our photo she’s always mumbling that ‘Clarabelle Marquez’ while looking specifically at you. Hindi ba ako attractive para mapansin n’ya na nando’n din ako sa picture?”
I let out a laugh because of his last remark, “Why do I have a photo at your condominium?”
“Luh, tanga ka. Ikaw ang nag-display niyon… ‘Yong picture natin na nakahalik ka sa pisnge ko’t kinukuha ang pagiging malinis kong tao,” pagpapaliwanag niya. Mas lalo naman akong natawa dahil sa reaksyon niya’t saglit na tinuon ang atensyon ko nang makarating kami sa labas kung nasaan ang service van namin.
“Hala! Saglit… nasa loob ka pa ba ng eroplano? Baka ako ang maging dahilan pagsumabog—”
“Ikaw ang sasabog paghindi ka pa tumigil sa mga katangahan mo. At isa pa, sa tingin mo ba’y sasagutin ko ang tawag mo kung nasa loob pa ako?”
Nang pumasok ako sa loob ng van ay agad akong pumwesto sa tabi ng bintana kung saan naman tumabi sa akin ang kaibigan kong flight attendant.
“Dito ka na dumiretso, Belle,” sambit ni Zion.
“At bakit?”
“Ibili mo kami ng burger at fries—”
Nilingon ko ang aking katabi na bigla na lamang akong pinitik sa noo dahilan upang ilayo ko ang phone ko sa akin, “Yvonne… are pissing me off?”
She let out a chuckle and playfully shook her head, “I am not. Is that my babes?” she asked.
“Yes, this stupid Zion.” I immediately pull my phone away from her and she tried stealing it, “Hello, bobo. I’ll be sleeping at your place later… fix my room.”
“Don’t bring her! Oh, fuck! Don’t you dare bring that lunatic friend of yours—”
“Yeah, yeah. Shut up. Bye.”
Agad kong pinatay ang tawag bago pa man makapagdrama si Zion. At habang pinapanood ko ang dinadaanan naming sa labas ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa sinambit ni Zion. Isang babae na kilala si Clarabelle Marquez.
Ano na naman ba ang iyong pakulo, Cynthia?
“Chance.”
Tila ako’y nagising dahil sa boses niya. Ngayon ko lamang ulit iyon narinig dahil simula ng ako’y bumalik dito ay hindi ko na siya muling narinig o nakita pa.
═════◈♔◈═════
“See you next week, Belle,” Yvonne said as soon I as step foot outside of the vehicle. I smiled at her and faced the familiar building where my cousin was living, but before stepping inside I greeted some acquaintance from the flower shop at first floor before actually heading at his home.
I yawned and tried to dial his number, yet he was out of coverage. After making my way through his door, I immediately input the passcode and welcomed myself inside.
“Zion?”
Ilang beses akong napakurap ngunit wala ang bobo kong pinsan dahilan upang iwanan ko sa salas ang aking bagahe pagkasara ko sa pinto. Pinakiramdaman ko ang tahimik na lugar bago ako tuluyan na mapangiwi sa inis.
Pinapunta ako rito tapos wala naman siya. Patayin ko kaya ang mga alaga mo.
Buntong-hininga kong hinigit muli ang aking mga gamit at inaantok na tumungo sa aking silid sa kaniyang condominium ngunit agad din akong napatigil nang makarinig ako ng mga boses mula sa loob.
Tangina. Nagawa pang lumandi sa kuwarto ko! Sabi ko linisin, hindi dumihan!
Ang ngiwi dulot ng sunod-sunod kong pagkainis kay Zion ang natitirang nakakubra sa aking mga labi. At dahil walanghiya siya, at ganoon din naman ako’y binuksan ko ang pinto ng walang kahit anong pasabi.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko sila sa aking kama na may talukbong ng kumot at tila nais pa nilang sirain ang aking kama dahil sa likot nila. Walang emosyon kong pinaltok sa direksyon nila ang cellphone na hawak ko dahilan upang inis na tanggalin ni Zion ang kumot at bumaling sa direksyon ko.
Ngunit nawala ang atensyon ko kay Zion maging sa mga inirereklamo nito nang magtama ang mga mata namin ng babaeng kaniyang kasama. At sa muling pagkakataon, ang kirot mula sa nakaraan ay dahan-dahan na nagbigay sa sikip at saya sa aking dibdib.
“Amelia…”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top