Chapter 8: He said
Chapter 8: He said
“Kumusta?” Napatunghay ako nang marinig ko ang tinig ng prinsipe. Kaniyang kinakausap ang babaeng gumamot sa aking sugat sa binti.
Nasa may pinto sila’t doon nag-uusap, nang tinuon ko ang atensyon ko sa aking sugat ay hindi ko napigilan ang mapangiwi. Nilangas ito ng babae gamit ang pinakuluan dahon ng bayabas at tinapalan ng isang puting tela. Hindi naman ito ganoong kalalim ngunit ang hapding taglay nito ay kakaiba.
Nawala ang atensyon ko sa aking sugat nang maupo sa gilid ng kama si Nikolai, “Masakit ba?”
Malumanay lamang akong tumango sa kaniya at tumingin sa nakakuyom kong kamao. Simula nang makarating kami rito ay hindi ko pa rin nagagawang buksan ang aking palad, nais kong solohin ang problema na ‘to at ayoko magkaroon ng anomalya oras na malaman ni Nikolai ang tungkol sa tunay na may-ari ng palaso.
At kahit na ayokong lubos na pagkatiwalaan ang rebelde, mahirap pa rin na balewalain ang kaniyang mga hinayag. Kung totoo man na kinuha ng hari ang kaniyang asawa at anak, kinakailangang maparusahan ang hari sa kaniyang kasamaan.
“Clarabelle… Nakikinig ka ba?” Ilang beses akong napakurap nang mapansin ang gusot niyang mukha. Inis itong nakatingin sa ‘kin na tila ba’y may sinasabi siyang importante na hindi ko man lamang napakinggan.
“Ano ba ‘yon?”
“Tinatanong kita kung nagugutom ka ba?” Iiling na sana ako nang bigla na lamang niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin, ilang beses akong napakurap dahil sa pagkabigla ngunit pakiramdam ko’y wala siyang balak na lumayo, “Hindi ba talaga ako bibigyan ng pansin?”
“Ilayo mo ang iyong mukha…” Bulong ko. Batid kong napansin n’ya ang pamumula ng aking mukha dahil sa dahan-dahan na pagngisi niya.
“Bakit pakiramdam ko’y natitipuhan mo ang puwesto na—”
“Ilalayo mo ang mukha mo o hindi ka na makikilala ng mga tauhan mo?” Natatawa siyang umatras dahil sa pagbabanta ko.
Ngunit nang akala ko’y tapos na siya sa kaniyang kalokohan ay bigla na lamang niyang inagaw ang kamay ko’t iyon ay hinalikan, “Humihingi ng kapatawaran ang prinsipe sa kaniyang kalapastanganan, Binibining Clarabelle,” nakangiti niyang sambit.
Mabilis kong inagaw ang aking kamay nang bigla na lamang bumukas ang pinto, kumaripas sa pagtakbo si Cayden nang makita ang sitwasyon ko na agad namang nagpangiwi sa akin. Nang dumausdos ang mga mata n’ya sa aking binti ay tila nabuntan siya ng tinik dahil iyon lang sugat na aking natamo.
Naiilang akong tumawa, “Oh? Bakit ganiyan ang reaksyon mo? Hindi ba’t mas masakit ‘yang sugat mo sa braso?” Pagpuna ko sa malaking benda na nakapulupot kay Cayden.
Umalis ang prinsipe sa pagkakaupo’t binigyan ng puwesto ang aking kapatid. Dinala ako ni Nikolai sa kampo nina Cayden dahil ito ang pinakamalapit na may pagamutan sa lugar kung saan ako nag-eensayo.
Inis na pinitik ni Cayden ang aking noo dahilan upang tingnan ko siya ng masama, “Hindi ba’t sinabihan kitang manatili lamang sa palasyo’t huwag muna mag-ensayo habang wala kami ng mga squire? Ano ang iyong napala ngayon? Ha—”
“Hotdog, mani, popcorn.” Binigyan n’ya ako ng isang nagtatakhang tingin. Nang sumimangot siya’y ngumiti lamang ako sa kaniya, “Hindi na iyon mauulit pa, Kuya Cayden. Humihingi ako ng tawad sa aking kakulitan.”
Buntong-hininga siyang tumingin sa ‘kin saka niya marahan na ginulo ang aking buhok, “Kumusta ang sugat mo? Masakit pa ba?”
“Masakit pero ayos na,” sagot ko.
Lumingon si Cayden kay Nikolai, “Mahal na Prinsipe, umalis na ang mga rebelde rito sa Kanluran,” sambit n’ya.
Saglit na tumaas ang kilay ng prinsipe saka ito sumilay sa ‘kin bago muling tumingin sa kapatid ko, “Basta na lamang ba silang umalis?”
“Oo—”
“Marahil ay nakuha na nila ang nais nila.” Saglit na tumaas ang kilay ko dahil sa kakaibang tono sa kaniyang mga salita. Tila ba’y may alam niya iyon at hindi man lamang sinasabi kay Cayden dahil sa prisensya ko.
Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko’y hindi pa nakukuha ng mga rebelde ang kanilang nais, lalo na ang lalaking aking nakaharap. Nais niyang matanggal sa puwesto ang kasalukuyang hari ngunit hindi naman nila iyon makakamit sa isang gipit na rebulusyon lamang.
Ang marahas na pagbukas ng pinto ang naging dahilan upang muli kong imulat ang aking mga mata, bumungad sa akin ang malawak na ngisi ni Alexander habang nasisiyahan siyang lumalapit sa aking puwesto, “Kumusta, Clarabelle? Na balitaan ko na nakatanggap ka ng isang munting trupeo mula sa isang rebelde.”
“Alexander,” pagbabanta ni Nikolai.
Palihim kong tinakpan ang sumilip kong ngiti dahil sa nakakatawang ginawa ni Alexander dahil imbes na matakot ay kaniya pang binunggo ang balikat ni Nikolai at tila ba’y wala lamang sa kaniya ang matatalim na tingin ng kaniyang pinsan.
Nakangiting umupo sa gilid ng kama si Alexander. At aking kinagulat nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking pisnge, nang makalapit ang kaniyang bibig sa aking tainga ay may binulong siya, “Huwag na huwag mong ibibigay o sasambitin sa kahit na sino ang tungkol sa may-ari ng bagay na nasa iyong palad…”
Nang bigla na lamang siyang hinalihin ni Nikolai palayo sa akin ay hindi ko pa rin maalis sa aking sarili ang pagkalito at pagkagulat. Paano niya nalaman ang tungkol sa tela ng palaso? Saglit kong minata ang aking kamao at napansin na nakausli ang kapirasong parte nito dahilan upang ikulbli ko ito sa aking likuran.
Ang malakas na halakhak ni Alexander ay maririnig sa apat na sulok ng silid, ang matatalim na tingin at umuusok na tainga ni Nikolai ay tila wala lamang talaga sa kaniya. At batid kong nasisiyahan si Alexander sa nakikita n’ya.
“Lubayan mo si Clarabelle, Alexander,” inis na sambit ni Nikolai.
Buntong-hininga naman na pinanood ni Cayden ang dalawa na tila hindi nais makisali sa namumuong iringan ng magpinsan.
“Hindi ko nabalitaan na bawal ko na pa lang kaibiganin ang binibini dahil siya’y magiging asawa mo.” Saglit akong sinilip ni Alexander at ngumiti, “Dapat ay nagpaskil ka sa bawat pader na bawal kaibiganin si Binibining Clarabelle.”
“Minarkahan ko na s’ya, Alexander. At hindi ka—”
“Kung gano’n ay patas lalamang tayo.” Kunot noo namin siyang pinagmasdan ng prinsipe dahil wala akong ideya sa kanilang pinag-uusapan. Marka? Anong katangahan iyon?
Bago pa man makapagsalita ng argumento si Nikolai ay marahas na hinigit ni Cayden si Alexander paalis ng silid. Nang tuluyan na makaalis ang dalawa ay saglit na pinakalma ng prinsipe ang kaniyang sarili bago s’ya tumungong muli sa aking puwesto.
Ang malamig na sipol ng hangin sa palapit na gabi ang yumakap sa amin. Natuon ang atensyon ko sa bukas na bintana at napansin ang mga guwardya na nakauniporme ng asul. Mabuti na lamang at iilan lamang ang sugatan sa kanila, marahil dahil sa biglaang pag-atras ng mg rebelde.
“Nais mo bang magpahinga?” Tanong nito sa akin.
Imbes na sumagot at sinandal ko lamang ang aking likod sa higaan. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata, hindi naman ako dinadalaw ng antok ngunit nais kong makapag-isip nang maayos.
Naramdaman ko ang paglubog ng kutson at kahit na nakapikit ang mga mata ko’y pansin na pansin ko ang pagdilim ng aking harapan.
Ang malambot n’yang labi ay dahan-dahan na lumapat sa aking noo, “Akin ka lamang, Lady Marquez.”
Nanatili lamang akong tahimik, hindi kumikibo sa kaniyang sinabi. At kahit na ibang-iba ang pakikitungo niya sa akin ngayon, hindi no’n mapipigilan ang aking plano na pigilan ang kasal sa pagitan namin. Dahil maaaring anghel siya ngayon at lalabas lamang ang tunay n’yang kulay kapag nag-isang dibdib na kami.
At hindi ko hahayaan na maging dehado muli ako sa laban na ito.
Pinatanong n’ya ang kaniyang ulo sa aking balikat at niyapos ang aking ulohan.
“Kahit anong mangyari ay hindi ako makakapayag na hindi ka sa ‘kin maikakasal. Hindi ako makapapayag na may makahigit sa ‘kin… Nais ko’y ako lamang ang nangunguna sa’yo.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top