Chapter 5: The Mighiest Prince
Chapter 5: The Mightiest Prince
Buong puwersa kong hiniwa ang hangin gamit ang espadang aking hawak kasabay nito ang mayabang kong paglingon sa direksyon nina Cayden habang lumilipad pa ang aking buhok, nang magtama ang mga mata namin ay nginisian ko ang aking kapatid habang siya’y gusot na gusot ang mukha.
“Anong nginingisi mo r’yan?” Barubal nitong tanong sa akin. Magsasalita pa sana ako nang pinagkrus niya ang kaniyang mga braso’t muling nagsalita, “Mukha kang timang sa iyong ginawa.”
Wala sa sarili kong nabitawan ang espada dahil sa kakaibang bigat nito. Isa pa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ko maayos ang aking tayo, mahirap kontrolin ang espadang ito na tila ba’y hindi akma ito sa akin. Hindi ko rin mahanap ang orihinal kong porma dahilan upang hindi ako turuan ni Cayden, nais niya kasing matutuhan ko sa aking sarili ang pinakakomportable kong kumpas na halos ilang araw ko nang hinahanap.
Humagikhik ang mga squire sa gilid ni Cayden dahilan upang mapanguso ako sa hiya. Edi kayo na magaling.
“Binibing Clarabelle, ganiyan po talaga pagbaguhan pa lamang po. Naaalala ko noong isang page pa lamang ako’y hirap na hirap din ako bago nahanap ang pinakakomportableng porma ko’t isang buwan akong nahuli sa aking mga kasama,” magalang na pahayag ni Theodore.
Isa sa apat na estudyanteng squire ni Cayden si Theodore, s’ya ang may pinakamaaliwalas na mukha sa kanilang lahat na tipong halos lahat ng lumabas sa kaniyang bibig ay kapakapaniwala.
Noong nakaraan ay hindi ko gaanong nakilatis ang kanilang mga itsura dahil sa mga metal na nakataklob sa kanilang upang maiwasan ang magalusan ang kanilang mga mukha sa pakikipaglaban. Halos mapanganga ako nang malaman ko na ang isa sa kanila ay babae. At sa kanilang apat, si Vivian ang pinakamahusay sa pakikipaglaban dahilan upang maging paboritong estudyante s’ya ni Cayden.
Sa totoo lamang, hindi ineengganyo na sumabak sa pakikipaglaban ang mga babae sa kadahilanan na ang mga babae sa panahong ito ay mistulang palamuti sa mga kalalakihan.
Samantalang si Thomas ay palangiti at ang kauna-unahang tumatawa tuwing nagbibiro si Theodore. Si Thaddeus naman ay may kakaibang awra, kung pagmamasdan mo’y tila mailap at tahimik siya kumpara sa kaniyang mga kasama. Masungit ang itsura n’ya ngunit kapag ngumiti na siya’y matutunaw talaga ang iyong puso.
Marahil ito ang dahilan kung bakit malapit sa kanila si Cayden, ang pagiging magkakaiba nila ang dahilan ng kakaibang koneksyon nila sa isa’t-isa.
Pare-parehas kaming lumingon sa gilid kung nasaan ang kuwartel at tanggapan ng panauhin ni Cayden nang may tumawag sa kaniya, nang magpaalam siya sa amin ay mabilis akong sumalampak sa lupa.
“Binibining Clarabelle, marumi—”
“Marumi na rin ang damit ko, Vivian. Kaya ayos lamang iyon,” nakakindat kong sambit sa kaniya. Buntong-hininga akong tumingin sa kalangitan at mabilis napalingon sa kanila nang gayahin nila ako, “Ah! Alam ko na… Dahil napakacucute niyo ay isasama ko kayo sa susunod na pamamasyal ko.”
“Napakacucute?” Nagtatakhang tanong ni Thomas na hindi ko pinansin dahil sa pabirong pagsuntok ni Theodore sa kaniyang dibdib na tila ba’y proud na proud siya.
“Alam kong nais mo lamang kaming kunin bilang tagapagbantay mo, Binibining Clarabelle. At makakaasa ka sa amin, lalong lalo na sa ‘kin—”
“Hambog,” nakangising sambit ni Thaddeus, “Siguraduhin mong hindi ka na takot sa pipityugin na gagamba bago ka magbitaw ng ganyang mga salita.”
“Alam mo, Thaddeus… Minsan talaga ay napakasaya mong kasama.”
Tikom akong natawa dahil sa kanilang mga biruan, pailing-iling ko silang pinagmasdan hanggang sa may isang ideya ang pumasok sa aking isipan, “Ate Clara…” pareparehas nila akong nilingon ng may pagtatakha sa kanilang mga mata, “Simula ngayo’y Ate Clara na ang inyong itatawag sa akin.”
“Ngunit—”
“Hephep.” Pagpipigil ko kay Vivian, “Tapos na ang inyong pahinga’t tiyak na pareparehas tayong malalagot pagnahuli tayo ni Cayden na nag-uusap lamang.” Mabilis silang bumalik sa kanilang pag-eensayo.
Nakanguso akong tumayo at lumingon sa aking espada na puno ng pawis ko, nang sinubukan kong humiwa sa ere ay mabilis kong nabitawan ito. Mabuti na lamang at naiwasan kong matuhog ang sarili kong paa at sa paglingon ko sa mga squire ay tuon na tuon ang atensyon nila sa isa’t-isa dahilan upang hindi nila mapansin ang katangahan ko.
Saglit ko silang pinanood dahil sa nakamamanghang konsentrasyon nila. Nang sumugod si Theodore kay Vivian upang tamaan ng espada ang sikmura nito ngunit sinangga lamang ito ni Vivian at pinaikot n’ya ang kaniyang espada dahilan upang mamilipit ang braso ni Theodore. Nang lalong hinigpitan ni Theodore ang kapit sa espada n’ya ay nginisian siya ni Vivian saka sinipa ang sikmura n’ya kasabay nito ang pagtalsik ni Theodore maging ang pagtilapon ng espada n’ya sa ere.
Pinunas ko ang mga basa kong palad sa aking suot na pantalon at muling tinuon ang atensyon ko sa espada, nang balakin kong hawiin ulit ang ere ay may narinig akong pagtawa mula sa ‘di kalayuan.
Sumilip ako sa mga squire ngunit seryoso pa rin sila at nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang isang lalaking nakauniporme na katulad ng kay Cayden, mayroon din itong tatlong bituwin sa may bandang dibdib niya. At ang pinagkaiba lamang ng suot niya sa suot ni Cayden ay ang kulay nito, asul ang kay Cayden samantalang ang kaniya ay kulay pula na nagpapahayag na isa siyang miyembro ng royal family.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa aking direksyon, katulad ni Nikolai ay may mayabang itong awra ngunit hindi iyon ganoong nakasisindak. Itim na itim ang mga mata niyang nakatitig sa akin, magulo rin ang kaniyang itim na buhok na tila ginulo niya lamang upang magpahanga siya. At nang makarating siya sa aking tapat ay isang nakaaasar na ngisi ang sumilaw sa mapula niyang labi.
“Binibining Clarabelle, hindi nababagay na humawak ng isang maruming espada ang isang magandang binibini na tulad mo.”
“At hindi rin nababagay sa ginoong katulad mo na mangielam,” nakangiti kong sambit. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngisi dahilan upang tapunan ko siya ng isang nagtatakhang tingin.
“Humihingi ako ng kapatawaran sa aking nasabi,” sambit niya pagtapos niyang yumuko. Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na lamang niyang kinuha ang espada sa aking kamay at tinungkod iyon sa lupa, “Nabibigatan ka sa espadang ito.”
“Ha?”
“Kanina pa kitang pinanonood do’n at ilang beses ka na rin ngumingiwi na kinukubli mo sa iyong mga ngisi.” Okay, creepy. Inismiran ko lamang siya at ngumiti naman siya, “Maaari kitang matulungan sa iyong problema.”
Magsasalita pa sanay ako nang bigla niya akong tinilakuran at mabilis na kinuha ang espadang tinungkod niya sa lupa’t tumungo sa mga squire na nagbabakbakan. Pareparehas tumalsik sa ere ang espada ng apat na squire, gulat ang mga mata nilang nilungin ang lalaki kasabay nito ang sunod-sunod na pagyuko nila.
May sinabi pa ito sa mga squire dahilan upang linungin ako ng mga bata, tumango sila sa lalaki bago ito muling bumalik sa aking harapan.
“Maaari ka bang sumama sa ‘kin?” Nakangiti niyang tanong. Nakangiwi kong nilingon ang apat na squire at pareparehas silang tumango habang may thumbs up pa. “Hindi ako gagawa ng kahit anong masama sa iyo. Ang takot ko na lamang kay Carsten… Tutulungan lamang kitang maghanap ng espadang nababagay sa iyo.”
Walang pasabi niya akong hinila patungo sa kuwartel kung nasaan ang kuwartong puno ng mga sandata, nang makarating kami ro’n ay mas lalo akong napasimangot dahil mas mabibigat ang mga espadang nakikita namin.
“Mas mabigat ko,” bugnot kong sambit sa kaniya.
Bigla siyang humawak sa kaniyang baba at tumitig sa akin. Nakangiwi ko naman siyang tinitingnan habang kinikilatis niya ako mula ulo hanggang paa.
“Rapier.”
“Hu—huwag po! Birhen pa ako!” Wala sa sarili kong sambit. Saglit siyang napatigil bago humagalpak ng tawa na tila ngayon niya lamang naintidihan ang ibig kong sabihin, “Ba—bakit? Hindi ba’t sinabi mo ay rape?”
“Putragis.” Mas lalong lumakas ang tawa niya, may paghampas pa siya sa lamesa’t hindi ako matingnan ng diresto. Nang maubos ang tawa niya ay kaniyang pinunasan ang luha niya dahil sa pagtawa niya. “Ang sabi ko ay Rapier. Isa ‘yong uri ng espada na maaaring bumagay sa iyo.” Tangina, nakakahiya.
Mabilis akong yumuko sa kaniya at humingi ng tawad. Saan ba puwedeng magpalamon sa lupa rito?
Pailing-iling siyang naglakad palayo sa akin at sa ‘di kalayuan ay binuksan niya ang drawer na nakadikit sa pader. Nang sumunod ako sa kaniya ay napansin ko ang tatlong maninipis na espadang nakalagay ro’n. Kinuha niya ang espadang nakalagay sa gitna at kinalatis iyon bago binigay sa akin.
Magaan ito at maaaring lagyan ng isang kakaibang bato ang hawakan nito bilang disenyo.
“Kumusta?”
“Magaan siya. Maraming salamat?” Nakangiti kong sabi habang pinahihiwatig ko na nais kong malaman ang kaniyang pangalan ngunit ngumisi lamang siya sa akin.
At mula sa kaniyang bulsa ay may nilabas siyang isang gintong locket na tila may laman sa loob. Bumungad sa amin ang isang makintab na bato na pinaghahalong asul at berde ang kulay, nang masinagan ito ng kakarampot na liwanag mula sa bintana ay naging kulay lila ito.
Marahan niyang kinuha sa aking palad ang rapier at nakangiti nitong nilagay ang bato sa hawakan ng rapier, “Ang batong ito ay tinatawag na Alexandrite… Ang bato na sumisimbulo sa aking pangalan.”
Kumislap ang mga mata ko nang mapatitig ako sa kaniya, hindi ko alam na ang ilang pagbabagong ginawa ko ay magiging dahilan upang personal kong makilala at makita ang pinakatandyag at mailap na mandirigma ng emperyo.
Prince Alexander Hamilton.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top