Chapter 43: Shades of Melancholy
Chapter 43: Shades of Melancholy
Matured Content
═════◈♔◈═════
Bigat sa katawan ang una kong naramdaman nag marahan kong binuksan ang aking mga mata, mabilis ko rin iyon pinikit at inayos pagsilip ko sa buong lugar. Ramdam na ramdam ko ang kadena na nakatali sa mga kamay ko maging ang malamig na sahig aking hinihigaan.
May ingat kong inangat ang aking ulo't pinadausdos ang aking mga mata sa hinihingal at impit na boses ngunit agad ko rin na pinikit ang aking mga mata dahil sa nakita kong ginagawa nila.
Isang tahimik na buntong-hininga ang pinakawalan ko't binagsak ang aking katawan na tila ba'y tulog pa rin ako upang hindi nila ako mapansin. At kahit malayo man ang agwat ko sa kanila dahil ako'y nakakulong ngayon sa isang rehas, hindi pa rin nakatakas sa aking mga mata ang nakasusuka nilang ginagawa.
Marapat na ako'y nakinig na lamang sa bilin ni Columbus. Tangina.
"A-Ako si Clarabelle..." rinig kong pag-ungol ni Beatrice.
Nais ko man na takpan ang aking tainga ay hindi ko magawa dahil na rin sa nakatili sa aking kamay. Tangina. Bakit kailangan ko bang marinig 'to?
"Ama... masarap ba ako?"
"Ah..."
Kagat-labi akong nagtiis habang pinakikinggan ang boses ni Beatrice habang nakikipagtalik kay Cassimo. Hindi ko alam ngunit isang bagay lamang ang naiisip ko-mayroon siyang isa pang katauhan. Marahil ito ay nabuo dahil sa pang-aalipusta at paulit-ulit na panggagahasa sa kanya noon.
At ngayon, pakiramdam niya ay ako siya.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata nang malakas siyang umungol at ito ay umalingawngaw sa buong silid.
"Hindi ba't isa kang mabuting anak, Beatrice?" Rinig kong tanong ni Cassimo, "Kung ganoon ay bantayan mo si Clarabelle. Hihintayin lamang natin sina Nicholas... saka natin kikitilin si Clarabelle upang tuluyan mo nang maangkin ang kanyang pangalan."
Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto ay parang bata na bumungisngis si Beatrice. Baliw. Ano kayang nakakatawa ro'n?
Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ngunit ramdam na ramdam kong nakatayo sa tapat ng rehas si Beatrice, humuhini niyang pinadausdos ang kanyng daliri sa mga bakal hanggang siya ay nagdabog.
Ang mga mata ko ay nanatiling pikit ngunit ramdam ko na nakatayo sa tapat ng rehas si Beatrice. Nilaro niya ang rehas sa pamagitan nang pagpapadaan ng kamay niya roon upang gumawa ito ng ingay.
"Hmm... apat na buwan kang nawala..." bulong n'ya, "At ngayon ay bigla ka na lamang babalik... sa tingin mo ba'y hahayaan kong masira mo ang aking buong pamilya?"
Saglit akong napaisip dahil sa mga katagang binitawan niya. Sinong pamilya ba ang tintukoy n'ya? Ang mga Halimton ba o ang mga Marquez? Hirap talagang intindihan ng mga siraulo.
Nagulat na lamang ako nang higitin niya ang aking buhok dahilan upang sumalpok ang mukha ko sa matigas at malamig na rehas, halos mahalnit na ang aking anit dahil sa higpit at gigil nang pagkakapit n'ya sa akin.
"Bakit bumalik ka pa?! Bakit?!" Galit na galit n'yang sambit, "Tanggap na nilang ako si Clarabelle! Ako si Clarabelle Marquez!"
"Bi-bitawan mo ako!"
Mas lalong humigpit ang kapit n'ya sa akin nang marinig niya ang boses ko. Buong lakas ko na pinipilit na itagilid ang aking ulo upang maabot ang kanyang kamay.
"Tanggap na nila! Tanggap na ni Columbus na ako si Clarabelle! Tanggap na nina Kuya Cayden at Kuya Carsten-" Hindi na niya nagawang matapos ang kanyang katangahan nang kagatin ko ang kanyang kamay. Nang mabitawan niya ako'y mabilis akong umurong patungo sa dulo ng rehas upang hindi niya ako maabot.
"Huwag na huwag mong matawag-tawag na kuya ang mga kapatid ko. Masyado kang feelingera, Beatrice."
At dahil sa inis ay basta na lamang niyang binunggo ang rehas, pilit akong inaabot kahit na sobrang layo na ng agwat namin. Wala sa sarili akong napangisi dahil sag alit niyang pinakikita.
"Mamatay ka na-"
"Mauna ka muna, susunod ako," nakangiti kong sambit.
"Papatayin talaga kita-"
Mas pinalawak ko ang ngiti ko dahilan upang lalo siyang mainis, "Ginagawa hindi nginangata."
"I... Isa kang baliw!" Halos matawa na ako sa aking puwesto dahil sa kanyang pagkagulat. Parang tanga amputa.
"Gaga. Ikaw 'yon," ani ko. Dahan-dahan na umatras si Beatrice sa akin tila siya ay aligaga at napuno ng takot ang kanyang mga mata.
Nang bumalik siya ay may dala na siyang susi ngunit hindi ako natuwa nang makita ko ang kutsilyong hawak niya. Ang mga mata niya ay may bakas pa rin ng takot at pangamba, tila ba'y panibagong persona na naman ang kanyang pinakikita sa akin.
"H-hindi ko hahayaan na ako'y masaktan mo, Haring Nicholas!" Hala. Bagong character ko?
Agad niyang tinutok sa akin ang kanyang hawak na kutsilyo nang makapasok siya sa loob. Nanginginig siya kaya't tiyak akong hindi ganoon kahigpit ang hawak niya sa kutsilyo, nang humakbang siya palapit sa akin ay sinipa ko ang kanyang binti dahilan upang matisod siya.
Nang mabitawan niya ang hawak niya'y gumapang ako palapit sa kanya. At sa dahan-dahan na pag angat niya sa kanyang ulo'y ginamit ko ang tyansang iyon upang pag umpugin ang aming ulo.
Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa akin, ngunit mas mahalaga ang pagkakawala ng malay ni Beatrice. Gumapang ako sa mga susi't hinanap do'n ang kapares ng rehas, matapos kong pakawalan ang aking sarili ay nilipat koi yon kay Beatrice. Ginulo ko rin at hinarang sa kanyang mukha ang kanyang buhok.
Nang ginala ko ang paningin ko'y naghanap agad ako ng rapier o kahit anong espada sa lugar, mabuti na lamang at mayroon sa gilid ng silid. Hindi ko mapigalan ang hindi mapangisi nang lumabas ako't siniyasat ang mga pasilyo, ito ang dating kampo nina Haring Adelio.
Tiyak akong si Beatrice ang nagpatakas at nagturo ng lugar na ito sa kanila. Hindi madaling mahanap ang lugar na ito kaya't hindi ito mahanap noon ng magulang ni Nikolai.
Nang makarating ako sa dulo'y agad kong binuksan ang isang napakalaking bintana at do'n ako tumalon patungo sa ika-unang palapag. At dahil sa damuhan ako bumagsak ay walang kahit anong sakit sa katawan ang tinamo ko, ngunit nabigla ang aking katawan dahil sa malamig na bugso ng hangin.
Matuling akong tumakbo palayo sa kampo na iyon, nang maklayo ako ro'n ay agad din akong napangiwi at napatigil sa pagtakbo dahil sa aking nakasalubong.
"Oh... shit," wala sa sarili kong bulalas.
Nakangisi sa akin si Ginoong Nicholas, may bahid man ng pagtatakha ang mga mata niya ngunit dahan-dahan niyang inangat ang kanyang espada upang ako'y atakihin.
Mahigpit kong hinawakan ang aking rapier at sinangga ang mabilis niyang paghampas sa aking gawi, nakangiwi ko lamang siyang tinitingnan habang iniinda ang bigat ng kanyang puwersa.
Nang itulak ko siya'y sinubukan kong sipain ang kanyang t'yan ngunit nasalo niya iyon dahilan upang hilahin niya ako't masipa sa aking baiwang. At dahil sa lapit namin, ginamit ko ang aking ulo upang bungguin ang kanyang baba.
New skill acquired: Headbutt ni Clarabelle.
Napaatras siya't muling ngumisi sa akin, "Hindi ko inaasahan na magiging ganitong kapalaban ka, Clarabelle. Isang suwail na babae."
"Alam ko naman takot ka sa akin dahil sa mga nalalaman ko, Ginoo," nakangiti kong sambit, pang asar kong tinagilid aking ulo't muling nagsalita, "Ngunit kung inaakala mong ako lamang ang nakakita sa inyong ginawa noon ay nagkakamali ka... hindi ka ba nagtatakha kung bakit hindi nakikisaya sa inyo ang pamilyang Montgemory?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isang miyembro ng pamilyang Montgemory ang may alam tungkol sa inyong pagkakasala... maging sa dahilan nito, Ginoong Nicholas."
Nagkaroon ng takot ang kanyang mga mata, wala sa sarili siyang sumugod sa akin ngunit ang anking galing niya ay hindi pa rin nawala. Bahagya niyang nagalusan ang aking braso't umatras ako.
Ngunit dahil naguguluhan ang kanyang utak ngayon ay nagkaroon ako ng tyansa upang masipa siya sa kanyang tiyan, impit siyang napaungot dahil sa sakit. Ginamit ko rin ang hilt ng rapier upang tamaan ang kanyang batok dahilan upang maluhod siya.
At habang dinadama niya ang sakit, sinubukan kong tumakbo palayo sa kanya ngunit may isang rapier ang humarang sa aking leeg dahilan upang mapatigil ako sa aking pagtakbo.
Ang maliwanag na buwan ay dahan-dahan na nagbigay liwanag sa kanyang mukha at katulad ng simoy ng hangin, ang kanyang prisenya ay tila isang malakas na bugso ng mga nyebe.
"Nikolai..."
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top