Chapter 42: Marry Me
Chapter 42: Marry Me
Masaya kong ginala ang aking mga mata at pinagmasdaan ang daanan sa siyudad. Pinagdiriwang ngayon ng mga mamamayan ang Pista ng Pag-aani, kung saan binibida ng bawat magsasaka ang kanilang magagandang ani at pinagkakaguluhan naman iyon ng iba pang mamimili. May mga patimpalak din na ekslusibo lamang sa mga magsasaka, mga paramihan ng ani, palakihan ng prutas at iba pa.
Halos mag-iisang linggo na rin simula noong bumalik kami sa emperyo nina Amelia at Alexander, bukod do’n ay nakausap ko na rin ang aking mga kapatid tungkol sa naging sitwasyon ko. At dahil hindi pa rin nahuhuli ang aking ama at sina Ginoong Nicholas ay sa palasyo ako namamalagi, mahigpit ang aking mga bantay dahil sa kautusan na rin ni Haring Adelio at ngayon lamang ako nakapagliwaliw muli.
Hindi na rin naman ako nagrereklamo dahil bumibisita rin sa aking sina Thaddeus at Thomas maging si Vivian. Samantalang si Amor ay abala naman sa Miguelitas bilang siya ay kasosyo ng may-ari nito, limitado rin ang kanyang pagdalaw at kung minsa’y gabing-gabi pa.
“Clara, bilisan mo!” Paghila sa akin ni Amelia sa isang tindahan, kumuha siya ro’n ng isang korona na gawa sa isang bulaklak at nilagay iyon sa aking ulo, “Mamaya mo na isipin si Columbus. Maaari bang ako muna?”
“Siraulo ka ba?”
Inismiran niya ako’t pinanliitan ng mata, “Kunwari’y hindi ko pansin na malapit na kayong magkapalit ng mukha dahil palagi kayong magkasama. Kunwari lang naman,” sambit niya.
“Siraulo ka talaga.”
Mahina siyang humalakhak at muli akong hinigit, “Bilisan na natin at hinihintay pa tayo nina Amor at Beatrice.”
Sa gitnang bahagi ng kalye ay hinihintay kami nina Amor. Kahapon ay talagang nagplano kami sa magiging pamamasyal naming apat ngayon, nais kasi ni Amelia na magkaroon kami ng ekslusibong kasiyahan na kaming mga babae lamang. Niyaya rin namin si Vivian ngunit dahil isa siyang knight ay kailangan niyang gumala kasama nina Thaddeus.
“At bakit ka nagpapaganda? Mukha bang kami si Columbus?” Bungad sa akin ni Amor.
“Masaya rin akong nakita kita, Amor.” Pagngisi ko, ang mga mata niya’y nakatuon sa aking ulo kaya’t inirapan ko siya, “Si Amelia ang naglagay nito sa aking ulo. H’wag kang malisyoso r’yan.”
Bahagyang natawa sa amin si Beatrice na ikinailing naming lahat. Matapos an gaming munting batian ay sinuyod namin ang bawat tindahan, marami kaming natipuhan na bilihin at maging mga pagkain.
“Hala! Clara, bagay sa iyo ito.” Pagkulbit sa akin ni Beatrice, marahan niyang inagaw ang kamay ko’t sinuot sa aking daliri ang isang singsing na may kulay pulang bato, “Isang palatandaan ko na ikaw si Clara. Pag naligaw kay hahanapin ko na lamang ‘yan sa daliri nang makakasalubong ko.”
Magsasalita pa sana ako nang lumingon si Beatrice sa kabilang kanto kung nasaan sina Amor at Amelia.
“Clara! Clara!” Rinig kong tawag ni Amor.
Parehas kaming napangiwi ni Beatrice nang lumapit kami sa kanya dahil sa kababuyan na kanyang ginagawa sa pakwan. Nakatapat lang naman sa kanyang dibdib ang dalawang pakwan habang siya’y nakangiti na abot langit.
“Anong ginagawa mo?” Tanong ko.
“Sabi ko kay Amelia kanina’y kailangan niyang bumili nito total ay wala naman siyang dibdib.” Inis na hinablot ni Amelia ang pakwan at binalik iyon sa lagayan habang masama ang tingin na pinupukol kay Amor.
Bahagya naman kaming tumagilid ni Beatrice upang ikubli an gaming pagtawa sa bugnot na si Amelia, ngunit iyon ay kanyang nakita pa rin kaya’t pinanliitan niya kami ng mga mata.
“Hindi patag ang aking dibdib!” Singhal n’ya.
“Kulang na nga lamang ay d’yan tayo magdiwang ng pista—”
“Hindi ako nagsasalita ng masasamang salita, ngunit…” pagtigil ni Amelia, “Putangina mo, Amor.”
Bahagya akong lumayo sa kanila nang magsimulang magtalo sina Amor at Amelia samantalang si Beatrice ay hindi na mawari kung paano aawatin ang dalawa.
Ilang minuto pa an gaming hinintay bago tuluyan silang matigil at manumbalik sa aming pamamasyal. Habang sinusuyod namin ang daan, marami kaming napagusapan. Katulad na lamang nang pagbabalik nitong pista, nang tinalaga kasing Hari si Ginoong Nicholas ay inalis niya ang tungkol ng pagdiriwang tungkol sa mga mahihirap kaya’t isang malaking pasasalamat na bumalik si Haring Adelio sa lahat.
Lalong-lalo na sa pamilyang Montgemory.
At nang sumapit ang takipsilim, isang malaking siga ang nilagay nila sa gitna ng bayan. Kung saan do’n nag aalay ang bawat isa ng kanilang mga dasal at pasasalamat sa Poong Maykapal sa masaganang ani at matayog nilang pamumuhay.
Ang iba ay pinagdadasal din ang kanilang mga mahal sa buhay kung saan nagtatapon sila ng bulaklak sa siga kasabay ang kanilang pagpikit at damdam sa prisensya ng Panginoon.
Bungtong-hininga kong ginala ang aking mga mata, sina Amelia at Alexander ay nagsasayaw sa gilid samantalang sina Amor at Beatrice ay sinusuyod ang mga kainan.
Dahan-dahan kong inabot ang korona sa aking ulo at taimtim na pinanood ang pagsaway ng apoy sa aking harapan. At sa pagpikit ko sa aking mga mata, ang imahe ni Theodore ang rumehistro sa aking utak. Nang akmang itatapon ko na ang bulaklak ay may pumigil dito dahilan upang mapamulat ako.
“‘Yan na nga lamang ang nagpapaganda sa’yo ay itatapon mo pa. Mali ‘yon.”
“Ha?”
“Hat—”
“Hayop ka,” barumbadong sambit ko na nagpangisi sa kanya.
“Iyan ba ang tinuturo sa iyo nina Alexander sa mga nakalipas na buwan?” Tanong n’ya at inagaw sa akin ang korona. Saglit niyang hinawi ang buhok ko sa unahan saka iyon muling binalik sa aking ulo. Nang ngumiti siya sa akin ay nilahad niya sa akin ang isang puting rosas, “Ipagdasal mo na si Theodore… balita ko’y siya ang paboritong mong estudyante ni Cayden.”
Mahina niya akong tinulak dahilan upang ipikit ko ang aking mga mata kasabay ang pagtapon ng bulaklak sa apoy, ang saglit na katahimikan ko’y pinagdasal si Theodore.
Ang pagsasambit sa kanya ng maiikling kuwento at paninigurado na maayos lamang kaming mga naiwan niya. Bukod do’n ay hinayag ko sa kanya na nasa pangangalaga nina Haring Adelio ang kanyang pamilya kaya’t hindi na niya kailangan pang magalala.
“Tapos na,” nakangiti kong sambit kay Columbus.
Binigyan ko siya ng isang nagtatakhang tingin nang ilahad niya ang kanyang kamay sa akin, “Anong gagawin ko r’yan?”
Ang hambog na aking kaharap ay nahihiyang lumingon sa gawi nina Amelia at Alexander maging sa iba pang mga kalalakihan at kababaihan na sumasayaw sa paligid ng siga.
Pa-inosente ko siyang tiningnan, kunwari ay hindi maintindihan ang kanyang nais na gawin.
“Hmm?”
“Inaasar mo ba ako, Belle?”
Isang ngisi lamang ang binigay ko sa kanya at tinalikuran siya. Nang binalak kong maglakad paalis sa kanya ay bigla na lamang niyang hinigit ang aking braso’t hinapit ang aking baiwang palapit sa kanya dahilan upang maging isang pulgada na lamang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.
Bigla na lamang ako napalunok nang magtama ang aming mata. Tila ba’y nagkaroon ng isang malambing na musika sa paligid na sinasabayan ng mga mananayaw, na ang bawat galaw nila ay sumasabaw sa ritmo.
At kasabay nang pagkislap ng mga mata ni Columbus ay pagngiti sa amin ng kalawakan, ang buwan at mga bituwin ay nakikisayaw sa himig ng musika.
“Belle…”
“Columbus…”
Saglit niya muna akong inikot bago kami tuluyan na sumabay sa iba. Nang pinatong niya ang kanyang noo sa ‘kin ay lihim akong napangiti.
At gamit ang isa n’yang kamay ay sinarado niya ang aming mga daliri, “Kanino galing ang iyong suot na singsing?”
“Sa iyong kapatid.”
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko’t tinunghay ang aking ulo, “H’wag ka munang sasama kahit kanino… kung kayo lamang dalawa, maaari ba?”
“Hindi ko maintindihan…”
“Ang nais kong sabihin… kunwari’y kayo lamang ni Beatrice. H’wag kang sasama kung siya lamang ang kasama mo. Dapat ay tatlo o marami kayo.”
“Ngunit pag ikaw ay ayos lamang?”
Ngumisi siya’t humalakhak, “Bakit? Sa tingin mo ba’y ipapahamak kita?” May halong biro man ang pagkakasambit n’ya ngunit damang-dama ko ang pagiging seryoso ng bawat katagang iyon.
At habang ako’y nalulunod sa kanyang mga mata’y ginamit niya ang panahon na iyon upang alisin ang singsing na binigay sa akin ni Beatrice. Ilang beses akong napakurap sa kanya nang bigla na lamang siyang lumuhod sa aking harapan kasabay no’n ang pagbabago sa paligid.
Ang mga tao sa paligid, mga bata, magkasintahan at matatanda ay sumayaw habang kami ay pinapalibutan. Nasa madla rin ang aming mga kaibigan at mga kakilala, nakangiti sila’t tila ako lamang ay may hindi alam sa planong ito ni Columbus.
Ang mga bata’y nagpapaulan ng mga puting rosas habang umaawit ang mga magkasinatahan dahilan upang dahan-dahan na pumatak ang aking mga luha, hindi dahil sa lungkot ngunit dahil sa umaapaw na saya.
“Columbus…”
Isang malawak na ngiti ang kumubra sa kanyang mga labi kasabay no’n ang pagkuha niya ng isang singsing sa kanyang bulsa.
“Clarabelle Marquez…”
“Columbus Hamilton…”
“Pakakasalan mo ako.”
Bigla na lamang tumigil ang mga luha ko dahil sa isang pagtatakha at inis na umusbong sa akin. Blanko kong pinunasan ang luha ko’t sinamaan siya ng tingin.
“Ano?”
“Pakakasalan mo ako.” Tumayo siya’t ngumiti sa akin kasabay no’n ang marahan na paghigit sa aking kamay at habang nilulunod niya ako sa mga mata niya’y sinuot niya sa akin ang singsing. Isang asul na dyamante.
Marahan kong binasa ang pang ibabang labi ko’t kinuyom ang kamay kong hawak niya hanggang sa sinuntok ko ang kanyang bagang.
“Tangina mo.”
“Aray! Ang sakit ha!”
“Patanong ang pag-aaya! Hindi iyon utos—”
Bigla na naman niya akong hinigit, “Ako si Columbus Hamilton. Ibang-iba ang mga pamamaraan ko… lalong-lalo na kung tungkol iyon sa iyo.”
Ang malakas na hiyawan sa paligid ay mabilis akong hinigit pabalik sa reyalidad. Tila ako’y tinubuan ng hiya dahil sa munting mga manonood naming.
“Nahihiya ako…” Bulong ko habang nakangiwi sa kanya, “Tangina mo kasi. Kasalanan mo ‘to.”
Malambing siyang humalakhak at hinigit ako paalis sa mga tao. Dinama namin ang malamig na simoy ng gabi habang nilalagad ang madilim na pasilyo patungo sa bahay nina Amelia, tahimik ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa lalaking aking kasama ngayon.
“Belle…”
Muli na naman niyang inagaw ang aking atensyon dahilan upang parehas kaming napatigil sa paglalakad. Malamlam akong ngumiti sa kanya, saglit na sinulyapan ang singsing na inalay niya sa akin at pinulupot ang aking mga braso sa kanyang balikat.
Sa tatlong beses akong nakalimot… sa kanya lamang ako paulit-ulit na nahulog.
“Noon, ngayon, at sa susunod na habang buhay… mananatiling ikaw ang aking iibigin, Columbus Hamilton.”
Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata hanggang sa maglapat ang aming labi. Ang nakabibinging paligid ay dahan-dahan na sinakop ng malakas na kalabog ng aming mga dibdib. Lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya nang hapitin niya ang aking baiwang palapit sa kanya.
Malugod at marahan niyang nilasap ang aking mga labi tila ba’y sabik na sabik siya ro’n. Nang dahan-dahan kaming humiwalay sa isa’t-isa ay parehas kaming nangapa sa hangin.
Ang dalawa niyang kamay ay hinanap ang aking mga pisnge’t kanya iyong pinisil kasabay ang isang halik sa aking noo.
“At kung hindi man tama ang panahon na ito para sa ating dalawa…maghihintay ako hanggang sa umayon na lahat sa atin. Tandaan mong mananatiling ikaw lamang tinitibok ng aking puso, walang iba… dahil ikaw… ikaw ang babaeng mamahalin kong panghabang buhay, Clarabelle Marquez.”
═════◈♔◈═════
Nang makarating kami ni Columbus sa bahay ni Amelia ay inulan kami ng mga nagtatakhang tingin. Bugnot kong tiningnan si Amelia na nakangisi sa akin.
“An gaga niyo yata? Akala ko’y uumagahin pa kayong dalawa—”
Pagulat akong tumingin kay Amor at tinuro si Amelia, “Hala, Amor! May nagsasalitang anyong lupa!”
Nang mapanganga si Amelia sa aking pang-aasar ay agad kong sinalubong ang mga kapatid ko’t binigyan sila ng halik sa kanilang mga pisnge, maging sina Thaddeus, Thomas at Vivian.
Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Amor kaya’t kinurot ito ni Amelia.
“Bakit nadamay na naman ang aking dibdib?!” Inis na tanong ni Amelia.
Ginaya ako ni Amor at gulat na tinuro rin si Amelia, “Hala! Mayroon ka ba no’n?”
Pataas-taas ang kilay ni Amelia sa inis nang tumingin siya kay Alexander at tinuro si Amor, “Hindi mo ba ako ipagtatanggol man lamang sa siraulong itong?”
“Ipinagtatanggol ko si Amelia kay Amor,” sambit ni Alexander.
Ang katangahang iyon ay nagbukas sa panibagong away. Pailing-iling akong tumungo sa kusina’t kumuha ng inumin do’n, nang balakin kong bumalik sa salas ay napansin ko ang siwang sa pintong patungo sa likod na hardin.
Nang sasaraduhan ko iyon ay napansin kong may tao sa labas, pamilyar ito dahil si Beatrice iyon. Nakasandal siya sa may puno’t tila dinadama ang lamig na dala ng gabi.
Wala sa sarili akong tumungo sa kanyang direksyon at bago pa man ako makapagsalita ay bigla naman niyang minulat ang kanyang mga mata.
“Beatrice, tara na sa loob.”
Minata lamang niya ako na tila walang bahid na kahit anong emosyon siyang nararamdaman. Mula ulo hanggang paa niya akong pinagmasdan hanggang sa tumama ang kanyang mata sa aking daliri kung saan may nakasuot na singsing.
Ngumiti si Beatrice at unti-unti niyang tinaas ang kanyang kanang kamay, binida sa akin ang isang singsing na may pulang bato. Ang katulad na singsing na kanyang binigay sa akin kanina.
“Ako si Clarabelle Marquez,” sambit n’ya.
Nagtatakha ko naman siyang pinagmasdan hanggang sa ang ngiting sa kanyang mga labi ay dahan-dahan akong binibigyan ng kaba sa aking dibdib. Aatras na sana ng may maramdaman akong panibagong tao sa likod.
At bago pa man ako makalingon sa direkyon nito, ito ay nagsalita na dahilan upang mabilis na tumulo ang aking mga luha.
“Lady Marquez.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top