Chapter 4: The Prince and The Popper

Chapter 4: The Prince and The Popper

Tumigil ang karwahe sa isang talahiban, ang mahahalimuyak na mga bulaklak maging ang mga luntiang mga damo ang sumalubong sa amin. Nang makababa ang prinsipe ay agad ako nitong inalalayan nang makakaba ako nang maayos, sa ‘di kalayuan ay may isang napakalaking puno’t makikita sa likuran nito ang napakalaking pader na sumasakop sa buong emperyo.

Saglit akong nginisian ni Nikolai saka nito biglaang inagaw ang aking kamay at hinila sa direksyon ng puno, ang kutsero nama’y agad na umalis na tila alam niya na ang plano ng prinsipe. Nang makarating kami sa may puno, bumungad sa aking ang isang malaking mantel na may iba’t-ibang mga pagkain na nakapatong do’n.


Binigyan ko s’ya ng isang nagtatakhang tingin na kunwari’y hindi ko alam ang ibig sabihin ng kaniyang munting surpresa.


Ang tanging pinagtatakha ko lamang ay ang kakaibang kilos n’ya. Marahil ay paunti-unti kong nababago ang takbo ng aking buhay kaya’y nagkakaroon din ng pagbabago sa pakikitungo ng mga tao sa akin. Walang interes sa ‘kin si Nikolai, ang kasal namin ay nagsilbi lamang bilang paraan upang palakasin ang emperyo.


Marahan n’ya akong inalalayan sa pag-upo, “Alam mo ba… May nabasa akong sa isang libro na nais ng mga babae na tinuturing silang espesyal,” malambing n’yang sambit ngunit wala naman akong pakielam.


Tinitigan ko lamang s’ya habang siya ay nagmamasid sa kapaligiran. Tila’y hindi siya ang Nikolai Hamilton na noo’y aking kakilala, na kahit saang anggulo ko siya tingnan ngayon ay kakaiba siya kumpara noon na para bang may mali.


“Demonyo ka ba?” Mabilis akong napatikom sa aking bibig dahil naibulalas ko ang bagay na aking iniisip lamang.


“Anong sabi mo?”


“Sabi ko mukha kang anghel pagtahimik ka.” Hindi, demonyo talaga ‘yon.


Malumanaw siyang humalakhak saka hinaplos ang aking palad, “Isang buwan simula ngayo’y magiging asawa na kita… Magiging Hamilton ka na.” Eh, tuloy ba ang kasal?


Tila pagod n’yang pinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat dahilan upang ako’y makaramdam ng kaba. Nang tinagilid n’ya ang kaniyang ulo ang bigla na lamang akong hinalikan sa leeg kaya’t bigla ko na lamang siyang naitulak palayo habang nanlalaki ang mga mata ko.


“Isa pa’t hindi lamang ‘yan ang aabutin mo,” singhal ko sa kanya na ikinatawa lamang niya.


Nang tumigil siya sa pang-aasar ay seryoso niya akong pinagmasdan, “Bakit sumama ka kay Cayden kanina?”


“Tumatakas ako sa init ng ulo ni Ama dahil sa iyong kagagawan.”


“Maganda naman ang iyong ideya. Ngunit pagmali nga lamang iyon ay malalagot ang iyong pamilya bukod do’n ay hindi matutuloy ang kasal natin—”


“Talaga ba?”


Bigla siyang naubo na tila ba’y hindi niya inaasahan ang masaya kong tugon, “Bakit ba tila ayaw mong maikasal sa akin?” natatawa niyang tanong.


“Hindi tayo bagay?”


“Mayroon ka bang… iniibig ngayon?” Tanong n’ya sa akin. Dahan-dahan kong pinatong ang aking baba sa aking palad na tila’y nag-iisip, nang naiilang siyang tumawa ay bigla siyang bumulong, “Wala siya rito pero ba’t tila may kakompetensya pa rin ako…”


“Sino?”


“Wala, wala. Narinig ko pala ang sinabi ni Cayden. Nais mong matuto kung paano gumamit ng espada?”


Tumango-tango ako sa kaniya na parang bata, “Oo. Hindi naman sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa akin.” Charot lang ‘yan. Panglaban ko sa’yo pagpinatay mo na ako para naman ready ako.

“Bakit hindi ka na lamang sa akin magpaturo? Ako ay isa sa pinakamahusay pagdating sa pakikipaglaban.” Pinanliitan ko siya ng mga mata saka ko siya inirapan.


“Ayoko. Sa kuya ko na lang.”

“Hindi naman matuturo sa iyo lahat ni Cayden.”


Nilingon ko siya’t napansin ang isang ngisi sa gilid ng kaniyang labi, “May posisyon si Cayden sa emperyo’t alam kong ituturo niya sa akin lahat ng alam niya.”


“Hmm…” Nagkibit-balikat siya’t mas lalong umusbong ang pang-asar na tono n’ya, “Puwera sa isang bagay?”


Bigla na lamang siya humilig sa akin habang hawak ang dalawa kong kamay, “Hindi niya kayang ituro sa iyo kung paano magbaon ng espada.” Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinalikan, marahan niya akong sinandal sa puno’t hinapit ang aking baiwang at mas lalong diinan ang halik. Wala sa sarili ko namang pinatong ang dalawa kong kamay sa kaniyang balikat. Nang dahan-dahan kaming magkalayo’y muli siyang ngumisi, “Kaya kong ituro sa’yo kung paano magbaon ng espada ngunit hindi maaari rito.”


Ilang beses akong kumurap bago ko napagtanto ang nais niyang sabihin dahilan upang sipain ko siya nang malakas.


Tangina, ang manyak talaga.


Pinanlisikan ko siya ng mga mata dahilan upang tumawa siya nang malakas. ‘Yong pasensya ko sa kamanyakan niya ay malapit na maubos, pakiramdam ko’y kaunti na lamang at mapapatay ko na siya.


Nang tumigil sa paghalakhak ay pumalumbaba siya’t tinitigan ako, “Kahit saang anggulo kita tingnan ay tila may kakaiba sa’yo. Tila ba’y hindi ikaw si Clarabelle na anak ni Senior Cassimo, para bang isang araw na lamang ay nawala ang imahe ng matapobreng Clarabelle Marquez na nakilala ko simula bata pa lamang ako. Ang babaeng ‘yon ay hindi mag-aaksaya ng panahon upang makibaka sa usapan ng hari—”


“Nakashabu ka ba?”

Ilang beses siyang kumurapkurap na tila hindi naintindihan ang sinabi ko, “Ano?”


“Walang kang ulit sa mga pangit.”


“Hibang na babae,” natatawa niyang sambit, “Kantahan mo na lamang ako, balita ko ay maganda ang iyong tinig.” Saan naman niya nabalitaan ‘yon? Ang fake news naman.


Tuhikhim ako’t pakunwaring naghahanda, “Renegade, Renegade, Renegade—”


“Anong klaseng kanta iyon?” Tanong niya’t bigla na lamang niyang pinitik ang aking noo. Sabi n’ya kumanta ako e. “Manahimik ka na nga lamang.”


Natatawa akong bumaling sa ibang diresyon nang may mapansin na pamilyar na pigura dahilan upang lingunin ko si Nikolai, “Si Amelia,” sambit ko sa kanya’t kaniya namang nilingon ang babaeng patungo rito na may kasamang muchacha.


“Magandang Araw, Mahal na Prinsipe, Binibining Clarabelle.” Ngumiti sa akin si Amelia na tila ako’y inaasar nito dahilan upang ngumiti ako ngunit ang kaniyang muchacha ay kalahati yatang demonyo dahil bigla na lamang akong inirapan nito sa harap ng prinsipe.


Mas lumawak ang ngiti ni Amelia nang binigyan niya ng isang mabilis na halik ang prinsipe sa pisnge nito dahilan upang bahagya akong magulat. Wow, aggressive. “Paumanhin, Binibining Clarabelle. Nakasanayan ko na batiin si Nikolai sa ganoong paraan,” pagulat niyang sambit.

“Ayos lamang iyon sa akin,” magalang kong tugon. Kahit magchukchakan pa kayo sa harap ko’y maayos lamang lalo na’t gumagawa ako ng paraan upang hindi makasal sa prinsipeng ito.


Kaniyang nilahad ang kaniyang kamay ngunit parehas kaming nagulat nang tampalin iyon ni Nikolai. “Tila hindi mo ako nirerespeto, Ameila. Prinsipe ang itawag mo sa ‘kin at isa pa’y huminga ka ng tawad kay Clarabelle.”

“Bakit kailangan kong humingi ng tawad sa binibini?”

Saglit kong nilingon ang prinsipe’t napansin na siya’y nakatingin sa akin habang nakangisi, marahan niyang pinulupot sa aking baiwang ang kaniyang braso bago tumingin kay Amelia, “Dahil iyong hinagkan ang kaniyang pagmamay-ari.”


Nakangiwing tumingin sa kaniya si Amelia na tila hindi masikmura ang sinambit ng prinsipe at walang pasabi na lamang silang umalis sa aming harapan na para bang hindi niya natanggap ang pagkatalo niya.

Nang mawala sa aming paningin sina Amelia ay hinapit ni Nikolai ang aking baiwang palapit sa kanya at ang mga nangungusap niyang mga mata ang bumungad sa akin.


Anong trip nito sa buhay? “Ano ang iyong problema?” Nakangiwi kong tanong.


Ngumuso naman siya at gamit ang kaniyang hintuturo’y tinuro ang kaniyang pisnge, “Halikan mo ang hinalikan ni Amelia.”


“Maayos pa bang gumagana ang iyong utak?”


Buntong-hininga niyang tiningnan at dahil wala siyang mapapala sa akin ay siya ang nagnakaw ng isang halik sa aking pisnge, “Clarabelle… Isang sabi mo lamang na layuan ko siya ay gagawin ko. Isang salita mo lamang ay susundin ko. Dahil paninindigan ko ang aking sinabi na ako’y pagmamay-ari mo.”


#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top