Chapter 36: To You
Chapter 36: To You
Ang malamig na ihip ng hangin ay yumakap sa akin kasabay n’ya, mahigpit iyon at puno nang umaapaw na emosyon. Nang humiwalay siya sa akin, ang nangungusap niyang mga mata ang agad na bumungad sa akin, tila ba iyon ay nagpapahiwatig kung gaano siya nangungulila.
At muli, ang buong atensyon ko’y natuon sa kanya. Para bang nais ko na lamang siyang titigan buong magdamag at hindi ako magsasawa o mauumay man lang.
“Belle…”
Hindi ko intensyon na kagatin ang pang ibabang labi ko ngunit nang lumapit siya sa akin, pagkatuliro ang sumakop sa sistema ko. Nang maramdaman ko ang kakarampot na distansya namin ay wala sa sarili akong napapikit.
Mahigpit niyang hinawakan ang aking pisnge at baiwang nang lumapat ang kanyang labi sa akin, malugod kong niyakap ang kakaibang sensasyon na pinararamdam n’ya sa akin. Marahan at puno ng alalay niyang tinuklas ang aking mga labi at ang nakahuhumaling niyang ritmo ay sinabayan ko.
At sa pagpulupot ko sa aking mga braso sa kanyang batok ay mas lalong lumalim at umaapaw ang emosyon na binibigay namin sa isa’t-isa at habang mas tumatagal ito ay mas lalo akong nalulunod.
“Belle…” Pinagpatong niya ang aming mga noo nang maghiwalay kami.
Hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko rin alam kung bakit basta na lamang akong bumigay sa kanya, “Ginayuma mo ba ako?” Wala sa sarili kong tanong.
Ang malambing niyang halakhak ay umalingawngaw sa paligid dahilan upang mas lalong mahulog ang mga mata ko sa kanya.
“Mabuti pa’y bumalik na tayo.” Isang mabilis na halik sa noo ang kanyang binigay niya sa akin kasabay no’n ang pagbubuhat niya sa akin.
At habang patungo kami sa kanyang kabayo ay nakatitig lamang ako sa bandang dibdib n’ya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam ng hiya sa kanya gayong siya naman itong lumapit sa akin.
Nang makarating kami sa kabayo ay buong alaga niya akong sinkay ro’n hanggang muli namin na tinahak ang daan pabalik sa palasyo. Kung saan kaming dalawa ay binalot ng isang nakabibinging katahimikan.
Ngunit sa byaheng iyon, ramdam ko ang kakaibang ginhawa at pagkapanatag sa aking dibdib.
═════◈♔◈═════
At sa pagbalik namin sa palasyo, agad kong hinanap si Alexander ngunit ang hayop na iyon ay tuluyan akong iniwan. Hindi ko magawang makaalis dahil ayaw akong tantanan nitong mayabang kong kasama, hindi ko rin alam ang daan mula sa palasyo patungo sa bahay ni Amelia.
Isa pang nakahihiyang pangyayari ay nasa ilalim lamang pala ng higaan ang aking sapatos. Ang bobo ko naman sa parteng iyon.
Tahimik kong ginala ang aking mga mata, ang silid na aking tinulugan ay pag-mamayari ni Columbus. Hindi mawari kung bakit dito niya ako dinala gayong itong silid niya’y sagrado lamang para sa kanya.
Buntong-hininga kong binuksan ang siwang sa bintana, gabi na rin kaya’t hindi rin talaga ako pinayagan ni Yabang na umalis kahit na siya’y abala. Kani-kanina lamang ay pinatawag siya ng Hari dahilan upang maiwan akong mag-isa sa kanyang silid.
Nakanguso akong naglakad at agad na tumigil sa pasilyo kung saan naka-entrata ang kanyang mga babasahin na libro. At katulad ng hinuha ko’y mahilig siya sa libro, karamihan dito’y tungkol sa politika na sadyang natural lamang lalo na estadong mayroon siya.
Pinadausdos ko ang aking darili sa mga libro hanggang sa mapukaw ng isa sa mga iyon ang aking atensyon.
Monarkiya.
Muntik na mawala sa aking isipan na iba ang takbo ng isang estadado sa panahong ito. At dahil aristokrasya ang namamayani sa lipunan ngayon, hindi ganoong tinatangkilik ang demokratiko.
Marahil dahil sa maraming aspeto. Una, hindi nais ng mga aristokratiko na mayani ang mga tao mula sa ibaba lalo na’t alam nilang magiging dehado sila kung magkakaroon ng demokratiko sa bansang ito. Lalo na’t mas marami ang bilang ng mga taong walang kapabilidad kaysa sa mayayaman.
Magiging pabor sa mahihirap ang demokratikong pamamalakad na hindi nanaisin ng mga may pera. Kaya’t pakiramdam ko’y mahihirapan pa bago maisulong ang demokratiko sa panahong ito.
Kinakailangan ng isang magiting, matalinong pinuno ng bansang ito bago tuluyan na maisulong ang gobyerong nadudulog ang lahat ng hinaing— sa mahirap man o hindi.
“Monarkiya…”
At sa panahong ito, isang monarko ang namumuno. Sa sitwasyon ng pamilya ni Columbus ay ang kanyang ama na kung minsa’y maaari rin na reyna ang mamuno. Sa emperyong ito, mula sa pamilyang Hamilton ang palaging namumuno.
Ngunit marami ang walang ideya na dalawa ang uri ng monarkiya. Ang una ay ang Monarkiyang Kontitusyonal, kung saan limitado lamang ang kapangyarihan ng hari at reyna. At ang mga miyembro ng pamahalaan ang siyang kumokontrol sa desisyon ng hari at reyna.
At dahil binubuo ito ng Parliamento, ang hari at reyna sumisimbolo lamang sa emperyo. Mga palamuti na walang kakayahan na magkaroon ng sariling desisyon.
Samantalang, ang Ganap na Monarkiya naman ay kabaligtaran nito. Kung saan ang monarko ay ganap at lubos na kapangyarihan sa buong emperyo. Walang limitasyon at lahat ng kanyang desisyon at mga salita ay walang makatatalo.
At karaniwan, ang trono ay pinapasa sa pinakamatandang anak na lalaki ng hari.
Agad na kumunot ang aking noo dahil sa naiibang libro ro’n, mali isa iyong kuwaderno. Pamilyar ito sa akin dahil ito ay disenyo ng isang kuwaderno mula sa kasalukuyang panahon, nang abutin koi yon ay agad kong pinuntahan ang unang pahina.
Hulyo 23.
Clarabelle Marquez
Sa kauunahang pagkakataon, ngayon lamang ako nagalak sa pamamalagi ko sa panahong ito. Hindi ko inaasahan, hindi ko rin inaakalang makikita ko pa siyang muli. At pangalawang pagkakataon sa pangalawa kong buhay ay muli akong nahulog sa kanya, hindi dahil sa kanyang mga ngiti o dahil sa kanyang itsura. Isang katotohanan lamang ang muli kong naging basehan, dahil siya si Columbus Hamilton.
Nakatutuwa na ang kanyang grupo ang nakasalamuha ko ng gabing ‘yon. Dahil sa totoo lang, wala akong ideya sa landas na aking tutunguhin. Ang walang sawang pagsinghal at pagkunot niya sa kanyang noo ang naging kasiyahan ko sa pamamalagi sa kanilang kampo, marahil ay inaakala niyang hindi ko siya naaalala ngunit sadyang nais ko lamang siyang pagdiskitahan. Nakatutuwa siyang pagmasdan tuwing naiirita o nabubugnot siya dahil sa pang iinis ko at sa tingin ko’y si Pinunong Adelio lamang ang nakahahalata na hindi ko naman talaga siya nalimutan.
Nagkaroon kami ng sikretong pag-uusap ni Pinunong Adelio, bukod sa paggagawa ng mapa para sa kanilang grupo ay napag-usapan din naming ang ukol kay Columbus. Hindi ko man minungkahi sa kanya na mula ako sa hinaharap, inaakala niyang nawalan ako ng memorya dahil sa nangyari noong nagdadalaga pa lamang ako. Hindi ko mawari kung ano ‘yon, nang magtanong naman ako tungkol do’n ay hinayag niya sa akin lahat… lahat-lahat ng masasakit na alaala ko…
At dahil sa pag-uusap na ‘yon, nagkaroon ako ng panibagong ideya ukol sa aking pagkamatay sa aking panahon na ito. Ang ibang pinto sa aking memorya ay dahan-dahan na nabubuksan, na kahit hindi ko nais alalahanin ay nanunumbalik sila.
Bukas, sa aming tinakdang araw ng pag-iisang dibdib ni Nikolai, puputulin at wawakasan ko na lahat. At aking haharapin ang panibagong yugto ng aking buhay nang magaan ang aking puso at walang dinadama na sama ng loob.
At hinihiling kong mailigtas nila ako, n’ya ako. Dahil hindi ako kay Nikolai nakatadhana, hindi siya ang tinatangis ng aking puso dahil ang iyon ay nakalaan lamang para sa natatanging lalaking aking inaya magpakasal.
Para lamang iyon kay Columbus Hamilton.
Ang pinakamagiting na prinsipe ng mga Hamilton.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top