Chapter 35: Not Me
Chapter 35: Not Me
Nakasimangot ako tumitingin sa harapan habang pinagmamasdan ang paligid, lapag sa loob ko ang ideya na maupo sa harapan ng lalaking ito. Kung hindi lang ako masasaktan oras na tumalon ako paalis sa kabayong sinasakyan namin ay nagawa ko na.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at dinama ang malamig na hangin, ramdam na ramdam ko ‘to lalo na’t basta na lamang akong binuhat muli kahit na hindi pa ako nakapagpalit ng damit o nakapagsusuot man lang ng sapatos.
“Hawakan mo ang iyong buhok…” dinig kong sambit n’ya ngunit nanatili lamang akong tahimik, hindi sinusunod ang kanyang utos.
Buntong-hininga niyang pinatigil ang pagtakbo ng kabayo, nang maramdaman ko ang malambing niyang suklay sa buhok ko’y gulat kong naimulat ang mga mata ko. Nang akmang lilingunin ko siya’y pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa aking balikat.
“Sutil…” inis niyang sambit, “Hindi marunong makinig—”
Nang matapos siya sa pag-iipit sa buhok ko’y saglit kong hinawakan iyon, hindi ko alam kung ano ang marapat kong maging reaskyon, “Anong—”
“Hoy! H’wag kang lilingon—”
Parehas kaming napakurap dahil sa mabilis na pangyayari, dahan-dahan kong tinakpan ang aking bibig. Bahagya pa akong napaatras dahil gulat at mabuti na lamang dahil mabilis niya akong nahapit palapit sa kanya.
Kagat-labi akong napasubsob sa dibdib niya, nahihitya rin akong itunghay ang aking ulo dahil sa umaapaw na hiya sa aking katawan.
“Ah…” bulong n’ya.
Pilit kong pinakalma ang aking sarili at dahan-dahan na inangat ang aking ulo’t mayabang na ngumisi sa kanya, “Ngayon ka lang ba nakahalik ng isang magandang babae?”
“Ha? Nasaan?”
Mambabara rin ba ‘to katulad nang ginawa ko sa kanya, “Alin?”
“‘Yong magandang babae… hindi ko makita e.”
Inis akong bumaling muli sa harapan dahilan upang tumawa siya sa naging reaksyon. Nang muling tumakbo ang kabayo, isang tahimik at mapunong daan an gaming tinahak. May kakaibang prisensya ng lungkot at bigat sa katawan ang lugar hanggang sa tumigil sa isang malaking puno, mabilis naman na bumaba ang mayabang kong kasama at tumayo sa aking harapan.
Tanga naman nito. Paano kaya ako bababa, wala nga akong sapatos!?
“Ginagawa mo?” Tanong ko.
“Hinihintay kang tumalon sa akin?”
“Bobo ka ba?” Mataray kong tanong. Nakingisi naman siyang nagkibit-balikat dahilan upang irapan ko s’ya, “Tumalikod ka, bobo.” Haha, aminadong bobo nga.
Nang tumalikod siya ay pinatong ko ang aking palad sa kanyang balikat at bahagya siyang nilapit sa akin. Saglit siyang nagulat ngunit mas nagulat siya nang tumalon ako ro’n upang sakyan ang likod niya.
“May diperensiya ka na talaga sa pag-iisip,” sambit niya habang inaayos ang aking puwesto upang ako’y hindi malaglag, “Mas komportable sana kung ikaw ay buhat ko sa aking harapan—”
“Anong komportable ro’n?”
Nang tumigil siya sa paglalakad ay tinagilid ko ang aking ulo upang siya’y silipin, sinundan ko ang tinitingnan ng kanyang mga mata at dumapo iyon sa tatlong pigura. Iyon ang tatlo knight na aking nakasalamuha sa unang araw ko rito sa emperyo.
At katulad nang naramdam ko kanina, tunay ngang malungkot ang prisensya rito. Nakaupo sila sa tapat ng isang lapida, tila iyon ay kanilang kinakausap na para bang kasama pa rin nila ang taong ‘yon ngunit kahit may mga ngiti sa kanilang mga labi, ang lungkot sa kanilang mga mata ay hindi nila magawang ikubli.
“Pasensya ka na, marami ang kaganapan sa emperyo kaya’t ngayon lamang ulit tayo nakumpleto.” Rinig kong sambit ng babae, na kung tama ang natatandaan ko’y Vivian ang pangalan.
Nakangiti naming tinapik ni Thaddeus ang balikat nito, “Sa susunod ay isasama namin siya lalo na’t bumalik na siya rito sa emperyo ng ligtas, Theo.”
“Makakayakap kami sa kanya,” natatawang sambit ng isa pang lalaki, “Tapos ikaw… mamatay ka sa inggit!”
Pinanliitan siya ng mga mata ng kanyang mga kasama hanggang sa piningot ni Vivian ang kanyang tainga. Wala sa sarili akong napangiti habang pinanonood sila.
Saglit pa silang nagusap-usap hanggang sa isa-isa na silang tumayo sa pangunguna ni Thaddeus, “Kailangan na nating magpaalam kay Theo.” Tumango sila’t tumungo sa kani-kanilang mga dalang kabayo, nang mawala na sila aking paningin ay nilingon ko ang aking kasama.
“Thomas, Vivian, kailangan na nating magpaalam kay Theo.” Sambit ni Thaddeus, tumango ang dalawa niyang kasama at tumayo. May tatlong kabayo sa kabilang bahagi ng lugar at doon sila tumungo bago nawala sa aming paningin.
Nakatingin lamang sa unahan si Yabang, ilang sandali ang lumipas nang magsimula siyang maglakad patungo sa puwesto ng tatlong knight kanina.
Hindi ko alam kung bakit basta na lamang tumulo ang aking mga luha nang mabasa ko ang pangalan ng taong nakahimlay ro’n. Napuno ng lungkot at pighati ang aking dibdib, wala sa sarili kong dinukdok ang aking mukha sa balikat ng aking kasama.
Theodore Ramirez.
Hindi ako gumagawa ng kahit anong ingay ngunit batid kong alam niyang umiiyak ako. Naging mas ingat ang pagkakahawak n’ya sa akin tila ba’y nais niya akong bitawan at iharap sa kanya upang mayakap.
“Belle…” Pagtawag n’ya, “Nais mo na bang umalis tayo rito?”
Saglit ko munang pinagmasdan ang lapida bago dahan-dahan na tumango. Marahil ay isa si Theodore sa mga alaala kong nalimot, at ngayon ang tanging hinihiling ko na lamang ay maaalala ko na ang lahat.
Nahihirapan ako’t alam ko rin na nahihirapan ang mga taong nakapaligid sa ‘kin.
“Alam mo…” nag-angat ako ng tingin sa kanya habang siya ay naglalakad, “Damang-dama mo talaga ang pagkakayakap mo sa akin,” mayabang niyang sambit.
Agad naman akong napangiwi sa kanya saka ako natawa, “Sus. Alam ko naming nais mo lang na higpitan ko ang pagkakayakap ko sa’yo… nagdadahilan ka pa e.”
“Ikaw itong may pagnanasa sa akin.”
Malambing kong hiniga ang aking ulo sa kanyang balikat dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad, “Maaari ba kitang mayakap? Nais ko sana ay iyong mahigpit…”
Napangisi naman ako nang mamula ang kanyang tainga. Hindi ko rin alam kung bakit natutuwa ako tuwing binibwisit siya. Marahil siguro’y isa siya sa mga taong pakiramdam ko’y ligtas ako tuwing kasama ko.
Nang masilayan ko siya unang pagkakataon na nakatapak ako sa emperyo’y hindi ako tumakbo dahil sa takot, tumakbo ako palayo sa kanya dahil sa naging epekto niya sa akin. Kakaiba iyon at nakakatakot.
“Nais kitang yakapin nang sobrang higpit sa iyong leeg upang hindi ko na marinig pa ang iyong mga kahambugan.”
Nang nalukot ang kanyang mukha ay tumawa ako nang malakas ngunit mabilis din akong natahimik nang bitawan niya ako. Sumalampak ang aking puwetan sa damuhan, hindi naman iyong ganoon kasakit ngunit ang sama ng ugali niya.
Bigla na lamang siyang humakbang palayo sa akin nang hindi ako nililingon, muli na naman akong naiyak dahil do’n. Siraulong Columbus!
Malalim akong huminga, “Hoy! Dadalhin mo ako rito tapos iiwan mo na lamang ako basta-basta!” Tangina. Hindi effective.
“Uy! Balik ka na rito!” Yawa. Ayokong maglakad ng yapak! “Edi ‘wag! Sige, iwan mo na lang ako!”
Huhu. Ang pangit niyang ka-bonding. Hindi man lamang siya lumilingon kahit na halos mahalnit na ang aking lalamunan ko kakasigaw ko rito. Kagat-labi akong napapikit, ayoko naman siyang tawagin sa pangalan niya dahil malaki ang tyansang yabangan lamang niya ako.
Bakit kasi nawawala ang sapatos ko?!
Nang minulat ko ang aking mga mata’y sumandal ako sa punong malapit sa akin at nilaro sa pagitan ng aking mga daliri ang aking kwintas, “Bwisit, bwisit.” Makikipag-asaran tapos biglang mapipikon. Ang pangit talagang ka-bonding ng gagong ‘yon.
“Hoy.”
Hindi ako nag-angat ng tingin nang maramdaman kong nasa tapat ko na siya. Ako naman ang mag-aatittude ngayon, alangang ikaw lang ang puwede.
Dahan-dahan siyang umupo upang lumebel sa akin, saglit ko siyang sinilip dahilan upang ngumiti siya. Pumikit ka, Clarabelle. Hindi ka marupok!
“Alis… Hihintayin ko na lamang si Alexander.”
“At bakit?”
“Kasi… nobyo ko siya?”
Natatawa n’yang kinagat ang pang ibabang labi niya’t malambing na inayos ang mga hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha, “Sigurado ka bang nobyo mo s’ya?”
“Hindi ko alam kung pinanganak kang chismoso o ano…” Nakangisi kong sambit, “Nobyo ko siya dahil siya ang tanong nagbigay sa akin nito.” Pagtukoy ko sa kwintas na aking suot.
At dahil do’n ay mas lalo siyang nalibang. Marahan niyang tinango-tango ang kanyang ulo’t tila nang-aasar siya ngunit nang magtama ang aming mga mata ay kahit isang katiting na biro ay walang makikita ro’n.
Puno iyon ng emosyon na ayokong ungkatin.
“Pipityugin lamang si Alexander. Sa tingin mo ba’y kakayanin niyang makabili ng ganyang kamahal na regalo?”
“Isang prinsipe si Alexander!”
Humalakhak lamang siya’t mas lalong napuno ng emosyon ang kanyang mata. Nawalan ng lugar ang aking pagkagulat ng hapitin niya ang aking baiwang at sa maliit na distansya sa aming pagitan ay mas lalo akong nalunod sa kanyang mga mata.
“Pangalawang prinsipe lamang siya.”
“A—ano naman ngayon?”
Isang mayabang na ngisi ang umusbong sa kanyang labi saka siya unti-unting lumapit sa akin, “Ibig sabihin lamang no’n ay wala siyang karapatan na ibigay ang bagay na iyong suot at lalong-lalo na wala siyang kakayahan.”
Ang kanyang kamay na abala sa aking buhok ay tumungo sa aking pisnge, inalo niya iyon sa marahan na paraan. Nakakakiliti at nakakahumaling.
“Anong nais mong sabihin?”
“Nais kong sabihin na hindi siya ang iyong nobyo, hindi siya ang lalaking nagbigay n’yan.”
.
“At paano ka naman nakasisigurado?”
“Dahil hindi siya ako, Belle.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top