Chapter 34: Eyes to Eyes

Chapter 34: Eyes to Eyes

Marahan kong binuksan ang aking mga mata nang makaramdam ako ng mainit na liwanag sa aking mukha, ilang beses pa akong kumarap bago ko tuluyan na ginala ang aking mga mata. Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na hindi pamilyar sa akin ang kuwartong kinalalagyan ko, hindi rin ito ang silid sa bahay ni Amelia.

Ang silid ay maaliwalas at ito’y binubuo lamang ng dalawang kulay—ginto at puti. Dumausdos ang mga mata ko sa napakalaking bookshelf, tiyak ako na ang nagmamay-ari ng silid na ito mahilig sa babasahin. Marahan kong minasahe ang sentido at inalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay.

Nang tumayo ako’y napansin ko na walang saplot ang aking mga paa. Kinakabahan kong ginala ang aking paningin ngunit kahit saan dumapo ang aking mga mata ay wala ro’n ang aking sapatos.

Teka, nasaan nga ba ang hayop na si Alexander?

Bugnot akong naglakad sa malamig na sahig at agad din akong napatigil nang masilayan ko ang aking sarili sa malaking salamin, buntong-hininga kong sinuro ang aking mukha at ngumisi, “Tangina… Ang ganda naman ng nasa harapan ko.”

Kagat-labi akong tumalikod sa salamin saka napagpasyahan na umalis sa silid, tahimik kong tinahak ang hindi pamilyar na pasilyo. Ilang beses pa akong lumingon sa paligid upang malaman kung may makakasalubong ako upang mapagtanungan. Nang tinahak ko ang kaliwang direksyon, agad din akong napatigil nang may narinig akong mga boses sa isang pinto na bahagyang nakabukas.

“Nanggigil talaga ako sa’yo, Alexander.” Dinig kong sambit ng isang lalaki na pamilyar na pamilyar sa aking pandinig.

Ilang beses muna akong kumurap bago tuluyan na sumilip sa awang. Ang lalaking naka-asul na uniporme ay masama ang tingin na pinupukol kay Alexander ngunit kahit na inis siya rito ay makikita pa rin ang saya sa mga mata niya.

Buntong-hininga na inangat ni Alexander ang kanyang ulo’t seryosong tumingin sa lalaki, “Sinabi ko na sa inyo ang dahilan at mga bagay na dapat niyong malaman tungkol sa sitwasyon n’ya.”

“Ngunit ilang buwan ang iyong pinalipas! Halos mabaliw na kaming lahat kakahanap sa kanya ngunit hindi mo man lamang pinaalam sa amin iyon—”

“Delikado,” seryosong sambit ni Alexander. “Hindi ba’t isang lingo pa lamang simula noong maitakas naming siya ni Amelia ay nakatakas sina Ginoong Cassimo? Sa tingin niyo—”

Tumikhim ang isa pang lalaki, ang lalaking tinatawag nilang prinsipe, “Wala sa dugo nating mga Hamilton ang pagiging duwag, Alexander,” mayabang nitong sambit.

Wala sa sarili akong napasimangot dahil sa angkin na kayabangan nito, maging si Alexander at ang lalaking nagngangalang Cayden ay sumimangot din. Tumayo si Alexander at tumungo sa lamesa kung saan may kinuha siyang isang papel at ngumisi ito.

“Hamilton… ang tagal ko rin na hindi narinig ang apelyidong iyon…” makahulugang sambit ni Alexander. Dahan-dahan siyang tumingin sa kanilang kasamang mayabang, “Sa tingin mo ba’y karapat-dapat pa rin akong tangkilikin bilang pangalawang prinsipe ng emperyong ito?”

Nanlalaki ang mga mata kong tinakpan ang aking bibig dahil sa pagkabigla. Pangalawang prinsipe? Isa siyang prinsipe? Tangina… ginagago ko lamang siya tapos isa pala siyang prinsipe?

Napakabobo naman. Bakit kasi kailangan ko pang malimutan lahat ng memorya ko sa panahong ito?

“Binibini?” Agad akong nauntog sa pinto dahil sa isang boses mula sa aking likuran. Ayos lamang sana kung nauntog lang ako kaso mapaglaro ang tadhana at pinahalikan pa sa akin ang sahig.

“Clara!”

“Belle!”

Uy, fullname ko ‘yon!

“Anong Clara?” Tanong ng lalaking dahilan kung bakit ako napasubsob sa sahig. Marahan kong inangat ang aking ulo’t tinulungan naman niya akong makatao at nang magtama ang aming mga mata ay mabilis namuo ang mga tubig sa gilid ng kanyang mga mata, “Clara…”

Nakangiwi kong minasahe ang aking ilong at agad nabinawi ang aking kamay. At nang humakbang siya at akmang yayakapin ako’y mabilis akong tumakbo sa direksyon ni Alexander at tumago sa likod nito saka siya mahigpit na niyakap.

“Putangina mo, Alexander!”

Ilang beses akong kumurap dahil sa sabay-sabay na sigaw ng tatlong lalaki saka ko bahagyang tinagilid ang aking ulo upang masilayan si Alexander, “Hala. Bakit sila ay nagagalit sa’yo?” painosenteng tanong ko.

Ngumiwi sa akin si Alexander at pilit na inaalis ang mga braso kong nakayakap sa kanya. Ang mga butil ng pawis sa kanyang sentido ay mabilis na dumadausos sa kanyang mukha habang ang mga mata niyang puno ng kaba at takot ay nakatingin sa tatlong lalaking aming nasa harapan.

Palihim akong napangisi nang matanggal niya ang aking mga kamay sa kanya, “Huhu. Bakit mo inalis?” Nag-iinarteng tanong ko kahit ang totoo’y nais ko lamang siyang asarin at bwisitin.

“Clara naman…”

Bagsak-balikat akong ngumuso sa kanya, “Ito ba ang dahilan kaya’t hindi mo ako nais dahil sa emperyo? Kinahihiya mo ba ako bilang iyong kasintahan?”

Mas lalo siyang nanginig dahil sa mga katagang binitawan ko. Kinakabahan siyang tumawa sa aming mga kasama at pilit akong hinahawi upang umalis sa kanyang harapan, nang may marinig akong tunog ng kamao ay agad natuon ang atensyon ko sa direksyon na iyon.

“Nais mo bang mapaaga ang iyong byahe patungo sa itaas?” Igting panga na tanong ng lalaking gumulat sa ‘kin.

“Carsten naman…”

Umiling-iling ito at nagsimulang humakbang patungo sa direksyon namin, “Wala akong pakielam kung isa ka pang Hamilton… kung alam mo laang ay sinisipa-sipa ko lamang ‘yong isang Hamilton.”

“Si Columbus?” Gulat na tanong ni Alexander at sumulyap kay Yabang.

Umalingawngaw ang halakhak ni Yabang sa silid hanggang sa sumimangot ito sa kanyang pinsan, “Nais mo talagang mapaaga ang pagkikita niyo ng Panginoon?” dumilat ito rito dahilan upang humakbang palayo sa akin si Alexander.

“Panira… nagbibiro lang naman ako—”

“Kung gano’n ay hindi ka kaaya-aya magbiro.” Pambabara ni Yabnag sa ‘kin.

Lumingon-lingon ako sa paligid na tila ba’y may hinahanap, “Hala. Nasaan?”

“Alin?” Tanong niya’t lumingon din siya sa paligid. Ginagaya ang aking ginagawa.

“Ang pakielam ko sa’yo. Nawawala e.”

Kagat-labi na nagpipigil ng tawa sina Carsten at Cayden habang si Alexander naman ay hindi tinago ang kanya. Saglit na bumuga ng hangin si Yabang saka niya marahas na hinawi ang tila kapang tela sa kanyang balikat.

Nag-iigting ang panga niyang lumapit sa aking direksyon samantalang ako’y wala sa sariling napaatras, mula sa gilid ng mga mata ko’y napansin ko na saglit na lamang at pader na ang kahihinatnan ko sa aking pag-atras. Ngunit bago pa man tumama ang ulo ko sa pader ay ginamit niya ang kanyang palad upang saluhin ang aking ulo.

“A—anong ginagawa mo?” Tanong ko.

Ngumisi lamang siya’t pinagmasdam ang aking mukha. Dumapo iyon sa aking labi hanggang sa kwintas na aking suot at nang ngumiti siya habang pinagmamasdan iyon ay saglit kumislap ang aking mga mata. Pamilyar ang ngiting iyon sa akin…

Nang mapansin niya ang malagkit kong tingin sa kanyang labi ay kanya itong kinagat dahilan upang mag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Alis sa harapan ko, bobo.”

“Alam mo bang hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang susunod hari ng emperyong ito?”

Ilang beses akong napakurap dahil sa sinambit niya. Bahagya kong ginilid ang aking ulo’t sumilip sa direksyon ni Alexander na pang-asar na hiniwa ang kanyang leeg gamit ang hintuturo, tila pinahihiwatig na lagot ako.


“Sa akin ka lamang tumingin.” Tila may bahid ng mahika ang kanyang boses at wala ako sa sarili na sumunod sa kanya.

Mata sa mata akong humarap sa kanya, hindi alintana sa aming dalawa na may kasama kaming ibang tao sa silid na ito. Hindi bumagal o bumilis ang ikot ng mundo dahil sa totoo lamang habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya’y tila nawalan ako ng pakielam sa mundong aking ginagalawan. Nasa kanya lamang ang buong atensyon ko, hindi niya iyon ninanakaw sa akin dahil kusa ko iyong binibigay sa kanya.

Tila hinila ako pabalik sa reyalidad nang mas lumawak ang kanyang ngiti sa mukha at binuhat ako.

“Hoy!”

“Alexander,” tawag niya sa kanyang pinsan, “Kapag hinanap siya ni Amelia’y sabihin mo na lamang na nakipagtanan siya sa akin.”

Nakangiting tumango si Alexander habang tumatango-tango pa si tanga, “Sige, ingat kayo.”

“Hoy! Anong tanan-tanan?! Ang pakikpagtanan ay nais ng dalawang partido! Hindi ko nais—”

“Ingat, Clara. Basta’y ninong ako ha.” Pinagkalulo ako ng gagong si Alexander!

Bumaling si Alexander kayna Cayden at Carsten, hinahawakan niya ang balikat ng mga ito at pabiro silang tinalikod sa amin. Tila ba’y umiiwas silang maging saksi sa kapahangasang ginagawa ng mayabang na prinsipe na may buhat sa akin.

“Magpapatay malisya na lamang muna ako… mamaya ko na lamang sasapakin si Columbus.” Dinig kong sambit ni Cayden.


Mayabang na humalakhak ang gagong kasama ko’t ngumiti sa aki, “Hala. Bakit sila’y tumatalikod sa iyo?” panggaya niya sa aking boses kanina.

Pilit akong nagpupumiglas at nang hihingi sana muli ako nang tulong sa tatlo’y tuluyan na niya akong nabitbit palabas sa silid. Binaba naman niya ako nang makalayo-layo kami kayna Alexander at kinulong niya ako sa kanyang mga braso dahilan upang tumama ang aking likod sa pader.

“Wala akong suot na sapatos… maaari bang sa ibang araw mo na lamang ako kuhanin?” Nakangiwi kong tanong.

Muli niya akong tiningnan mata sa mata, malambing niyang hinawi ang mga hibla ng aking buhok na humaharang sa aking mukha. Samantalang, ang dibdib ko’y tila nakikipagkarera sa sobrang bilis nang pagtibok nito at habang mas lumiliit ang distansya sa pagitan ng mga mukha namin ay mas lalo akong nakararamdam ng kakaibang emosyon.

“Ayoko,” sagot n’ya sa aking hiling.

“Alam mo ba…”

“Hindi pa.”

“Masamang dumakip na lamang basta-basta ng ibang tao—”

Isang malambing na halakhak ang kumawala sa kanyang mga labi, “Hindi kita dinadakip, Belle,” sagot niya dahilan upang pagkunuotan ko siya ng noo.

“Ginagago mo ba ako?”

“Minamarkahan lamang kita, Clarabelle Marquez.” Sasagot pa sana ako nang muli siyang nagsalita at mas nilapit ang kanyang mukha sa akin, “Ganito mag-marka ang isang Columbus Hamilton.” Bahagya akong nawala sa sarili ng ngumiti siya sa akin.

At hinalikan ang aking noo.

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top