Chapter 27: Unexpected Glimpse
Chapter 27: Unexpected Glimpse
Matured Content
═════◈♔◈═════
Sa pagmulat ko sa aking mga mata, ramdam na ramdam ko ang malamig na bagay na nakagapos sa aking palapulsuhan at paa. Ilang beses kong sinubok na bawiin ang aking mga kamay ngunit mahigpit ang kadenang naggagapos dito sa dulo ng kama, nang igala ko ang aking mga mata. Ang madilim na silid ang bumungad sa 'kin at sa pagkurap ko ng aking mga mata, bigla na lamang ako nakaramdam ng sakit sa aking sikmura.
Kusang tumulo ang aking mga luha nang marinig ko ang humuhuning tinig ni Nikolai at ang bawat yabag ng kanyang mga paa'y nagbibigay ng kakaibang takot sa aking katawan. Agad siyang ngumiti nang magtama ang aming mga mata at sa pagluhod niya sa aking harapan ay agad niyang inangat ang aking baba.
"Gising ka na pala, Lady Marquez." Bumaba ang tingin niya sa aking katawan, ang aking buo at maayos na damit ay tagpi-tagpi na ngayon. Tila ba'y binuhos niya ang oras upang wasakin iyon habang wala akong malay.
Ang paningin ko'y hindi pa rin maayos, nandidilim at tila umiikot pa rin ang paligid ngunit dahil sa kakaibang prinsensya niya ay nagiging malinaw ang kanyang istraktura. Ngumisi sa akin si Nikolai at nagsimula siyang lakbayin ang aking ibaba gamit ang madumi niyang kamay kasaby no'n ang pagpilit niyang tanggapin ko ang labi niya.
At dahil sa pagod, hindi ko magawang manlaban. Hindi ko mapigilan ang matawa sa takot, nang dahil sa mga kapahangasan ko'y mas napabilis lamang ang magiging pagkamatay ko sa mga kamay niya. Nawalan ng silbi ang limang buwan na palugid sa akin ni Cynthia.
"Aking Clarabelle..." Malambing niyang sambit. Impit akong napasigaw niyang diinan niya ang hawak sa aking sugat sa may sikmura.
Nang magpumiglas ako dahil sa sakit ay bahagya siyang lumayo at malamig na humalakhak, "Clarabelle... Clarabelle..." mariin akong napakagat sa aking labi nang makaramdam ako ng hapdi sa aking binti, paulit-ulit niya iyong nilatigo na tila ba'y nasisiyahan siya sa aking paghihirap.
"Mangako ka sa 'kin na hindi ka na muling aalis sa aking tabi. Ititigil ko na ang lahat ng ito... Bumalik na tayo sa dati, Clarabelle."
Nanatiling tikom ang aking bibig habang ang mga luha ko'y mas lalong umagos sa aking mga pisnge. Nang muli siyang lumapit sa akin ay marahan niyang hinaplos ang aking pisnge at pinunasan ang aking mga luha, malambing niyang pinangmasid ang kanyang mga mata sa akin kasabay nito ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.
"Sa'yong-sa'yo lamang ako, Clarabelle..." Matamis siyang ngumiti sa akin, muli niyang hinaplos ng may buong alalay ang aking mga pisnge, "Sabihin mo na ako lamang... Sabihin mong ako lamang ang iyong mahal at wala ng iba."
Marahan kong pinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang paglapat ng kanyang hinalalaki sa aking pang ibabang labi, pilit niyang binubuka iyon upang ako ay magsalita. Ngunit kahit anong gawin niya, kahit saktan niya pa ako nang paulit-ulit ay hinding-hindi ko babanggitin ang mga katanggang ninanais niyang marinig.
Marahas niyang hinablot ang aking leeg at 'yon ay buong lakas niyang kinulong sa kanyang mga palad, "Putangina! Hindi mo ba sasabihin na hindi mo ako iiwan?! Na ako lamang ang iyong-"
Dahan-dahan na nawala ang pagkakapit sa akin ni Nikolai kasabay no'n ang isang malakas na pagbagsak. Pilit kong minulat ang aking mga mata ngunit kusa itong pumipikit, ang malalamig na mga kadenang nakagapos sa akin ay unti-unting lumuluwag hanggang sa maramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko na nais nang bumagsak.
May isang pares ng kamay na sumalo sa 'kin, ramdam ko ang kaba ng taong iyon. Habang siya'y hindi mawari kung anong gagawin ay muli kong minulat ang aking mga mata, inaninag ang kanyang mukha hanggang sa bahagya iyong masilayan. Dahan-dahan na tumulo ang aking mga luha habang bumabagsak ang aking mga talukap.
"Huwag... Huwag kang pipikit. Nakikiusap ako, Clarabelle." Buong lakas niya akong binuhat sa kanyang bisig, puno ng alalay at pagaalala.
At katulad ng pakiusap niya, pinatili ko ang aking sarili na mulat kahit ako'y nahihirapan sa kakaibang pagod. Nang bumukas ang pinto sa silid, isang panibagong pigura ang nakita ko. Puno ng lungkot ang mga mata niyang lumapit sa akin, dahan-dahan na dumapo ang kanyang mata sa dumurugo kong sikmura. At ang mga mata niya ay puno ng puot na lumipat sa nakahandusay na si Nikolai, susugurin niya sana iyon nang panlisikan siya ng mga mata ng taong may hawak sa akin.
"Makapaghihintay ang iyong galit. Kailangan na nating lumisan sa lugar na ito," sambit nito.
Imbes na sugurin ang walang malay na si Nikolai, kinuha niya ang isang tela at iyon ay pinagtapis sa aking katawan. Marahan niyang hinaplos ang aking mukha at pinusan ang aking mga luha, "Kaunting tiis na lamang at ilalayo ka na namin sa taong 'yan, sa lugar na ito."
"Nakahanda na ba ang karwahe?"
"Oo."
Nang lumabas kami sa silid, maingat nilang tinahak ang mga pasilyo. Buong husay na umiiwas sa mga guwardya o kahit sinong maaaring makasalamuha namin. Puno ng pagtatakha ang aking mga mata habang diretsong nakatingin sa kawalan, nang makaaninag ako ng liwanag ay tumigil sila sa paglalakad. Ang tunog at yabag ng isang kabayo ang umalulong sa aking tainga.
"Sakay na."
Saglit na sumikip ang aking dibdib dahil sa galak. Nang makasakay kami sa karwahe ay maingat niya akong inupo't sinandal kasabay nito ang pagdampi ng isang basa at malambot na bimpo saking mukha.
"Putangina. Tunay ngang nahibang na si Nikolai dahil sa kanyang ginawa kay Clarabelle!" Singhal n'ya. Sumilip siya sa bintana at kagat-labi na pinadilatan iyon, "Kailangan natin na magamot ang kanyang mga sugat. Hindi ba't ikaw ay nag-aral ng medisina noong nagdadalaga ka pa lamang?"
"Hindi akma ang karwaheng ito upang maging lugar sa panggamot. Ngunit kaya kong pigilan ang pagdurugo ng kanyang mga sugat sapagkat panandalian lamang iyon."
Parehas nila akong pinagmasdan at ang taong umaalalay sa aking katawan ay malungkot na ngumiti sa akin, "Pasensya na dahil kami ay nahuli sa pagdating."
"Bakit..." mahina kong sambit. Malumanay akong tiningnan ng taong naglilinis sa aking sugat at marahan ni hinaplos ang marka ng lagtigo na sa aking binti.
"Napakasakit tingnan ng iyong sitwasyon ngayon, Clara."
"Bakit..." Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha na tila ba'y wala silang katapusan.
"Alam kong nais mong magpakalayo-layo muna..."
"Bakit..."
"Nang dahil sa ginawa sa iyo ni Nikolai... Napagdesisyonan namin na ilayo ka sa lugar na ito. Marami ang ating mga kaaway at tiyak akong hindi magtatagal ay muli kang mapapahamak kung mananatili tayo sa emperyong ito."
Nanginginig kong kinagat ang aking pangibabang labi't humikbi. Puno pa rin ng pagtatakha ang aking katawan ngunit kung hindi dahil sa kanila ay tiyak na susuko na ako ngayon sa aking buhay. Marahan kong pinikit ang aking mga mata kasabay nito ang pag-aalo nila sa akin, sinandal ng may hawak sa akin ang aking ulo ko sa kanyang balikat.
"Maraming salamat..."
At kahit mistulang panaginip ang lahat, alam kong ito ang reyalidad.
"Maraming salamat, Amelia... Alexander..."
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top