Chapter 26: No Way Out

Chapter 26: No Way Out

Matured Content

═════◈♔◈═════

“Putangina! Nasaan nilipat ang karwahe?!” Inis na tanong ni Columbus. Natatarantang tumngin sa kanya si Amor bago ito ginala ang kanyang paningin upang hanapin ang kutsero.

Nang makita kami ni General Stanley, mabilis kaming tumakbo paalis at ngayon tinatahak namin ang hindi pamilyar na kakahuyan. At kahit puno ng pag-aalangan ang sistema ni Columbus, mahigpit pa rin niyang hawak-hawak ang aking kamay.

Ang malalalim at pagod naming buntong-hininga ang tanging maririnig sa kagubatan. At sa pagtakbo namin sa kalaliman ng kakahuyan, saglit na nasugatan ang kamay dahil sa isang matilos na sanga dahilan upang mapabitaw ako kay Columbus. Nang tumigil ako panandalian, sinandal ko ang aking balikat sa isang puno’t sinubukan na tingnan ang palagid.

Dahil sa makakapal na mga dahon maging sa oras, madilim na ang buong paligid kung saan kakauntimg liwanag lamang ang masisilayan.

Ilang beses akong kumurap at umikot saka kp napagtanto na wala na ang dalawa kong kasama. Tangina!

Panandalian akong naestatwa sa aking puwesto, hindi alam kung anong marapat na gawin o daan na tahakin. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at tiyak na hindi ko rin sila makikita kung lalo lamang akong maliligaw. Kinakabahan akong lumingon sa ‘king gilid nang marinig ko ang pagkaluskos ng kumpol ng mga dahon.

Dahan-dahan kong inabot ang aking rapier kasabay nito ang pagsandal ko sa puno, palihim ako sumilip sa direksyon na iyon hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagbagsak.

Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang taong ‘yon, lahat ng takot at pangamba ko ay nag-umpisang kainin ang aking sistema habang lumalapit ako sa kanya.

“Ginoong Arturo! Anong nangyari sa iyo?” Bahagya kong hinawi ang kanyang bagsak na buhok saka ko nakita ng buo ang karumaldumal na kanyang sinapit.

Maraming hiwa ang buong katawan niya lalong-lalo na sa bandang sikmura niya, marami rin ang naglilitawan na pasa sa kanyang mukha at patuloy ang pag-agos ng mga dugo mula sa kanyang sentido.

Kinakabahan kong nilingon ang paligid at nag-umpisang maghanap ng herbal na mga gamot na maaaring gamitin sa kanya.


“Binibining Clarabelle…” Marahan niyang binuksan ang mga mata at kitang-kita roon ang panghihina niya, “Tumakas ka… na…”

“Ngunit—”

“Pakiusap… kailangan mong—”

“Lady Marquez.”

Isang malamig na boses ang halos kumain sa pagkatao ko. Ang malakas at impit na sigaw ni Ginoong Arturo ang dahilan upang magising ang aking diwa upang mag-angat ng tingin, mas lalong lumakas ang sigaw ni Ginoong Arturo dahil mas lalong dumiin ang tapak niya rito.

Ang malalamig niyang mga mata at kakaibang mga ngiti ang nagbigay takot sa akin. Paatras ang gumapang palayo, nang makita niya aking ginawa ay mas lalo niyang pinahirapan ang lalaki sa kanyang paahan.

Bigla na lamang nanginig ang aking mga labi nang dahan-dahan niyang inabot ang kanyang espada at tinarak iyon sa sikmura ng kutsero. Dahan-dahan namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata habang walang tapos ang pag-agos ng dugo ni Ginoong Arturo.

Papatayin niya ako. Papatayin ako ni Nikolai!

Nang mag-umpisa siyang lumapit ay mas lalo akong umatras hanggang sa mapatigil ako dahil sa isang puno at kahit hindi matapos-tapos ang panginginig ng aking katawan ay buong lakas kong pinilit na tumayo.

Nakangiti siyang bumuntong-hininga, “Paulit-ulit ko na lamang bang ipaaalala sa iyo na sa akin ka babagsak, Clarabelle?” Tanong ni Nikolai, “Marahil ay naging masama ka sa piling ng aking pinsan…”

Nanatili akong tahimik ngunit mas lalo lamang na humigpit ang hawak ko sa aking rapier. Nasaan ka na ba, Columbus?

Humalakhak si Nikolai kasabay nito ang paggala niya sa kanyang paningin, “Sana ay naging masaya ka panandalian dahil kailangan na kitang bawiin ngayon kay Columbus.”

Nang mas lumawak ang kanyang hakbang ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Hindi na alintana sa akin ang mga sugat na natatamo ko sa matitilos na dahon at mga sanga dahil ang nasa isip ko lamang ngayon ay kinakailangan kong makalayo sa kanya.

Isang malutong na mura at kumawala sa aking bibig nang matalapid ako isang makapal na ugat at bago pa man ako makatayo ay nakatanggap ako ng isang masakit na sabunot, mahigpit at tila matatanggal na ang aking anit sa pagkakahigit sa aking buhok.

Nang bahagya niya akong maitayo ay marahas niyang binagsak ang aking likuran sa isang makapal na bato, impit akong napasigaw dahil sa sakit at kasabay no’n ang paghapit niya sa aking baiwang. Pilit niya akong hinalikan ngunit luha lamang ang naging sagot ko dahilan upang bumaba siya sa aking leeg. At nang manlaban ako sa kanya ay muli niyang hinigit aking mga buhok.

Ang nakabibingi kong pag-iyak lamang ang tangi kong nadidinig, buong lakas niyang tinanggal ang aking roba’t muling bumalik sa aking bibig. Marahas niyang hinawakan ang aking baba at pilit na binuka ang aking bibig, ngunit kahit ilang beses niyang sinubok kagatin ang aking labi ay nanatili itong tikom.

Bahagya siyang umatras at matalas na tingin ang binigay sa akin kasabay no’n ang paglapat ng isang malakas sa aking mukha, nang sumigaw ako dahil sa sakit ay ginamit niya ang tyansang iyon upang muli akong halikan.

Muling bumaba ang kanyang mararahas na paghalik sa aking leeg, ilang beses kong sinubukan na siya ay itulak ngunit masyado siyang malakas at mabigat din ang katawan niyang nakapatong sa akin. Pakiramdam ko’y aking kaparusahan ito sa panonood lamang noon sa pang-aalipusta sa mga babae at katulad ng mga nakaharap nila, hindi isang tao ang nakatayo sa aking harapan—isang demonyo ito.

“Parang awa mo na… Tigilan mo na ako, Nikolai…”

Humalakhak si Nikolai at tumigil sa kanyang ginagawa, isang nakatatakot na ngiti ang binigay niya sa akin. Muli niyang hinila ang aking buhok at kinaladkad ako sa magaspang na damuhan. At kahit na hirap ako’y pinilit kong inabot ang aking rapier, alam kong imposible ang ideya sa aking utak ngunit kailangan kong gamitin ang tyansang ito upang makawala sa kanya.

Naluluha kong ginamit ang rapier upang putulin ang napakahabang buhok ko at buong lakas akong tumayo upang makatabko palayo sa kanya. At kahit na pa-ikaika ako’y ginamit ko ang aking determinasyon upang makalayo sa kanya.
Kailangan kong makita sina Columbus!

Napapikit ako sa sakit nang maramdaman ko ang isang mahapding sugat sa aking braso, ang lumuluha kong mga mata ay dumausdos do’n at dahil walang tigil na panginginig ay nabitawan ko ang aking rapier. Walang awang n’yang hinawakan ang panibago kong sugat na natamo ko dahil sa kanyang espada, buong puwersa niya akong hinarap sa kanya’t tinulak sa isang puno.

Ramdam na ramdam ko ang pagkakabarog ng aking ulo ro’n, ang paningin ko’y dahan-dahan na lumalabo ngunit hindi iyon sapat upang tuluyan na mawala siya sa aking harapan. Nakangiti siyang lumebel sa akin at inabot ang nabitawan kong rapier, kanya iyong kinilatis bago muling binalik sa akin ang nakatatakot niyang mga mata.

“Binalaan na kita, Clarabelle,” sambit niya. Naisin ko man na humiyaw at humingi ng tulong ay walang kahit anong boses na nais kumawala sa aking biig, “Sa akin ka babagsak. Hindi kay Columbus, hindi rin sa mga Marquez. Sa akin ka lamang.”

Mahina akong umiling sa kanya dahilan upang muli siyang tumawa. Marahan niyang hinaplos ang aking pisnge at nagsalita, “Ako lamang dapat ang iyong iibigin.”

“Ka… kahit kailan ay hindi kita—hindi kita iibigin…”

At gamit ang aking rapier, nakangiti niya iyong tinarak sa aking sikmura na tila ba’y wala siyang nararamdaman kahit isang katiting naawa sa ‘kin.

“Kung gano’n ay marapat na kitilin ko na lamang ang iyong buhay, Minamahal kong Clarabelle.”

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top