Chapter 21: Safe Haven
Chapter 21: Safe Haven
“Isuot mo ang iyong singsing, Clarabelle.” Inabot sa ‘kin ni Nikolai ang singsing. Isang tingin pa lamang dito’y alam kong isa itong engagement ring. Labag sa loob kong sinuot ‘yon at habang pinapanood niya ako ay tila alam ko na ang mga susunod niyang mga salita, “Matagal mo na dapat ‘yang natanggap. Kung sana’y hindi tumakas sa pagtitipon ng gabing ‘yon.”
Paismid ko siyang pinagikutan ng mga mata at tinuon ang atensyon ko sa aming hardin. Nakakatawa lamang dahil kinaladkad pa ako ng aking ina upang madala lamang dito sa hardin at ang siraulong si Columbus ay palihim pang tinulungan ang aking ina sa pamamagitan ng pagtulak sa akin palabas sa aking silid.
Ang dahilan ng siraulong si Columbus? Dahil siya’y inaantok pa’t masosolo na raw niya ang aking kama at hindi na niya kailangan pang magtiis sa sofa. Maarteng rebelde.
“Ito lang ba ang dahilan kung bakit ka napatungo rito?” Walang ganang tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya at uminom ng tsaa na tila ba’y wala siyang pakielam kung muli ko siyang ipagtabuyan, “Maaari ka ng umalis—”
Pinagtaasan niya ako ng kilay at muling nagkibit-balikat sa akin. Luh, martyr.
Naiirita ko siyang pinanood, “Nais mo bang malasin tayo? Hindi dapat tayong magkita bago ang ating kasal.” Pagdadahilan ko ngunit nginisian lamang ako ni gago.
“Sa pagkakaalam ko’y isang araw iyon bago ang mismong kasal, Clarabelle. Bukas tayo hindi maaaring magkita.” Nakangiwi ko siyang tiningnan. Hindi talaga siya magpapatalo, kung sana’y malasin nga talaga siyang tunay upang hindi matuloy ang aming kasal.
Nakalulungkot lang na nakikipag-usap ako sa taong ito habang sina Aling Maria ay naghahanda sa magiging hakbang ng mga rebelde. Hindi ko rin inaasahan na may lihim na lagusan silang ginawa sa ilalim ng pamamahay ng mga Marquez upang makalabas-pasok sa emperyo. Solido na rin ang kanilang plano, kanilang susugudin ang plasyo sa oras mismo ng aking kasal upang maligtas ang mga babae ng tahimik lalo na’t lahat ng mga guwardya ay tutungo at magbabantay sa simbahan lalo na’t nandoon ang buong pamilya ng mga Hamilton.
Marahil ay sasama si Columbus sa kanyang ama upang iligtas ang kanyang kapatid at ina. Samantalang si Aling Maria naman ang aking makakasama ngunit hindi ko ganoong alam kanilang plano nina Amor kung paano ba ako ililigtas.
“Clarabelle?” Ilang beses akong kumurap nang marinig ko ang boses ni Nikolai. Binibigyan niya ako ng isang nagtatakhang mga tingin na tila ba’y may kanina pa siyang sinasabi sa ‘kin. Saglit siyang nagpaalam sa ‘kin dahilan upang ako’y mabilis na makaalis sa hardin patungo sa aking silid.
Isang ngiwi ang kumubra sa aking labi nang makita ko si Columbus na kagigising lamang at nakahiga pa rin sa aking kama, “Ang sarap mong sapakin,” sambit ko.
Natatawang bumangon si Columbus hanggang sa matuon ang atensyon niya sa aking kamay kung nasaan ang singsing na binigay sa akin ni Nikolai. Pasipol siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay, “Hindi—”
Parehas kaming nagulat nang marinig namin ang marahas na pagbubukas ng pinto. At dahil kagigising lamang ni gago ay tulog pa ang diwa nito kaya’t nanatili lamang siyang nakatayo dahilan upang kabado ko siyang hinigit patago sa ilalim ng aking study table saka ako umupo sa silya upang matakluban siya ng magarbo kong kasuotan. Tangina naman talaga.
Nang magbukas ang pinto ay kabado akong lumingon kay Nikolai na tila ba’y naiinis, “Nagpaalam lamang ako saglit. Bakit mo naman ako’y iniwan sa hardin, Clarabelle?”
“Ah… Ano kasi…” Tangina. Ano bang sasabihin ko? Naramdaman ko ang pagkulbit sa akin ni Columbus at ito ay may inaabot sa aking libro. Palihim ko iyong kinuha at naiilang na tumawa, “Abala ako sa pagbabasa! Pasensya na—”
Nagulat ako nang lumapit si Nikolai upang agawin sa aking kamay ang libro. Saglit niya akong pinagkununotan ng noo at sinilip ang libro, “Isang daang paraan upang maging mabuting asawa?” Pagbabasa niya sa pamagat ng libro.
Dahan-dahan na kumubra ang isang ngiti sa labi ni Nikolai habang ako’y napapangiwi sa pagkailang. Nang dahil kay Columbus ay napapahiya ako at baka kung ano lamang ang isipin ng isang ito.
“Nais mo bang samahan kita sa pagbabasa o—”
“Babasahin ko ‘yan mag-isa!” Mabilis kong sagot. Nakangisi siyang tumatango’t nilapag ang libro sa lamesa at umalis sa silid.
Saglit akong napamulaga sa lamesa at hinihintay ang tuluyan niyang pag-alis. Nang maramdaman ko na hindi na siya babalik pa’y tumayo ako sa aking pagkakaupo’t inis na pinaltok ang libro kay Columbus.
“Tangina mo talaga!”
Natatawa siyang tumayo’t kinuha ang libro, “Alam mo kababaeng tao mo, mura ka nang mura.”
Nakabusangot ko siyang pinalisikan ng mga mata at tumungo sa pinto upang itulak pasara iyon. Nang bumalik ako sa aking puwesto kanina’y kumuha pa ako ng mga librong nakapatong sa lamesa upang ipaltok iyon sa kanya. Maliksi niyang iniiwasan iyon hanggang sa pinipigalan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking palapulsuhan.
Saglit akong napatigil at napatingin sa kanyang mala-tsokolateng mga mata. Kitang-kita ko rin ang kabado niyang paglunok na nagbibigay buhay sa kakaibang pakiramdam sa aking dibdib.
“Hindi ka pala talaga maganda sa malapitan…”
Walang emosyon ko siyang sinapak dahil upang indahin niya ang sakit sa kanyang mukha at umatras palayo sa akin.
“Tangina mo, Columbus. At hindi ako magsasawang murahin ka nang murahin.” Inis ko siyang tinalikuran at sinalampak ang aking sarili sa magulo kong kama.
Nang ipipikit ko sana ang aking mga mata ay nakarinig ako nang sunod-sunod na katakot dahilan upang tumakbo sa aking puwesto si Columbus at magtago sa aking tabi, “Hoy! Halata ka—”
Napasapo na lamang ako sa aking ulo ng yumakap sa akin si Columbus at tinakluban ng makapal na kumot ang aking katawan. Wala na rin akong magawa kung ‘di magprotesta at magreklamo sa aking isip dahil bukas na ang pinto.
“Oh… Kuya Cayden…” Naiilang kong tawag. Nakangiting lumapit sa aking puwesto ang kapatid ko ngunit agad iyon napalitan ng isang pagtatakha nang makita niya ang sunod-sunod kong pagngiwit.
“May sakit ka ba, Clara? Bakit ikaw ay pinagpapawisan? Bakit hindi mo tanggalin ang iyong—”
“Hindi!” Mabilis kong hinawakan ang kumot upang pigilan siya. Mariin akong napapikit nang mas lalong dinukdok ni Columbus ang kanyang sarili sa ‘kin at nang magmulat ako ng mga mata ay binigyan ako ni Cayden ng isang nawiwirduhan na tingin, “Ayos lamang talaga ako, Kuya Cayden!”
“Tila may dinaramdam ka—”
“Hindi! Bagong paraan ito upang magpapayat!” Tangina, Belle! Anong katangahan ‘yon? Tumango-tango si Cayden at ginulo ang aking buhok saka ako hinalikan sa aking noo.
“Hindi mo naman kailangang magpapayat ngunit kung iyon ang nais mo’y wala naman akong magagawa. Binisita lamang kita saglit upang kumustahin. Paalam na, bunso. Marami pa rin akong aayusin na mga papeles.”
Nang makaalis si Cayden ay agad kong inalis ang kumot at masamang tingin pinukol kay Columbus na kabibitaw lamang sa ‘kin.
Inis kong pinisil ang mga pisnge niya kahit patuloy siyang nagrereklamong nasasaktan siya habang walang kahit emosyon ang aking mga matang nakatingin sa kanya.
“Hoy—tama na! Masakit!”
“Nakakainis ka, napakapangit mong nilalang.”
Nahihirapan na humalakhak si Columbus at patapon kong binitawan ang kanyang pisnge saka muling humiga sa aking higaan.
“Napakagaling mo talaga. At ikaw pa ang may ganang magalit?”
Tumagilid ako’t pinanliitan siya ng mga mata. Pinagtataasan n’ya ako ng kilay hanggang sa gumaya siya sa akin at humiga, ilang sandali kaming nagtitigan hanggang sa binasag niya ang katahimikan.
“Handa ka na ba?” Malumay niyang tanong.
Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga takot na bigla na lamang umusbong sa aking katawan. Nangingig kong kinagat ang aking labi at nang balikan kong takpan ang aking mukha ay pinigilan ako ni Columbus sa pamamagitan ng hapit sa aking baiwang upang ikulong sa isang yakap.
Marahan niyang hinagod ang aking likuran kasabay nito ang pagtulo ng mga nagbabadya kong mga luha.
“Natatakot ako…” Nang muli kaming nabalot ng katahimikan ay naiilang akong humalakhak habang patuloy pa rin siya sa pagaalo sa ‘kin, “Columbus…”
“Hmm?”
“Maaari mo bang sabihin kay Pinunong Adelio na kung ako’y kaniyang ililigtas… nais ko sana ng isang magarbong pagpasok. ‘Yong tipong magugulantang ang lahat at maging ang mundo ko’y titigil.”
Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at dinukdok ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Ligtas… Iyon ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya.
“Makakarating ang iyong kahilingan.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top