Chapter 19: Tale of Hamilton

Chapter 19: Tale of Hamilton

“Bakit para kang tanga kung gumamit ng rapier?” Singhal sa ‘kin ni Columbus. Masamang tingin naman ang binigay ko kay Amor dahil sa malakas n’yang pagtawa, “Wala bang pumupuna sa’yo? Napakabobo talaga ni Nikolai para hindi ka turuan kung paano gamitin ‘yan.”

Nakangiwi akong umayos nang tao at ngumuso, “Ito kaya ang tinuro sa ‘kin.”

“At sino namang inutil ang nagturo sa iyo?”

“Si Alexander,” sagot ko.

Naiilang siyang tumawa’t bumulong sa hangin. Nang makita ni Amor ang dala kong rapier, agad niya akong niyakag sa lugar kung saan sila nag-eensayo. Ngunit akala ko’y kami lamang ni Amor at hindi kasama ang mayabang nasa aking harapan ngayon.

Hindi ako pinayagan ni Pinunong Adelio na bumalik at magmanman sa emperyo dahil sa tingin niya’y delikado ang aking binabalak at malalagay lamang ako sa kapahamakan.

“Lumapit ka sa ‘kin,” utos niya dahil upang pagkununotan ko lamang siya ng noo.

Saglit akong sumulyap kay Amor na nakaupo sa isang tumbang puno at gamit ang mapilantik niyang mga mata ay binigyan niya ako ng pamanuksong tingin.

ulat ang rumehistro sa ‘kin nang higitin ako ni Columbus palapit sa kanya. Tumungo sa aking likod at tila ba’y nakayakap dahil paghawak niya sa aking kamay na may hawak sa rapier. Marahan niya rin na inipod paunahan ang aking kanang paa.

At gamit ang kaniyang kamay ay inalalayan niya ako upang itutok pauna ang rapier. Marahan niyang tinapik ang aking balikat na tila’y pinahihiwatig na ituwid ko ito, ginamit niya rin ang kanyang paa upang itingkayad ko ang aking kaliwang paa habang inuurong ko ito patalikod.

“Ganiyan ang tamang porma sa paghawaka ng isang rapier,” bulong niya sa aking tainga. Naiilang ako, puta. “Umuna ka lamang kung nais mong umatake.”

Lumayo sa ‘kin si Columbus saka niya ako pinagmasdan mula ulo hanggang paa hanggang sa lumingon siya kay Amor, “Akina ang rapier ko, Amor.”

Nakangising inabot ni Amor ang kaniyang rapier ngunit ang buong atensyon ko’y natuon kay Columbus. Ginaya niya ang porma ng aking katawan at hindi ko alam kung bakit ko siya pinagmamasdang mabuti ngayon.

“Nakakaintindi ka ng Ingles, hindi ba?”

“Oo.”

“Mas mabuti,” sambit niya’t kaniyang inuna ang kaniyang kanan na paa’t tumingin sa aking mga mata, “This is what you call advance, and if step back your right foot, you call that retreat.”

Namamangha ko siyang pinanood, marahil dahil ito’y bago sa aking pandinig. Ngunit hindi ko rin mabigalan ang makaramdam ng lungkot dahil tila ako’y tinraydor ni Alexander. Ayon sa kaniyang mga turo, ito’y ginagamit katulad ng ibang mga espada sadyang kakaiba lamang ang itsura nito.

So, pinagmukha akong bobo ni gago.

Pinagtaasan ako ni Columbus ng kilay nang mapansin niyang pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha dahilan upang ituon ko ang atensyon ko sa kanyang rapier. Iba ang disenyo nito kumpara sa aking hawak at ang batong nakapalamuti ro’n ay kulay, isang tingin pa lamang ay alam mo ng mamahalin iyon.

“Hindi mo rin alam ang tawag dito?” Mayabang niyang tanong. Inangat niya ang rapier upang makita namin parehas ang kabuuan ng handle na kanyang hawak-hawak.

Inirapan ko lamang siya bilang tugon. Humalakhak s’ya na parang pinararating n’ya na isa akong mangmang. Tadyakan kita d’yan e! “This is what you call hilt, and the gemstone in it is a blue diamond.” Sabi ko na nga ba, mamahalin ‘yon e!

“Edi wow…” bulong ko na batid kong hindi niya narinig dahil nakatingin siya sa aking rapier.

Kunot-noo niya akong tiningnan, “Si Nikolai ang iyong makakaisang dibdib, hindi ba?”


“Sa kasamaang palad.”

“Ngunit bakit may marka ka ni Alexander?” Nagtatakhang tanong n’ya. Nagkibit balikat lamang ako dahil hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi n’ya. Dinuro ni Columbus ang hilt ng hawak kong rapier, “That is a fucking Alexandrite—Alexander’s mark.”


“Binigay lamang n’ya sa akin ito bilang regalo.”

Napasapo si Columbus sa kanyang noo at tumawa, “Amor, akala ko ba’y matalino ang nagligtas sa iyo—”

“Utang na loob. H’wag niyo akong idamay sa magiging away niyo,” sambit ni Amor at tumayo sa kaniyang puwesto. Ngunit bago siya umalis ay pang-asar siyang ngumisi sa amin, “Nakasasawa kayong panoorin dahil mukha kayong magkasintahan na naglalandian pagtapos ay mag-aaway na lamang bigla. Parang mga tanga lang.”


Wala sa sarili akong napangiwi nang umalis si Amor. Anong magkasintahan? Ano kami mga teenagers?

Saglit kaming nabalot ni Columbus nang katahimikan. Tangina si Amor. Pakiramdam ko’y nanandya na talaga ang isang iyon, simula noong dumating ako rito sa kuta niya’y kapansin-pansin ang mga mapapanukso niyang tingin at pagngiti. Binubugaw ba ako ng babaitang iyon sa lalaking ito?

Tumikhim si Columbus at inayos ang kaniyang pustura, “I will teach you later the important pieces of foot works such as passo straordinario and passata. As well the correct ways to grip a rapier.” Tinitigan n’ya ang Alexandrite na tila ba’y isang makasalanan na bagay iyon. At dahil sa matatalim niyang tingin sa bato, pakiramdam ko’y mali na tinanggap ko iyon.

“Sina Nikolai at Alexander ay magkaibang paraan ng pagmamarka sa babae nila. Mahilig makipaglandian si Nikolai sa mga babae kaya’t palaging tumatakas ang isang iyon sa palasyo upang magliwaliw. At oras na madala ka na sa kama ni Nikolai at makuha niya ang nais sa katawan mo, iyon ang palatandaan niyang namarkahan ka na niya. Samantalang si Alexander ay mapili sa babae at kung sino man ang handugan niya ng kaniyang minamahal na bato’y kanyang itutuon ang buong atensyon niya sa babaeng iyon ng ilang taon.”

Nagtatakha kong tinagilid ang aking ulo’t kinamot ang aking baba, “Ngunit hindi naman ako namarkahan ni Nikolai… So, si Alexander lamang ang nagbigay sa akin ng marka? Ngunit bakit?”


Saglit na umawang ang kanyang bibig na tila ba’y hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Bigla na lamang siyang bumungisngis at binitawan ang kanyang rapier upang pisilin ang dalawa kong pisnge. Tangina n’ya.


“Naiintindihan ko na ngayon…” Natatawang sambit n’ya. Edi ako na ang bobong hindi maka-gets. “Marahil ay inakala ni Alexander na namarkahan ka na ni Nikolai kaya’t hinandog sa iyo ni Alexander ‘yang pangit na bato upang asarin s’ya.”

“Seryoso ba?”

“Libangan ni Alexander na bwisitin at inisin si Nikolai bilang ito ang nakababata sa aming tatlo.”

Sa pagkurap ko sa aking mga mata, kuryosidad ang biglang bumalot sa aking sistema, “Marahil ay inaasar din ni Alexander si Nikolai kaya’t sumasama siya sa pamamasyal nina Amelia?”

Bigla na lamang tumigil si Columbus sa pagpisil sa aking pisnge kasabay nito ang unti-unting pagseryoso ng kanyang mukha..

“Nagkakasama pa rin silang tatlo?” Tanong n’ya at tumango naman ako. Pilit siyang ngumiti at malungkot na tumingin sa ‘kin, “H’wag mo  na lamang silang isipin, Belle. Mag-ensayo na lamang tayo dahil marami pang dapat matutuhan.”

Nakanguso ko siyang tiningnan imbes na ipatuloy niya ang pagkukuwento’y tinawanan lamang niya ako’t nagpatuloy sa pagtuturo niya.

“First, Passo straordinario, it always begins with an extension of the arm. Be reminded that your opponent will always attack you, even if you’re aware of it or not. But if you move first and extend your sword, and then you launch yourself forward, your opponent cannot attack fully without dealing with the oncoming threat first.”

Tumango-tango lamang ako sa kanya na parang tanga. Kunwari may naiintidihan pero mamaya ko pa talaga ma-gegets ‘to. Gano’n kasi ka-advance ang utak ko.


“And then, once your arm is extended, lift your front foot slightly off of the ground and kick it forward into the air, using your back foot to propel you forward.” Sabi niya, ginawa niya iyon nang mabagal na tila pinakikita niya sa akin kung paano gawin ng tama.“The back foot should remain firm and planted in place. When the front foot lands, the front knee should be bent with the back leg extended and completely straight.”


“Oh. Ang galing naman,” sambit ko na may bahid ng sarkasmo na agad naman niyang natunugan upang panlisikan niya ako ng mga mata.


“Gawin mo.” Hala! Patay tayo d’yan! Sinubukan kong alalahanin ang mga bagay na kakaturo lamang n’ya. Naiilang akong tumingin sa kanya nang ginawa ko ang mga iyon ngunit isang singhal lamang mula sa kanya ang natanggap ko, “Ayusin mo. H’wag kang mag-inarte d’yan.”

Nakasimangot ko naman na tinibayan at tinigasan ang aking mga paa at braso.


“Good. Next one is passata, this is simply bringing your back foot forward, which is similar to walking,” sambit niya habang ginagawa ang bagay na kanyang tinuturo, “Start from your guard. Pass the back foot forward so that it remains in a ninety-degree angle to the other foot, just as it normally is. Then take the other foot and bring it forward so that you are once again in your normal stance.”


Muli siyang sumenyas at ginaya ko naman ang ginawa niya, “Ang lupet ko!” Nakangiti kong sambit.


“Ang layo mo sa katotohanan. Tanga,” ani niya.

Pailing-iling siyang tumingin sa akin dahilan upang panliitan ko siya ng mga mata. Mayabang siyang ngumisi sa akin saka muling bumalik sa kanyang pagtuturo.

“Those two techniques can only be done with a sword like a rapier. The Passo Staordinario is a fast, powerful attack to reach your opponent from a distance. At the same time, Passata is used for multiple reasons, particularly if your weight has shifted onto the front foot. For instance, if you have performed a feint to one side of your opponent’s body and have shifted your weight forward, you would be unable to lift the front foot to lunge. Thus, your back foot would have to move instead. Do you understand?”

Tumango naman ako sa kanya bilang tugon. Tinaas ni Columbus ang kanyang rapier at pinakita ang paghawak niya sa hilt nito.


“There are four basic grips: prima, seconda, terza, and quarta,” panimula niya. Inayos niyang muli ang kaniyang porma’t pinagmasdam ko lamang iyon,“This is the prima grip. The palm is outward, and the thumb pointed down.”


“While the seconda grip is just like this. The palm is downwards.”

“Terza grip, the palm is inward. As if you are shaking hands with someone.”

“And lastly, quarta grip, the palm is up, which is the counterpart of the seconda.”


“Naintindihan mo ba?” Pagkukumpira niya sa akin.

“Naiintindihan ko.”

“May katanungan ka pa ba?”

Tumango ako sa kanya at ngumisi, “Mayroon.”

“Ano iyon?”

“Paano mag-marka ang isang Columbus Hamilton?” Saglit siyang nagulat ngunit agad din na kumubra sa kanyang labi ang isang mayabang na ngisi.

Tila ba’y nabato ako sa aking puwesto nang lumapit siya’t mapanuksong inangat ang aking baba at nilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga kung saan ako nakaramdam ng kakaibang kiliti.

“I don’t mark my woman. But kidnapping does sound great.”

#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top