Chapter 16: Her String of Destiny

Chapter 16: Her String of Destiny

Matured Content

═════◈♔◈═════


Isang malutong na mura ang kumawala sa bibig ni Nikolai matapos ko s’yang sipain sa kaniyang sandata. Namimilipit siya sa sakit ko nang iwanan ko siya’t bumalik sa bulwagan na tila ay walang nangyari.


Plastik akong ngumiti sa mga bumabati sa ‘kin na pa minsa’y hinahanap pa ang prinsipe sa akin, at ang tanging naisasagot ko lamang ay halakhak dahil hindi ko naman sabihin na ‘nasa labas ito at hinahalikan ang sahig’ dahil tiyak na malalagot ako.


“Binibing Clarabelle!” Bago ko pa malingon ang taong iyon ay walang pasabi nitong pinulupot sa aking balikat ang kaniyang braso. Paismid ko siyang nilingon at pinanlisikan ng mga mata.


Nakangising bumaling sa akin si Alexander at taas-noo niyang tiningnan ang ibang mga lalaking tumitingin sa akin, “Alam mo bang nililingon ka ng mga kalalakihan na imbitado sa bulwagan na ito?” Syempre, ang ganda-ganda ko e.


“Marahil ay may leeg sila, Alexander.”


“Hindi, hindi. Marahil iyon ay dahil sa iyong agaw-pansin na kasuotan na talagang bumabagay sa iyo. Kakaiba ito ngumit mas lalo lamang nitong pinalalabas ang iyong angkin na ganda—”


“Lubayan mo ang aking asawa, Alexander.” Parehas kaming napalingon ni Alexander sa gilid kung nasaan si Nikolai, masama ang pinupukol nitong tingin sa braso ni Alexander na nakaakbay sa akin ngunit kitang-kita pa rin ang mga lihim niyang pagngiwi.


Mataray ko siyang tiningnan, “Hindi mo ako asawa.” Assuming na prinsipe.


Umalingawngaw ang halakhak ni Alexander sa bulwagan dahilan upang kurutin ko ang kaniyang tagiliran at mapabitaw ito sa akin, “Nakakaawa naman ang aking nakababatang pinsan dahil ayaw sa kaniya ng kaniyang mapapangasawa.”


“Anong pakielam ko kung ayaw niya sa akin?” Nakangising tanong nito, saglit niya akong sinulyapan, “Dahil pagbaliktarin man natin ang mundo, ibalik man tayo panahon na ito, sa akin pa rin babagsak si Clarabelle. Ako pa rin ang mapapangasawa n’ya.” Ay, ang jinx naman. Nagawa nga ako rito ng paraan tapos gaganyan pa siya, medyo epal lang.

Muli sanang aatakihin ni Alexander ang kaniyang mga salita nang may lumapit sa amin na panauhin, isang Amerikano. May galang itong yumuko sa amin dahilan upang gayahin namin siya.


“General Stanley, it’s a pleasure to have you here,” Pagbati ni Alexander. Hindi na rin ako nagulat pa nang marinig ko siyang mag-ingles, mula siya sa royal family kaya’t natural lamang na may alam siya ibang lengguwahe lalo na’t tinuturo ito sa kanila bata pa lamang sila.


Ngumiti ang heneral at bumaling sa ‘kin bago ito nagtuon nang pansin kay Nikolai, “You have a very beautiful fiancé.” Sabi ko na nga ba e. Maganda talaga ako.


“Thank you,” nakangiti kong sambit sa kaniya, dahan-dahan na rumehistro ang pagkagulat sa kaniyang mga mata dahilan upang silipin n’ya ang prinsipe. Yieee. May crush ka kay Nikolai, ano?


Dahan-dahan na lumapit sa ‘kin si Alexander at bumulong, “Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag-ingles.”


“Marami ka pang hindi alam sa ‘kin,” nakangisi kong sambit sa kaniya.


Parehas kaming nagulat ni Alexander nang hapitin ni Nikolai ang aking baiwang at ngumiti sa heneral sa aming harapan, “You must surprise that she can speak English. She can actually speak Spanish too.”


“Wow. That is magnificent!” Humarap sa akin ang heneral na tila ba’y bilib na bilib ito, “You are not just gifted with beauty, you are also gifted with intellect.” Enebe, teme ne kekepere se eken.


“I am not that beautiful, General Stanley.” Humble kunwari. Hihi.


Mas lumawak ang ngiti nito, “You are very lucky Prince Nikolai. So, don’t let other sneak on her.”


“Of course. I don’t like it when people tries to what’s mine. Right, Alexander?” Ilang beses na kumurap ang heneral matapos marinig ang tugon ni Nikolai. Marahil ay dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng magpinsan, naiilang na nagpaalam ang heneral dahilan upang matawa si Alexander at ako nama’y mapangiwi.


“Baka,” pakantang sambit ni Alexander na naging dahilan upang mapakunot ang aking noo. Dahil sa kaniyang tono ay hindi ko alam kung sinasabihan niyang bobo si Nikolai sa lengguwahe ng mga hapon o literal na tagalog ito.


“Kanojo wa nihongo ga wakarimasen ka?” She can’t understand Japanese? Pasilip na tanong ni Nikolai kay Alexander dahilan upang mas kumunot ang noo ko habang ako’y nasa gitna nila. Minamaliit ba ako ng mga bobong ito?


Tumango naman si Alexander, “Kanojo wa mayu o hisomete iru. Kanojo wa dekinai to omoimasu.” She’s frowning. I think, she can’t.

Bugnot ko silang inirapan at nang akamang aalis na ako’y parehas nilang hinawakan ang aking braso’t hinigit ako sa malapit na lamesa sa aming puwesto at puwersahan akong pinaupo sa silya.


“Kanojo ga watashitachi o rikaidekinai yoikoto. Watashitachi wa anata no tsugi no ugoki o keikaku shite iru ma, watashitachi wa kanojo o miru koto ga dekimasu.” Good thing she can’t understand us. We can watch her while we are planning your next move. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanila. Akala ata nila’y hindi ko sila maiintidihan, kahit ano pang lenggwahe ang salitain nila r’yan ay maiintidihan ko sila.

“Watashinochichi ga Clarabelle to watashi ga kekkonshiki o oeta chokugo ni kare no ōi o watashi ni ataeru to wa omowanai.” I don’t think my father will immediately give me his throne after Clarabelle and I’s wedding. Tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinambit n’ya, may binabalak ba sila?


“Anata wa ōi o motte iru hitsuyō ga arimasu. Hitsuyōdesu—” Hindi na nagawang matapos ni Alexander ang kaniyang sasabihin nang may tumapik sa kaniyang balikat. Nang lumingon ako sa aming likuran ay seryosong nakatingin sa amin sina Carsten at Cayden.


“Masyado kayong agaw-pansin.” Ngumuso si Cayden sa mga taong nakatingin sa amin na sabay-sabay na bumalik sa kanilang mga pag-uusap. Pairap akong tumayo at tumabi sa aking mga kapatid dahilan upang sumulyap sa akin si Cayden, “Ano ang iyong problema, Clara?”


Inis kong dinuro ang dalawang prinsipe at paawang bumaling sa aking kapatid, “Inaaway nila ako.” Magsasalita pa sana si Alexander nang unahan ko ito, “Sinasabi nilang isa akong hunghang dahil hindi ako makaintindi ng Nihongo gayong naiintindihan ko naman lahat ng kanilang pinagsasabi.”


Parehas nandilim ang mga mata ng aking mga kapatid sa dalawang prinsipe dahilan upang ako’y makaalis sa kanilang puwesto ng palihim.


Nang lumabas ako sa bulwagan, isang pamilyar na pasilyo ang aking tinahak. Wala sa sarili akong naglakad papunta ro’n, marahan at tahimik ang bawat hakbang ko tila umiiwas na gumawa ng kahit anong ingay.


At bago pa man ako makaliko, may mga pamilyar na tinig akong narinig na nagmumula sa lihim na silid.


“Balita ko’y may mga naidagdag kayong mga babae sa ating koleksyon?” Kagat labi akong sumandal sa pader habang unti-unting kumukuyom ang aking kamao. Ang pamilyar na boses ng babae ay dahan-dahan na rumehistro sa aking isipan hanggang sa mapagtanto ko na ito ay ang aking ina.


“Mga babaeng pipityugin lamang na nais naming parusahan. Nakalulungkot lamang na hindi na namin mahagilap ang babaeng pinagtanggol ng inyong anak maging ang babae na nakakita sa ating silid pangaliwan,” sambit ng reyna na tila ba’y normal lamang ang kanilang ginagawa kababuyan.


Nang sumilip ako’y nakita ko ang gulat na reaksyon ng aking ama, “May nakakita sa ating silid? Sino ang mga tarantadong nakatoka sa pagbabantay ng araw na iyon?” Ang mga salita niya’y nagmistulang lason sa akin. Sa kaniya ko nais na isuplong ang kababuyan ng hari ngunit hindi ko inaasahan na siya’y katulong sa katarantaduhan nito.


Tangina…


“H’wag kang mag-alala, Cassimo. Aking naparusahan na sina Escanor at Roque sa kanilang kapabayaan.” Pagtawa ng hari.


Nakamulaga akong tumingin sa sahig, huli na upang mapansin ko ang pag-agos ng aking mga luha. Nanlalambot ako sa mga nalalaman ko at naaawa ako sa mga taong tinatarantado at napapaikot nila sa kanilang kapangyarihan at karangyaan.

Kung ganito ang mga namumuno sa ating bansa, paano na lamang ang mga walang kapangyarihan sa lipunan?


Nang marinig ko ang pagbukas ng lagusan, ang kanilang mga boses ay unti-unti na rin na naglaho. At sa pangalawang pagkakataon, ako na naman ay bigo. Nasasaktan ako para kapwa kong babae dahil kahit sino’y hindi nararapat maranasan ang maalipusta, ano man ang katayuan sa buhay.

Palihim akong umalis sa palasyo’t kinuha ang isang kabayo mula sa kuwadra at tinahak ang direksyon ng pamamahay ng mga Marquez.


Nang makarating ako ro’n ay agad akong tumungo sa hardin at mismong tapat ng aking silid kung saan nakatago ang aking bagahe sa likod ng makakapal na halaman. At dahil madilim naman sa buong paligid ay nagpalit ako ng komportable na suotin at sinira ko ang aking kasuotan saka tinago ro’n.


Inayos ko ang aking sarili’t sinukbig ang rapier sa gilid. Binalot ko rin ng tela ang aking mukha upang ikubli ang aking mukha sa mga maaaring makakasalubong ko.


At sa gitna ng katahimikan ng gabi, ako’y matiwasan na nakaalis sa emperyo. Nasa palad ko ang aking kapalaran at hindi ko nanaisin na makasal muli sa prinsipeng iyon, mas pipiliin kong lumayo sa lugar na ito at lumagay sa katahimikan at hintayin ang limang buwan na palugid sa akin ni Cynthia.

Sa paglagpas ko sa kakahuyan, kusang tumigil ang kabayo sa pagtakbo nang mga grupo ng mga kalalakihan ang pumigil sa amin. Nakatakip ang mga mukha nila’t nakatutok ang matutulis nilang mga espada sa aking direksyon.

Sa kumpol nila, isang lalaki ang dahan-dahan na lumapit sa ‘kin at tumingin sa akin na tila ba’y pinahihiwatig na umalis ako sa kabayo.


At sa aking pagbaba, ang takip sa aking mukha ay natanggal din. Gulat ang rumehistro sa kaniyang mga mata ngunit agad iyon napalitan ng kakaibang emosyon na hindi ko mapahiwatig.

“Sumunod ka sa ‘kin,” utos niya. Kinuha ng mga kasama niya ang kabayo’t maging mga bagahe ko dahilan upang maiwan ako kasama ang aking rapier.

At dahil wala rin akong pagpipilian ay minabuti kong sumunod sa kaniya. Napansin ko na ang kanilang teritoryo ay nakakubli sa kakahuyan at hindi ito gaanong kapansin-pansin, nang tumigil kami sa tapat ng isang silid ay saglit akong sinulyapan ng lalaki bago tuluyan na buksan ang pinto.


Kusang bumagsak ang aking mga balikat nang makita ang isang lalaki na nakaupo at tila ba’y abala ito sa kaniyang mga papeles na ang tanging nagbibigay liwanag sa kaniya ay ang lente ng lampara.

Nang tumunghay ang lalaki, gulat ang agad rumehistro sa kaniyang mga mata, “Binibining Clarabelle!”


“Ginoo…” pabulong kong sambit dahil hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang rebelde nagbukas ng aking isipan.

Tumingin siya sa lalaking aking katabi, “Hindi n’yo kailangan na ikulong ang binibini. Inyo siyang palayin.”

“Bumalik ka sa emperyo,” seryosong sambit ng aking katabi na nagpasimangot sa ‘kin.

“At bakit naman ako babalik sa lugar kung saan ako umalis?” Pagngisi ko dahilan upang pagkunuotan nila ako ng noo. Buntong-hininga akong tumingin sa kanila, “Tumakas ako sa emperyo at hindi ako babalik do’n kahit anong mangyari.”


“Ha?” Hatdog. De joke lang, baka mapatay ako.


“Tumakas ako.”

Naiilang na tumingin sa akin tila pinuno nila, hinahanap ang mga salitang nais niyang sambitin sa akin. Nang ito’y ngumiti ay dahan-dahan siyang tumayo’t tumungin sa akin ng diretso, “Maaari kang manatili rito, Binibini.”


“Nahihibang ka na ba?!” Pagalit na tanong ng lalaking aking katabi, “Pabalikin mo siya’t tiyak na mapapa—”

“Hayaan mo ang binibini sa kaniyang nais, Columbus.” Bumaling sa akin ang lalaki at magalang na nilahad ang kaniyang kamay. Akin naman iyon na inabot.

“Maraming salamat po, ginoo,” sambit ko.

“Ako nga pala si Adelio, ang pinuno ng mga rebelde. Nagagalak akong makita kang muli, Binibing Clarabelle.”


#

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top