Chapter 15: Scorching Heart
Chapter 15: Scorching Heart
Saglit akong napapikit dahil sa biglaang pagliwanag ng aking silid, may bahid ng inis kong minata si Aling Maria na s’yang naghawi ng mga kurtina sa aking silid. Dahan-dahan akong ymupo sa aking kama’t malamyang ginala ang aking mga mata.
“Ija, magandang umaga sa iyo,” magalang nitong pagbati. Nakangiti niyang nilapag sa lamesa ang aking umagahan dahilan upang mapabuntong hininga ako.
Tiyak kong naiinis at masama na ang loob sa ‘kin ng mga tao sa pamamahay na ito lalo na’t dalawang linggo na nila akong hindi nahahagilap at palagi na lamang akong nakakulong sa silid na ito. Simula noong nilibing si Theodore ay tinalikuran ko na ang lahat at malugod na tinanggap ang magiging kapalaran ko.
“Kumain ka na, ija.” Umalis si Aling Maria nang maramdaman n’yang hindi siya makaririnig ng kahit isang salita mula sa akin.
Tumayo ako sa aking puwesto at tumungo sa banyo upang makapagayos, nang harapin ko ang pagkain na hinanda sa ‘kin ay walang gana koi tong pinagmasdan. Napangiwit ako nang matapos kong humikab dahil sa dahil sa nag-iisang dahilan kung bakit ako ay napuyat, gabi-gabi na umaalingawngaw sa buong pamamahay ng mga Marquez ang sigaw ng aking ama. Ngunit hindi ko naman s’ya pinagbibigyan ng pansin.
At dahil hindi ako umaalis sa aking silid, nakakakain lamang ako sa pamamagitan ni Aling Maria o ‘di kaya’y dahil kay Carsten. Samantalang, si Cayden ay hinarap ang kaniyang pagluluksa sa ibang paraan. Isang linggo na n’yang nilulunod ang sarili sa trabaho, hindi rin siya umuuwi’t nananatili lamang sa kaniyang kuwartel.
Ilang gabi ko na rin binalak na umaalis at tumakas na lamang ngunit tuwing sisilip ako sa bintana ay maraming mga kawal na nakaaligid sa labas ng bahay, ito ay dahil sa prinsipe na walang sawang dumadalaw sa bahay at nananatili hanggang alas-diyes ng gabi kahit na hindi n’ya ako nasisilayan.
At ang tanging paraan na aking naiisip upang makatakas sa lugar na ito ay ang dumalo sa magaganap na pagtitipon mamaya, ang selebrasyon kung saan gaganapin ang pormal na pagpapakilala sa akin bilang babaeng mapapangasawa ng prinsipe.
Dumausdos ang aking mga mata sa damit na aking pinasadya para mamayang gabi dahil hindi ako komportable sa kanilang suotin. Isang kulay asul na off-shoulder ang aking pinasadya sa pamamagitan ni Aling Maria, hindi ito kasing garbo at bigat ng mga ball gown nilang suotin dahil nakalaylay lamang ito habang may hati sa gilid, ito ay binubuo ng tatlong tela kung saan pinakalutang ang mesh fabric na nagmimistulang kulambo. Ang makikinang at maliit na bato ay nakadikit sa itaas ng dibdib ang nagsisilbing disenyo nito maging ang malalaking puting baton a nagmimistulang sinturon.
Isang pamilyar at kakaibang pakiramdam ang gumising sa diwa ko kasabay nito ang pagbabago ng aking silid, isa-isang lumitaw ang malalaking gintong orasan at kasabay nito ang pag-ulan ng mga mala-crystal na buhangin na nagbibigay kinang sa palagid na unti-unting nababalot ng dilim.
Mapait akong napangiti ng maramdaman ko ang isang pamilyar na prinsensya at nang bumaling ako sa aking likuran ay naroon ang batang seryoso lamang akong pinapanood. Kung noong huli ko siyang makita ay maikukumpara siya sa isang pulubi, ngayon ay tila isa siyang batang prinsipe.
“Belle Martinez,” sambit n’ya.
“Batang hamog,” nakasimangot kong sambit. Sumimangot din s’ya sa akin at dahan-dahan na naglakad patungo sa aking puwesto.
Nang ilahad n’ya ang kaniyang kamay, sa isang iglap lamang ay nasa kaniyang palad na ang aking kuwaderno, “Simula ngayon ay mga nilalaman ng kuwadernong ito ay mawawalan ng bisa. Simula ngayon ay hindi ka magagawang gabayan ng mga nalalaman mo sa iyong hinaharap dahil tuluyan mo nang nabago ang takbo nito, Belle.”
“Tuluyan na nabago? Nagbibiro ka siguro… Hindi ko nagawang mabago ang tadhana ni Theodore!”
“Ngunit nagawang makapagpaalam ni Theodore na hindi niya nagawa sa una mong buhay.” Ginala niya ang kaniyang mga mata hanggang sa tumigil ito sa pinakamalaking orasan, “Pinasasabi rin ni Cynthia na ipagpatuloy mo ang pagsusulat sa mga nangyayari sa iyong araw-araw dahil ito ay maaari mong gamitin sa iyong hinaharap.”
“Sino si Cynthia?”
Ngumiti ito sa ‘kin, “Ang babaeng may hawak ng oras, ang babae na dahilan kung bakit ka naririto.”
“Ah…” Sambit ko, “Ang dahilan kung bakit ako nagdurusa.”
Isang mahinang halakhak ang umalingangaw sa paligid, nang sulayapan ko ang batang kasama ko’y nakangisi ito sa akin, “Ikaw ang dahilan kung bakit ka nagdudusa. Marahil ay iyong nalilimutan na isa kang tuta, iyon ang dahilan kung bakit ikaw ay pinarusan ng d’yosa ng oras.”
“Ano… hindi kita maintindihan…”
“Si Clarabelle Marquez ay isang kasuklamsuklam na nilalang,” nakangising sambit nito. Isang dahilan upang lalo lamang akong malito, “Kaya’t imbes na ituring mo bilang isang kaparusahan ang pagbalik mo sa panahon na ito, marahil ay mas maganda kung ituturing mo ito bilang regalo. Dahil hawak mo ang iyong kapalaran at magagawa mo pa rin na mabago ang hinaharap.”
Unti-unting naglaho ang kaniyang imahe kasabay nito ang pagbabalik ko sa aking silid, nang sumilay ako sa bintana ay napansin kong gabi na. Wala sa sarili akong nagbihis at nag-ayos upang dumalo sa selebrasyon. Tahimik at buong ingat akong lumabas sa silid hanggang sa makarating ako sa may salas, naririnig ko ang pagtatalo ng aking ama at ni Carsten.
Masyado silang abala upang mapansin ang prisensya ko.
“Ayoko nga,” seryosong sambit ni Carsten, “Ikaw ang sumundo sa bunso kong kapatid total ay ilang beses kang sumisigaw sa kaniyang pinto kahit rinding-rindi na kami ni Ina.”
“Ngunit ikaw lamang ang—”
“Clarabelle!” Patakbong sambit ng aking ina, mabilis ako nitong sinugod sa isang yakap dahilan upang magulat ang dalawang nagtatalo, “Maayos ka na ba, anak?”
“Si Kuya Cayden?” Pag-iwas kong tanong.
Buntong-hininga na lumapit sa akin si Carsten habang kinikilatis ang aking suot-suot, “Si Cayden ay nasa bulwagan na at ano iyang suot mo?”
“Malamang ay damit.”
Hindi n’ya pinansin ang pabalbal kong sagot at siya ay ngumiti, “Nababagay sa iyo ang suot mo.”
“Maganda kasi ako e.”
Saglit na nabalot ng katahimikan ang apat sulok ng salas. Naiilang na tumawa ang aking ina kasabay nito ang pagsulyap sa akin ni ama na nakikitawa na rin. Amputa, mga walang support.
Naglakad ako patungo sa aking ama at yumuko, “Pasensya na ho sa aking inasal sa inyo. Sadyang ako’y nalulungkot pa rin sa pagpanaw ni Theodore, paumanhi po dahil napasakit ko ang inyong ulo.”
“Naiintindihan kita, anak. Patawad din dahil sadyang nag-aalala lamang ako sa iyong kalagayan,” sambit ng aking ama.
At sa pagtunghay ko’y saglit kong napansin ang pagkinang ng aking mga mata, “Ama, maaari ba kitang makausap mamaya? Pagkatapos ng pagpupulong?” Maaaring siya ang maging susi ko upang makaalis sa pagkakataling ito dahil sa kaniya ko mismo ihahayag ang baho ng emperyong ito at hindi matuloy ang aming kasal ni Nikolai.
═════◈♔◈═════
Pagkarating namin sa bulwagan ay agad kaming sinalubong ni Cayden at kasama niya sina Vivian. Saglit akong nakipagusap sa kanila hanggang sa matuon ang atensyon ko sa disenyo ng buong paligid, nakasisilaw ang purong puti na mga palamuti sa paligid. May kaniya-kaniya rin na puwesto’t lamesa ang mga panauhin at sa pinakagitna ay entablado.
Sa pinakaunahan ay may isang pahabang lamesa na ekslusibo sa Pamilyang Marquez at mga Hamilton, agad naman na nangasim ang sikmura ko nang may biglang pumulopot na braso sa aking baiwang.
“Bitaw,” seryosong sambit ko.
“Ayoko.” Nakangiti niyang sambit. Bumaling siya kayna Cayden at Carsten, “Maaari ko bang mahiram ang binibini?”
May galak na ngumiti sa kaniya ang aking ama, “Magpakasaya kayong dalawa.”
At bago pa man ako makapagreklamo ay mabilis niya aking hinigit paalis sa madla. Nang makalabas kami sa bulwagan, isang pamilyar na lugar ang bumungad sa akin, ang hardin kung saan una kaming nagkita sa lugar na ito.
“Kumusta, Lady Marquez?” Mahinang tanong n’ya. Tumigil s’ya sa paghigit sa akin, “Kumusta tayo?”
Napatatawa kong tinaas ang aking kilay, “May tayo ba?”
Naguguluhan niya akong nilingon. Tila ba’y nais niyang dagdag o ‘di kaya’y bigyan ko ng eksplenasyon ang aking mga salitang binitawan ngunit nang mapansin n’ya ang matatalas kong pagtingin ay napagtanto niyang hindi na muli akong iimik pa.
“Iyong tungkol kay Amelia—”
“Hindi ko kailangan ng iyong paliwanag.”
“Lady Marquez.”
“Nasa loob ang aking ina kung siya’y hinahanap mo,” pabalang na sagot ko. Walang gana ko siyang tinalikuran hanggang sa muli niya akong hinigit at sinandal sa isang puno.
“Pakinggan mo ako.”
“Ayoko.”
Marahan niyang pinikit ang kaniyang mga mata tila ba’y pinipigilan ang namumuong inis sa kaniyang katawan, “Hindi ko nais na saktan ka. Hindi ko siya—”
“Sabi ko’y hindi ko kailangan ang iyong paliwanag. Hindi ako nasaktan at kung nakita mo man na lumuluha ako ng araw na iyon ay hindi iyon dahil sa iyo at kahit kailan ay hindi ako luluha para sa iyo. Dahil hindi kita mahal at wala akong nararamdaman para sa iyo.”
Bagsak ang mga balikat niyang tumingin sa akin, ang mga mata niya’y nagpaparamdam ng sakit habang dahan-dahan siyang umaartas. Mapait siya ngumiti sa akin kasabay nito ang pagsambit n’ya ng mga salitang hindi ko inaasahan kakawala sa kaniyang bibig.
“Ngunit ako’y mayroon, Clarabelle. Mayroon akong nararamdaman para sa iyo.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top