Chapter 14: Fleeting Moment
Chapter 14: Fleeting Moment
“Clarabelle, tara na,” mahinang pagtawag sa ‘kin ni Cayden. Marahan na tinapik ni Carsten ang aking balikat upang sabihin na kami’y bababa na sa karwahe. Nang silipin ko ang aking panganay na kapatid, siya’y seryoso kaming pinagmamasdan ni Cayden na parehas na hindi kumikibo sa aming puwesto.
At nang marinig namin ang tunog ng kampana ay parehaskaming buntong-hiningang lumabas at tumungo sa unang gusali ng palasyo kung saan gaganapin ang kanilang Dubbing. Tumungo kami sa bulwagan, kung saan bumungad ang larawan ng magigiting na mga knight at katulad ng nakita ko noong nakaraan may isang larawan ang tila inalis.
Sumunod ako kayna Carsten at Cayden, naupo sila gitnang bahagi ng bulwagan. At kahit na diretso lamang akong nakatingin sa malaking rebulto ng hari sa harapan ay nararamdaman ko ang isang matinding tingin na nagmumula sa aking likuran, nang tinagilid ko ang aking ulo’y nahagip ng aking paningin ang ama ni Vivian na agad na ngumiti sa ‘kin. Pansin ko rin na nandito na ang mga magulang nina Thomas at Thaddeus ngunit wala pa sila.
Nang magpaalam sa akin sina Cayden at Carsten ay naintidihan ko agad na magsisimula na ang seremonya. Tatlong beses na umugong ang kampana kasabay nito ang pagmamartsa ng matataas na ranggo mga knight at kasama ro’n si Alexander.
“Binibining Clarabelle.” Mapait akong napangisi nang marinig ko ang isang tinig, mataray kong nilingon si Amelia na nasa aking tabi na. Nangungusap ang mga mata n’yang nakatingin sa ‘kin tila ba’y may nais siyang ihayag, “Binibini—”
Walang pasabi akong umalis sa aking puwesto at tumungo sa unahan na silya kung saan nakapuwesto ang aking ina, saglit niyang kinamusta ang pakiramdam ko’t napansin kong nilubayan na ako ni Amelia. Samantalang nagmamartsa na ang mga squire ngunit wala pa ang apat na estudyante ni Cayden, nang makarating ang pinakahuling squire ay mas lalo akong nangamba.
Lumuhod ang isang hilera ng mga squire sa tapat ng hari at gamit ang kaniyang espada’y binasbasan niya ang mga ito. Ang dalawang prinsipe nama’y pinapalitan ang kanilang simbolo bilang mga squire at pinapalatan ito ng simbolo ng mga knight. Samantalang, ang aking ama naman ang nagbibigay ng bagong saklob nila bilang mga ganap na knight. At sa dulong bahagi ay nakikipagkamay sila kayna Cayden at sa iba pang matataas na ranggong knight.
Malamlam ang mga mata ni Cayden habang nakikipagkamay sa ibang mga squire tila ba’y nagbabadya ang mga luha niya sa pagtulo. Bago pa man s’ya makapagangat ng tingin sa ‘kin ay bumukas bigla ang pinto kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha habang nakangiti.
Ang apat na squire na dahilan ng aking pagdalo sa lugar na ito ay nandito na, malawak ang mga ngiti nilang nagmartsa patungo sa unahan. Sabay-sabay silang lumuhod sa harap ng hari na saglit sumilip sa aking ama na tumango lamang, kaniyang binasbasan ang apat na nahuli sa pagdating.
Agad naman na nawala ang ngiti sa aking labi nang mapansin ko ang lihim na pagngiwi ni Theodore, saglit akong napakagat sa aking labi ngunit hindi ko magawang malungkot kung masayang nakikipagkamay si Theodore sa mga knight.
Nang matapos sila’y nagtayuan ang lahat at pumalakpak, humilera ang lahat ng squire at humarap sa amin saka yumuko. Nang sumenyas ang hari upang tumahik ay nanumbalik ang lahat sa pag-upo at sa pagtunghay nila’y tumikhim ang hari.
“Maligayang araw sa ating lahat. At simula ngayong araw na ito, ang labing-anim na squire na nakatayo sa inyong harapan ay tinatalaga ko bilang mga knight. Nama’y gabayan kayo ng Panginoon sa panibagong landas na inyong tatahakin. Isa—”
Nanlaki ang mata naming lahat nang bumagsak si Theodore sa sahig, mabilis na tumungo sa kaniyang tabi sina Vivian at maging si Cayden. Kagat-labi kong tinakbo ang kaniyang puwesto habnag patuloy ang pagagos ng aking mga luha.
“Theodore…” Lumuhod ako sa kaniyang harapan at nanghihina niyang nilingon ang aking direksyon. At kahit na nahihirapan siya’y pinilit niyang ngumiti at inabot ang aking pisnge.
“H’wag… h’wag kang umiiyak, Ate Clara.”
Inabot ko ang kaniyang kamay saka iyon mahigpit na hinawakan. Alam ko na ang mangyayari ngunit bakit mas doble ang sakit?
“Saglit na lang, Theodore… Parating na ang doktor. Kumapit ka lamang,” bulong ni Cayden. Bahagyang umatras si Cayden nang magmartsa ang pamilya ni Theodore.
Nanghihinang ngumiti si Theodore kasabay nito ang paggala n’ya sa kaniyang mga mata, “Ito na marahil ang pinakamasayang araw ko…” nang mahina siyang tumawa ay mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay, “Dahil ang mga taong mahahalaga sa ‘kin ay nasaharapan ko ngayon... Ngunit bahagyang nakalulungkot lamang dahil nais ko’y nakangiti kayong lahat…”
Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha’t pilit na ngumiti na ginaya naman ng iba.
“Inay… Itay… Mahal na mahal ko kayo at h’wag niyo pong kalilimutan ‘yon… Ingatan niyo po ang inyong mga sarili at h’wag niyong kalimutan na magpahinga dahil ayokong napapagod kayo.” Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata, nang lumuhod sa kaniyang harapan ang ina niya’y hinalikan siya nito sa noo.
“Pangako… Basta ba’y gagaling ka…” Paulit-ulit na sambit ng kaniyang ina.
Nang bumaling si Theodore sa knaiyang mga kapatid ay muli siyang ngumiti, “Ate… Kuya… H’wag kayong mag-alala mahal ko rin kayo… H’wag niyong kalilimutan na kumain sa tamang oras lalong-lalo ka na, Ate… Luluwag na rin ang intindihin n’yo—”
“Hindi! Hindi… Gagaling ka, gagaling ka, Theodore. Dito ka lang sa amin…” Sambit ng kaniyang ate.
Lumipat ang tingin niya kayna Thaddeus, “Thaddeus, Thomas… Maraming salamat sa ilang taon na pagkakaibigan. H’wag kayong mag-alala dahil ipagtitira ko ng tambayan…” nang tumingin siya kay Vivian ay ngumiti siya, “Vivian… Ma—may nararamdaman nga pala ako sa iyo… h’wag mong ipagsasabi ha. Atin-atin lang ‘yon.”
Nanatiling tahimik ang tatlo habang patuloy ang pagluha nila hanggang sa lumipat siya kay Cayden, “Kuya Cayden… natupad na ang aking pangarap,” naluluhang sambit n’ya, kaniyang inagaw sa akin ang kaniyang kamay at pinantakip iyon sa kaniyang mga mata, “Gusto… Gusto ko pang makasama kayong apat… Gusto ko pang makasama kayo sa labanan ngunit pagod na pagod na ako sa sarili kong laban…”
“Theodore—”
“Bakit ganito… bakit ako?”
Nang mabalot kami ng katahimikan ay inalis niya ang kaniyang kamay sa mukha at pilit na umupo’t humarap sa akin, inalalayan ko siya habang nakakagat ako sa pang ibabang labi ko.
“Ate Clara…” Pilit siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa isang mahigpit na yakap na naging dahilan upang mas lalo lamang akong malungkot, “Ramdam kong marami ka rin na problema ngayon… ngunit sana’y h’wag mong kalilimutan ang mga taong nakapaligid sa’yo… At nais kong ipaalam sa’yo, na kahit saglit ka lamang namin na nakasama’y lubos-lubos ang nararamdaman kong pagmamahal sa’yo…”
“Theodore…” Bakit sobra-sobra ang sakit?
“Ate Clara… Gusto ko pang mabuhay ngunit nais nang sumuko ng aking katawan…”
“Ayoko... Ayoko, huwag kang susuko—”
“Mahal na mahal ko kayong lahat...”
Dahan-dahan na lumuwag ang kaniyang yakap sa akin hanggang sa unti-unting bumagsak ang kaniyang katawan, nanatili lamang akong nakatulala sa kawalan ngunit patuloy na umaagos ang aking mga luha na tila ba’y walang kaubusan ang mga.
Alam kong mangyayari ito ngumit bakit hindi ko nagawang pigilan ito? Bakit?
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Cayden kasabay nito ang pagluhod niya sa aking harapan, sinubsob ko ang sarili ko kay Cayden habang maghipit niya akong niyayakap. Mahina kong sinuntok ang kaniyang balikat ng paulit-ulit.
“Kuya… Bakit… Bakit kailangang mangyari ito?” Paulit-ulit kong tanong sa kaniya. Alam ko ang mangyayari! Alam ko ito ngunit hindi ko magawang magpasalamat kahit alam ko na lahat, lalo na’t napakawalang kwenta ko!
Tangina sobra sakit.
Kung ang pagkamatay niya ay hindi ko nagawang mapigilan, marahil ay gano’n pa rin ang mangyayari sa ‘kin.
Mamamatay pa rin ako. Mamamatay si Clarabelle Marquez sa pangalawang pagkakataon.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top