Chapter 13: Overwhelmed
Chapter 13: Overwhelmed
Ang nakabibinging tunog ng bentilador ang tanging maririnig sa apat na sulok ng silid, walang nagbalak na magsalita sa amin o kumibo man lamang matapos lumabas ang doktora sa silid.
Nakahiga si Theodore sa kama ng klinika sa kuwartel at ang kaniyang mga magulang at dalawang kapatid ang nasa tabi niya ngayon. Marahan na hinahaplos ng kaniyang ina ang kamay ni Theodore habang inaalo naman ng ama niya ang kaniyang ina.
Tipid na ngumiti si Theodore at kahit na hirap ay kaniya pa rin na nilibot ang kaniyang paningin, “Ba—bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?” Nanghihina niyang tanong.
Marahan kong pinikit ang mga mata ko at agad din na minulat ito. Bago umalis ang doktora ay pinaliwanag niya sa amin na komplikasyon sa puso si Theodore, ihanayag niya rin na wala siyang magagawa upang magamot ito maging mga kakilala niya. Ito ay marahiol hindi pa ganoong kaunlad ang teknolohiya sa panahon na ito at tanging mga herbal na medisina lamang ang kaakap ng bawat isa.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Vivian dahilan upang marahan kong suklayin ang kaniyang buhok habang pinapanood ang buong pamilya ni Theodore.
“Anak… Bakit hindi mo sinabi na may nararamdaman ka pa lang mali sa iyong katawan?” Mahinang tanong ng kaniyang ina.
Nakangiting lumuha si Theodore, “Inay… Wala tayong pera na panggamot sa sakit ko bukod pa ro’n ay tinutustusan niyo na ang lahat ng pangangailangan ko sa landas na aking tinahak. Ako ang bunso… ngunit ang ituring na espesyal sa ating pamilya ay hindi naging madali sa akin. Ayokong nakikita na nahihirapan ang aking ate at kuya upang matustusan ang gastusin sa bahay, ayokong nakikita ang sugat-sugat na mga kamay ng nanay sa sunod-sunod niyang pagtanggap ng labahin para may maibigay sa ‘kin, ayokong nakikitang hirap na hirap ang tatay na humanap ng pasahero sa kaniyang kalesa… Samantalang ako’y sarap-buhay, ang tanging ginagawa ko lamang ay ang mag-ensayo.”
“Theodore…”
“Inay… Pakiramdam ko’y pabigat lamang ako sa ating pamilya…”
Napasinghap ako ng hangin at mahigpit akong napakapit kay Vivia. Pakiramdam ko’y tuyong-tuyo na ang mga mata ko ngunit putoloy pa rin sa pagtulo ang aking mga luha.
Mahinang sinuntok ni Theodore ang kaniyang dibdib at habang tumatagal ay lumalakas ang kaniyang pagtangis, “Bakit… Bakit pa kasi ako?”
“Theodore…” Lumapit sa kaniya si Cayden at pinigilan nito ang pagsuntok n’ya sa kaniyang dibdib at inalo s’ya, “Kakayanin natin, ha? Magiging isang ganap ka pang Knight.” Nang kinulong ni Cayden sa isang mahigpit na yakap si Theodore, ang nakabibinging iyak ni Theodore an gaming narinig. Marahil ito’y kanina niya pang pinipigilan.
“Bakit… Bakit ako, Kuya Cayden? Nais ko lamang maging isang… isang magiting na knight upang makatulong at makabawi sa aking pamilya… Ngunit bakit ako pa?”
Ang tatlong kaibigan ni Theodore ay pare-parehas tumalikod sa kaniya, kinukubli ang kanilang mga luha at tila ayaw ipakita sa kanilang minamahal na kaibigan. Nang kumlas si Cayden sa yakap ay pilit itlong ngumiti kay Theodore, “Magiging ganap na Knight ka na sa Biyernas…”
Tumawa si Theodore na tila’y wala siyang nararamdaman sa kaniyang katawan. Bumaling siya sa kaniyang pamilya’t malawak na ngumiti sa kanila, “Inay… Itay… narinig niyo ba iyon? Magiging Knight na po ako!”
“Kaya, anak… H’wag kang susuko dahil dadalo ka pa sa inyong Dubbing sa Biyernes,” mahinang sambit ng kaniyang ama. Nang bumaling sa aming direksyon si Theodore ay pilit na humarap ang tatlo at pinunasan ang kanilang mga luha sa mga mata.
“Ate Clara… paano ba ‘yan, hindi ata kita mapapakasalan?” Pagbibiro n’ya na naging dahilan ng mahina kong pagtawa. Bumaling s’ya kay Thaddeus at ngumiti, “Parehas kong hindi nais ang mga manok nina Vivian at Thomas… Kaya kung sino man ang iyong magiging manok ay ro’n na rin ako. Pero sana nama’y pumili ka ng kasing kisig ko.”
Ngumiti si Thaddeus at nagsalita, “Makakaasa ka sa ‘kin.”
Dahan-dahan na bumitaw sa ‘kin si Vivian at mataray niyang pinukol ang mga mata kay Theodore, malungkot na umismid si Vivian, “Kailangan kong nando’n ka sa Biyernes dahil hindi ko tatanggapin ang prestishiyosong titulo kung… kung kulang tayo!”
“Oh, ayan ha. Makonsensya ka sa pagpapaiyak sa amin pati na rin sa prinsesa natin,” pagbibiro ni Thomas.
“Darating ako. Pangako.”
═════◈♔◈═════
At kahit labag sa kalooban ng bawat isa na umuwi ay kinailangan namin. Kailangan magpahinga ni Theodore at ang kailangan lamang do’n ay sina Cayden at pamilya nito. Bago ako tumungo sa palasyo ay inaayos ko muna ang aking sarili at habang naglalakad sa pasilyo ay saglit akong napatigil sa paglalakad at mapait na napangiti.
Ah… Tangina.
Napakapangit na palabas. Sa isang sulok ay magkayakap si Prinsipe Nikolai at Amelia at tila ba’y inaalo ng prinsipe ang kaniyang panauhin. Nang lumingon sa direksyon ko ang prinsipe ay agad na rumehistro ang pagkagimbal sa kaniyang mukha, marahil ay hindi niya inaasahan na makita ako ng ganitong oras.
Bago ko sila tinalikuran ay lakas-loob akong ngumisi at tumungo sa kaniyang silid. Marahas kong binagsak ang pinto at kinuha ang aking mga gamit, isang matalas na tingin lamang ang pinukol sa pinto nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatakot.
Tangina… Pagod na ako.
“Clarabelle, mag-usap tayo… Mali ang iyong iniisip… Si Amelia ay—”
“Manahimik ka!”
Humugot ako ng lakas upang ilagay ko ang lahat damit at gamit sa aking lagayan ng bagahe. Bawat pagkatakot niya’y mas nagpapalala lang ng inis na nararamdaman ko ngayon, marahil ay magandang desisyon na rin ito upang makalayo sa kaniya at kaniyang ama.
Marahas kong binuksan ang pinto, umaliwalas ang kaniyang mukha ngunit mabilis itong nagbago nang makita niya ang aking hawak.
“Clarabelle…” Nanginginig ang kaniyang mga labi na tila ba’y hindi niya makapa ang mga salita na nais n’yang bitawan, “Hindi ka aalis, Clarabelle. Nakikiusap ako—”
“Aalis ako at hindi mo magagawang baguhin ang desisyon ko.”
Mabilis n’yang hinawakan ang aking braso’t pilit akong pinipigilan hanggang sa pinukulan ko siya ng isang matalas na tingin. Nang lumuwag ang kapit niya’y marahas kong winagwag ang aking braso upang matanggal ang pagkakapit n’ya sa akin.
Nanghihina siyang lumuhod hanggang sa dahan-dahan na umagos ang mga luha sa kaniyang mga malamlam na mga mata, “Nakikiusap ako. H’wag mo akong iwan, Clarabelle,” sambit niya gamit ang nanginginig niyang mga labi.
Mapait ko siyang nginitian kasabay nito pagtalikod ko sa kaniya, “Marahil ay una pa lamang ay alam mo ng hindi mo ako kasama. Alam mong hindi ako nahulog sa iyong mga patibong… Ikaw ang nahulog sa iyong mga patibong, Nikolai,” makahulugan kong sambit. Hindi s’ya ang lalaking papangarapin kong pakasalan.
At mula sa likod ay niyakap n’ya ako, patuloy pa rin sa pagpigil na umalis ako sa palasyo. Nakatatawang isipin ang lalaking papatay sa ‘kin ay ang lalaki na rin na tumatangis at nakikiusap na h’wag ko siyang iwan.
“Alam kong sinasabi mo lamang ang mga iyan dahil sa iyong nakita—”
Hindi na n’ya nagawang maituloy ang kaniyang sasabihin nang tapakan ko ang kaniyang paa upang makaalis sa kaniyang bisig at habang iniinda niya ang sakit ay mabilis ko siyang iniwan at umalis sa palasyo. Nang mapansin ko na nakita ako ni Amelia ay lumingon ito sa akin at nang akmang hahabulin niya ako ay sumakay ako sa isang kalesa na ng isang kutsero na naghihintay ng pasahero.
“Sa bahay po ng mga Marquez.”
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top