Chapter 11: Inhumane
Chapter 11: Inhumane
Matured Content
═════◈♔◈═════
Nang mas lalong lumalim ang gabi ay mas lalong nagising ang aking diwa, mahimbing na siyang natutulog ngunit mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa akin. Buntong-hininga kong tinanggal ang kaniyang braso dahil nabibigatan ako. Saglit ko s’yang pinagmasdan ngunit agad din sumimangot dahil nakakaasar ang mukha n’ya.
Nagmuni-muni ako sa silid hanggang sa lumipat ako sa sofa upang do’n matulog. Nakakabadtrip kasi ‘yon, naniniksik.
Saglit pa’y may narinig akong mahihinang tawanan at bulungan sa kabilang dako ng pader at dahil namunga ang kuryosidad sa aking sistema ay nilapat ko ang aking tainga sa may pinto upang mas mapakinggan ko ang kanilang munting usapan.
“Sino ang iyong ikakama ngayong gabi, Roque?” Tangina. Sa damirami ng mga paunang salita bubungad sa akin ay iyon pa. Nanliliit ang mga mata kong mas diniinan ang aking mukha, hindi ko alam kung bakit mas inuuna nila ang kamanyakan nila kaysa ang magronda at panatiliing ligtas ang kaharian.
“Marahil ay ang anak ni Adelio. Masarap ang isang iyon kahit ilang beses na siyang napaglaruan ng mga nasa itaas,” sagot ni Roque. Nandidiri akong napamulaga sa pinto. Anong katarantaduhan ang naririnig ko ngayon? “Escanor, balita ko’y may pinagawang espesyal na misyon sa iyo ang Mahal na Hari?”
Tumawa ang guwardyang nagngangalan na Escanor, “Ah… Nais ng Mahal na Hari na paslangin ko ang nag-iisang babae ng pamilyang Marquez. Ngunit kahit hindi ko nagawa’y natuwa pa rin ang Hari dahil galit na galit ang mga tao, inakala nila na rebelde ang dahilan kung bakit nasugatan ang binibini.”
“Pinalaso mo ang Binibinig Marquez?”
“Oo. Batid kong inaasahan niya iyon dahil nakaiwas siya kahit papaano.” Rinig kong paliwanag ni Escanor. Saglit kong pinakalma ang aking sarili’t pilit na kinaklaro ito. May parte sa ‘kin na hindi ko mapigilan ang mamangha sa tusong hari, marahil ay nilalapit niya ako sa kanya upang mas mapadali ang pagpapadispatsya niya.
At tama si Alexander. Nais akong ipapatay ng hayop na iyon.
“Bakit naman nais na patayin ng Mahal na Hari ang binibini? Hindi ba’t pakakasalan pa ng Mahal na Prinsipe—”
“Hunghang ka talaga, Roque. Siya si Clarabelle Marquez, iyon ang lamang tanging dahilan,” sambit ni Escanor na tila ba’y siguradong-sigurado siya kaniyang sagot, “At siya na rin ang gumagawa ng dahilan upang makansela ang kanilang kasal. Una, hinayaan niyang masugatan ang kaniyang katawan sa kagagawan ko at ng Hari. Marahil alam mo na ang katawan ng mga babae ay espesyal kaya’t marapat na hindi sila magalusan. Pangalawa, binangga niya ang isang aristokratong Espanyol na kasama sa ministrong pinaiikot ng Hari. Isang pagkakamali na lamang ay ipatatawag na siya ng Hari at kakanselahin ang kasal.”
“Magagalit si Ginoong Cassimo kung gano’on!” Sabat ni Roque.
“Kaya nga’t hinahayaan ng Mahal na Hari na gumawa ng mga taliwas sa kaniyang prinisipyo ang binibini upang siya mismo’y ikalulo ng kaniyang pamilya.” Marahan akong napapikit habang nakakuyom ang palad. Tangina, pakiramdam ko’y mas masaklap malaman na bukod sa papatayin ako ni Nikolai ay nais din akong ipapatay ng ama nito. “At oras na patalsikin si Binibining Clarabelle ay maaari siyang ipapatay o ‘di kaya’y isama siya sa ating mga putahe.”
“Nasasabik naman akong mangyari iyan!”
Nanatili akong nakamulaga hanggang sa unti-unting naglaho ang kanilang mga boses. Buntong-hininga kong binuksan ang pinto at sinundan ang liwanag mula sa hawak nilang lampara.
Marahan at tahimik ko lamang silang sinusundan. Sinaulo ko lahat ng pasilyong aming dinaraanan, tumago ako sa pader nang tumigil sila sa tapat ng isang malaking painting at luminga sa paligid upang siguraduhin na lamang nakasunod sa kanila. Nang tinabingi nila ang painting ay nahati sa dalawa ang pader at bumungad ang isang sikretong lagusan.
Naiwan itong bukas kaya’t sumunod pa rin ako kahit alam kong delikado. Nang makarating ako sa tapat ng lagusan ay bumungad sa akin ang isang hagdan, marahan ang bawat pagtapak ko sa mga baiting hanggang sa tumigil ako sa kagitnaan at kinubli ang sarili sa pagsiksik ko sa aking sarili sa pader.
Nilagay nila ang kanilang lampara sa isang lamesa na tumatapat sa hagdan. Ngunit agad nawala ang atensyon ko ro’n dahil sa mga pagtangis na aking naririnig, nagmumula iyon sa iba’t-ibang babae. Paulit-ulit silang nagmamakaawa ngunit ang mga mala-demonyong pagtawa lamang sinukli ng dalawang guwardya.
“H’wag po… H’wag po… Nakikiusap po ako…” Umalingangaw sa aking tainga ang pagtangis ng babae. Kusang tumulo ang mga luha ko ng marinig ko ang nahihirapan na pag-ungol ng babae, tinakpan ko ang aking bibig at iniwasan ang gumawa ng kahit anong ingay.
Nahihirapan akong pakinggan ang sunod-sunod na hagulhol at ungol na aking naririnig ngunit nanatiling nakapako ang aking mga paa sa sahig. Nagulat ako nang makarinig ako ng isang lagitik, dahan-dahan akong lumingon sa direksyon ng babae at nakita kong nakatuwad siya habang nakakapit sa lamesa. Nahihirapan s’ya at nanghihina ang mga mata n’ya.
“U—utang na loob ako na lang po! H’wag na po si Beatrice! H’wag po ang aking anak!”
Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Wala akong magawa kung hindi ang manatili rito at manahimik lamang dahil oras na sumugod ko ako’y madedehado lamang ako. Wala akong kahit na armas at alam kong hindi ko kayang makipaglaban sa mga guwardyang tulad nila.
Kagat-labi akong tumungo habang pinakikinggan ang bawat iyak at pagmamakaawa ng mga babae. Batid kong tinuturing silang parang mga hayop na nakakulong sa isang hawla. Bakit kung sino pang dapat pumopretekta sa mga naaapi ay sila pa itong nangunguna sa pang-aapi?
At dahil sa malakas at pwersahang pagbayo ni Roque ay matumba ang lamesa kasama ang lamparang nakapatong do’n. Habang nakakababa pang kaunting parte ng kaniyang pantalon ay tinungo niya ang lampara ngunit agad siyang napatigil at lumingon sa aking direksyon. Nanlalaki ang mga mata niyang tinuro ako ngunit dahil sa dilim ay alam kong malabo na makita niya aking mukha.
“Peste! May tao sa hagdan, Escanor!”
Hindi ko alam kung paano ako nakatakbo sa lugar na iyon, patuloy pa rin akong lumuluha habang tumatakbo palayo sa kanila. Ang malalakas na yabag ng kanilang mga yabag ay umaalingawngaw sa tahimik na pasilyo.
“Napakainutil mo, Roque! Sinabi ko na sa iyo na saraduhan natin ang lagusan!”
Nang makarating ako sa tapat ng silid ni Nikolai ay mabilis akong pumasok sa loob ngunit marahan ko naman itong sinaraduhan. Wasak ang puso kong sumamdal sa pinto at hinayaan na dumausdos ang aking sarili pababa at kahit na takot ay minabuti ko pa rin na ilapat ang aking tainga sa pinto.
“Nakita mo ba ang itsura, Roque?!”
“Putangina. Ang dilim kanina, paano ko naman makikita iyon?”
“Halughugin natin ang palasyo’t kailangan natin makitil ang taong ‘yon!”
Mga hayop.
Pagapang akong tumungo sa sofa at ro’n nilabas ang mga luha na patuloy sa pag-agos. Tama ang rebelde, tama si Alexander, ang pamilyang ito ay mga hayop. Mga nakadidiring nilalang na ginagamit ang mataas nilang puwesto upang makita panoorin ang mga nasa ibaba na maghirap.
Huli na upang mapansin kong nasa harapan ko si Nikolai, marahan niyang hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.
“Nanaginip ka ba ng hindi kanais-nais?” Malumanay niyang tanong. Nanatiling tikom ang aking bibig dahil alam kong hindi ko siya mapagkakatiwalaan. Siya ang nag-iisang anak ng ganid na hari kaya’t marahil ay alam niya ang tungkol sa mga katarantaduhan ng kaniyang ama, “Dito lamang ako sa tabi mo.”
Tipid siyang ngumiti at pinunasan ang aking mga luha.
At habang tinitigan siya, hindi ko maiwasan na hindi makita ang imahe ng kaniyang ama sa kaniya. Kung nais akong ipapaslang ng kaniyang ama, ibig sabihin lamang niyon ay maaaring iyon ang kaniyang dahilan kaya’t pinaslang niya ako.
Puwersahan kong pinikit ang aking mga mata at muling rumehistro sa aking isip ang aking mga nakita. Hindi sila karapatdapat namamuno sa bansang ito. Ang mga taong ginagawang proteskyon ang mga mahihirap, ang mga taong hindi pinoprotektahan ang kapwa nilang naaapi, ang mga taong ginagamit ang mga kababaihan para sa personal na interes.
Kailangan na pabagsakin ang kasalukuyang naghahari sa emperyong ito.
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top