Chapter 10: A Bitter Remorse
Chapter 10: A Bitter Remorse
"Humihingi ako ng tawad koung nasira ko ang ating pamamasyal," nakayuko kong sambit sa apat kong kasama.
Nang tumunghay ako'y sabay-sabay silang umiling na tila ba ay pinapahayag nila na wala akong kasalanan.
Seryoso akong pinagmasdan ni Thaddeus saka ito malumanay na ngumiti sa 'kin, "Hindi mo nasira ang kasiyahan, Ate Clara. Kung may sisisihin man kami ay ang Espanyol na iyon."
"Ngunit, Ate Clara..." Tinuon ko ang atensyon k okay Vivian na nag-aalalang tumingin sa 'kin, "Sinampal niyo ang prinsipe sa harapan ng kaniyang pinsan at ni Amelia." Nginitian ko siya't ginulo ang kaniyang buhok.
"Hindi maganda ang ginawa ng prinsipe..." At kasalanan n'ya 'yon dahil isa siyang malaking epal. Lumebel ako sa kaniya at ngumiti, "Kaya bilang ate niyo ang tanging bilin ko lamang ay h'wag kayong magbulag-bulag tuwing may makikita kayong naaapi. At dapat tayong nakatataas ang tumutulong sa mga naaapi."
Nagulat na lamang ako nang malambing na yumakap sa akin sina Thomas at Theodore, nahihiya pang lumapit si Thaddeus na nakiyakap din naman.
Nang tumunghay sa akin si Thomas, ang maaliwalas na ngiti niya ang bumungad sa akin, "Mas lalo akong humahanga sa iyo, Ate Clara. Noong ituring mo pa lamang kami bilang kalebel mo'y nakuha mo na ang respeto mo. At ngayon mas nakikilala at nakakasama ka namin ay mas lalo akong nabibighani sa ugali mo."
Pabiro kong pinisil ang kaniyang pisnge. Nang lumuwag ang yakap nila sa akin at pinagmasdan ako ni Theodore habang lukot na lukot ang mukha nito.
"Pakiramdam ko talaga ay nagseselos lamang si Ate Clara kay Binibining Amelia kaya't ubod ng lakas ang kaniyang sampal kanina. Rinig na rinig namin ang lagitik no'n kahit nasa loob na kami ng karwahe." Bakit ako magseselos?
Nakangiwi ko siyang pinagmasdan habang ang tatlo naming kasama ay tikom ang bibig ngunit halatang natatawa at naiintriga sa mga kalokohan ni Theodore.
"Napakapangit mong magbiro, Theodore."
Kibit-balikat niya akong tinugon at mayabang na umupo sa damuhan, "Ayos lamang makaramdam ng selos, Ate Clara. Lalo na kung ang dalawang prinsipe mo ang inaahas sa'yo ni Binibining Amelia-"
"Inuulit ko... Napakapangit mong magbiro."
Bigla na lamang niyang nginuso ang tatlong kasamahan niyang squire, "May kanya-kanyang mga manok pa nga 'yang mga iyan sa'yo, Ate Clara."
Nang lingunin ko ang tatlo ay sabay-sabay silang umiling na tila kaunti na lamang ay mapuputol na ang mga ulo nila. Dahan-dahan ko silang pinanliitan ng mga mata dahilan upang pare-parehas silang mag-iwas ng tingin habang sumisipol pa.
"Si Vivian ay boto kay Prinsipe Alexander samantalang si Thomas ay kay Prinsipe Nikolai. Si Thaddeus naman ay walang kwenta kausap 'yan dahil basta lamang tumatango ang siraulong 'yan."
"E, ikaw?"
Ngumisi ito sa 'kin kasabay ang mayabang na pagsuklay sa kaniyang buhok, "Syempre, manok ko ang sarili ko. Ako ang pakakasalan ni Clarabelle Marquez-"
Hindi na nagawang ituloy ni Theodore ang kaniyang mga sinasamabit dahil sa biglaang pagpapaulan nina Vivian at Thomas sa kaniya ng mga tuyong dahon.
"Buti nga sa'yo," sambit ni Thaddeus.
"Tama na, oy!" Pagpigil ni Theodore sa dalawa habang habol tingin ito sa akin, "Ate Clara, sino bang mas gusto mo? Prinsipe Alexander? Prinsipe Nikolai?"
"Prinsipe Alexander."
"Prinsipe Nikolai."
"Kayo ba si Ate Clara?" Ngiwing tanong ni Thaddeus kayna Vivian at Thomas. Nang sumilay sa akin si Thaddeus bakas sa kaniyang mukha ang pagkaseryoso, "Kung ako tatanungin... Batid kong wala sa dalawang iyon ang tinatangis ni Ate Clara."
Bakit ba lovelife ko ang topic ng mga ulupong na 'to?
"Tumigil na nga kayo. Ibahin na lamang natin ang usapan," naiilang kong sambit.
Natuon sa ibang bagay ang aming usapan, mga istorya kung paano sila nagkakilala maging mga impresyon nila sa isa't-isa noong una. Nang mapansin ko ang kakaibang tingin sa 'kin ni Thomas ay malambing ko siyang nilingon at nginitian.
"Ano iyon?" Tanong ko.
Lumapit siya sa 'kin at bumulong sa aking tainga na tila ba'y ayaw jiyang iparinig iyon sa iba, "Maaari n'yo po ba akong turuan kung paano magsalit ng Espanyol?"
Marahan lamang akong tumango bilang tugon sa kaniya. Batid kong marami ang nagtatakha kung bakit ako nakapagsasalita ng ibang lengguwahe sa panahon na ito ngunit bilang isang Flight Attendant sa modernong panahon, marapat lamang na may alam akong ibang lengguwahe lalo na't nakatutunton ako sa iba't-ibang bansa.
"Ate Clara... Paano ka mamaya? Balita ko'y sa palasyo ka nanatili ngayon ngunit matapos ang iringan niyo ng prinsipe kanina-"
"Magiging maayos lamang ako, Vivian." Pagpuputol ko sa mga salita ni Vivian. Pinagmasdan niya ako gamit ang malamlam niyang mga mata ngunit isang ngiti lamang kaya kong ibigay sa kaniya ngayon.
Pero sa totoo lamang ay nagdadasal na ako sa loob. Iniisip ko pa lamang ang umuusok niyang tainga ay nangangalam na ang aking tiyan.
Paano na lamang kung patayin niya na ako? Grabe naman five months kaya 'yong palugid sa akin.
Naisip ko ngang umuwi na lamang sa bahay ng mga Marquez ngunit nanginig bigla ang buto lalo na't naiisip ko pa lamang at itsura ng aking ama na nagpupuyos sa galit. Marahil ay kukuwestyunin niyon ang pagsampal ko sa prinsipe.
Pambihirang buhay ang mayroon ka, Clarabelle.
Saglit na nagpaalam ang mga squire upang maglaro sa parke, kung tutuusin ay mga bata pa sila kaya't marapat lamang silang magliwaliw sa mga libreng oras nila.
Habang pinapanood ang masasayang mga mukha nila bigla ko na lamang naalala ang nakasulat sa kuwaderno. Dahil isa sa mga estudyante ni Cayden ang mawawala, iyon ang isa sa pinakamasakit na memorya na mayroon ang aking kapatid. Ang masiyahan at mapagbiro kong kapatid ay unti-unting nagbago kung saan palagi na lamang siyang nagtatrabaho, iniiwasan ang pag-uwi at laging nasa sementeryo.
At dahil walang pakielam ang isang Clarabelle Marquez noon ay hindi ko nagawang malaman kung sino iyon. At iyon ang aking lubos na pinagsisisihan ngayon.
Ang trahedyang magbibigay lamat sa puso ng bawat isa ay mangyayari bago ang kanilang Dubbing.
"Ate Clara?" Nag-angat ako ng tingin kay Vivian na tumigil sa pagtakbo at nagtungo sa aking harapan, "Bahagya yatang lumungkot ang inyong mukha. May problema po ba?"
"Wala naman," sagot ko. Pinadausdos ko ang aking paningin sa tatlong lalaki na naghahabulan pa rin sa parke, nang umupo sa aking tabi si Vivian ay nilingon ko s'ya, "Balita ko'y malapit ang inyong dubbing-"
"Dubbing!" Umalulong ang sigaw ni Theodore habang patakbo siyang lumalapit sa aming direksyon, "At Clara! Dumalo ka sa aming Dubbing sa Biyernes! Iba na ang unipormeng isusuot namin!"
Parehas kaming natawa ni Vivian dahil sa medyo hingal na itsura ni Theodore ngunit napakasigla niya pa rin.
May tatlong araw pa bago mag-Biyernes.
Hingal na hinabol nina Thaddeus at Thomas si Theodore, na inaasar lamang sila at sinasabihan na napakabagal, minsa'y kinukumpara pa sa isang pagong.
Nang sumalampak sa damuhan si Thomas ay pare-parehas kaming napalingon sa kaniya. Namumuo ang mga butil ng pawis sa kaniyang sintido, napakaputla rin niya.
"Ayos ka lamang ba, Thomas?" Nag-aalala kong tanong. Hindi kaya s'ya iyon?
Mahinang tumango si Thomas. At sa paglapit ng iba, kuryosidad ang namunga sa mga mata nila.
"Saglit lamang tayong tumakbo. Bakit tila ikaw ay pagod na pagod na?" Tanong ni Thaddeus.
Hindi sumagot si Thomas. Nang tumikhim si Theodore, seryoso ang mga mga nitong nag-oobserba kay Thomas hanggang sa sumilay siya sa akin, "Ate Clara, alam kong hindi mo pa nais umuwi. Ngunit maaari po bang umuwi na tayo? Kinakailangan na siguro ni Thomas na magpahinga muna."
"Sige, umuwi na tayo."
Nilabas ko ang aking mga bimpo at pinunasan muna ang kanilang mga pawis habang kami ay patungo sa karwahe.
Nang maihatid ko ang iba, napansin ko ang tulalang si Vivian sa aking tabi. Simula noong napagdesisyonan namin na umuwi ay hindi pa rin siya umiingli. Tila ba'y wala rito ang kaniyang diwa.
"Vivian?" Pagtawag ko sa kaniya.
Gulat niya akong nilingon hanggang sa tumigil ang karwahe sa pamamahay ng mga Corazon, nang sumilip ako sa bintana ay naroroon ang haligi ng tahanan at tila ba hinihintay ang pagdating ni Vivian.
Sinamahan ko sa pagbaba si Vivian at kasabay nito ang pag aliwalas ng mukha ng kaniyang ama.
"Magandang Hapon po, Ginoong Corazon. Sinama ko po ang mga estudyante ni Cayden sa pamamasyal, paumandin kung hindi ko po kayo nasabihan." Saglit akong yumuko upang magbigay galang, nang ngumiti ang ama ni Vivian ay sumenyas ito kay Vivian.
"Maraming salamat ulit, Ate Clara." Ngumiti lamang ako sa kaniya hanggang sa nauna na siyang tumuloy sa loob ng kanilang bahay.
"Binibining Clarabelle, nabalitaan ko ang iyong ginawa sa Miguelitas." Agad naman akong napangiwi sa pambungad na mga salita ng ginoo na nagpahalakhak naman sa kaniya, "Huwag mong masamain ito. Sadyang humahanga ako sa mga katulad ng anak kong si Vivian. Dahil marami ang nabago ng batang iyon kung ako ang tatanungin mo. Marahil ay alam mong puro babae lamang ang aking anak, lahat sila metikulosa at si Vivian lamang ang natatangi sa kanila. Sa murang edad pa lamang ay pinaglaban niya na ang nais niya at iyon ay ang maging Knight. Ngayong malapit na ang kanilang Dubbing ay mas lalo lamang akong humahanga sa anak ko."
"Mabuti naman po kung ganoon..."
"Ang problema... Ako lamang ang sumusuporta sa kaniya," malungkot niyang sambit. Nang magtama ang mga mata namin ay tipid siyang ngumiti, "Kaya't nang maikuwento ka n'ya sa akin ay lubos kong pasasalamat. May mga nakatatanda siyang kapatid ngunit ikaw lamang ang nagparanas siya kung paano magkaroon ng ate. Kaya't lubos akong nagpapasalamag sa iyo, Binibining Clarabelle."
Nang matapos ang aming usapan ay tumungo agad ako sa karwahe. At dahil wala na rin naman akong magagawa ay tumuloy ako sa palasyo, nang makarating ako sa tapat ng silid ni Nikolai ay hindi ko maiwasan ang mailangan.
Nandito na kaya siya?
Punyeta kasi. Inaantok na ako.
Buntong-hininga kong pinihit ang doorknob, nang mapansin na hindi iyong nakasusi ay mas lalo lamang akong kinabahan. Bumungad sa akin ang isang madilim na kuwarto, takipsilim na kaya't unti-unting nawawala ang liwanag mula sa labas. Ngunit aninag ko pa rin naman ang ibang bahagi ng silid at tila ba'y nabunutan ako ng tinik dahil wala siya rito.
Nakasimangot akong kinuha ang unan at kumot sa kama bago natungo sa sofa upang do'n matulog. Malambot din naman ito kaya't ayos lang din naman na gawing tulugan.
Baka mamaya sakalin pa ako ni Nikolai oras na magkatabi kami. Awts, scary.
Mabilis akong nakatulog. Ngunit nang maalimpungatan ako'y naramdaman ko ang isang yakap, maging ang aking hinigaan ay mas lumambot. Naramdaman n'ya siguro ang pagkagising ko dahilan upang mas higpitan niya ang yakap sa akin habang malambing na sinisiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.
Binuhat ako ni gago?
"Nagising ba kita?" Nanatili akong tahimik at pikit ang aking mga mata ng mahina siyang humalakhak, "Marahil ay guni-guni ko lamang iyon."
Akala ko'y mapayapa na akong makakabalik sa aking pagtulog nang bigla na lamabg siyang nagdampi ng isang halik sa aking leeg.
"Humihingi ako ng paumanhin sa aking inasal kanina. Natakot lamang ako sa maaaring mangyari sa'yo kung nasaktan ka ng lalaking iyon, h'wag mo sanang masamain, Clarabelle. Humanga naman ako sa iyong ginawa sadyang nanguna lamang ang aking takot."
Palihim akong napangiti nang marinig ang mga sinambit n'ya. At isang katanungan lang ang lubos gumising aking diwa.
Mababago ko ba ang nakaraan ko?
#
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top