Chapter 4

Nasa hapag na ako at sabay na kumakain sa pamilyang Gomez.

Ang Gomez na ang naging pamilya ko simula nung nagtrabaho ako sa resto nila.

Si Auntie Victoria na ang naging mama-mamahan ko at sina Angel at Carl naman ang naging mga bunso kong kapatid.
Sa una aakalain mong wala silang pakialam sa akin, pero sa totoo lang naging malapit na rin kami sa isa't isa.

"Teka, hija. Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Tanong ni Auntie habang may kutsara pa malapit sa bibig. Napahawak naman ako sa mukha ko at napangiwi naman ako dahil sa sakit.

Sh*t oo nga pala, nakalimutan ko.

"A-ah, ito po? Ah! Naglaro po kasi kami kanina sa school for P.E. nasugatan po ako." Pagsisinungaling ko.

"Hay~ ikaw talagang bata ka! Totoo ba yan? O baka palusot mo na naman dahil nakipag-away ka?" Halos pasigaw nang tanong ni Auntie habang dinuduro-duro sa akin ang hawak niyang kutsara.

"Auntie naman eeh! Hindi nga!" Inis kong sagot.

"Siguraduhin mo lang, pagnalaman-laman ko na pinapatawag ka na naman ng teacher mo naku! Ewan ko na lang talaga sayong bata ka!"

Ah! Speaking of. Pinapatawag nga pala ni Ma'am parents ko, at dahil wala na akong parents si Auntie na lang ang pupunta.

"Uhm Auntie." Malambing kong bigkas habang sinusundan siya sa kusina.

"Oh!?" Inis niyang tanong.

"Pinapatawag po kasi kayo ni Ma-"

"Sinasabi ko na nga ba eh! Akala ko ba dahil sa P.E. yang sugat mo? Naku! Ikaw talaga! Nanggulo ka na naman nuh! Hindi talaga kita maintindihan! Hindi ka naman ganyan dati ah!"Frustrated na bulyaw nito sa akin.

"A-auntie hi-"

"Ano!?" Nakapamewang niyang tanong at hindi parin nawawala sa boses niya ang frustration.

"Hindi naman po dahil dito. B-bottoom 10 po kasi ako." Marahan kong sabi dahil sa hiya.

"NA NAMAN!!"

Napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw ni Auntie.

She take a deep breath bago muling nagsalita. " Ewan ko na talaga sayo bata ka! Kada semester na lang ako tinatawag ng teachers mo! At lagi ka na lang nasa bottom 10, hindi ka naman ganyan dati ah! Nung high school ka lagi kang Top!"

Muli naman siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Tapos muli na siyang nagsalita.

"Ayusin mo yang buhay mo. Nag-iisa ka na nga lang tapos hindi mo pa pagiigihin. Hija, hindi habang buhay nandito ako sa tabi mo. 'wag kang umasa, sana bumalik yung dating ikaw bago pa kami dumating sa buhay mo . Nagsikap na buhayin ang sarili sa kabila ng maraming hirap, matalino at masipag. Ganyan ka dati diba?" Napapunas ng mukha si Auntie dahil sa inis.

Ngumiti ako bago nagsalita. "Opo, para po sa inyo."

"Yan!" Sabi niya sabay talikod sa akin at bumalik na sa mesa.

"Promise ko po, this semester ako na po ang magiging Top 1."

"Subukan mo hija. Subukan mo."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Auntie. Kumuha ako ng band aid sa first aid kit nina Auntie at inilagay sa sugat ko. Paakyat na sana ako nang marinig ko ang balita sa TV. Agad akong pumunta sa salas.

"Wow! Ang galing talaga ni Miss Red."- Carl

^Mas pinamangha pa ni Miss Red ang lahat sa taglay niyang tapang at lakas nang matalo at mapatay niya ang isang halimaw kanina malapit sa isang mall. Maraming mga tao ang nagsisigawan sa takot dahil sa isang katakot-takot na halimaw. Nang bigla na lang dumating mula sa kawalan ang isang Miss Red at walang takot na nilabanan ang halimaw. Sa ngayon iniimbistigahan pa ng pulisya kung anong uri ng hayop o nilalang ang sumugod sa syudad.^

Napatitig ako sa TV. Ipinapalabas ngayon ang naging aksyon ko habang kinakalaban ang halimaw.

Pinangmasdan ko ng mabuti ang halimaw. Saan kaya ito nanggaling?

Paulit-ulit na pinapakita dito ang pangyayari nang natamaan ko ang halimaw at nawala ng parang bula.

Naglaho siya kasama ng mga kumikinang na abo.

Napatitig na naman ako sa kamay ko. "Pumatay ako."

Mahina kong bigkas.

"Ate, ang cool!" biglang bumungad sa harap ko si Angel na ngiting-ngiti. 12 years old palang si Angel at si Carl na kuya niya ay 15 naman.

"Hmm?"

"Ang cool! May sugat sa pisngi si Miss Red, tapos ganun ka rin. Wow! What a coincidence!"

Patalon-talon niyang sabi.

"A-ah, Oo nga."

9:45 PM na. Hindi parin ako makatulog. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Dumungaw ako sa bintana kung may tao ba sa labas nung makita kong wala ay umakyat ako dito at naglakad sa bubong tyaka tumalon. Lumabas ako ng bahay na suot ang puting sando sa loob, black leather jacket at naka lampas tuhod na plain white shorts.

Gusto kong magpahangin. Sa tuwing gusto kong magisip-isip iisang lugar lang ang pinupuntahan ko. Yun ay ang palaruan. Wala kasing katao-tao rito, malayo sa mga bahay at malapit lang sa gubat.

Umupo ako sa swing at doon tahimik na nagisip.

Pumulot ako ng tatlong maliliit na bato at pinalutang ito sa ere.

Paikot-ikot lang sila sa harap ko, hininto ko ang pagpapaikot sa kanila saka ko dinurog ang mga ito ng pinong-pino gamit lang ang mga mata ko.

I take a deep breath at nagpalabas ng apoy sa mga kamay ko.

"Earth... then fire."

Naglaho sa mga kamay ko ang apoy, tapos ay gumawa ako ng maliit na ipo-ipo sa pamamagitan ng paikot-ikot na galaw ng hintuturo ko. "Air." Muli kong bigkas.

Lumingon ako sa tuyong fountain sa 'di kalayuan, kinumpas ko ang kaliwa kong kamay at sa isang iglap nagka-tubig ang halos isang buwan nang tuyong fountain. "At water."

Napabugtong-hininga ako dahil sa naisip ko.

I can control these basic elements, I can do mana. Mana is a kind of energy na hindi ko alam kung ano talaga, isa siyang enerhiya, tapos! Yun lang ang alam ko. Naalala ko pa ang mga panahong sinasanay ko pa ang sarili ko sa mga bagay na ito. Naga-out of control ako, pero nang masanay na ako ginamit ko rin ito para mabuhay ako. Nagbenta ako ng mga isda na nahuhuli ko sa mga beach resorts na tine-trespass ko, sa kita ko mula sa pagbebenta ay nakakabili ako ng mga damit ko at mga pangangailangan ko. Hindi ako naaapi ng mga batang kalye, dahil takot sila sa akin. Ako ang kilabot ng kalye noon.

Nainggit ako sa mga batang nakakapag-aral, kaya imbis na ibili ng mga walang kuwentang bagay ang perang kinikita ko sa pagbebenta ay nag-aral na lang ako. Binuhay ko ang sarili.

I'm 10 times stronger than normal; I'm three times smarter than usual. I'm different, very different.

Dati iniisip ko na nag-iisa lang ako, weird, a supernatural. Pero dahil doon sa nangyari kanina, nabigyan ako ng pag-asa na malaman ang pinagmulan ko.

May narinig akong huni ng ibon, noong una tila maliit at mahina lang ito. Pero nung tumagal, lumakas at napakasakit nito sa tenga. Tila nasa loob ito ng ulo ko.

"A-aaahh!" sigaw ko habang tinatakpan ang tenga ko.

Mas lumakas pa ito dahil sa pagsigaw ko. Napapikit ako sa sakit, isang matinis na huni ng ibon.

"A-AAHHHH!" Malakas kong sigaw.

Napamulat ako nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Umiiyak na naman ako.

Napaangat ako ng ulo nang maramdaman ko ang mga paang patungo sa kinaroroonan ko.

"You're not supposed to be here."- Sam

Bati niya sa akin gamit ang malamig na boses sunod naman niya akong inabutan ng panyo.

"Wipe them off."

Ano ba yan! Nakita na naman niya akong umiiyak. Inabot ko nalang yun at pinamunas ko sa mukha ko, napangiwi naman ako sa gulat dahil sa sakit. Natamaan ko kasi ang sugat ko.

"Bakit ka nandito?"

Malamig kong tanong.

"I bought these things, nang marinig kitang sumisigaw. And I saw you crying." Napatingin ako sa paper bag na dala niya. Galing siyang bookstore.

Umiwas na lang ako ng tingin. Pagewang-gewang akong tumayo sa damuhan mula sa pagkahulog ko kanina, muli akong umupo sa swing.

May balak pa ata siyang umupo sa tabi ko nang nagsalita ako. "Umalis ka na." malamig kong sambit.

Hindi naman niya tinuloy ang pag-upo niya sa swing at mukhang aalis na nga.

Napahinto naman siya matapos ang ilang hakbang.

"By the way, don't let anyone know about this. Pumunta lang ako dito dahil akala kong may masamang nangyayari... You should go."

At umalis na siya ng tuluyan.

Ha was riding with his bike. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid.

"Ang tahimik." Mahina kong sambit.

*Birds cry*

Napalingon ako sa may gubat dahil sa narinig ko. Muli kong narinig ang napaka tinis na tunog na iyon.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad papuntang gubat. Natulala ako sa nasaksihan ko.

Isang napaka-gandang nilalang ang nasa harap ko ngayon.

Apoy. Balot na balot siya ng apoy.

The bird's wings are flames in my eyes, it has flames instead of feathers, and it has eyes like torch of oozing fire.

Napansin kong nakatitig ito sa akin.

Muli itong naglabas ng nakaririnding tunog. Napatakip na naman ako ng tenga dahil sa sobrang sakit nito. Hindi ko inaalis sa paningin ko ang nilalang na ito.

Out of curiosity, dahan-dahan akong lumapit sa ibon. Tatlo o apat na metro lang ang layo nito sa akin.

Pero bago pa ako tuluyang nakalapit sa kanya ay naglabas ito ng nakasisilaw na liwanag. Ipinangharang ko sa liwanang ang mga kamay ko.

"AHHHH!!!" Malakas kong sigaw na halos bumalot na sa katahimikan ng buong paligid.

Naramdaman ko ang matinding init sa katawan ko, namamanhid ang bawat ugat na nadadaanan ng init.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay bumagsak ako sa lupa at namilipit sa sobrang sakit. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa mga mata ng ibon. May aura akong nararamdaman sa kanya, nararamdaman ko ang sarili kong aura sa kanya.

Sinubukan kong labanan ang sakit at pinilit na magpalabas ng apoy sa aking mga kamay.

"A-AAHHH!!"

ANG SAKIT! NAPAKA SAKIT! Halos sabonutan ko na ang sarili ko sa pamimilipit. Narinig ko ang pagpagaspas ng pakpak ng ibon, sinubukan kong imulat ang mga mata ko.

Nag-inat ito, muling nag-ingay at mas nag ning-ning pa ito. "AAAHHHHHH!" Mas sumakit at nanginit pa ang buo kong katawan, ang kanina'y manhid kong mga ugat at tila sasabog na sa sobrang enerhiyang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng mainit na hangin sa mukha ko at sa huli kong pagdilat nakita ko ang mabilis na pagkawala ng nilalang na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top