VIGINTI

"So, the both of you were fooling around behind my back?" Naningkit ang mga mata ni Evil sa'min. "Even when I clearly commanded you NOT to?"

The calmness in his tone made me shut my mouth. Sa ilang taon ng pagkakakilala ko sa isang 'to, nalaman kong mas dapat mong katakutan ang isang Evillois Neverwood sa ganitong mga sitwasyon. No, I'm not particularly "afraid" of him, but let's just say that I'm stupid enough to pull the trigger, either.

Pero syempre, walang pakialam dito si Joker.

"Oh, who the duck cares, brother? Ang importante nalaman na natin kung saan sila nagtatago!" Evarius Neverwood grinned like a maniac. "Now, if you'll excuse me, I have to order more laughing gas at Tartarus... Damn. Bakit ba kasi wala silang online transactions? Geez. Mukhang napag-iiwanan na talaga sila ng panahon."

"Stop treating this like a joke, you masochistic bastard! Ilang beses ko ba kayong pagbabawalang kumilos nang walang permiso ko?"

"Frabjous! Then why don't you stop being bossy, huh? 'Di mo na lang aminin na kaya ayaw mo kaming makialam ay dahil pakiramdam mo kasalanan mo kung bakit hindi pa rin tumitigil ang EKT." At this, the Joker's smirk turned a little bitter, "you're just pissed off that you haven't finished the job by yourself."

Kulang na lang yata mamatay ang ilaw ng lampara at palibutan kami ng apoy sa talim ng tingin ng bunso namin.

"Alam nating hindi pareho na may mas malalim pang dahilan ang pagrerebelde mo, Joker... Are you still angry at me because of what happened to 'her'?"

That made the tension heavier than it already was. Hindi na kailangang banggitin ni Evil ang pangalan niya. Alam naming lahat kung sinong tinutukoy niya. Dahil dito, napansin kong naikuyom na ng panganay namin ang kanyang mga kamao. The Joker's eyes darkened even when he still plastered that goofy grin on his lips.

"Don't you dare mention her, again."

"Tsk! Ako pa rin ba ang sinisisi mo sa mga nangyari? She got in the way. She got herself involved in this mess. Kung hindi sana siya nakikialam---!"

"At kung pinagkatiwalaan mo lang sana kami dati, eh 'di sana hindi na umabot pa sa ganito!"

"Get over it. She's just a human. Mamamatay rin 'yon."

Sa isang kisapmata, kamuntikan nang malaglag sa sahig ang lampara nang kinuwelyuhan ni Joker si Evil. The whole cabin shook as Evil's back slammed against the wooden wall. Naalog pa ang ilang ulo sa katabing shelf, pero mukhang wala nang pakialam dito ang kapatid namin.

"Get over it, huh? Well, that's easy for you to say. Paano kaya kung tahiin ko na lang ang bibig mo? That will be frabjous! HAHAHA! Don't worry, you'll get over it, too..."

Ah, shit.

Hindi ko alam kung kasali ba sa sumpa ng pagiging middle child ang mang-awat ng mga nagwawalang kapatid, pero iyon na mismo ang ginawa ko. Over the years, it became my unspoken obligation. Madalas naman talagang hindi nagkakasundo ang dalawang 'to, but based on the crazed glint in the Joker's eyes, I doubt he was joking with his threats.

Nang mapaghiwalay ko na ang dalawa, inis ko silang pinagitnaan. "Will you two just shut the fuck up? Nag-meeting tayo para magplano, hindi para sayangin ang oras nating subukang patayin ang isa't isa. As interesting as that would be, hindi naman tayo namamatay at ayokong sayangin ang enerhiya kong pagalingin kayo."

Joker glared at Evil one more time before storming to the other side of the room. Samantala, inayos naman ni Evil ang kanyang sarili nang parang walang nangyari.

"Makapagplano sana tayo kung hindi lang umaaktong parang teenager na sawi sa pag-ibig ang isa diyan." Pagpaparinig pa niya bago dinagdag, "Pareho kayong hindi maaasahan. The both of you couldn't even be 'discreet' in anything."

"What?! Hey! I know how to be 'discreet'!"

Evil still had a poker face. "Joker, you blew up the building with a toy duck filled with laughing gas. Nasaan ang 'discretion' sa ginawa mo? Kung hindi niyo rin naman kayang maging kapaki-panikabang, I command you to don't even bother with this case."

Dahil dito mukha na namang magkakarambulan ang dalawa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Minsan iniisip kong dagdag sa kamalasan ko ang pagiging middle child sa'ming tatlo. I don't even get enough credit for being their referee!

Teka...referee?

"What if we have someone else be our eyes from the inside?"

Itinuon sa'kin ni Evil ang kanyang atensyon. "Do you have someone in mind?" Even the Joker stared at me curiously. Mukhang panandalian nilang nakalimutan ang tensyon sa pagitan nila. That made me smirk as I leaned against the wall and shoved me hands in my trench coat's pockets.

'Sana lang mapapayag namin siya.'

*

"A-Ano?" Raffaelo stared at us in disbelief. Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa'min ni Evil. "You...want me to accept the job?"

Mukha namang malapit nang mapikon si Evil.

"I don't need to repeat it, again, human."

'Damn. Hindi ba kumain ng almusal ang isang 'to? He's been grumpy all morning!' Isip-isip ko. Bago ko pa man siya makausap nang maayos (dahil wala rin namang saysay kung ipapaubaya ko 'to kay Evil), agad na umiling si Raff at sinamaan kami ng tingin. I quickly noticed the way he gripped the strap of his backpack, tension visible from his expression.

"Alam ko namang may reputasyon ang tatay ko, pero pasensya na dahil wala akong balak sumunod sa mga yapak niya. I'm not going to risk my life on the line just to be some shitty spy," Raff spat and turned on his heels. "Kung wala na kayong sasabihin, I still have classes to attend."

At dire-diretso na siyang lumabas ng gym kasabay ng pagtunong ng bell, isang hudyat na patapos na ang lunch period.

"Useless mortal," Evil mutter under his breath. "Can't I just use my powers to manipulate him? Nagsasayang lang tayo ng oras."

Naaalala ko na naman ang mga mortal na naging biktima ng manipulasyon ni Evil. Indeed, over the years I witnessed how some of them even suffered from the side effects. Hallucinations, dementia, short term memory loss... Bukod pa rito ang ibang mas malalang kumplikasyon na hindi ko na babanggitin.

Dahil dito, agad kong sinundan si Raff.

I don't think Kleo will be pleased if she finds out we brainwashed one of her new friends.

Speaking of which, I haven't seen her all day. Ni hindi ko alam kung pumasok ba siya ngayon. Gustuhin ko mang mag-transform at bumisita sa bahay nila, I can't leave everything to Evil. Isa pa, alam kong maghihinala rin siya kapag...

"Late ka na klase mo."

Natigilan ako sa paglalakad nang bigla na lang sumulpot sa gilid ko si Sadako. Students who were passing by shuddered at the sight of her long black hair concealing her face. Hindi ko namalayang napangiti na lang ako sabay hawi ng buhok niyang mukhang hindi pa sinusuklay. “Are you trying to give me a heart attack, Sadako?” Pero nang pasimple ko na sanang hahawiin ang bangs na tumatakip sa mata niya, mabilis siyang lumayo at napasimangot sa’kin.

“It depends. Can immortals have a heart attack?”

“Actually---”

“No, don’t answer that, yet. Idadagdag ko na lang sa listahan ng mga itatanong ko sa’yo sa interview.” From her string bag, she grabbed a roll of paper and wrote something on the end. “Buti na lang nakapag-ready na ako. Kailan ka available?”

Napapailing na lang ako nang makitang ilang metro ang haba ng listahan niya. Damn. Hindi na ako magtataka kung napuyat pa siya para gawin ang listahan niyang ‘yan. Kaya siguro siya late sa klase. Hindi ko maisip kung anu-ano ang mga balak niyang itanong, but I really don’t have time for that right now.

“Sorry, Sadako, pero kailangan ko pang kumbinsihin ang kaibigan mong maging espiya namin. Or else our baby brother will throw a chaotic tantrum, again.” Nagpatuloy ako sa paglalakad habang inililibot ang mga mata ko.

Saan ba kasi nagpunta ang mortal na ‘yon?

“Espiya?”

Sinabayan lang ako sa paglalakad ni Kleo habang nirorolyo ulit ang listahan niya. She didn’t even bother masking the curiosity in her voice. “Hmm… I don’t think Kesa will agree to that. She seems to be avoiding your brother. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.”

“Kesa? I was talking about Raffaelo.”

Kleo let out a little “oh”, like a kid who’s just been told that the earth was round. I looked away, not wanting to think about how adorable she looks in her oversized gray sweater. Tumikhim ako at mabilis na dinagdag, "Do you think you can help me?”

“Tungkol ito sa Elite Killing Tournament version 2.0, hindi ba?”

I nodded. Wala nang rason para itanggi pa sa kanya ang totoo. Magmula noong nalaman namin ang katotohanan tungkol sa Limekiln’s, hindi na natigil ang pang-uusisa niya tungkol sa EKT. And even though we didn’t give her the full details, hindi na ako magtataka kung kasama sa pagpupuyat niya ang pagreresearch nito.

Sandaling napaisip si Kleopatra. For some reason, she looked worried.

“Okay.”

I was about to ask her about it when I felt someone watching us. Mahina akong napamura nang maramdaman ang presensiya ni Evil sa likuran namin. Just when I was about to separate myself from Kleo, bigla na lang niyang nilapitan si Raffaelo na nakatayo sa tapat ng kanyang locker.

I watched in silence as they talked in hushed voices.

Kahit sa ganito kalayo, halatang walang social skills si Kleopatra Claveria, but the boy didn't seem to mind. Paminsan-minsan pa silang sumusulyap sa direksyon ko. Naningkit ang mga mata ko nang makitang namumula ang pisngi ni Raffaelo habang kausap si Kleo.

Naiinip na ako.

"Bakit ba ang tagal nilang mag-usap? Tsk."

Beside me, I can still feel Evil's calculating gaze as he studied my reaction.

Nagpantig ang tainga ko nang marinig ang sinabi niya...

"Hindi ka na natuto sa pagkakamali ni Joker."

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo."

Seryoso pa rin ang ekspresyon niya. "You like her," he stated as a matter of fact, like it was the most obvious thing in this fucked up situation. Umismid ako at nag-iwas ng tingin. Kapag nalaman niyang magagamit niya laban sa'kin si Kleo, nalintikan na.

"S-She's not my type. Tinutulungan lang ako ng mortal na 'yan."

"Oh, but you never had a type. Ikaw na mismo ang nagsabi sa'min noong nakaraang dekada na lahat ng babae ay maganda at kaaya-aya sa paningin mo. You've slept with every girl of every size and race, and now you're telling me this one isn't your 'type'?" A meaningful smirk curved up his lips. "Ito mismo ang dahilan kung bakit ko binalaan si Joker. Buong akala ko ay naunawaan mo na ang bagay na 'yon."

Pilit kong inalis sa isip ko ang mga imaheng matagal ko nang gustong kalimutan. Alam naming pareho ang nakaraang pilit kong tinatakasan, and right now, Evil is making sure I keep myself anchored to sanity.

Nang dumako ang mga mata ko kay Kleo, something in me stirred when I saw her smiled at Raffaelo.

I'm screwed.

"Keep yourself together, Knight. Kung ayaw mong maranasan rin ng babaeng 'yan ang nangyari kay Marquessa, alam mo na ang kailangan mong gawin."

Iyon ang huling sinabi ni Evil bago siya naglakad papalayo. Naiwan akong nakatitig sa direksyon ni Kleo habang iniisip ang sitwasyon. A part of me knew I was still here at the university because of her, but the other part of me didn't want to admit that. Wala nang rason para patagalin ko pa ang pananatili dito, at matapos ang nangyari sa Limekiln's noong isang gabi, I knew I didn't want to risk anything anymore.

'But she showed an inhuman strength against that cat lady, you know. Sadako's brave.'

Marquessa was brave, too. And look where that got her.

'You're comparing two different women!'

I'm comparing two humans. Shut up already.

Natigil lang ang mental debate na nangyayari sa isip ko nang bigla na lang lumapit sa'kin sina Kleo. Raffaelo still looked unconvinced, pero mukhang handa na siyang tanggapin ang alok namin.

"Kapalit ng pagiging espiya ni Raff, you need to pay for his mother's hospital bills. Iyon ang kondisyon niya," agad na sabi ni Kleo.

Pinilit kong ngumiti.

"Deal. Money won't be a problem."

Nang maibigay ko na ang contact details namin kay Raffaelo para mapag-usapan nila ni Evil ang gagawin niya, the hallway started clearing out. Simula na ng mga klase. Nang maiwan kaming dalawa ni Kleo sa pasilyo, doon ko napansing kanina pa niya ako tinititigan. I just wish I can see her eyes, though.

"Anong problema, Everick?"

Hearing my name escape her lips shot straight to my chest. Huminga ako nang malalim at ngumisi nang parang walang pakialam sa mundo---o sa kanya. "Nothing. Naalala ko lang na may test pala ngayon sa klase natin. I forgot to tell you yesterday."

"Last period pa naman. May oras pa para makapag-review... I-I guess I'll see you later in class, then?"

I nodded and winked at her before walking away. I can feel her eyes following me, para bang alam na niya kung anong mangyayari.

Noong hapong 'yon, hindi na ako bumalik sa Eastwood Central University.

---

Entitled are those who believe
that everyone should be sweet and kind;
Darling, use that same philosophy on me,
and I'll give you a piece of my mind.

---Kleopatra Claveria

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top