TRES
Sa gilid ng isang botika, ilang kanto mula sa Limekiln, ibinaba ng dalaga ang kanyang binoculars at kinausap ang dala-dala niyang manika.
"Nakita mo ba 'yon, Roberta? That man just sliced off the other guy's hand even when he was 10 meters away! Siguradong hindi siya tao!"
Kleopatra grinned when her eyeless sockets stared back at her. Agad na lumayo ang ilang mga mortal na nakapansin sa kanya. Some parents even shielded their children's eyes from them as if the sight of the creepy doll will cause emotional trauma.
Of course, she doesn't expect them to understand.
'Naiinggit lang sila,' muling paalala ni Kleo sa kanyang sarili sabay yakap kay Roberta. Pero kumalas rin siya nang mapansing nalalaglag na naman ang nakatahi nitong braso. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at ibinalik ang atensyon sa gusali kung saan pumasok ang misteryosong lalaki.
Walang nakapansin sa kanya bukod kay Kleopatra.
Nahagip pa ng mga mata ni Kleo ang itim nitong trench coat.
Hindi siya maaaring magkamali. Siya nga yung lalaki sa magazine article! Lalo siyang nakaramdam ng excitement.
'I finally found you, crow-shifter.'
*
The Limekiln Antigone Turtle.
In all honesty, the inside of this bar isn't as lame as its name.
Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng gusali, agad akong sinalubong ng multi-colored disco lights at ang nakabibinging musikang nanggagaling sa stage. I'm surprised any musician will agree to play at this crappy place. Mukhang malaki nga talaga ang ibinabayad nila sa mga ito.
'Bakit pa nga ba ako magtataka? Humans inhale money and exhale compassion regularly,' I mused while scanning the area.
Unfortunately, all I can see is a sea of helpless souls trying to drown their misery by dancing, drinking, or making-out with other helpless souls.
Don't get me wrong, humans are interesting creatures. Matagal-tagal ko na ring inoobserbahan ang kanilang mga kilos mula nang makalimutan ko na kung paano maging mortal. Pero aaminin kong mas interesante sila tuwing napapahamak sila sa sarili nilang katangahan. These past centuries, our enemies either die by their own stupidity or by the knife I slit their throats with.
Am I a sadist? Well, perhaps I am.
Kung normal na nilalang lang siguro ako, baka kanina pa ako nahilo sa pinaghalong
amoy ng alak, usok na nagmumula sa mga vape, at sa mga drogang hinihithit ng ilang kalalakihan sa isang sulok.
Half-naked bodies moved in a synchronized chaos.
Mouths whispered the sins of the flesh.
Maya-maya pa, agad akong napasimagot nang hindi ko nakita ang taong hinahanap ko. "Mukhang nagpunta na nga siya sa meeting nila."
Nakapamulsa akong lumapit sa isang waiter na abala sa pakikipagkwentuhan sa bartender. Dahil wala na akong oras para maging "mabait", I swiftly grabbed the hidden pocket knife inside my coat and pulled him by the collar. Napalitan ng takot ang kanyang ekspresyon nang mapansin niya ang patalim na nakatutok sa kanyang leeg.
"Private room 9?"
Napalunok ang waiter at nangingnig na tinuro ang kabilang bahagi ng bar. "D-Diretsuhin mo lang 'yong pasilyo. T-Third door from the left!"
I nodded and pushed the man away. Ngunit bago ako umalis, isang masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila ng bartender. "You can try calling the police if you like. Pero kung ako sa inyo, uunahin ko munang magtawag ng ambulansya. Someone will probably need it within the next hour."
Hindi ko na nakita ang kanilang reaksyon. Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa nasabing private room. Completely blending in with the mass of human bodies who looked oblivious to what happened (and will still probably be oblivious to what will happen). Pero noong mga sandaling 'yon, nahagip ng mga mata ko ang imahe ng isang babae. Her odd appearance stuck out like a sore thumb.
Her pale skin and long black hair reminded me of a girl I saw on television the other night...
"Sadako?"
Ngunit nang lingunin ko ang direksyon nito, agad rin siyang naglaho na parang bula. Naningkit ang mga mata ko. Wala naman akong nararamdamang presensiya ng multo sa paligid.
So, what in the name of blades was that?
Napapailing na lang ako. "Mukhang nasisiraan ka na naman ng bait, Everick. I knew mortal horror movies where no good."
So, instead of wasting my time pondering on how a fictional Japanese ghost gained access to a bar, ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa ipinunta ko rito. The sooner I finish this, the sooner I can report to Evil. Alam kong hindi niya gusto ang pinangungunahan siya sa pagdedesisyon, but he'll probably give me a gold medal once I catch this man.
After tonight, the King and the Joker will never doubt my capabilities again.
*
The hallway was just like any other hallway you'd expect to find in a place like this. May ilang mga lava lamps na nakahilera sa magkabilang gilid, pero hindi pa rin ito naging sapat para maliwanagan ang daan. If anything, these lamps just served as fancy ornaments, giving off an eerie red glow.
'How interesting... it looks like they still value aesthetics, after all.'
Mabuti na lang at mukhang wala rin masyadong napapadpad sa bahaging ito ng gusali. Habang papalapit ako nang papalpit sa private room #9, pahina nang pahina ang ingay at musikang nanggagaling sa party area. Nang akala ko mababawasan ang "casualties" ngayong gabi, biglang humarang sa daan ang isang bouncer.
"Restricted area ito, sir. Bawal ka rito. Bumalik ka na lang doon sa loob."
I sighed. "Look, I'm in no mood to think of a shitty excuse tonight. Want some friendly advice? Para hindi ka matanggalan ng braso, umalis ka sa daraanan ko."
Sinamaan lang ako ng tingin ng lalaki bago ito pagak na natawa. "Tinatakot mo ba ako? Hahaha! Umalis ka na bago pa kita kaladkarin papalabas."
"You messed with the wrong immortal." I shrugged.
If he really thinks his bulky physique can scare me off, he should really think again. Marami na akong natalong Roman gladiators at sumo wrestlers habang nakapiring ang mga mata ko. Not to boast about it, but their hands are still displayed on my tree house's wall like morbid trophies. Kaya nang bigla akong hinawakan ng sigang bouncer, mabilis kong sinipa ang tuhod niya at siniko ang kanyang panga.
Agad siyang nawalan ng balanse kaya nabitiwan niya ako.
I don't know what's more satisfying to the ears: his cries of pain or the sound of his jaw cracking? Tsk! Pareho na lang para wala nang away.
Nang sinubukan niya akong suntukin, walang kahirap-hirap akong umilag sa kanyang mga atake habang nakapamulsa. I even yawned just to annoy him more. Maya-maya pa, lalong nainis ang bouncer. His veins were becoming visible. Ramdam kong gusto na niya akong balian ng leeg. Poor mortal.
"SINO KA BA TALAGA?!"
Cliché, but I'm not one to complain.
"Wala akong panahon para rito. I have more interesting matters to finish tonight."
Mula sa bulsa ng coat ko, mabilis kong kinuha ang nakatagong isang dosenang survival knives (drop point blades, to be exact) at lumundag papalayo sa naguguluhang bouncer. In mid-air, I swiftly threw the knives at him with inhumane precision. Ilang sandali pa, nakabaon na ang mga patalim sa kanyang damit. Hindi siya makakilos. The shocked man found himself pinned to the wall like a worthless specimen.
One survival knife even dug into the center of his chest.
Walang-gana kong nilapitan ang bouncer. Unang beses kong nakita ang takot sa kanyang mga mata. Bago pa man siya makasigaw, itinarak ko ang isang carving knife sa kanyang bibig.
The blade pierced through the back of his mouth.
Blood splattered on my cheeks as he struggled to breathe.
"I hope you learned your lesson. Save me a place in hell, will you?"
He gurgled his own blood, creating rivulets of crimson.
The monster inside me wanted to rip his tongue out and dice him into bits. The sight of cold metal slicing into flesh and organs made me shiver in delight. Shit. Mabilis akong lumayo at huminga nang malalim para kontrolin ang sarili ko. 'Damn it, Everick… Fucking control yourself!' So before I could even let the madness in me loose, I quickly turned to the wooden door of private room #9 and kicked it open. The door tore off its hinges.
Wala na akong ganang mag-isip pa ng engrandeng entrance.
I'm not a sucker for dramatics, if you haven't already noticed.
Agad na natigilan ang mga kasapi sa pagpupulong.
Damn, if anyone could actually call this a "meeting". Dahil nang makita ko nang maayos ang loob ng silid, doon ko lang na-realize na wala itong ipinagkaiba sa mga tambayang nasa labas. Was it a formal meeting? Hell no. Before I busted their party, rogue looking men were just sitting on their couches and laughing around. Some even had female companions! Nag-iinuman at nagkukuwentuhan lang ang karamihan sa kanila habang mukhang naglalaro naman ng poker ang iba kanina.
Now, they all stared at me in confusion.
Fuck.
"Vyzovite politsiyu!" A Russian man yelled in anger.
Nobody moved.
Isiipin ko sanang mali ako ng pinasukang kwarto kung hindi lang nahagip ng mga mata ko ang lalaking tahimik na nakaupo sa isang sulok. Agad siyang namutla nang makita ako. My eyes instantly narrowed upon seeing the man I've been hunting all evening. "Found you," I smirked and started walking towards him.
Well, that was ea---
"UBEY YEGO!"
Nevermind.
Ilang sandali pa, napansin kong nakatutok na pala sa'kin ang ilang type 85 sub-machine guns at pistols. Mahina akong natawa. "That's more like it!" Just as the first round of bullets were fired at me, agad akong nagtanggal ng coat at tumakbo para iwasan ang mga ito. Mahina akong napamura nang tumagos pa rin sa trench coat ko ang ilang bala, leaving several holes in the fabric.
'Damn! Kakaayos ko lang 'non noong isang linggo!'
I ran against the mosaic walls, defying gravity as I pulled several knives from the straps on my body.
Sa kabila ng nakabibinging ingay, nagawa ko pa ring makapag-concentrate at obserbahan ang pag-atake ng mga kaaway. Mukhang tama nga ang hinala kong isang lungga ng mga mafia ang bar na ito. Almost all of the occupants in the room were armed with (probably illegal) firearms. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanila kahit pa pinauulanan nila ako ng mga bala.
In a split second, I was able to strategize and predict their movements.
As gracefully as a killer can, walang pagdadalawang-isip kong ibinato sa direksyon nila ang mga patalim.
The knives crossed paths with the bullets with an incredible speed.
"T-The knives are cutting the bullets!"
"Tangina, p-paano nangyari 'yon?!"
Gulat nilang pinanood ang mga patalim. Kapansin-pansing humakbang na papalayo ang ilan sa kanila.
Ilang sandali pa, natigil ang tunog ng mga baril.
"GAAAAAH! W-What the fuck?!"
Kasabay ng paglapat ng mga paa ko sa mamahaling carpet ng sahig, bumulagta ang katawan ng mga mafia members. Hindi pa umaga, pero naliligo na ang mga ito sa kanilang sariling dugo. Nakatarak ang mga punyal sa kanilang mga leeg. In a split second, the tables have been turned. Huminga na lang ako nang malalim at pinulot ang coat ko.
"I wasn't assigned the 'knight' for nothing. Akala niyo ba may laban ang mga baril na 'yan sa isang imortal? Tsk!"
I stepped on their bodies, cherishing the sound of their bones cracking beneath my weight. Blood staining the soles of my shoes. May mangilan-ngilan sa kanilang nag-aagaw buhay pa rin. Nagmamakaawa. Muli ko na namang naririnig ang pang-aasar ng boses na kanina pa gustong sumubok sa katinuan ko.
This time, gruesome images of skinning them alive were flashing into my head.
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko. 'Damn it, Everick! Hindi ito ang oras para magpatukso.' I gritted my teeth to restrain myself and sighed.
The sooner I finish this job, the sooner I can report to Evil and accompany the woman in my bed. I don't want her to feel lonely, now do I?
"L-Lumayo ka sa'kin! Ano bang kailangan mo?"
Nanginginig ang boses ng lalaki habang nakatitig sa'kin. Nakasiksik lang siya sa isang sulok na parang isang dagang nahuli ng pusa.
A prey being corner by his worst nightmares.
"Have you heard of the Elite Killing Tournament?"
Sinubukan nitong tumakas pero agad kong hinarangan ang daanan niya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkabigla. Nang mapagtanto niyang hindi siya makakatakbo papalayo, natataranta niyang inabot ang baril na nakatago sa kanyang bulsa. Unfortunately for him, I quickly noticed this and slice his hand off.
"GAAAH!"
Napasigaw sa sakit ang matanda. Mukhang malapit na rin siyang maiyak. Hindi na nga ako magugulat kung mahina na siyang nadadasal sa mga santo at humihiling ng isang milagro. It's interesting how humans turn to the divine whenever death knocks at their doors. Para bang awtomatiko lang nila itong ginagawa kapag nangangailangan na sila ng himala mula sa langit.
Pitiful creatures, indeed.
"Don't worry, I can heal you later. May mga gusto lang akong itanong sa'yo," My eyes grew dark as I stepped closer to him.
Kinuwelyuhan ko ang lalaki. Naalala ko na naman ang larawan niyang nakadikit sa dart board ko. He's at my mercy, and I can easily kill him on the spot to end his mortal suffering. But I won't. Not until he provides the information I'm searching for. Seryoso ko siyang tinitigan, "Kung matatandaan mo, the Elite Killing Tournament's final round ended in a tragedy. Matapos ng nangyaring massacre, sinunog at ipinasara ng nakababata kong kapatid ang lugar na iyon… We made sure that no one will ever remember the monstrous nightmares happening in the place, yet we failed to accomplish one little task..."
"W-Wala akong alam sa sinasabi mo! M-Maawa ka sa'kin, may pamilya ako…"
Too bad. Matagal na akong nawalan ng abilidad na maawa sa mga tao. At ginagawa ko rin ito para sa pamilya ko.
It twisted his arm.
He screamed in pain.
Nang tuluyan na kaming binalot ng katahimikan, hinawakan ko siya sa buhok at pinilit iangat ang tingin sa'kin. His heterochromatic eyes were full of fear and exhaustion.
"Six months ago, we realized we made a huge mistake. Nakatakas ang boss ng Elite Killing Tournament, kasama ng kanyang sekretarya. Magmula noon, hindi ako tumigil sa pagmamatyag sa mga lansangan ng Eastwood. Behind my brothers' back, I had to verify and investigate every fucking rumor that might give me a lead..." Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Oo, hindi ito alam nina Joker at King.
I prefer to work alone on this.
I've been on a wild goose chase several times.
I've worked until dawn and told them I've just been busy kissing girls.
For the past six months, I've carried this burden and moved in the shadows...
"Pero ngayon, matibay na ang mga ebidensyang nakalap ko. I've managed to trace some rumors to this mafia... Ayon sa informant ko, may isang taong may koneksyon pa rin sa former boss ng EKT---ang nagsisilbing liaison niya sa mga iligal na transaksyon. Ang pabaya niyang tauhan na hindi marunong itago ang kanyang mga bakas...Ikaw 'yon, hindi ba?" I stared blankly at him when he didn't answer.
Para bang tuluyan na niyang nalunok ang kanyang dila.
I knew it.
Ngayon, kung magagawa naming siyang pagsalitain para malaman ang lokasyon ng boss ng EKT, tuluyan nang matatapos ang mga problema. Now that I know for sure that we have a reliable lead, hindi ko na kailangang itago kina Evil ang ginagawa ko. I just need to drag him back to the treehouse, call my brothers, and then we'll start the torturing---I mean, the interrogation.
I couldn't help but smile.
"Kung makikipag-cooperate ka sa'min, I might be merciful enough to kill you after the interrogation. Paniguradong ipapapatay ka rin ng boss ninyo kapag nalaman niyang---"
BANG!
A gunshot echoed in the silence of private room #9 inside The Limekiln Antigone Turtle. Panandaliang huminto ang oras. Para akong nabingi. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong napagtanto kung anong nanyari. It was too late when I finally felt the body of the man go limp.
The hole in his skull was unmistakeable.
Mahina akong napamura.
"Great. Just fucking great."
I'll deal with whoever did this later. Sa ngayon, kailangan ko na munang buhayin ang isang ito. Mabilis kong hiniga ang lalaki at sinimulang paghilumin ang kanyang sugat. The black sword tattoo on my wrist mockingly stared back at me, reminding me of my unspoken oath as the knight. Huminga ako nang malalim nang nagsimula nang kumawala ang puting liwanag sa mga kamay ko.
You see, there's something you should know about us Neverwoods. Bukod sa kakayahang makapag-transform bilang isang uwak, may kanya-kanya kaming "special abilities" na consequence ng sumpa naming bilang mga imortal. Evarius can read minds (except ours), while Evil can hypnotize and manipulate people (that's what makes him dangerous).
Me?
Well, as ironic as it sounds, I have healing abilities.
Kaya kong pagalingin ang kahit anong sakit at paghilumin ang kahit anong sugat. I can even revive the dead if I want to. Yes, I can revive dead people, but there's just one tiny restriction...
I paused when I felt something cold on my nape.
Ilang sandali pa, naramdaman ko ang malakas na boltahe ng kuyenteng dumaloy sa katawan ko. Napasigaw ako sa sakit. Tuluyan nang naglaho ang liwanag sa kamay ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
I can see the outline of a woman running away before I completely lost consciousness.
---
Everyday, I gave a piece of myself
to the ones who needed anything;
So what do I do when they walk away,
leaving me with little to nothing?
---Everick Neverwood
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top