QUINQUE

"Paano kung sabihin ko sa'yong kaya kong buhayin ang lalaking 'yon?"

A mortal who can resurrect someone from the dead?

'She's crazy,' I thought as I laid on the bed.

Ni hindi ko na nilingon ang babaeng yumakap sa'kin habang mahimbing na natutulog. Nakalimutan ko na kung anong pangalan niya. No, don't get the wrong impression. Of course I care about a woman's name, kahit na pansamantala lang kaming magsasama sa isang gabi (at sa iisang kama), but I couldn't think straight tonight.

In fact, it's been two days since that commotion at Limekiln's, pero hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong tanggaping nasayang lang ang pinagplanuhan ko.

I wasted a golden opportunity, and I'd be lying if I told you that I got over it.

"Paano kung sabihin ko sa'yong kaya kong buhayin ang lalaking 'yon?"

Tangina.

Dalawang araw na rin mula nang hinatid ko pauwi ang babaeng 'yon, at hanggang ngayon, para bang naririnig ko pa rin ang huli niyang sinabi bago kami maghiwalay ng landas. To give you an idea, the moment I heard her say those words, I completely ignored her, transformed into a crow, and flew back to the treehouse.

Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa resurrection, pero mahirap lang paniwalaan na kaya ito ng isang hamak na mortal. Given that Sadako (yes, I'm still calling her that) is a weird girl, but that doesn't make her capable of doing such things. Pwera na lang siguro kung may lahi pala siyang mangkukulam.

'Pero paano kung may lahi nga siyang mangkukulam?'

Natigilan ako nang maisip ko ang posibilidad na 'yon.

Agad kong nilingon ang babaeng sinisimulan nang hipuin ulit ang katawan ko. Yup, she's awake now. There was a serious look in my eyes when I asked her, "If you were given the chance to recycle a wasted opportunity, will you take the risk even if it sounds crazy?"

Natigilan ang babae at kumunot ang kanyang noo sa tanong ko. I bet she wasn't expecting I'd randomly ask her life advice after sex. Sandali siyang napaisip. Maya-maya pa, nagkibit na lang siya ng balikat.

"Yeah, why not? Mas okay nang mag-take ng risk kaysa naman may dadagdag na naman sa mga bagay na pinagsisihan mo."

"Kahit na mahirap paniwalaan?"

"Oo, naman. Ganoon naman talaga ang buhay, 'di ba? Kung hindi mo susubukan, mas lalong walang mangyayari. Pwera na lang siguro kung duwag kang isugal ang mga prinsipyo mo."

In that moment, I knew she was right.

Sa nakalipas na siglo, hindi ko naman talaga ugaling humingi ng advice sa mga nakaka-one night stand ko. Kaya nakakatuwang mapakinggan din ang perspektibo nila sa buhay. Tama siya. Wala nga namang mangyayari kung papalagpasin ko na naman posibilidad na 'to. Besides, wala rin namang mawawala, 'di ba?

I smiled and rolled on top of the woman.

She giggled and ran her fingers down my abs, "So, did my piece of advice turn you on?"

I smirked.

"Consider this as my token of appreciation."

What can I say? I'm a generous man.

*

It was just another boring school day.

At katulad ng nakagawian, lilipas na naman ang maghapon na walang pumapansin sa kanya. Minsan nga, gustong isipin ni Kleo na nakakalimutan na rin nilang nage-exist siya sa mundo. She wanted to say she feels like a ghost, but then again...

"At least ghosts don't need to socialize with the living."

Kleo doesn't mind. She never does and she never will.

Habang tinatahak niya ang pasilyo papunta sa susunod niyang klase, hindi maiwasang mapatingin ni Kleo sa malawak na hardin sa katabi nilang kolehiyo, ang College of Music. Umalingawngaw sa paligid ang masasayang tawanan at kwentuhan ng mga estudyante. Some guys were even playing their guitars and flirting with girls who blushed like bloody tomatoes.

Kung hindi siya nagkakamali, "harana" ang tawag sa landiang ito? Hindi niya sigurado. Hindi pa naman niya naransang ma-harana.

At kung may haharana man sa kanya, gusto niyang tugtugin nito ang musikang panlibing. Lagyan na lang niya ng lyrics.

"That would be so cool," she grinned creepily, imagining her own funeral.

In this chaotic setting, Kleo saw a familiar girl waving at her.

She awkwardly (and briefly) waved back at the young violinist before turning away. Hindi pa rin talaga siya sanay na may kumakaibigan sa kanya. Hindi ba natatakot si Marquessa sa kanya? Hindi ba siya nawiwirduhan o naiilang? O baka mahilig naman talaga sa kawirduhan si Marquessa? Pero sa kabila nito, inaamin naman niyang nakakatuwang malaman na kahit papaano, may isa na siyang kaibigang mortal.

Kleo made a mental note to search up "how to be a friend" on the internet later.

If only she can use this on that crow-shifter.

Napabuntong-hininga na lang ang dalaga nang maalala na naman niya ang nangyari.

Iyon na siguro ang pinakamasayang gabi sa buhay niya mula nang ipinanganak siya sa mundong ito.

Bukod sa matagumpay niyang na-hunting ang isang imortal, nasaksihan mismo ni Kleo ang kapangyarihan nito. More so, she was even blessed with a free ride home! Hindi niya pa rin makalimutan ang pakiramdam ng lumilipad sa ere, habang nararamdaman ang malakas na ihip ng hangin sa kanyang mukha. It felt surreal and magical all at once. Too bad it had to end early.

'Too bad he didn't accept my invitation for an interview.'

Ang nakakalungkot pa, nitong nakaraang mga araw, wala siyang nababalitaang kahit ano tungkol sa crow-shifter. Halos ubusin na ni Kleo ang life (and death) savings sa piggy bank niya para lang bumili ng latest paranormal newspapers at magkaroon ng access sa mga impormasyong tungkol sa sightings, pero wala talaga. Para bang tuluyan nang naglaho ang crow-shifter sa Eastwood.

That made her sad.

"Sayang naman."

Napabuntong hininga na lang si Kleo.

As much as she wanted to find him, hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Pansamantalang nakasara ang Limekiln's dahil sa nangyari. Bumalik ulit doon si Kleo kagabi, nagbabaka-sakaling mapadpad ulit doon si Everick. To her dismay, she just wasted five hours of waiting in the dark.

"Ano nang gagawin ko, Roberta?" She unconsciously asked.

Syempre hindi ito sumagot. Dolls don't speak to their owners when they're inside a backpack. It's a rule.

Kaya nagtuloy-tuloy na lang sa classroom si Kleopatra.

Agad siyang dumiretso sa likuran ng klase nang hindi tinitingnan ang iba pang mga taong nasa loob. She kept her head down, letting her bangs cover a greater portion of her face than necessary. Nang tuluyan na siyang nakaupo, walang-ganang kinuha ni Kleo ang kanyang vampire-printed ballpen at notepad (na mukhang isang grimoire). Tahimik na niyang sinimulang kopyahin ang sinusulat ng kanilang propesor sa white board.

'Late na pala ako? Oh, well. Nothing new.'

But when their professor finally turned to face them, kamuntikan nang mabitiwan ni Kleo ang kanyang paboritong ballpen. The man wore a white long-sleeved polo shirt folded at the elbows, exposing the strange knife tattoo on his wrist. Nang magtama ang kanilang mga mata, tuluyan nang napanganga si Kleopatra.

No wonder he was familiar.

"Good morning, class. Since Prof Rivera is on vacation, he left me in charge today. You can call me Professor Everick, by the way."

Mukhang hindi na niya kailangan pang magpagod sa pahahanap.

Nang matapos na ang kanilang klase, hinintay ni Kleo ang pag-alis ng ibang mga estudyante. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pasimpleng pagkindat ng mga babae sa propesor nila. Everick just casually leaned against the desk, as if this was nothing new to him.

Nang dalawa na lang silang naiwan sa classroom, masayang lumapit si Kleo sa kanya.

"A crow-shifter and a part time professor? Marami pala talaga akong hindi nalalaman tungkol sa'yo! Maybe if you'd let me interview you---"

He sighed. "Sadako, hindi mo ba talaga ako titigilan sa interview na 'yan? At saka hindi naman 'yon ang pinunta ko dito."

Kleo pouted.

"Sayang."

"Hmm... So, does this mean you're gonna stop bugging me for that interview?" Everick Neverwood smirked. "Suko ka na agad?"

Umiling naman ang dalaga. "No. Ang sabi nga nila 'never give up until you've tried a thousand times'. At dahil siyam na beses din kitang tinanong noong hinatid mo ako, I still have to ask you another 990 times."

Sandaling natigilan si Everick. Nakatitig lang ito sa kanya. Maya-maya pa, umalingawngaw sa silid ang malakas nitong pagtawa. The crow-shifter shook his head in amusement, "How interesting! You're really weird, you know that?"

"Maybe. Actually, everyone makes sure to remind me everyday."

Hindi talaga alam ni Kleo. Minsan pakiramdam niya personal agenda ng talaga ng lahat ng tao ang ipaalala sa kanyang naiiba siya. She was pulled out of her thoughts when Everick cleared his throat. No, she doesn't plan on asking him how he found her. Malamang may powers rin siya para alamin 'yon. Pero ang gusto niyang malaman ay...

"Bakit ka nga pala nandito?"

That's when the mood shifted noticeably.

He hesitated...

"Sinabi mo noon sa'kin na kaya mong buhayin ang patay?"

Oh, that.

"Yup! Why? Nandito ka ba para tanggapin ang offer ko?" Masayang tanong ni Kleo.

Huminga nang malalin si Everick. "Though I'm still not convinced it's possible, but---"

"Not convinced? Dahil ba tao lang ako? Dahil mukha akong mahina at walang kakayahang tumulong sa'yo?"

"No---I mean, yes! Maybe? Look, I didn't mean it that way... Damn it!" He cursed under his breath.

Doon na nagbago ang mood ni Kleo. Kumalukipkip ito at suminangot. Ang akala ba nito ay nagsisinungaling lang siya? Wala na siyang tiwala sa kanya dahil isang mortal lang siya? Kung sabagay, kailan nga ba may nagtiwala sa isang wirdong katulad ni Kleopatra? Buong buhay siyang nilalayuan ng mga tao at hindi naniniwala sa anumang sinasabi niya.

Nakakadismayang isipin na pati pala ang mga imortal ay hindi siya kayang paniwalaan.

Everick was surprised to see her reaction. Napahilamos na lang siya ng kanyang mukha. Damn it, Everick! Ano bang pinagsasabi mo?

"Kleo, I didn't mean to offend..."

Pero agad natigilan siyang nang, sa isang kisapmata, napansin niyang iniwan na pala siya ni Kleopatra.

Mahinang napamura si Everick. Yup, he messed up. Damn. Kailan pa siya nangapa sa pakikipag-usap sa mga babae?!

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang nakatitig pala ang isang uwak mula sa binata. Napasimangot na lang ang Knight. Of course he can recognize this lunatic.

"Does this entertain you, Joker? Tsk."

In a blur of black feathers, mabilis na nagbagong-anyo ang nakatatandang Neverwood. He laughed like a madman and leaned on his cane, still staring at him with a teasing glint in his masochistic eyes.

"Frabjous! Why, it's not every day I get to see the Knight in shining condoms struggling with females! How entertaining, indeed!"

"Shut it, brother. Go stab yourself if you're bored."

Joker shrugged. "Maybe later. Nagpapatawag nga pala ng meeting si Evil. Let's go before that killjoy faints because of Señor Fluffy!"

"Gago. Iniwan mo na naman doon ang kuneho?"

"Why, of course! Makaganti man lang. HAHAHA!"

Napairap na lang si Everick at umayos ng pagkakatayo. With a snap of his fingers, he was back in this usual black trench coat and combat boats.

'I'll just talk to Sadako later,' he thought.

Soon, two crows flew out of the empty classroom.

---

Embrace your inner demons,
let yourself be insane;
For every drop of sympathy,
will go down the drain.

---Everick Neverwood

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top