QUATTOUR
Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nawalan ng malay.
Kung nawalan man siguro ako ng malay noon, baka dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa ni Joker. Hindi ko mabilang kung ilang beses na kaming nadadamay at napapahamak sa kabaliwan ng isang 'yon. One time, he even "accidentally" pushed us off the pyramids while he was doing a sun dance! Matapos 'non, kinailangan kong pagalingin ang mga pasang natamo niya sa panggugulpi sa kanya ni Evil. But instead of regretting what he did, Evarius just laughed and joked about our youngest brother's temper.
'Crazy bastard.'
My point is, being an immortal gives you the privilege to dictate your enemy's attacks so that you wouldn't get caught off guard.
Kaya hindi ko talaga alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.
"Damn.."
Nang magmulat ako ng mga mata, inaasahan ko nang masisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa chandelier na nakasalambitin sa kisame ng private room. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang imahe ng isang multong nakatitig sa'kin. Bigla akong natigilan, pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita noon.
But that creepy smile on her face was very distracting.
Hindi pa nakatulong na natatakpan ng kanyang bangs ang kanyang mga mata.
"Sayang."
"Huh?"
Who the hell is she?
Napabuntong-hininga naman lang ang dalaga sabay kibit ng balikat. "Sayang dahil buhay ka pa pala. Balak ko pa man din sanang mag-on the spot autopsy. I brought my dissecting tools, see?"
Nagpakurap-kurap na lang ako nang ipakita niya sa'kin ang isang matalim na scalpel. Its sharp tip reflected the light of the chandelier menacingly. Agad akong napasimangot. I'm offended. Mukha ba akong palakang kailangan niyang i-dissect? I was about to tell her to dissect someone else when I suddenly remembered something...
"Shit!"
Agad kong hinanap ang katawan ng lalaki sa sahig. Gustuhin ko mang sabihing nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang nakahiga pa rin sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina, the fact that I couldn't see the rise and fall of his chest was enough to make me panic. Signs of rigor mortis were already visible. 'Damn... this can't be happening!' Agad ko siyang nilapitan at sinubukang gamitan ng healing ability ko.
But the faint light coming my hands was deflected off his skin.
Remember that one "tiny" restriction I told you about? Well...
"Sadako, anong oras na?"
Binalingan ko ang dalaga na abala sa pagtatahi ng braso ng manika niya. As much as I want to comment on how her doll looked like it came from a mortal horror movie, hindi ito ang tamang oras para rito. Agad na kinuha ni Sadako ang kanyang cellphone at ipinakita sa'kin ang skeleton-themed clock display. "It's 3:00 a.m. Devil's hour...Exciting!"
3:00 a.m?
"No... No... No... Fuck this!"
Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Hindi na ako nag-abala pang gamitin ang kapangyarihan ko sa bangkay ng matandang nasa tabi ko. Alam kong wala na rin akong magagawa. Mahina akong napamura nang mapagtanto kong nasayang lang ang ilang araw ng pago-overtime ko. Yup, Evillois will definitely kill me (or at least "attempt" to kill me) if he finds out about this.
"Anong problema, crow-shifter? Mukha kang balisang siyokoy na naubusan ng sun screen..."
The fuck?
Noong mga sandaling 'yon, bigla kong naalala ang mga nangyari. Someone ambushed me form behind. And I suspect it's the same person who shot the man. 'A woman, huh? How interesting.' Tumalim ang tingin ko sa kanya. Walang pagdadalawang-isip ko siyang hinigit sa braso. Alam kong mag-iiwan ito ng pasa mamaya, but I don't give a shit anymore.
"You did this, didn't you?!"
Napanganga na lang ang dalaga. Hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata, alam kong nanlilisik na rin ang mga ito sa'kin. "W-Wala akong alam sa sinasabi mo! Look, if you're going to put the blame on me, pwede bang paki-orient muna ako kung anong nangyayari? Hmm... better yet, we can have an interview!"
I blinked at her in disbelief.
'An interview? She's nearly just as insane as my brother!'
"Kung wala ka talagang kinalaman sa nangyari, bakit ka nandito? Base from your sweater, it doesn't look like you're one to spend the night partying in bars."
Nagkibit lang siya ng balikat at tinuro ang ilang magazines na nagkalat sa sahig nang mahulog ang dala-dala niyang draw string bag. Agad na nakapukaw sa atensyon ko ang nakabuklat na pahina. Weirdly enough, may nakaipit pang skeleton bookmark doon. The title of the article was written in bold gothic letters...
Crow-shifters spotted in Eastwood: Are they friends or foes?
Crow-shifters?
Masama ng kutob ko rito. Dala ng kuryosidad, binitiwan ko ang babae at dinampot ang magazine. When my eyes skimmed through the sentences and the low quality pictures on the top, I knew we were in for much more trouble. 'Well, at least that explains how she knew this place,' I thought and ripped the page of the magazine before shoving it into my pants' pocket. Kahit na alam kong maha-highblood na naman ang bunso namin, it's only fair to let them know about this.
"Hey! Mahal ang bili ko diyan sa magazine na 'yan!"
Dinampot ko ang nasira kong trench coat at isinuot ito bago ko nilingon ang naghihimutok na mortal. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sadako, gabi na. Umuwi ka na lang sa TV mo. This isn't something you should get involved with."
"Kleo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pabulong lang ito, pero nahagip pa rin ito ng pandinig ko. Again, privileges of being an immortal. Nang mapansin niyang hinihintay ko siyang magpaliwanag, napayuko na lang siya. Hawak-hawak niya pa rin ang kanyang sira-sirang manika. Her long black hair almost conceal her entire face from view, "My name is Kleopatra."
Kleopatra?
Well, she doesn't look like royalty. She doesn't even look like the Egyptian ruler! Believe, I've met Queen Cleopatra in person---err... and maybe even made-out with her. But that's history. Literally. Anyway, nang hindi pa rin kumilos ang wirdong dalaga, huminga ako nang malalim. Sa labas ng Limekiln, naririnig ko na ang sirena ng Heraldic Eastwood Local Police Department police vehicles. I think I can even hear an ambulance approaching.
'How interesting... Mukhang tinotoo nga ng waiter ang pagtatawag ng ambulansya.'
But as amusing as the situation is, alam kong kailangan ko nang umalis.
I glanced at the dead man's body once more before turning to Sadako---I mean, Kleopatra.
"Hindi ka pa ba aalis?"
Agad siyang umiling. "Wag mo na akong intindihin. Kailangan mo nang tumakas bago ka pa nila mahuli, crow-shifter. I'll just stalk you again some other time."
I hesitated. "Everick."
"Ano?"
"My name's Everick Neverwood."
After that, I think I saw a ghost of a smile on her face. Maya-maya pa, narinig na namin ang yabag ng mga sapatos papalapit sa private room. Someone was barking instructions at the others. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagkasa ng baril. Mukhang nandito na ang mga pulis.
Only then did I realize the gravity of the situation. Nakatayo kami sa gitna ng isang exclusive private room sa isang kilalang bar, sa gitna ng bangkay ng mga mortal na kasapi sa isang mafia group. Kahit na tumakas ako ngayon, they'll surely suspect her as my accomplice. Isa pa, sa hitsura niyang 'yan paniguradong paghihinalaan siyang ng mga ito. Alam na alam ko na ang mga ganitong senaryo sa mga pelikulang napapanood ko.
'How the hell can I leave this weird girl in place like this?'
Mahina akong napamura. Bullshit. Minsan talaga wala sa timing ang pagiging "mabait" ko, eh!
"Everick?"
Bago pa man ako makapag-dalawang isip, agad kong hinila papalapit sa bintana si Kleopatra. Tahimik lang niya akong pinanood habang inoobersahan ko ang paligid. After a moment, I turned to her and offered a smile, "Are you afraid of heights?"
Bago pa man siya makasagot, I instantly carried her, unfurled my raven black wings, and flew into the starry night sky.
Huli na nang mamataan kami ng ilang mga paramedic na nakaabang sa labas. Kung nahagip man kami ng kanilang mga mata, they probably just saw a blurred shadow jump out from the window.
Hopefully.
With the cold night breeze against my skin and Kleopatra's dark hair dancing like black ribbons caught in the wind, mabilis kaming lumipad papalayo sa Limekiln's.
Nang sulyapan ko ang kanyang ekspresyon, I was honestly surprised to find a goofy grin on her pale lips.
"Hindi ko alam na kaya mo rin palang gawin 'to, crow-shifter! Ang astig!"
I chuckled. "It's actually called partial---"
"Partial transformation, I know! I've read about this in the books... Matagal nang isang alamat ang abilidad na ito sa mga animal-shifters. Instead of transforming into a full crow, you can just transform the wings, making it more convenient. After thirty minutes or so, you'll experience back pain as a side effect."
Natigilan ako sa sinabi niya. Because everything she said is true.
'What a strange mortal she is,' I sighed.
And what a strange evening it has been.
*
Wala na akong nagawa kung hindi ihatid siya pauwi. Bukod sa ayoko pang magpakita kina Evil dahil sa ginawa kong kapalpakan, mukhang wala pa ring balak tumigil ni Kleo sa pangungulit. Hindi pa rin niya ako tinatantanan tungkol sa "interview" na hindi ko alam kung para saan, kahit na ilang beses ko na siyang tinatanggihan.
Napabuntong-hininga na lang ako.
She stopped walking and tilted her head to the side, like a curious little raven.
"Condolence. Iniisip mo pa rin 'yong lalaking namatay kanina, hindi ba? Hindi ko alam na weird din pala ang taste ng mga paranormal creatures na tulad mo. Are you two...?"
Nanlaki ang mga mata ko nang maunawaan ko ang ipinapahiwatig niya.
"What the fuck?! Of course, not!"
ANO BANG INIISIP NG BABAENG 'TO?
"Oh! Okay." Kleopatra simply stated like it was nothing.
Makalipas ang ilang sandali, sumulyap siya sa isang apartment sa malapit. I didn't need to be a genius to figure out we were already at their place. Mabuti na lang at tahimik ang neighborhood nila. Maya-maya pa, tumingin siya sa'kin at muling nagtanong, "I thought paranormal creatures don't show sympathy when mortals die? Kung ganoon, bakit ka namomorblema sa kamatayan ng isang matandang lalaki?"
In a different circumstance, I'd probably just threaten her to keep her mouth shut and leave.
Pero dala na rin siguro ng pagod kaya wala sa sarili kong sinagot ang tanong niya, "He has information I need. Ilang buwan na akong naghahanap ng taong makapagtuturo sa'min sa kinaroroonan ng boss. Now, our only lead is more than an hour dead inside a bar's private room."
"More than an hour?"
I nodded. "I have healing abilities. Kaya ko ring bumuhay ng mga mortal, basta hindi lalagpas ng isang oras mula nang mamatay ito. After exactly sixty minutes, my powers won't work on the human body. That's the only downside of this shitty curse." Sa kaso ng lalaki kanina, nang mapagtanto kong isa't kalahating oras pala akong nawalan ng malay, alam ko nang hindi na tatalab ang ability ko sa kanya.
It's useless...
I can't revive a man who's dead for more than an hour.
Hindi ko man nakikita ang kanyang mga mata, I can clearly sense Kleopatra's amazement. Noong mga sandaling iyon, para akong natauhan. Damn. I think I said too much! So before I could even say anything more that would surely get me in trouble, sinimulan ko nang maglakad papalayo kay Sadako 2.0.
But her next words made me stop in my tracks...
"Paano kung sabihin ko sa'yong kaya kong buhayin ang lalaking 'yon?"
---
I heard the moon sing a lullaby
to her children scattered in the night;
Her voice held the sweetest sorrows,
for she can only be with them 'til twilight.
---Kleopatra Claveria
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top