DUODEQUADRAGINTA

"Ingat po kayo, sir." 

Raffaelo nodded in acknowledgement before exiting the glass doors. Nang nasa labas na siya ng ospital, doon lang siya nakahinga nang maluwag. Ni hindi nga niya alam na kanina pa pala siya hindi makahinga nang maayos sa loob. With how frequently he's been visiting Eastwood General Hospital nowadays, one might easily assume that he's already used to the suffocating white walls and sterile smell.

Pero bukod sa nakikilala na siya ng mga gwardiya at staff, wala namang bago sa pagbisita niya rito.

Walang nagbabago, at iyon ang kinakatakot niya.

'Maybe she's already gone... Kung ganoon, may saysay pa ba 'tong pagpapahamak ko sa sarili ko?'

He shook the thought away and cursed under his breath, hating himself for even thinking that way. Hindi niya alam kung kailan magigising ang taong nagluwal sa kanya sa mundo, pero hangga't sinasabi ng doktor na may pag-asa pa---kahit gaano kaliit na pag-asa---Raff is willing to endure for as long as he can.

"Or for as long as I don't get accidentally killed."

Huminto siya sa tapat ng isang sasakyan at sinulyapan ang kanyang repleksyon sa bintana. Napasimangot siya sa bagong pasa na nakuha niya dahil sa laban nina Phantom at Flesh Eater noong isang gabi. Sana man lang may nag-warning sa kanyang telekinesis ang powers nung isang participant, 'di ba? Tangina. Natamaan pa tuloy siya ng lumilipad na upuan.

The Elite Killing Tournament is taking everything to the extreme and the number of blood-thirsty patrons seems to double every damn night.

Hindi niya alam kung dahil ba 'to sa virtual reality effects na ginagamit nila, dahil sa walang-awang mga participants, o dahil sa anunsiyo ng "boss" kagabi na magreretiro na siya pagkatapos ng season na 'to.

"At hanggang kailan naman kaya ako kakailanganin ng mga Neverwood bilang espiya nila?"

Speaking of the Neverwoods, hindi pa pala siya nako-contact ng mga ito mula noong kumalat ang balitang nagwala si Everick sa bayan. Yes, probably the entire town is aware about this since it's been on the headlines for a couple of days now. Ang akala ng lahat, kasama siya sa mga EKT killers na nanggugulo. 'With that ability and madness, wala siyang pinagkaiba sa mga mamatay-taong kailangan kong pagitnaan tuwing may laban,' he thought.

Bukod pa rito, wala pa rin siyang balita kina Kleo at Marquessa.

Absent na naman sila sa klase kanina, at hindi matawagan ang mga cellphone nila. Raff was so close to filing a missing person report if not for the fact that Kesa's parents knew where their daughter was.

"May tumawag sa'min kagabing binata, boyfriend raw niya. Evarius? Oo, Evarius yata ang pangalan... He said that Kesa had a fever, so he and Kleo are taking care of her. Nandoon sila sa bahay nina Kleo."

Hindi alam ni Raff kung dapat ba siyang matawa sa excuse na 'yon o mabahala. Ano naman ang ginagawa ng nakatatandang Neverwood sa bahay nina Kleo? And if Kesa really is sick, Kleo will, at least, call him, right? Walang rason na kalimutan siya ng mga ito.

His friends couldn't possibly trust the Neverwoods more than him, right?

But then again, palagi nga pala siyang iniiwan ng mga ito.

'Mukhang busy sila. Tsk!'

Raff was about to cross the street when the car's window suddenly rolled down, revealing a pair of sharp eyes and a matching frown. Natuod sa kanyang kinatatayuan ang binata nang makilala ang dalaga.

'Siya yung pamangkin 'nong sekretarya, ah!'

Ang babaeng nag-recruit rin sa kanya.

Bago pa man siya makapag-isip ng matinong excuse para umalis at magkunwaring hindi niya ito nakita (which is nearly impossible), biglang nagsalita si Nica. "Papasok ka na sa trabaho, 'di ba? 'Wag mong sabihing uuwi ka pa. My aunt doesn't like compromising the schedule."

He didn't miss how she spat the word "schedule" as if it left a sour taste in her mouth.

Napalunok si Raff at nag-iwas ng tingin. "D-Didiretso na po talaga ako roon, Miss Nica. I just had to visit someone."

Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang sumulyap si Nica sa direksyon ng ospital na pinanggalingan niya. An unreadable expression sparked in her eyes, but it was gone as quick as it appeared. Kalaunan, huminga nang malalim ang dalaga at walang-ganang sinabing, "Get in. Sumabay ka na sa'kin."

"Ha?"

"Bingi ka ba? Kasi kung oo, baka kailangan ko nang maghanap ng kapalit mo."

Damn, she has a temper.

'Just like her aunt,' he bitterly thought before hoping in the passenger's seat of her black pick-up. Sana lang talaga hindi magbago ang isip ng babaeng 'to at pagdesisyunang mas marami pang potential referees ang pwedeng pumalit sa kanya.

*

The house was filled with activity by the time Kleo and I decided to return. Rinig na rinig namin ang malalakas na kwentuhan ng mga serial killers at ang kakornihan ni Joker mula sa sala. Ramdam ko ang pag-aalingan niyang pumasok sa bahay. She kept looking at her doll shoes and fumbling with the trench coat I draped on her shoulders earlier.

"Did I mention you look cuter when you're nervous, Sadako?" I teased and lifted our clasped hands to kiss hers.

Agad siyang napasimangot.

"Malandi ba talaga ang lahat ng mga paranormal creatures o nasobrahan ka lang?"

Natawa ako.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa babaeng 'to.

'Not that I'm complaining, of course.'

After our little "interview" at the abandoned amusement park and after forcing her to eat diner, nagpunta kami sa sementeryo kung saan namin nilibing ang tiyahin niya. We spent the rest of the evening staring at the candle we lit for her Tita Elvie. Tahimik lang kaming nakaupo nang makatabi hanggang sa tuluyang namatay ang apoy.

The tension was still there, along with the unanswered questions I never got a chance to ask her.

Pero sa huli, napagdesisyunan kong hindi na mahalaga kung anong mga naglalaro sa isip ni Kleo noong gabing 'yon. Screw it. If she doesn't want to talk about it, I won't force her to. Ang mahalaga ligtas siya at hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pagkamatay ng tita niya. Hindi ako titigil hangga't hindi bumabagsak ang taong puno't dulo ng ilang daan taon na naming paghihirap.

"We should go inside," I smiled at her.

Tumango si Kleo at sabay kaming pumasok sa bahay nila.

Katulad ng inaasahan ko, biglang natigilan ang lahat nang makita kami. Their eyes then drifted to our hands, firmly clasped together. Lihim akong napangiti. Sinong nagsabing sina Joker at Evil lang ang mahilig gumawa ng eksena? 

Nabasag lang ang katahimikan nang biglang umismid si Muffin Man, his metal jaw clenching.

"Eh 'di kayo nang may love life."

We all laughed at the comment.

Sa kabilang bahagi ng sala, malawak ang ngiti ni Black Sheep. "Well, it's about time, man!" Sa kanyang tabi, nagkibit naman ng balikat si Poison Ivy, halatang hindi masaya. "Sayang. Abangan ko na lang ang break-up niyo."

Before I could even reply, biglang sumulpot mula sa kusina si Evil. Nang makita niya kami, napailing na lang siya.

"Idiot."

I glared at him. Mukhang mali na naman ng gising ang isang 'to. Mabuti na lang at mabilis siyang inakbayan ni Joker at humagalpak nang tawa.

"Hahahahaha! Loosen up, brother! Alam mo, hanapan na lang kaya kita ng love life kaysa naman naninira ka ng relasyon ng iba---"

"Do that and I'll burn Eastwood down to ashes."

"Yikes! Walang talagang panama ang Chicken Joy sa pagiging killjoy mo. HAHAHAHA!"

"Get off me, you clown!"

Evil pushed Joker away and darted his eyes to us. Hindi nakaligtas sa'kin ang matalim niyang tingin sa kasama ko, making me strengthen my hold on Kleo's hand.

"Don't say I didn't warn you."

"You're just being grumpy."

"Tsk! Bahala ka na. At sinasabi ko sa'yo, Everick, 'wag na 'wag mo pa akong bibigyan ng pamangkin," he scowled. "Hindi mo alam kung ilang siglo na akong nag-aalala na baka may kumatok na babae mo sa lungga ko at may iiwanan sa'king sanggol. You know how much I hate babies."

What the...?

But the King already straightened his long-sleeved navy blue shirt before transformed into crow and flew out the window.

An awkward silence dominated the living room.

Tumikhim si Kleo at binitiwan ang kamay ko. "B-Bed time na pala ni Roberta. Akyat na ako, baka nagtatampo na 'yon sa'kin."

Nang tuluyan nang umakyat sa taas si Kleo, agad akong nagpunta sa kusina para kumuha ng tubig. 'Nakaka-dehydrate talagang maging kapatid ang isang 'yon!' While I was drinking, I spotted the Puppet Master working on another creation. Gusto ko sanang sabihing hindi work table ang dining table nila Kleo, but he seems too focused on what he was doing.

Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang magsalita si Nicholas.

"Naaalala ko na."

I set the glass on the table and frowned at him.

"Anong naalala mo?"

"Lahat ng tungkol sa EKT...at mga bagay na hindi ko na dapat naalala," isang makahulugang tingin ang pinukol niya sa'kin. I don't know what he's talking about, but right now, I'm more interested in the information he can provide us. Isang malaking dahilan kung bakit kasama siya sa binuhay namin ay dahil sa mga nalalaman niya. He's been in EKT for several seasons, and I heard that he became an admin for a few months.

"With an organization as big as the EKT, we need a plan to infiltrate the building. Hindi na ako magtatakang humigpit ang seguridad nila mula noong sinubukan kong mag-imbestiga roon," I said, remembering the time Kleo and I encountered Felina Feline. "Nakita niyo naman 'yong layout na iniwan ko sa inyo kanina, 'di ba?"

"Yes. At hindi na rin ako magugulat kung may hidden passages at escape routes pa silang ginawa. The boss loves them, and I'm assuming that's how they escaped your brother's attack last season."

"Do you think we can stop him from pulling any more of those 'strings'?"

Hindi niya ako nilingon. The Puppet Master then lifted his left hand, a small marionette being manipulated. He grabbed a pair of scissors and cut off the strings...

"Say no more. I already have a plan, Everick."

---

I dare you to run in circles,
past the labyrinth of their lies;
Stare at the ones you've wronged,
only do them a favor when you die.

---Kleopatra Claveria

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top