Chapter2 Conscience
Masakit man sa kalooban ay kailangan ko parin itong tanggapin. Alang-alang kay mama na ngayo'y nag-iisang bumubuhay saakin ,gayong nasa 4th year high school pa ako. Gusto ko mang magtrabaho para sa kanya ay di ko magawa ,dahil ayaw niya akong magaya kay papa na bigla na lamang siyang iniwan.
Ang alam ko sa buong buhay ko ay ako ang dahilan ng pagkawala niya, dahil bago siya pumasok no'n sa trabaho ay humiling muna ako sa kanya na bilhan ako ng isang bag ng Hershey chocolate na sa totoo lang hindi naman talaga para saakin kundi para sa mga bully kong kaklase.
Kaya naman halos gabi-gabi akong kinokonsensya at minsan naiisip ko nalang na tapusin ko na lamang itong itong buhay ko gayong iniwan narin ako ng pinakamamahal kong ama.
Maaga akong pumasok ng school no'n upang makapag pasa ng maaga ng aming proyektong parol sa asignaturang sining gayong paparating na ang aming "Christmas party". At kailangan narin naming magdesinyo ng aming klasrum gayong kasali kami sa paligsahan sa pagandahan ng desinyo ng mga klasrum. At ayon nanga, sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang kinaiinisan kong mga kaklase na sina Joshua at Rafael kaya para mapakalma ko ang aking sarili ay agad akong kumain/ngumuya ng Hershey at nagpatuloy sa aking paglalakad.
-" Oy, Rhon! ang ganda naman ng proyektong parol niyo! Ikaw ba ang gumawa niyan?
(Ang nakangiting tanong saakin ng kaibigan kong si Chen.)
"Hindi lang ako kundi pati mga kagrupo ko kagabi Chen. Ang kalmadong sagot ko naman.
-" Ipapasa mo na ba 'yan kay Ma'am Agnes?
"Oo Chen! Para wala na akong poproblemahin pa bukod sa Christmas party dance presentation namin." Ang nakangiting sagot ko.
- Ah okay! Sige dalhin mo na 'yan doon sa room ninyo.
"Oo Chen.Salamat sa compliment mo.
-Walang anuman friend! Hehe!
Sige byee! See you later sa uwian.
Nang malapit na ako sa klasrum namin ay bigla akong hinarang nina Josh at Raf.
Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang kwento ko?
Pakipindut naman ng Star⭐ or vote button salamat.😊
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top