(15) QUINDECIM
"Vivamus, moriendum est."
I don't need anyone to tell me my ears were already bleeding.
Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nakagapos sa mga estatwang ito o kung kailan titigil ang mga nilalang na paulit-ulit binabanggit ang katagang Latin. Nakapalibot sila sa amin, natatakpan ng itim na maskara ang kanilang mga mukha. Naglalaro ang mga anino sa kanilang likuran habang patuloy na nagliliyab ang apoy ng mga kandilang malapit-lapit nang maubos.
'Kailan ba nila kami papakawalan? Bakit hindi na lang nila kami tapusin?'
I asked myself over and over again until the thought became as empty as my heart.
If I were to be honest, even death would be a merciful ending after everything my brothers and I had to endure.
"A-Anong gagawin ninyo...? Bakit may---GAAAAAAAHH!"
Napasigaw ako sa sakit nang may biglang humiwa sa tagiliran ko. Bagong init pa sa apoy ang kutsilyong ginamit nila. Sa mga oras na 'to, nanginginig na ang buong katawan ko sa panghihina, gutom, at ginaw. I bit my lower lip in pain, trying so hard not to give them the satisfaction of hearing my sobs inside their ritual chamber. I bit hard on my lower lip until I tasted the blood of a bastard who sometimes wished he was never born into this world.
If pain is a reminder of existence, then we've been existing for far too long.
I can feel my hands and legs trembling, my body about to give up any second now.
One of the devils had a basin to catch the blood pouring from my open wound, a few droplets staining the basaltic stone floor.
"One down... two to go," the masked man calmly stated before motioning to my siblings. "Ano pang hinihintay ninyo? Tapusin niyo na."
Nasa magkabilang gilid ko sina Evarius at Everick, bakas sa kanilang mga mata ang pagod at kawalan ng pag-asang makakawala sa sitwasyon namin. Fuck it. Fuck everything. Alam kong iyon lang ang gusto nilang ipakita, pero kilala ko sila. I can see the fear in their eyes as the knives cut into them.
My mind went blank when I heard their screams of agony, sending a shiver down my spine and promising a lifetime of nightmares ahead.
They were torturing us.
Sinubukan kong magpumiglas. Wala na akong pakialam kung kailangan kong putulin ang mga braso at binti ko para lang makapaghiganti sa mga taong ito.
Kung tao pa ba silang maituturing...
"STOP THIS CHAOS! TIGILAN NIYO NA KAMI!"
I glared at them defiantly, with eyes full of a raw hatred that runs deep into my bones.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga sigaw ng mga kapatid ko at kung paano pinagpiyestahan ang dugo naming magkakapatid. Hindi ko alam kung gaano katagal akong tumitig sa kisame ng templo kung saan nakaukit ang imahe ng isang puno. Lumipas ang oras na pinapanalangin ko na lang na maging tahimik ang mundo---na matapos na ang lahat ng ito. But when the silence finally came, the devil with mismatched eyes arrived with it.
"Acting all tough again, Evillois?"
He stalked towards us, craning his neck to meet my fiery glare.
"Just fucking kill us."
Mahinang natawa ang lalaki at sinenyasan ang kanyang mga tauhan na iwan kami sa loob ng templo. Nang kaming apat na lang ang mga kaluluwang natira, isang seryosong tingin ang itinarak niya sa'kin.
"Iyon ba talaga ang gusto mo? Ang gusto ng mga kapatid mo?"
Fucking hell.
"Sa tingin mo ba may gugustuhin pang mabuhay matapos ang ginawa ninyo sa'min?! YOU'RE FUCKING INSANE!"
"I never said I wasn't," the devil sighed and glanced at either sides of me, where Evarius and Everick were dozing in and out of consciousness. "Alam mo bang isang sagradong hayop sa samahan ang mga uwak? In many myths and folklores, crows are believed to be a symbol of wisdom... messengers of the mystical realm and gods of those who seek enlightenment."
"At ano naman ang kinalaman nito sa'min?!"
Lumapit pa lalo ang demonyo hanggang sa halos katapat na nito ang estatwang pinagtalian nila sa'kin.
Tatlong estatwa ng mga uwak na sentro ng kanilang pananampalataya.
Tatlong magkakapatid na biktima ng karahasan nila.
"Gusto kong ipakalat ninyong magkakapatid ang mensahe ko sa mundo, Evillois... na kahit ilang henerasyon at ilang panahon pa ang lumipas, walang-hanggan ang uhaw ng mga tao sa kapangyarihan. There is no peace because all human souls crave chaos, and you three shall witness this through the eyes of the sacred ones we worship. You will be gods."
Sa hindi malamang dahilan, nanlamig ang buong katawan ko sa kanyang sinabi. Hindi na ako makahinga. Sinubukan kong baliin ang mga buto ko para makakawala, tawagin sina Evarius at Everick, humingi ng saklolo, at magbaka-sakaling may himalang makapagliligtas sa'ming tatlo.
Biglang namatay ang mga kandila.
"How can a human be free from his own chaos?"
Binalutan kami ng isang kadilimang habambuhay nang mag-iiwan ng marka sa mga pagkatao namin.
"Find me when you have the answer. You and your brothers have all the time in the world..."
Soon enough, I felt my heart stop beating inside my rib cage. But before I could even panic or process what's going on, a fresh wave of pain surged from my chest, pumping into my veins.
The three of us---Evarius, Everick, and I---screamed in pain, the sensation ripping through every fiber of our beings as we struggled to stay conscious.
"...because from now on, Neverwoods will never die."
---
"Villains are never born,
they are made with painful backstories;
bleeding with hatred, carrying the weight,
of all their wounds and memories."
---Evillois Neverwood
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top