Yes, 2013 pa itong TKAI
Hi guys, musta na kayo? Sana maayos kayo ngayon. Teka, nasa mood akong dumaldal so I added this chapter.
Grabe ang dami nang reads ng story na ito, kinakabahan ako kapag nag-1M reads ito haha. Basta masaya ako at may nagbabasa pa nito. Masaya ako na nakikilala niyo si Ilyong. Totoong tao siya ah. Sa legit history books kayo magbasa kung gusto niyo pa matuto about him at mga isinulat niya.
Oo nga pala, ten years na akong nandito sa Watty. Ten years na rin mula nang maisulat ko ang TKAI, this story. Looking back, natatawa ako at sinulat ko ito. Medyo cringe na nga for me itong kwentong ito haha. Pero it's okay not to like your own works. Ibig sabihin gusto mo mag-improve at makagawa pa ng masterpiece.
Ito proof na 2013 pa ito naisulat. Sosyal naman sa Belle de Jour planner ko pa nilagay lol.
Sinulat ko mga magaganap sa Chapter 18 noong December 30, Monday. Looks familiar?
Pati reads ng TKAI, nilagay ko noong December 31. Malaking bagay na iyan noong panahon na sinusulat ko ito.
Ito calendar noong December 2013:
Ayan, kwento lang. Sarap mag-throwback.
Ito ang unang kwento na nai-publish ko dito sa Watty. Kahit cringe na ito sa akin (kasi nagma-mature tayo at nagbabago ang isipan at taste sa pagsusulat), kahit nagdala rin ito sa akin ng heartaches (di ako iniwan ni EJ ah, char), ito ang dahilan kaya ako na-encourage na magsulat ng own stories ko.
In a way, fan fiction ang TKAI, pero stepping stone ito to venture out at magsulat ng stories na di ko akalaing maisusulat ko. From The Señorita (time travel na hisfic at mystery), My Star Wars Girl (teen fic), pati Love at the End (adult romance), I am tapping myself on the back and telling myself na ang layo na ng narating ko, at mas malayo pa ang aking malalakbay.
Akala ko nga di na ako ulit makakabalik dito dahil busy ako sa work, pero this year, nakatapos ako ng story na 3 years kong hindi matapos-tapos. Ito ang Mirame. Akala ko nga di na ko magsusulat ulit ng hisfic, pero hisfic ang Mirame (in a way, kasi 1950s ang setting), at balak ko itong sundan ng dalawa pang stories na connected doon. Basahin niyo ah? 😊
Sa loob ng ten years dito sa Wattpad, mula nang mag-sign up ako noong October 14, 2013, it was a journey filled with ups and downs. Salamat sa support ninyo. ❤ Salamat sa nagpatatag ng kalooban ko at nag-encourage sa akin na magsulat pa rin. Malaking bagay na ito.
Minsan feeling ko parang may kulang pa rin, like, bakit di dumadami followers at wala pa akong 1M reads lol. Bakit palagi akong kinukumpara sa mga mas sikat na writers. Normal lang naman ito maramdaman ng kahit sinong writer dito, pero ang natutunan ko, kapag magpapalamon ka sa ganito at nagkumpara ka, mado-down ka lang lalo. You create your own journey. Make sure it's something you will look back on with pride and joy.
At ngayon alam ko na kahit maka-1 million reads ito, di ibig sabihin magaling ako na writer. Marami pa rin akong dapat matutunan.
Sa mga aspiring writers dito, keep on learning and growing. Don't aim for a million reads, aim to write a story worth reading at may tatak mo. Don't aim to be trending, aim to be lasting.
Kasi kahit mag-iba kapalaran mo dito o sa totoong buhay, andoon pa rin pagmamahal mo sa pagsusulat. Na di ka nagsusulat para sumikat.
Nagsusulat ka dahil gusto mo ibahagi ang sarili mo at ang natututunan mo sa mundong ginagalawan mo. Kahit i-down ka ng mga tao sa paligid mo, di ka magpapalamon sa kanila, kasi mas kilala mo ang sarili mo. At mas kilala ka ni Lord na nagbigay sa iyo ng talent na ito. Secured ang identity mo kay Lord. Kasi love ka Niya.
Muli, maraming salamat. ❤
-Ate Rai (pinayblonde)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top