Special Chapters-5
Nagising si Hannah at naramdaman niya ang dextrose sa kaliwang kamay. Nalaman niya na nasa ospital na pala siya.
"Hannah?"
Binaling niya ang tingin sa kanan. Nakaupo sila Mady at Krystal sa sofa. Agad na lumapit si Mady. "Kumusta ka na?"
"Bakit ako nandito?" Tanong niya.
"Nagpatulong ako sa Ate mo na dalhin ka dito. Buti na lang dadalaw sana siya sa atin. Nalaman namin na dehydrated ka pala."
"Ano ka ba naman, sis, di ka pala kumain ng breakfast, tapos isang baso lang ng tubig ininom mo buong araw. Ayan tuloy," galit na tugon ni Krystal sa kanya.
"Sorry na, napabayaan ko sarili ko."
"Kumain ka na. Huwag lang biglaan, hinay-hinay lang." Dinala ni Krystal ang mobile tray sa tabi ni Hannah. May nakapatong na divided plate na may meal set.
Naupo si Hannah at unti-unting kumain. Natigilan siya nang maalala niya ang mga naging tagpo kanina.
"Mady, Ate Krystal, bumalik na ang alaala ko. Nakita ko ulit si Niccolo at nag-usap kami."
Seryoso niyang tinignan ang dalawa.
"Ayoko sana kayong pagdudahan, pero may tinago ba kayo sa akin?"
Binalot ang buong kwarto ng nakakabinging katahimikan. Si Krystal ang unang nagsalita.
"Ang totoo niyan, alam namin ang relasyon ninyo, pati ang pagtutol ng ina ni Nicco."
Ikinuwento na ni Krystal ang mga nangyari bago naaksidente si Hannah. Ayon sa kanyang Ate, masaya ang naging relasyon nila ni Niccolo, kung hindi lang dahil sa pagtutol ng matapobreng ina nito.
"Kinausap ko pa nga ang mommy niya, but all I got was a snide remark," malungkot na tugon ni Krystal. "After the accident, we found out you have Retrograde Amnesia. Nagpasya kami ni Mady na ilihim ito kay Niccolo. Ang sinabi lang namin, kailangan ka na dalhin abroad for treatment. Kailangan ko pa nga siya itaboy, dahil he was already engaged during that time. I told him not to show his face anymore."
"Engaged? Tapos di niya sinabi sa akin? So noong kami pa, he was tied to someone else?"
Nabitawan ni Hannah ang mga kubyertos. Yumuko siya para ikubli ang mga patak ng luha sa kanyang mga mata. Agad na lumapit sila Krystal at Mady at niyakap siya ng mga ito.
"Nagpapasalamat ako na nagising ka pa. Tagal mo kasing tulog. Noong nagkamalay ka na, balita na sa dyaryo na engaged na siya. I hid the newspapers in the hospital, baka 'pag nakita mo, maalala mo." Di na mapigilan ni Krystal ang pagluha.
"Di na namin sinabi noong una. We know how much you're hurting. We want you to remember it by yourself, kung meant to be man," tugon ni Mady habang hinihimas ang buhok ni Hannah.
Bumalik na sa kanya ang lahat. Dama niya ang kasiyahan nang maging sila ni Nicco, pati na rin ang labis na galit at sama ng loob nang makita niya ang ina nito at pinahiya siya habang may party sa kanilang tahanan.
My son is not going to marry an illegitimate daughter like you. You may be rich now, but you're still from dirt. Maldita.
Binuhos na ni Hannah ang mga luhang naipon sa matagal na panahon. Kaya pala siya labis na nalulungkot tuwing umuulan, dahil sa huli nilang pagkikita ni Niccolo at ang aksidente. Ang alam niya, nabangga siya ng reckless drunk driver habang tumatawid. Iyon kasi ang sinabi sa kanya.
Naging maayos man ang buhay niya pagkatapos ng aksidente, di pa rin maitatanggi na parang may nawawala sa kanya. Ngayon nalaman na niya ito, mas lalo lang naging malungkot si Hannah.
"Hannah, mahal na mahal ka namin," sabi sa kanya ni Krystal.
"Pati ako, Ate. Mahal ko kayo. Salamat at iningatan ninyo ako. Naiintindihan ko kung bakit niyo ito nilihim sa akin."
Umalis si Hannah sa pagkakayakap ng dalawa at pinalis ang kanyang mga luha. "Thanks for being there. He... He's still in me, but I don't want to live knowing I'm hurting myself and the people I love."
Niyakap ulit siya nila Mady at Krystal at patuloy silang nag-iyakan.
---
Tatlong araw namalagi si Hannah sa ospital. Nang dumating ang araw na pwede na siyang lumabas ay namalagi muna siya sa condo ni Krystal.
"Mady, ako na muna mag-aalaga sa kapatid ko. Don't worry, ibabalik ko siya sa iyo after one month," tawa niya.
"Di ba ako nakakaabala?" Tanong ni Hannah.
"Baby sis kita, bakit ka naman magiging abala?" Inakbayan siya ni Krystal sa balikat.
"Bakasyon ka muna, girl. Mag-Hong Kong na kayo. Magpapabili ako ng bag," ngisi ni Mady.
"Sus, iimbitaduhin mo lang boyfriend mo sa condo! Huwag lang kayong gagawa ng sexy time!" Bumalik na ulit ang sigla ni Hannah at nakakapagbiro na ulit siya.
"Good girl po ako, Madam Hannah," ngiti ni Mady. Niyakap niya ito at sinabing, "See you in a month or so. Magpagaling ka. Huwag mo nang isipin si Nicco, bwisit na iyon!"
Nagtawanan ang tatlo at umalis na rin si Mady.
Namalagi lang si Hannah sa condo kasama si Krystal. Balik ulit siya sa kanyang freelance job. Nang huli siyang magpatingin sa doktor, ay nalaman niya na wala namang head damage dahil sa past accident niya at pagbalik ng kanyang alaala.
Ngunit binabagabag pa rin siya ng alaala ni Niccolo.
Isang araw ay nagpasama siya kay Krystal papunta sa photo exhibit.
"I just want to close loose ends with him," wika niya.
"Sure ka?" Si Krystal.
"I'm sure."
Pinarada ni Krystal ang kotse sa tabi ng building ni Niccolo. Bumaba si Hannah at tahimik na pumasok sa loob.
Buti na lang ay nadatnan niya si Niccolo na bumababa ng hagdan.
"Oh, what brings you here?" He looked astonished.
"Niccolo, can we talk?" Hiling ni Hannah.
"Sure. In my office."
"Dito na lang. Aalis din ako kaagad," wika ni Hannah.
She took a deep breath.
"Nagpapasalamat ako at nakilala kita. Naging masaya at nag-mature. Pero tanggap ko na hindi tayo para sa isa't isa. You see, I had a boyfriend before. He's so much like you. Pero na-realize ko, magkaiba pala kayo. Hinanap ko siya sa iyo, but I was wrong. Yet I learned to love you for who you are. And I accept the fact that you already belong to someone else."
Mukhang nabuhusan ng malamig na tubig si Niccolo.
"Hannah, the engagement has been called off. I've been single for three years. Alam ng babae na hindi ko siya mahal. Tanggap niya iyon," ngiti nito.
Tumango lang si Hannah.
"My mom deeply regretted her actions. She wants to meet you and apologize."
"No need," tanggi ni Hannah. "I accept it's a closed book now."
Lumapit si Hannah kay Niccolo at yumakap sa huling pagkakataon.
"Bye. I hope you'll be happy. Live well."
Iyon na ang mga huling sinabi ng dalaga.
Niccolo smiled sadly for the last time.
Lumabas si Hannah ng gusali at hindi na niya nilingon ito.
Magaan na ang kalooban niya, at di niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama.
A/N: Sorry guys, I promote break-ups hahaha. Wait for the last chapter. ;)
P.S. "Maldita" means damned pala.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top