Special Chapters-1

A/N: Ito na ang hinihintay niyo. Special chapters.

"OMG Hannah, you're back!"

Malaki ang ngiti sa mukha ni Mady nang binuksan niya ang pintuan ng kanyang condo. Agad tumambad sa kanya ang matalik na kaibigan na si Hannah. Sa tabi nito ay may dala siyang malaking trolley bag.

Napayakap si Hannah kay Mady.

"I missed you," bulong nito.

"Lalo naman ako, girl! Halika, pumasok ka muna!"

Inaya ni Mady si Hannah sa loob. Tinabi ni Hannah ang kanyang trolley bag sa may sofa. Umupo ito at tinabihan siya ni Mady.

"How's your flight? Buti di ka mukhang haggard," ika ni Mady.

"Okay lang, kahit nakakapagod. Hirap din ng nakaupo ka lang sa eroplano!" Tawa ni Hannah.

"Yung chocolates?" Tanong ni Mady.

"Mamaya na, let me unpack first. Teka, may makakain ba diyan?" Tanong ni Hannah.

"Ay sayang! Di mo na naabutan ang sinigang! Mukhang mapipilitan tayo na kumain sa labas!" Excited si Mady nang sinabi niya ito.

"Oy, ayokong lumayo pa! Baka kung saan mo ako dalhin," reklamo ni Hannah.

"Sa baba may coffee shop. Gusto mo ba doon?" Alok ni Mady.

"Gagawin mo naman akong nerbyosa!" Biro ni Hannah sa kanya.

"May meal set doon. May rice, kung gusto mo."

"Sige ba!"

Nagbihis lang si Hannah sa isang bakanteng kwarto. Pagkatapos ay bumaba sila ni Mady at nagtungo sa coffee shop na nasa parehong building lang din.

Libre ni Mady ang order ni Hannah. Garlic chicken at iced tea ang kanyang pinili habang si Mady naman ay umorder ng penne pasta.

"Kumusta naman ang Paris?" Panimulang tanong ni Mady.

"Magandang siyudad. Maayos naman ang trabaho ko sa PR firm. Okay din na naka-three years ako," nakangiting sagot ni Hannah.

"Paano yung mom mo sa Norway?"

"Dumadalaw naman si Mama kapag may time. But mostly, I'm just left alone," malungkot na wika ni Hannah. "Hirap na magtrabaho sa ibang bayan, kahit na gaano ito kaganda. But it also means opening my world."

"So mas gusto mo mag-trabaho dito?" Pag-uusisa ni Mady. "Kaya ka ba nag-resign?"

"Pwede rin. But for now, break muna ako," buntong-hininga ni Hannah.

Nagpatuloy lang sila sa kanilang usapan habang kumakain. Lihim na napansin ni Mady na may nagbago nga kay Hannah. Mas seryoso ito kaysa ng pagkakakilala niya sa kanya dati.

"Naku girl, sana naghanap ka na rin ng lovelife doon sa Paris!" Biro ni Mady.

"Naku, sobrang busy eh. Wala nang time, even if I get asked out," ngisi ni Hannah.

"Sayang! Pinakawalan mo yung French guy!" Tawa ni Mady. Bigla na lang itong natigilan nang may naalala siya.

Tumango na lang si Hannah. "Well, darating din iyon. Mas masarap pa rin kumain!"

Namalagi si Hannah sa condo ni Mady. Buti na lang ay may bakanteng kwarto ito. Sa mga sumunod na araw, nagpunta sila sa Puerto Galera. Treat ito ni Mady sa kanya. Pagkatapos ng limang araw doon ay bumalik din sila ng Maynila.

Home-based freelance writer and virtual assistant ang trabaho ni Mady, kaya lagi itong nasa condo. Inalok na rin niya si Hannah na subukan ito, at buti ay pumayag naman siya. Isang project muna ang kinuha ni Hannah bilang social media manager. Maayos ang bayad, at mas madaling i-manage ang oras.

Isang araw, nagpasya muna si Mady na lumabas.

"Sama ka, Hannah? Maggo-grocery lang ako."

"Naku ikaw na lang. Medyo makulimlim ang panahon," pagtanggi ni Hannah.

"Okay."

Nagsuot ng jacket si Mady at kumuha ng payong. Lumabas din siya agad.

Nagpatuloy lang si Hannah sa kanyang ginagawa sa laptop. Maya-maya ay bumuhos na rin ang ulan.

Babaeng iyon, napaka-gala! Inabutan na tuloy siya.

Tumayo si Hannah para kumuha ng baso ng tubig. Ininom niya ito at nilapag sa kitchen counter.

Napapikit siya habang nakasandal sa pader.

Hannah! Hannah, sandali! Hannah!

Dumilat ang mga mata ni Hannah. Naaalala na naman niya ang boses na iyon.

Bakit tuwing umuulan ay naiisip niya iyon?

Binalot siya ng matinding kalungkutan. Hindi niya namamalayan na pumapatak na ang luha sa kanyang mga mata.

Bakit di ko mapigilan ang pag-iyak tuwing umuulan? Bakit ang sikip sa dibdib tuwing naaalala ko ang tinig na iyon?

Dumiretso si Hannah sa kanyang kwarto at nahiga. Hindi niya maintindihan kung bakit sa loob ng tatlong taon ay may dulot na pagluha ang pagpatak ng ulan.

(Itutuloy)

A/N: No spoilers! Basta, you'll get shookt. ;)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top