Chapter 2-Liwanag at Dilim

"Wow naman, Hannah! Na-perfect mo na naman ang essay paper mo!"

"Syempre naman, Mady! Ako pa!"

Masayang naglalakad sa pasilyo ang magkaibigang sina Hannah at Mady. Pinag-uusapan nila ang essay ni Hannah para sa Philippine literature. Ginawan niya ng analysis ang isang sulat ng bayaning si Emilio Jacinto na pinamagatang "Liwanag at Dilim".

"Bakit naman si Jacinto ang napili mong gawan ng essay analysis?" tanong ni Mady sa kaibigan.

"Wala lang," pangiting sagot ni Hannah.

"Weh, di pwedeng basta wala lang ang dahilan niyan, Dean's Lister!"

"Bakit nga ba ito napili ko?" pagtataka ni Hannah. "Teka, may isang linya dun na nagustuhan ko."

"Alin dun?" Lumapit si Mady.

"Glitter hurts the eye and deceives. Light favors sight and show things as they are," sambit ni Hannah sa wikang Ingles.

"Sosyalin naman nito Pa ingles-ingles pa!" pabirong tukso ni Mady. "Pero sa Tagalog mo naman sinulat ang report."

"Oo nga eh, medyo mahirap. Pero nakayanan naman," wika ni Hannah.

Napaka-interesting gawan ng essay analysis itong si Emilio Jacinto, naisip niya sa sarili. Matalino siya. Pero bakit wala masyadong alam tungkol sa kanya? Naisip niya ang nag-iisang drawing kay Jacinto na palagi niyang nakikita mula nang siya'y bata. Sayang at underrated siyang bayani.

"Lalim ng iniisip mo!" Sinagi siya ni Mady.

"Wala, nag-iisip lang na may exam bukas at kailangang mag-review."

"Kaya mo iyan! Masyado ka nang matalino! Don't stress yourself!" paalala ni Mady.

---

Alas onse na ng gabi, at yumuyuko na ang ulo ni Hannah mula sa pagbabasa ng kanyang aklat. Di na niya nakayanan ang antok, kaya nagdesisyon siyang matulog.

I-su-switch off na sana niya ang desk lamp nang maisip niya ang linya mula sa akda ni Jacinto na "Liwanag at Dilim".

Glitter hurts the eye and deceives. 

Hindi lahat ng nakikita sa panlabas na anyo ay maganda. Tama ka, Ginoong Jacinto.

Napangiti si Hannah sa sarili at nakatulog sa kanyang kama.

A/N: Thank you for the cover, Jhewheee

Love it 💖💖💖

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top