Chapter 19- Mga Agam-Agam
"Hannah, tulog ka na?"
"Hindi pa."
"Di ka mapalagay diyan."
Nakabalik na sa Maynila sila Hannah at Mady mula sa pyestang pinuntahan nila sa Magdalena, Laguna. Kasama nila sila Sam at Emilio. Isang araw silang namalagi sa bahay ng lolo ni Sam, at magmula noong nakaraang gabi ay napansin na ni Mady ang pagkabalisa ni Hannah. Ganito ang naging lagay niya hanggang sa makauwi na sila. Pawang ayaw niyang mawalay sa tabi ng nobyong si Emilio. Noong nagpa-alam na ang binata kay Hannah ay halos maluha-luha na ang dalaga habang umuwi na si Yong kasama si Sam.
Ngayon ay patulog na sana si Mady, ngunit di niya mapigilan ang sarili na kulitin si Hannah. Ikinuwento ni Hannah ang misteryosong nangyari sa simbahan sa Magdalena.
"Ayun, sinabi niya na nakabalik siya ulit sa panahon niya at nakausap pa ang prayleng tumulong sa kanya," pagpapatuloy ni Hannah sa pagkwento. "Swerte na lang niya at di siya na-stuck sa panahon niya. Nagawa pa niyang balikan ako."
Tumagilid si Hannah at tinignan ang kaibigan. Madilim ang kwarto, ngunit nakikita niya si Mady dahil sa aninag ng poste ng ilaw sa labas. "Mady, paano pag isang araw ay mawala siya at hindi na ako balikan?" Naiisip pa lang niya ito ay nakakapanghina na ng loob.
"Hay, hindi pala magandang ideya na maging kayo," wika ni Mady. "Emilio Jacinto, I knew you were trouble when you walked in!' pakantang biro niya gamit ang awit ni Taylor Swift. "Pero seriously, wala tayong magagawa dahil kailangan bumalik siya sa panahon niya sooner or later. Na in-lab pa kasi kayo!"
Binato ni Hannah si Mady ng maliit na unan. "Hoy, ikaw may suggestion noon in the first place! Nakita mo lang siya, gusto mo kaming gawing love team!"
"Tapos sinundan mo naman payo ko?" pangising sagot ni Mady.
"Hindi... Kusang nangyari ang lahat..." matamlay na wika ni Hannah. "Malay ko ba na magugustuhan ko siya?!"
"Ang pag-ibig nga naman!" Napangiti si Mady at napayakap sa unan. "Alam mo, boto naman ako para sa inyong dalawa, pero kung sa bandang huli, wala rin, naku, mag-isip-isip ka na! Ihanda mo na sarili mo. Payong kaibigan lang. Pero basta ba masaya kayo eh."
Bumaling na ng higa si Hannah sa kanyang likuran at nakatitig sa madilim na kisame. Malaman ang mga salita ni Mady. Ngayon pa lang, dapat ihanda ko na sarili ko. Masakit na katotohanan ito para sa kanya, ngunit kailangang tanggapin. Ang pinakamamahal niyang Katipunero ay pwedeng mawala sa kanya anumang oras.
Nagdasal si Hannah na sana, patagalin pa ang pamamalagi ni Jacinto sa panahong ito... at sa piling niya.
"Pinsan Emilio, mag usap tayo!"
Sumugod si Mady sa apartment ng boyfriend niyang si Sam, kung saan namamalagi rin si Emilio. Nagulat na lang si Emilio sa asta ni Mady, at di na naka-imik ito nang dinala siya ni Mady sa rooftop para makipag-usap siya ng masinsinan. Walang nagawa ang kasamang si Sam kundi hayaan na lang ang dalawa. "Amazona talaga itong si Amanda," bulong niya sa sarili.
"Kalma lang, bakit parang gusto mo akong habulin ng itak?!" agrabyadong tanong niya sa hilaw niyang pinsan na si Mady nang maabot nila ang rooftop.
"Dideretsuhin na kita. Huwag mong magagawang paiyakin si Hannah!" matalim nitong wika.
"Huh? Di ko naman siya sasaktan." Tapos naalala ni Emilio ang nangyari sa simbahan sa Magdalena. "Ah... iyon pala ibig mong sabihin," pag-unawa niya.
Kumalma si Mady. "Naku, na windang ka ata sa asta ko. Pasensiya na."
"Wala iyon. Alam naman nating lahat mangyayari iyon isang araw. Sa ngayon, gusto kong mapaligaya si Hannah sa mga nalalabi kong araw sa inyong mundo." Kalungkutan ang bumalot sa puso ng binata sa kaisipang iyon. "Nararamdaman ko na hindi na ko magtatagal dito."
Napayakap si Mady sa binata ngunit agad din siyang kumalas. Kaibigan na ang turing niya kay Jacinto, bukod sa suportang binibigay niya sa magkasintahan. "Ma-mi-miss kita pag nangyari iyon. Kaya habang nandito ka, mag enjoy ka lang!"
May sumaging ideya sa isip ni Mady. "Alam ko na kung paano mo mapapasaya si Hannah!"
A/N: Dedicated to Raggedy Cat.
"Re: memories of past life - hehe there's this thing in Doctor Who about having too much foreknowledge. That's screws up the time-space thingie more than ever. :PP I'm making this theory about your concept based on Dr. Who. That's maybe why Emilio can't view anything about him. Because part of it is basically looking into his "future.""
Di ako nanonood ng Dr. Who, so credits for that. Naisip ko lang in the past chapters about Jacinto na di niya makita sarili niya sa Google search at history books. Baka ma-windang siya pag nalaman niya maaga siyang mamamatay. But in this story, syempre, AU (Alternate Universe-meets-Philippine History), kaya may slight changes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top