Chapter 18- Biglaan
Balak pang magsaliksik ni Emilio tungkol sa sarili ngunit hindi na niya nagawa ito. Inaya siya ni Sam sa isang pista sa kanyang probinsiya sa Laguna. Hindi siya makatanggi dahil kasama rin sila Hannah at Mady.
Ngunit naisip niyang sumama na lang din dahil ang pista ay gaganapin sa Magdalena, Laguna. Doon siya huling namataan bago siya nakapaglakbay sa panahon nila Hannah. Baka mahanap niya ang isang bagay na makakatulong sa pagbuo ng sagot sa misteryong nangyari sa kanya.
Kinabukasan ay nagpunta ang apat na magkakaibigan (at magsing-irog) na nakasakay ng isang bus. Tahimik na inobserbahan nila Mady at Sam sila Hannah at Emilio mula sa kanilang likuran, kung saan sila nakaupo. Nakatulog si Hannah sa balikat ng nobyo habang nakadungaw si Emilio sa bintana ng bus. Nais sanang kunan ni Mady ng kanyang cellphone ang dalawa ngunit pinigilan ito ni Sam. "Masyado kang tsismosa! Bigyan mo naman sila ng moment nila," bulong nito.
"Sige na nga, ang KJ mo Sam," pabalang na sagot ni Mady.
Kinalaunan ay nakarating na rin sila sa bayan ng Magdalena. Isang gabi lang silang mamamalagi doon, sa bahay ng lolo ni Sam. Pagdating nla ay agad silang nagmano sa lolo at pinakain agad sila ng handang pagkain. May lechon, mechado, sweet and sour fish fillet, at leche flan na panghimagas. Inudyok pa nga silang bumalik sa hapag-kainan ngunit magalang silang tumanggi dahil sa kabusugan.
Pagkatapos kumain, inaya sila ni Sam na mamasyal sa bayan. Naglakad-lakad sila. Damang-dama ang pyesta sa paligid, mula sa makukulay na banderitas na nakasabit hanggang sa mga iba't ibang pagkain na mabibili sa paligid. Nakarating na sila ng simbahan, at doon naisip ni Mady na ayain si Sam para maglakad pa sa ibang lugar.
"Pupunta lang kami ni Sam sa kabilang bayan. Kayo muna mamasyal diyan," pangiting sabi ni Mady.
"Magkakabilang-bayan ka pa para lang mamasyal?" Napakunot ang noo ni Hannah.
"Para may quality time kayong dalawa," pabulong na sabi ni Mady habang kinindatan niya si Hannah.
"Tse!" bulong ni Hannah sa kaibigan.
"Mauna na kami," pamamaalam ni Sam. Humayo ang dalawa at sumakay ng traysikel.
Naiwan lang nakatayo sila Hannah at Emilio sa labas ng simabahan.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ni Emilio, na ngayon lang naka-imik.
"Ah... hindi ko naisip iyon," sagot ni Hannah. "Pasok muna tayo sa simbahan." Hinawakan niya ang kamay ng binata at inaya siya sa loob ng simbahan.
Pagpasok nila ay agad silang lumuhod at nagdasal saglit.
Sana po bigyan niyo pa po ako ng pagkakataong makasama ang first boyfriend ko, dasal ni Hannah sa kanyang isipan.
Nais niyo ba akong mamalagi kasama siya? Tanong ni Emilio habang nagdarasal ng taimtim. Maraming katanungan sa isip niya. Hindi niya alam kung may sagot ang mga ito o wala. Ngayon lang siya nakapagdasal nang ganito mula nang siya'y bata.
Paano pag dumating ang araw na bigla akong mawala sa kanya? Bakit niyo ito hinayaang mangyari sa akin? Kung magkaka-ibigan kami, ngunit sa bandang huli ay wala rin, sana hindi niyo ako pinayagang masaktan siya dahil mahal ko siya. Hindi ko po ginusto na umibig sa kanya at ganoon din siya sa akin. Paano na po ang nasimulan kong laban? Paano ko haharapin ang lahat ng iyon kung pareho kong sasaktan si Hannah at ang aking mga kaalyado sa Katipunan?
Hindi naman niya ginusto ang lahat ng ito. Ngunit nangyari na, at ngayon ay nahaharap siya sa dalawang klase ng pagsubok.
Ang manatili kasama si Hannah, o piliing bumalik sa panahon niya, ngunit masasaktan naman si Hannah?
Ang tagal nagdasal ni Hannah. Pagmulat niya ng mata, nadatnan niyang wala na si Emilio sa tabi niya. Agad siyang napatayo at naglakad-lakad sa paligid ng simbahan. "Emilio? Yong?" bulong niya habang hinahanap ang binata. Katabi lang niya ito kanina, pero bakit siya bigla na lang umalis? Patuloy siya sa paghahanap pero hindi niya namataan ang binata kahit saang sulok ng simbahan. Dismayadong napaupo si Hannah at pinigilan ang sarili sa pag-iyak.
Minulat ni Emilio ang kanyang mga mata at nagulat na lamang nang ibang lugar na ang tumambad sa harapan niya. Imbis na altar ay nakaluhod siya sa dulo ng isang higaan sa isang maliit na kwarto.
Narinig niyang bumukas ang isang pintuan sa likod niya. Napatayo siya agad at napalingon. Ito pala ang kwarto ng prayleng tumulong sa kanya. At ang prayle na iyon ay napanganga nang bigla siyang makita, na parang aatakihin siya sa puso.
"Senyor..." wika ng prayle. Napalapit si Jacinto para alalayan ang prayle na mukhang hihimatayin sa takot. Inupo niya ito sa isang silya at binigyan ng tubig na maiinom.
"Paano ka nakabalik... buhay ka pa pala... at bakit iba ang itsura mo?" Sunod-sunod na tanong nito sa binata.
Hindi alam ni Jacinto kung paano sisimulan ang kwento, kaya marahan niyang dinetalye ang lahat ng nangyari sa kanya, mula sa paglalakbay niya sa hinaharap hanggang sa babaeng iniirog niya. "Umibig ka sa isang babae na taga ibang panahon?" namanghang wika ng prayle.
Tumango si Jacinto. "Hindi ko po sinasadya na mahulog ang loob ko sa kanya. Alam naming walang pag-asa na magtagal kami habang buhay, ngunit naglakas loob ako na aminin ang aking nadarama. At nalaman kong gusto rin niya ako." Huminga siya at nagpatuloy. "Padre, kasalanan po ba na napunta ako sa ibang panahon at umibig ako? Kasalanan po ba kung naiiisip ko na manatili doon para makasama siya?"
Tinignan siya ng prayle nang may malasakit. "Anak, kahit kailan ay hindi kasalanan ang magmahal nang tapat at wagas. Ngunit kailangan mong tanggapin ang mga bagay na maaaring mangyari sa inyong dalawa, at matutong manindigan sa kabila ng mga pagsubok."
"Ngunit paano po ang ipinaglalaban namin sa Katipunan?"
"Ikaw ang gagawa ng desisyon. Alam kong di mo kayang iwan ang parehong responsibilidad mo sa nobya mo at hukbo mo," mariin na sinabi ng prayle.
"Maayos na po kayo?" tanong ng binata.
"Kaunti... hindi ako makapaniwala na nangyari ang kababalghang ito. Marahil hindi ka napatay ng saksak ng punyal dahil iniisip ka ng babaeng iyon sa hinaharap."
Nagka-ideya si Jacinto. Si Hannah kaya ang susi sa kanyang pagkakaligtas mula sa makamandag na sinumpang punyal?
"Padre, kailangang ko munang mamalagi sa hinaharap. Tignan ko kung paano ako makakabalik, pero gagawa ako ng paraan," pangako nito. "Hindi ko siya pwedeng basta iwan na lamang." Tumayo siya na parang akala niya na madali niyang magagawa iyon.
"Adios, Senyor Jacinto. Nawa'y magtagumpay ka sa iyong binabalak."
Binedisyunan siya ng prayle. Tumayo siya at lumabas ng kwarto na hindi man lang lumilingon. Nagpalakad-lakad siya hanggang marating niya ang labas ng simbahan, patungo sa may altar.
Napabuntong-hininga si Jacinto nang makita niya ang likod ni Hannah na nakatayo sa labas ng simbahan. Nakabalik na siya sa hinaharap.
Lumapit siya at tinapik si Hannah sa balikat. Agad lumingon ang dalaga. "Ang tagal mo! Saan ka nagpunta? Bakit di ka nagpaalam?" pagalit niyang sabi. Hindi na niya mapigilan na lumuha at napayakap ito sa binata.
"Walang hiya ka, basta-basta ka mang-iiwan nang walang paalam!" panaghoy nito. "Akala ko wala ka na forever, buti nakabalik ka pa, loko ka! Huwag mo ulit gagawin iyan Yong!"
Hinimas ni Jacinto ang ulo ni Hannah at niyakap siya nang mahigpit. "Hindi na ito mauulit, pangako iyan," wika niya.
Matagal nakayakap sa kanya si Hannah at patuloy itong lumuha.
Sana huwag ko siyang bigyan ng sama ng loob. O Diyos ko, payagan niyo akong manatili na kasama siya, kahit hindi pang habang buhay.
Ito ang dasal na patuloy niyang iniisip.
Sana madugtungan pa ang panahong sila'y magkasama.
Ngayon lang nadarama ni Jacinto na hindi na siya magtatagal sa tabi ni Hannah.
A/N: Song for this chapter- "Alaala" (Yeng Constantino)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top