Chapter 16-Maligayang Bati!

Pagmulat ni Hannah ng kanyang mga mata nang umagang iyon, dalawa lang ang nasa isip niya.

Hindi niya maalis sa isip niya ang kanta ni Taylor Swift na "I'd Lie". Naiiba na rin ang mga lyrics sa isip niya:

I could tell you, his favorite color's green

He likes to argue

Born on the 15th

His cousin's beautiful

He has his father's eyes

And if you ask me if I love him,

I'd lie...

Hindi obvious kung sinong pinanganak noong December 15 at may magandang pinsan. Inis na inis si Hannah sa sarili niya dahil ang tagal ng LSS sa kanya ng kantang iyon. At higit pa diyan, nare-realize niya na nagsisinungaling na siya sa sarili niya ukol sa nararamdaman. Ang daming lalaki sa mundo, lalo na sa uni, bakit pa sa kanya ako... Ayon. Di niya masabi ang salitang iyon.

Ang pangalawang nasa isip niya ay ang kanyang kaarawan ngayong araw na ito. Bente anyos na siya. Twenty. Anong ibig sabihin nito? Goodbye sa teenage years? Ang kagandahan lang noon ay feeling bata pa rin siya. Di pa naman ako matanda!

"Happy birthday Hannah!" Bati sa kanya ni Mady, na lumapit sa kanya at yumakap nang mahigpit.

"Thank you Madz!" ngiti ni Hannah sa kanya.

"Saan ka manlilibre ngayon?" pabirong tanong ni Mady.

"Libre ka diyan? Wala!" pagtataray ni Hannah.

"May date ba kayo ni Emilio?" Kinindatan siya ni Mady.

"Che! Di naman siya nag aya! Walang date!"

"Hoy, bakit ka affected much nagtatanong lang? Uy, may tama na siya!" 

Tumayo si Hannah sa kama para malg-shower. "Hay nako, Amanda, di mangyayari iyon!"

"Lagi kang nasa isip ko..." kanta ni Mady.

Biglang nagsara nang malakas ang pintuan sa banyo. 

"Hoy, parang nagbibiro lang!" sigaw ni Mady.

---      

Sabado ang kaarawan ni Hannah at kailangan pa niyang pumasok para sa isang pang-umagang klase. Pagkauwi niya, mag-isa lang siya sa dorm at umalis si Mady. Siguro may date sila ni Sam. Di naman siya sabik na may manlibre sa kanya, kaya nag-Internet muna siya sandali para tignan ang mga bati sa kanya sa social media.

Makaraan ng isang oras, naidlip si Hannah at nagising na lang siya nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello?" inaantok niyang sagot.

"Birthday girl, pumunta ka sa coffee shop nila Sam," bungad sa kanya ni Mady. "Mag ayos ka ng sarili mo! Mag dress ka at make up! Be there in ten minutes!"

Namatay ang kabilang linya nang hindi man lang nakasagot si Hannah.

Huh? Bakit kailangan pang mag ayos? pagtataka niya. Baka naman may surprise sila sa akin, hehe!

Biglang nasabik na malaman ni Hannah kung anong meron, kaya kumilos na siya at nag ayos. Naghilamos siya at naglagay ng konting blush on at lip gloss at isinuot niya ang denim dress na padala sa kanya ng nanay niya. Tinignan niya ang sarili niya sa salamin at nakuntento siya sa gayak niya. Pwede na. Napangiti siya sa sarili niya.

---

Pagpasok ni Hannah sa coffee shop, eto ang sumalubong sa kanya:

"HAPPY BIRTHDAY!"

Tumambad sa harapan niya sila Mady, Sam, ibang mga kasama sa coffee shop (na kilala rin niya), pati na rin si Ginoong Jacinto. Hindi mapigilan ni Hannah na mapatili sa galak at nagsilapitan siya sa mga ito at nag group hug. Pinalapit nila si Hannah sa cake at kinantahan ng birthday song. 

"Mag wish ka muna!" sabi ni Mady.

Pumikit si Hannah, humiling, at hinipan na ang mga kandila sa cake niya, sabay palakpakan ng mga bisita.

"Anong wish mo?" malakas na tanong ni Sam.

"Si Emilio raw!" sagot ni Mady.

"Uuuuuy!" tukso ng mga tao. Napatingin si Hannah kay Emilio sa kabilang dulo at nagsalubong ang mga tingin nila. Nakatawa sa kanya ang binata at di mapigilan ni Hannah na mamula.

"Ay naku, kumain na tayo!" pag-aaya ni Hannah. 

Nagsidulog na ang mga bisita para kumain. Nalaman ni Hannah na plano pala ito nila Sam at Mady at kakonchaba rin nila si Jacinto para sa kanyang "surprise party". Ni-reserba nila ang isang kwarto sa coffee shop para lang sa okasyong iyon. Hindi makapaniwala si Hannah. Kaya pala di namamansin sila Mady at Sam, pati na rin si Jacinto. Pati ang pagkain ay planado rin, Puro pastries, may cake, pasta, at sandwiches na hinanda. Buti naman hindi nabitin ang mga bisita. Ito na yata ang pinaka masayang kaarawan ni Hannah kahit di niya kasama ang nanay niya. 

At nabatid niyang lalo pang sumaya kaarawan niya dahil kay Jacinto.

---

Pagkatapos ng munting salu-salo sa coffee shop ay nagkaroon ng videoke session sa parehong lugar. Napilitang kumanta si Hannah at hiyang-hiya niyang inawit ang "Mahal Ka Sa Akin" ni Tootsie Guevarra, na suhestiyon ni Mady. Isa na rin si Mady sa mga nakitukso sa kanya, at kung hindi lang kaarawan niya ay dinagukan na niya sana ang loka-lokang kaibigan.

Pagkatapos ng ilang mga nagkantahan, naisip lumabas ni Hannah, dahil nakakairita na ang ingay sa loob. Akala ko ba hanggang 10pm lang, anong oras na? Tumingin siya sa wristwatch niya. 10:30 pm na ng gabi.

Pinuntahan niya ang likod ng coffee shop kung saan may mini-garden. Nakita niyang nakaupo sa isang bench si Jacinto, nakatalikod sa kanya. Bigla siyang napalingon. "Ikaw pala," wika niya. Sumenyas siya kay Hannah na maupo sa tabi niya. Ayaw niya noong una, pero nilapitan na niya ang binata at naupo katabi nito.

"Maligayang kaarawan," pangiting bati sa kanya ni Jacinto.

"Salamat," nakangiti niyang sagot.

"Naingayan ako sa kantahan nila sa loob, kaya umalis muna ako at nagpahangin," sabi niya.

"Ganito talaga mga bertdey party ngayon, maiingay. Buti nga wala itong inuman kasabay ng videoke," kwento sa kanya ni Hannah.

Natahimik ang dalawa at nanatiling nakaupo sa tabi ng isa't isa. Binasag ni Jacinto ang katahimikan.

"Anong kahilingan mo ngayong kaarawan mo?" tanong niya.

"Wala naman, simple lang," sagot ng dalaga. "Maging maayos ang buhay ko, iyon lang. Ikaw, bakit wala kang regalo sa akin?" biro nito.

"Ah, iyon ba? Pasensiya na, naging abala ako sa pagtulong para maganap ang piging mo," seryosong sagot ng binata.

"Nagbibiro lang!" tawa ni Hannah. "Ok lang iyon kahit wala kang regalo sa akin. Di naman ako mahilig sa mga mamahaling regalo."

"Buti naman, hindi ka maluho."

Hindi sinasadyang napalingon si Hannah sa katabi niya. Hindi niya mapigilan ang sarili niya na mapangiti sa kanya, dahil ang linis niyang tignan, at ibang-iba ang buhok niya kumpara sa palagi niyang larawan sa mga history books. "Flattered nga ako, kasi kasama ko ang Utak ng Katipunan ngayon birthday ko. Regalo na iyon in itself!" masayang wika niya kay Jacinto. "VIP status ka ngayon!"

"Anong ibig sabihin ng VIP?"

"Very important person. Importanteng tao."

"Dahil sikat ako?" 

"Oi, di naman sa ganoon. Naging kaibigan na kita nitong mga nakaraang buwan at---"

Naputol ang sasabihin ni Hannah dahil nilapit ni Jacinto ang mukha niya at dinampian siya ng halik sa mga labi. Mga segundo lang ang tinagal ng halik at lumayo rin ang binata sa kanya.

Natulala si Hannah. Unang halik niya iyon. Hindi naman malaswa, ngunit nag shut down ang utak niya nang maramdaman niya ang mga labi niya na naka piid sa sarili niyang mga labi. 

"Bakit mo ginawa iyon..."

"Hannah...." Halatang nagulat din si Jacinto sa ginawa niya. 

Umirap si Hannah sa binata. Aalis na sana siya nang hinila siya ni Jacinto papalapit sa kanya. "Hannah, mahal kita."

Lalong hindi nakapag isip si Hannah sa mga katagang narinig niya. Napatingin siya sa binata. Seryoso ang mga mata nito, nangungusap. 

"Mahal mo ako?"

Tumango si Jacinto sa kanya.

"Hindi ko na kayang palampasin ang pagkakataong ito. Hindi ko rin alam kung kelan pa ako magtatagal sa mundo niyo, at hangga't may pagkakataon, kailangan masabi ko na ito sa iyo bago pa huli ang lahat. Totoo ang nasa puso ko. Mahal kita, Hannah."

Hindi na kaya ni Hannah na magsinungaling sa sarili niya.

Niyakap na rin niya ang binata at sinagot siya sa isa pang halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top