Journey to Arciana 9: Sai School 1
Nagsilabasan naman sina Asana kasama ang iba pa. Naglatag ng makapal at malambot na higaan sa sahig at tabi-tabi na silang matulog.
Sa isang lugar naman umasim ang mukha ni Kurt.
"Hindi ba alam ng mga yan na hindi dapat nagtatabi ang mga babae't-lalake?" Tagpo ang kilay niya. Sobrang dikit din ng mga labi niya at napakatalim ng mga tingin niya sa isang kwadradong monitor kung saan makikita sina Steffy at ang mga kasamahan nito na natutulog sa isang kwarto.
"Tingnan mo nga o. Di man lang nagising?" Tinuro pa ang monitor.
"Kamahalan." Tawag ni Shinju.
"Bakit ba?"
"Oras na po ng pagsasanay niyo." Muli nitong sabi.
Kaso nakatingin parin si Kurt sa monitor.
"Kamahalan kung gusto niyong maprotektahan si Steffy kailangan mong magsanay ng mabuti. Wag mo na mo muna siyang iisipin. Malakas naman siya e." Sinulyapan pa ni Shinju si Steffy.
"Saka mas malakas pa siya sayo ngayon kaya hindi mo pa siya mapoprotektahan kapag ganyan lang ang lakas na meron ka."
"Hindi ko siya iniisip. Saka sinong maysabing gusto ko siyang protektahan?" Tanggi niya at ikinumpas ang mga kamay. Naglaho naman agad ang kwadradong screen.
"Hindi mo nga iniisip pero palage mong pinapanood ang mga ginagawa niya." Naitikom agad ni Shinju ang bibig makitang tumalim ang tingin ni Kurt sa kanya.
Nagising si Steffy at nakitang natutulog sa paligid niya ang mga kaibigan. Bumangon siya at lumabas na muna. Dito niya napansin na napakalakas pala ng ulan sa labas.
Umupo siya sa isang bench na gawa sa kulay puting Mysterian ore at pinagmasdan ang mga patak ng ulan.
Nagising naman ang magkakaibigan na wala si Steffy sa kinahihigaan nitong kama kaya mabilis silang nagsilabasan. Naabutan nila itong malungkot na pinagmamasdan ang malakas na ulan.
"May problema ba?" Tanong ni Sioji makitang nakadungaw si Steffy sa bintana.
Dahan-dahan namang lumingon si Steffy at huminga ng malalim.
"Naisip ko kasi na kung nasa Syanra level na ang mga Arcianian paano pa kaya ang mga Chamnian? Paano kung darating ang araw na magkakaroon tayo ng mga kalaban na higit pa sa Syanra ang level ang kanilang mga kapangyarihan?"
Pansin kasi niyang hindi parin sapat ang kapangyarihan at lakas na taglay nila ngayon. At kung magkakaroon man sila ng napakalakas na kalaban tiyak na wala silang kalaban-laban.
"Pansin ko ring ang lalakas nila." Mahinang sagot ni Sioji. Kakaiba ang lakas ng mga Arcianian kumpara sa mga Mysterian na nakakasalamuha nila. Nasa kontinente pa lamang ng Hariatres ang lugar na ito pero ang mga lakas nila nasa Syanra level na, ano pa kaya sa mga Chamnian na isinilang na nasa Invincible level na kahit mga sanggol pa lamang? Paano naman kung mga Mystikan na ang kanilang makakalaban? May pag-asa ba silang manalo?
"Kung gusto nating makukuha ang legendary shield kailangan nating maging mas malakas." Sabad naman ni Asana na nakapatong ang baba sa balikat ni Izumi.
"Wag kang mag-alala palage naman kaming nagsasanay sa loob ng space dimension. Pakiramdam ko nga wala na akong bigat ngayon." Sabi naman ni Rujin.
"Ano kaya kung pumasok ka na din sa loob?" Suhestiyon ni Aya.
"Papasok din ako kapag kakailanganin ko na namang sumagap ng enerhiya." Sagot ni Steffy.
Napatigil sila sa pag-uusap at apalingon sa isang direksyon dahil sa sunod-sunod na pagsabog na naririnig.
***
"Bakit di niyo nalang isuko sa amin ang Sai School? Gusto niyo bang mamatay lahat?" Sabi ng isang Elder mula sa Donfen clan. Isa sa limang malalakas na clan sa Arciana. At ang kalabang clan ng Sai clan.
"Hinding-hindi namin isusuko ang Sai School sa mga tulad niyo." Sagot ng isang guro ng Sai school.
Matagal ng may alitan ang Sai School at ang Donfen clan. Bawat panahong magkasalubong ang mga landas nila hindi maiiwasan ang labanan. Noong nagkaroon ng malubhang sugat ang young master ng Sai clan hindi sila umatake iyon ay dahil wala pa silang sapat na lakas. Ngunit ngayong kakampi na nila ang Saynah clan, lumakas na ang mga loob ng Donfen clan at pinagplanuhan agad nilang ubusin ang lahat ng mga Sai clan at kunin ang pinagmamay-ari at mga yaman nila.
Isa sa gusto nilang makuha ay ang Sai School. Kaya nandito sila ngayon para sakupin ito. At kung makuha na nila ang Sai School, may pag-asa ng makasali ang sinuman sa clan nila sa paparating na kompetisyon.
"Tumakas na kayo." Sabi ni teacher Rande kina Daerin.
"Pero Arshi hindi namin iiwan ang paaralang ito." Determinadong sagot ni Haejae.
"Makinig kayo, ilayo niyo dito ang bisita natin. Kailangang hindi siya makita ng Donfen clan." Mariing utos ni Rande sa anim na mga kabataan.
"Dito lang ako. Sama-sama natin silang labanan." Determinado ring sagot ni Daerin ngunit napaluhod maramdaman ang malakas na pressure na kumawala mula sa katawan ni Elder Suiwe.
"Binigyan ko na kayo ng tsansa upang makapili pero hindi niyo iyon pinansin. Mukhang gusto niyo na ngang mamatay." Sabi ni Elder Suiwe at itinaas ang isang kamay.
Ilan sa mga estudyante ng Sai School ang umangat sa lupa. Iwinasiwas ng Elder ang nakaangat na kamay at tumilapon naman ang mga katawan ng mga estudyante.
Nanghina naman ang mga tuhod ng mga guro ng Sai School matuklasang isa ng Syanra Master ang Elder ng Donfen clan.
Isa lamang Syanra Elite si Elder Jiure na siyang maituturing na pinakamalakas na elder ng Sai school, ganon din ang young master nila noon. At kahit lahat pa sila ang magtutulungan wala parin silang laban sa isang Syanra Master. Maliban nalang kung may darating na Syanra master din siguradong magkakaroon pa sila ng pag-asang manalo pero bukod sa emperial family at Saynah clan wala ng ibang clan na may Syanra Master level ang kapangyarihan.
Alam ni Elder Jiure na wala silang laban kaya naman naisip niyang kalabanin si Elder Suiwe para mabigyan ng sapat ng oras ang mga estudyante ng Sai School at iba pa. Para rin may makapagbalita sa Sai clan sa nangyayari sa lugar na ito.
Kaya lang, bukod kay Elder Suiwe may sampung mga Syanra Novice at limang Syanra Elite din ang mga nandito. Halatang walang balak pakawalan ng Donfen clan ang mga nandito sa Sai School.
"Patayin sila. Walang itirang buhay kahit isa." Utos ni Elder Suiwe sa mga kasama. Inatake naman niya si Elder Jiure at nagpalitan na ng mga atake ang dalawa.
Umatras-atras naman si Daerin dahil sa papalapit na Syanra novice na lalaki sa gawi niya. Gusto niyang tumakbo ngunit hindi na kaya ng katawan niya. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at namumuo na rin ang mga pawis sa katawan dahil sa lakas ng pressure na nararamdaman. Ilang sandali pa'y napaluhod na siya.
"Hindi. Hindi pa ako mamamatay. Ipaghihiganti ko pa sina ina kaya hindi ako dapat mamatay." Unti-unting nagbago ang aurang nakapaligid sa kanya. Ang kulay puting aura ay nagiging kulay itim.
Napaatras naman ang lalake makita ang pagbabago ng katawan ni Daerin. Humaba kasi ang mga kuko nito at may mahahaba na ring pangil.
"Isang Diagonian." Nanlalaki ang mga mata ng lalaki at mabilis na inilabas ang kanyang espada na nababalot ng enerhiya at inatake si Daerin.
"Hindi mo ako mapapatay. Aaaah!" Sigaw ni Daerin at sinalubong ang atake ang kalaban. Ilang sandali pa'y makikita na lamang ang dalawang kulay puti at itim na mga enerhiya na parang kidlat na nagpapalitan ng mga atake.
Pagkatapos ng ilang sandali, bumagsak ang duguang katawan ni Daerin. Paika-ika na rin sa paglalakad ang nakalaban niya na puno rin ng mga sugat ang katawan.
"Pinahirapan mo pa ako. Mamatay ka na rin ngayon." Itinaas ng lalaki ang espada upang patayin na si Daerin nang bigla na lamang may tumama sa wrist niya na ikinabitaw niya sa espada.
Nanlilisik ang mga mata niyang nilingon ang may gawa nito at nakita si Sioji na kalmadong nakatingin sa kanya.
"Ikaw. Pakialamero ka." Atakehin na sana si Sioji ngunit napaluhod ito maramdaman ang malakas na enerhiyang tila humihigop sa kanyang enerhiya.
"Sa totoo lang talaga ayaw kong gamitin ang kakayahang ito e. Kaya lang, ito lang ang alam kong paraan para mas mapadali ang pagtalo sayo na di ka namamamtay." Sambit ni Sioji na may ngiting nakakapanindig balahibo.
Ilang sandali pa'y natumba na ang lalaki. Pinipilit nitong tumayo ngunit bumabagsak parin ang katawan sa lupa.
"Hindi. Ibalik mo ang kapangyarihan ko. Ibalik mo." Mahina at pilit na binubuo ang mga salitang ito.
"Ang kapangyarihan ko." Muling sambit nito hanggang sa di na magawang iangat pa ang ulo dahil sa labis na panghihinang nararamdaman.
Gumaan naman ang pakiramdam ni Sioji dahil sa enerhiyang nadagdag sa kanya. Napasimangot siya dahil kahit Syanra level na ang kapangyarihan ng lalaking inagawan niya ng enerhiya pero hindi man lang umangat ang kanyang level.
***
Napapikit na lamang si Sunami at ang iba pang mga estudyante dahil sa papalapit na higanteng tsunaming apoy sa gawi nila. Nasusunog ang lahat ng mga bagay na natatamaan ng tsunaming apoy na ito.
"Ito na ba ang katapusan namin?" She thought in despair.
Napataas ang isa niyang kilay mapansing wala siyang nararamdaman sakit dulot ng pagkasunog sa katawan niya kaya naman napadilat siya at napaangat ng tingin.
Dito niya nakita si Aya na nakatayo sa harapan nila at nakataas ang isang palad. Hinihigop ng palad ni Aya ang mga apoy.
"Sabi ko na nga ba't nakukuha ko." Masiglang sambit ni Aya. Nakangiti pa ito habang pinagmamasdan ang isang palad.
Nanlaki naman ang mga mata ng babaeng lumikha ng tsunaming apoy.
"Anong klaseng nilalang ba ang batang ito?" Halos hindi na niya maitikom ang kanyang bibig sa sobrang gulat. Ngayon lang siya nakakakita ng isang Mysterian na kayang higupin ang higanteng tsunaming apoy na likha niya.
"Hindi ko inaakala na may mga genius students pala ang ang Sai School." Sambit niya na mas lalong nagiging buo ang desisyon na ubusin na ang mga estudyante ng Sai School dahil kung hindi, magiging banta lang sila sa Donfen clan.
Gumawa siya ng ilang hand gestures at may mga palasong apoy ang bigla na lamang sumulpot sa langit at bumagsak patungo sa kinaroroonan nina Aya.
Nagsitakbuhan naman ang mga estudyanteng kasama ni Sunami.
Napalingon sina Haejae kasama ang iba pa makita ang libo-libong mga palasong apoy na papunta sa gawi ngayon nina Aya at Sunami. Isang metro mula sa ere tumigil ang mga palaso sa pagbulusok at biglang nagpalit ng direksyon.
Tumama ito sa mga kasamahan ni Elder Suiwe na ikinamatay ng ilan sa kanila.
"Hindi. Paano nangyari yon?" Napaatras na ang babaeng maylikha sa mga apoy na palaso. Isang ngiti naman ang binigay ni Aya.
"Ginagamit mo ang apoy. Ang apoy na siyang elementong nakokontrol ko." Sagot ni Aya at ikinumpas ang kamay.
Bigla na lamang nabalot ng pulang apoy ang babae. Napahiyaw ito sa sakit dahil dahan-dahang sinusunog ng apoy ang katawan niya.
"Gustong-gusto mo kaming patayin sa takot na maging mas malakas kami sa inyo at magiging banta pa para sa mga plano niyo. Kaya lang malas kayo dahil kami ang nakalaban ninyo." Sambit ni Aya.
Gumulong sa lupa ang babae sa pagnanasang mamatay ang apoy ngunit hindi iyon nangyari. Parang may sariling mga buhay ang mga apoy na bumalot sa katawan niya.
Tumalikod na si Aya at nagkataong nakasalubong niya ng tingin si Sunami na ngayon ay nagniningning ang mga mata na nakatingin sa gawi niya.
"Ang galing. Magiging kasing galing din kita balang araw." Sambit ni Sunami na halos maghugis puso na ang mga mata.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top