Journey to Arciana 8: Elder Jiure
"Mga ilang oras pa bago natin marating ang bayan?" Tanong ni Asana.
"Tatlong araw pa kung ganito ang bilis natin." Sagot ni Daerin.
"Ang tagal naman pala." Sambit ni Steffy at pinagmasdan ang malakas na ulan.
Proud namang inilabas ni Rujin ang kanyang malabangkang sasakyang panghimpapawid.
"Sa palagay mo ba kakasya tayo diyan?" Tanong ni Aya at nag-tsk pa.
"Kakasya kaya basta nakatayo tayong lahat." Sagot ni Rujin at sumakay na. Sumakay na rin si Steffy kaya sumunod ang iba.
Nagkatinginan naman sina Daerin at ang mga kasamahan niya. Hindi nila inaakala na may space ring sina Steffy at nakakapaglabas pa ng sasakyang panghimpapawid na tanging mga piling mahaharlika lamang ang nakakagawa.
"Tayo na. O baka naman gusto niyong maiwan? Magagantihan kayo nong mga yon." Pananakot ni Steffy. Ang mga yon na tinutukoy niya ay ang lahat ng grupong nakaaway nila sa araw lang ito.
Nagmamadali namang sumakay ang mga Sai Students dahil sa takot. Nagsiksikan sila sa bangka ni Rujin na nag-expand ng kaunti at sakto lang na nagkasya silang labing anim. Ngunit naglaho bigla sa paningin nila sina Asana at iba pa. Si Steffy lamang ang naiwan at ang anim na mga Sai students.
"Teka, nasaan na sila?" Tanong ni Daerin at hinahanap sina Asana at ang iba pa.
"May pinuntahan lang." Sagot ni Steffy at tiningnan sina Dioseyn at Sanjie.
"Sumakay na kayo. Para mas mabilis ang biyahe niyo papunta sa bayan." Sabi ni Steffy.
Nagkatinginan ulit sina Sanjie at Dioseyn bago inangat ang mga paa at sumakay na rin. Nang makasakay na ang lahat dahan-dahang umangat ang bangka mula sa lupa.
"Woah! Ang astig." Manghang sambit ni Daerin.
Kahit sina Nana at Sunami hindi rin maiwasang mamangha. Lalo na nang lumipad na ang bangka sa himpapawid.
Hindi nila nararamdaman ang malamig na hangin maging ang patak ng ulan dahil parang may sariling space ang bangka at di naaapektuhan sa anumang mga elemento sa paligid.
Pagkalipas ng sampung minuto, nakarating na sila sa isang bayan. Naglaho bigla ang bangka pagkatapat nito sa lupa na ikinagulat ng mga Sai Students. Ngunit hindi na sila nagtaka pa. Bigla ngang naglaho sina Asana at ang iba pa ang bangka pa ba na bigla lang ding sumulpot kanina?
Nagtungo na sina Sanjie at Dioseyn sa kanilang pupuntahan habang si Steffy naman sumama kina Daerin sa pagpunta sa Sai School.
Ang Sai School ay matatagpuan sa gitna ng Sai City na isa sa mga syudad ng Saidore. Dati marami ang mga pumapasok sa paaralang ito ngunit kaunti na lamang ang mga estudyante rito ngayon.
Iniisip ni Steffy na isang malaking gusali ang makikita niya ngunit isang malaking bundok ang sumalubong sa kanya. Bundok na may mga hagdanan na gawa sa itim na bato. May mga butas ang mga lupa na tila ba pinasadyang butasan para gawing tirahan sa loob. Mga halaman na may mga bulaklak naman ang nagiging kurtina sa bawat bintana. Ang main entrance naman ay gawa sa itim na bato. Ang bakod nito ay isang hangin na patuloy sa pag-ikot sa buong paligid ng Sai school.
"Ito yung Sai School?" Gulat niyang tanong. Ibang-iba kasi ito sa inaasahan niya.
Umakyat sila sa hagdan na gawa sa itim na bato saka pumasok sa isa sa mga butas ng lupa.
Napatingin si Steffy sa mga ugat ng mga puno na nakakalat sa buong paligid. Para silang nasa loob ng isang yungib. Muli silang pumasok sa isang butas at dito nakita ni Steffy na isang kadenang tulay ang tutulayan nila bago marating ang tunay na campus ng Sai School.
Nagsimula ng tumulay ang anim sa kadena kaya sumabay na rin si Steffy. Ilang sandali pa'y may mga shurikens ang bigla na lamang nagsiliparan patungo sa kanila.
"Mayroon na naman? Ano ba yan?" Reklamo ni Daerin at iniwasan ang shuriken na tatama na sana sa kanya.
Nanlaki naman ang mga mata nina Nana at sa mga kasama makitang may mga silver needles ding papalapit sa gawi nila. Kadalasan kapag tumutulay sila sa kadenang ito wala namang mga shurikens ang aatakeng bigla sa kanila maliban na lamang kapag sinusubukan sila ng kanilang mga guro.
Pero bakit hindi lang mga shurikens ang umatake sa kanila ngayon kundi mga silver needles pa? Napatingin sila kay Steffy na naglalakad sa kadena na pinapanood ang mga magagandang tanawin sa paligid. Walang ni isa sa mga silver needles at mga shurikens ang nakakalapit sa direksyon niya.
Lumilihis agad ang mga ito kapag napapalapit kay Steffy. Ilang sandali pa'y dinuduyan na ng malakas na hangin ang kadena kaya nahihirapan na sa sina Daerin at ang mga kasama sa pagpapanatiling nakatayo.
Tumakbo na sila habang iniiwasan ang mga silver needles at mga shurikens.
Sa kabilang dulo naman ng kadena nakaupo ang isang matanda at dalawang middle age men.
"Kapag nakapasa sila sa pagsubok na ito papayag na akong magiging representative sila sa darating na Arciana School competition." Sabi ni Elder Jiure.
"Kung sana'y hindi nasugatan si Yuhan noon hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito." Sambit ni Teacher Rande.
"Kung bumalik na sana sina Yuzin at Yuna baka hindi na lalala pa masyado ang karamdaman niya. Narinig kong natagpuan na ang dalawa ngunit wala silang balak bumalik dito." Sagot naman ni teacher Adje at napabuntong-hininga.
"Mamamatay lang sila kapag mananatili sila sa lugar na ito. Mas mabuti pang hindi na sila babalik pa rito." Sagot naman ni Elder Jiure.
"Tingnan niyo." Gulat na sambit ni Teacher Rande makitang naglalakad si Steffy sa kadena na parang namamasyal lang sa isang lugar. Kahit ang lakas ng pagalaw ng kadena ngunit parang may pandikit ang mga paa kahit anong lakas ng pagduyan sa kanya ng kadena hindi parin siya nalalaglag. Para tuloy siyang sumasayaw sa hangin.
Naikuso nila ang mga mata at muling pinagmasdan si Steffy.
"Hakuah?" Tanong ni Elder Jiure ngunit umiling dahil hindi naman silver ang buhok ng babaeng ito at hindi rin bughaw ang mga mata.
Hinihingal na nakarating sa gawi nila ang anim na mga estudyante nila.
"Ele bakit niyo ba kami pinahirapan? Di niyo ba kitang may bisita kami?" Reklamo ni Daerin.
"Sino siya? Saang clan siya galing?" Excited na tanong ni Elder Jiure sa kanila.
Napatingin naman ang mga kasama ni Daerin sa kanya. Saka niya naalala na hindi nga pala niya kilala si Steffy. Ni di niya alam kung saang clan ito nabibilang.
"Ang alam ko lang estudyante sila ng Wynx Academy. Isa sila sa mga kabataang nagpunta sa Ruined City ngunit hindi ko sila nakitang pumasok sa portal at di ko rin sila nakita sa loob ng Ruined palace." Sagot ni Daerin.
"Wynx Academy?" Napatingin naman si Elder Jiure sa dalawang guro.
Inaakala nila na naglaho na ang Akademiyang ito dahil nabalitaan nilang lumusob ang mga Superian at Akrinian sa Wynx Academy. Hindi niya inaasahan na may makakarating na isang estudyante ng Wynx Academy sa lugar na ito. Ang mas nakakagulat dahil nakapasok ito sa Arciana sa kabila ng mga harang na nakabalot sa buong lugar.
Mas nanlaki ang kanilang mga mata nang tumigil sa tapat nila si Steffy. Ang inaakala nila'y wala ng iba pang makakapantay sa pinakamagandang shida na si Saiyura bukod kay Hakuah ngunit ngayon nakita nila si Steffy, naisip nilang marami pa palang mga magagandang mga Mysterian sa labas ng Arciana na hindi lang nila nakita katulad na lamang ni Steffy.
Nagpakawala ng mental pressure si Elder Jiure para subukan kung hanggang saan ang lakas ni Steffy. Isang level four which is grandmaster level ng Syanra stage si Elder Jiure kaya napakalakas ng pressure na malilikha nito sa mga Mysterian na mas mababa ang level ng kapangyarihan kumpara sa kanya.
Bahagyang napakunot ang noo ni Steffy maramdaman ang mabigat na pressure na bumagsak bigla sa kanya. Mabilis niyang pinakawalan ang kanyang scarlet aura na ikinaatras ni Elder Jiure nang tumama sa kanya.
"Arizonian?" Gulat na sambit ng tatlong lalake at mabilis na yumuko.
"Kamahalan." Mabilis na sambit ni Elder Jiure na ipinagtataka ni Steffy.
"Kamahalan, patawad po sa aming kapangahasan." Sabi nito at agad lumuhod. Si Steffy naman napakamot sa ulo. Inalis na rin ang aurang pinatama niya kay Elder Jiure.
"Elder, bakit niyo po siya tinawag na kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Nana at napatingin kay Steffy.
"Tanging ang may lahing Saynah, lahing Arizonian at Chamnian lamang ang may scarlet na aura. Sila ang mga direct descendants ng mga lahing ito." Sagot ni Elder Jiure.
Saka naalala nina Nana na Seyfrien Riel Arizon nga pala ang pagpapakilala ni Steffy sa prinsipe ng Saidore kahapon. Kung isa nga itong Arizonian ibig ba nitong sabihin na kailangan din nila itong tawaging kamahalan o mahal na prinsesa?
"Tawagin niyo lang po akong Steffy. Higit sa lahat wag kayong mailang sa akin. Wala po sa mukha ko ang kagalang-galang na imahe ng isang prinsesa." Sabi niya sabay ngiti.
Dinala nila si Steffy sa isang magarang na guest room habang si Daerin naman ni-interrogate ng mga kaibigan.
"Daerin. Sabihin mo nga. Paano mo ba talaga nakilala ang prinsesa ng Arizonian? Kala ko pa naman estudyante lang siya ng Wynx Academy tapos Arizonian pala siya? Sabihin mo, ano bang ginawa mo para makilala siya?" Tanong ni Hasim.
"Nanghingi lang ako sa kanya ng prutas na may lason pala. Tapos iyon na yon. Saka pinainom niya ako ng dugo niya." Sagot ni Daerin na ikinalaki ng mga mata ng mga kasama.
"Ibig mong sabihin may dugong Arizonian ka na rin?" Sambit ni Sunami at napatakip ng bibig.
"Grabe ka Daerin. Hindi ka lang nakakaibigan ng maganda isa pang prinsesa ng Arizonian. Ang swerte mo naman. Pahingi naman niyang swerte mo kahit kunti lang." Sabi ni Nana na niyugyog pa si Daerin.
Alam nila na may natatanging mga kakayahan ang pitong founder ng Mysteria. Maituturing din silang siyang panginoon ng mundong ito kaya hinahangaan sila at tinitingala. Hindi lang dahil sa makapangyarihan sila kundi dahil sa sila mismo ang lahi ng mga Mystikan na bumaba sa mundong ito at binuo ang mundo ng Mysteria. Hindi sila tao at hindi Mysterian kundi sila ay mga Mystikan na bumaba sa mundo ng Mysteria. Kaya ibang-iba ang kapangyarihan nila kumpara sa mga Mysterian na mixed blooded na ng mga native sa lugar na ito at sa mga dugo ng mga founder ng mundong ito.
Sa isang silid naman, kausap ni Steffy si Elder Jiure.
"Bukod sa lugar na ito may isa pang lugar na hindi napupuntahan ng kahit sino. Iyon ay ang Haru island na hindi namin mahanap-hanap kung saan. Ang lahat kasi ng naghahanap sa lugar na iyon hindi na nakakabalik pa. Ngunit kamakailan lang nalaman na namin kung saan banda ang lagusan ng Haru island."
"Sa hinala namin ito ang lugar kung saan dinala si Hakuah sa itim na dragon."
Napaisip naman si Steffy. Sa Haru Island nagkakita sina Karl at Hakuah. Kung gano'n nakapunta na sina Karl at Kurt sa Haru Island na ito.
Biglang naalala ni Steffy ang malawak na karagatan at palasyo na nakikita niya at ang pinuno ng Akrinian.
"May kaharian po ba ng mga Akrinian sa lugar na ito?" Tanong ni Steffy.
"Meron ngunit kalaban sila ng alinman sa mga kaharian sa lugar na ito at wala pang nakakapunta sa kaharian nila na nakakabalik dito."
May record na kabilang sa Arciana ang kaharian ng Akrinian ngunit wala pang kahit sino ang nakakakita sa palasyo nila. Ang alam lang ng lahat ay ang boundery ng Akrinian sa Superia at Alesther pero kung saan ba talaga ang kaharian ng Akrinian tanging mga Akrinian lamang ang nakakaalam.
"Alam ko na kung saan hahanapin ang kaharian ng Akrinian." Sambit ni Steffy.
"Pero sandali lang po. Bakit niyo po ako tinutulungan?" Tanong niya kay Elder Jiure.
"Dahil alam kong hinahanap mo rin si Hakuah. At nakikita ko rin sa alaala mo sina Yuna at Yuzin. Salamat sa pagligtas sa kanila."
"Ganito pala kapag mas malakas ang level ng kapangyarihan nila. Nababasa nila ang aking alaala kahit na hinarang ko na." Sa totoo lang nasa 2nd level ng Syanra stage pa siya. Hindi lang halata dahil hindi siya gaanong naapektuhan sa aura ng iba dahil sa mga bagay sa katawan niya at sa kakayahang meron siya. Hindi kakayahan ng katawang ito kundi kakayahan ng kanyang kaluluwa.
Ang ikinalamang lamang niya sa iba iyon ay dahil nakokopya niya ang kakayahan at kapangyarihan ng iba at gamitin na parang kanya. At higit sa lahat ay maaari niyang alisin ang kapangyarihan ng sinuman kahit anong level na sila at kaya rin niyang ilipat ang mga kapangyarihan na kinuha niya sa ibang katawan. Dahilan kung bakit mas nakakatakot siyang maging kalaban kumpara sa ibang mga Mysterian sa mundong ito.
Nagpaalam na rin si Elder Jiure habang si Steffy naman naisipan na munang magpahinga.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top