Journey to Arciana 4: Saynah Students
Abala na sa pakikipaglaban ang mga kawal maging ang apat na mahaharlikang ginoo sa serpiyenteng Deiyo beast.
Naghahanap naman ng matataguan ang anim na mga Sai students. Kung sila nagsitaguan sina Steffy naman naghahanap ng magandang pwesto para mag-selfie at ang background ay ang higanteng ahas na pinapaikutan ng mga royal knight.
Selfie dito, selfie diyan. Halos lahat na yata ng mga pose nagawa na nila. At kapag napupunta sa gawi nila ang Deiyo beast mabilis silang naglalaho. Tapos susulpot na naman para kumuha ng larawan.
"Mga batang to. Hindi ba sila aware kung gaano na kapanganib ang sitwasyon?" Sambit ni Prince Kairu na binabantayan ngayon ng anim na mga royal guard niya.
Iilan na sa mga kawal niya ang nasugatan. Ang iilan sa kanila hindi na kayang lumaban pa. Sugatan na rin ang Deiyo beast at tila kunti nalang mamamatay na ito. Ngunit bago pa man tuluyang malagutan ng hininga isang snake dragon Deiyo beast ang bigla na lamang dumating. At nasa Syanra 3rd level na ito.
Nalaglag ang mga kawal na nasa himpapawid matapos tamaan ng malakas na aura ng snake dragon Deiyo beast na ito.
Isa itong Deiyo beast na may itim na mga kaliskis at may parang ahas na katawan. May dalawang sungay sa ulo at may dalawang itim na mga pakpak.
Nagpakawala ito ng apoy na ikinasunog ng bawat madadapuan nito. Tatlong kawal ang muntik ng maabutan ng apoy. Napapikit pa ang mga ito at iniisip na mamatay na sila ngunit may mga bagin ang bigla na lamang pumaikot sa katawan nila at hinila sila paalis sa dating kinaroroonan.
Bumagsak sila sa kinaroroonan nina Steffy na panay selfie parin. Nasama pa sila sa caption kaso yung mga panget pa nilang ekspresyon ang nakuha sa camera. Nagpapakyut si Steffy habang kaharap ang nakalutang na camera sa hangin. Kundi nila nakita ang mga mga vines na bumalik sa mga daliri ni Steffy hindi nila masasabing ito ang maylikha sa vines na nagligtas sa kanila.
Tumalon naman sa kanyang espada si Prince Kairu at siya na ang nakikipaglaban ngayon sa Snake dragon.
Wala namang makakalapit sa Serpiyenteng Deiyo beast dahil di nila kaya ang aurang dulot ng snake dragon.
Nagkatinginan naman sina Steffy kasama ang iba pa. Papaalis na ngayon ang higanteng serpiyente habang nahihirapan pang kumilos ang Mysterian na kasama ni prince Kairu.
"Kailangan mo ng Deiyo beast di ba?" Tanong ni Steffy kay Daerin.
"Ayaw ko niyan." Mabilis na sagot ni Daerin habang umiiling.
"Ayaw kong mamamatay ng maaga no. Sayang ang gwapo kong mukha." Dagdag niya pa na ikinaikot ng mata ng mga kasamahang Sai students.
"Wag mong sabihing lalabanan natin ang higanteng serpiyente na yan?" Nanlalaki ang mga matang sambit ni Sunami.
"Kung ayaw niyo e di kami na lang." Sagot ni Hyper at lumabas sa perimeter kung saan nakapalibot ang harang na gawa ni Steffy para di nila maramdaman ang aura ng snake dragon.
Ngunit agad nanlambot ang mga tuhod sa lakas ng aura ng snake dragon at sa aura ni prince Kairu. Mabilis naman siyang hinila pabalik ni Steffy.
"Ang lakas pala talaga ng mga kapangyarihan nila. Sa aura palang para na akong mamamatay." Nanghihinang sabi ni Hyper na halos hindi na magawang tumayo ng maayos.
Naglabas si Asana ng mga bote ng potion.
"Kaya ng potion na ito na pigilan pansamantala ang mga aura sa paligid natin. Kapag nakainom ka nito hindi mo na mararamdaman ang nakakapanghinang aura ng mga kalaban. Kaya lang, hanggang isang minuto lamang ang kaya nito." Sabi ni Asana.
Isa-isa silang kumuha ng mga potion at ininom. Ganon na rin ang mga Sai students at sabay-sabay na inatake ang higanteng serpiyente.
Pinipilit naman ng mga kawal na maka-survive sa pressure na dala ng dalawang aurang nanggagaling kay prinsipe Kairu at sa snake dragon na bumabalot sa buong paligid. Ang ilan sa mga kawal hinimatay na habang ang iba naman may lumabas ng mga dugo sa mga ilong at bibig. Mga Syanra first level at second level lamang sila kaya naman hindi nila kaya ang pressure na dala ng Syanra 3rd level ano pa kaya sa mga invincible level lamang na katulad sa mga Sai students at sa bratty gang?
Ngunit nanlaki ang mga mata nila makita ang grupo ng mga kabataang itinuturing nilang mas mahina sa kanila ang nakasakay ngayon sa mga spirit weapon nila at sabay-sabay na inatake ang papalayong higanteng serpiyente.
Hindi nila masundan ng tingin ang mga kilos nila dahil sa sobrang bilis. Ang naabutan lamang ng kanilang paningin ay ang pagbanggaan nina Rujin at Daerin na ikinabagsak ng dalawa pababa. Pareho kasing parang kidlat na palipat-lipat ng direksyon at nagkataong nagkasalubong ang dalawa na dahilan ng pagbanggaan nila.
Kahit sugatan na, malakas parin ang higanteng serpiyente na ito at napuputol din ang kahit anong bagay na madadaanan ng silver light na likha nito. Kaya naman maingat parin sina Steffy sa pakikipaglaban dito.
Kaya lang hindi natatablan ng mga sandata nila ang katawan ng Deiyo beast. At di rin ito naaapektuhan sa kanilang mga kapangyarihan.
Tumalon si Steffy sa tuktok ng ulo ng Deiyo beast at inilabas ang destruction swords na hawak niya saka itinarak sa ulo ng Serpiyenteng Deiyo beast. Isang napakalakas na aura ang lumabas mula sa espada na parang alon na tumama sa buong paligid at ikinatilapon ng lahat ng nasa paligid kahit pa ang snake dragon at prince Kairu na naglalaban sa himpapawid.
Mabilis namang nakalayo sina Asana kasama sina Daerin at ang iba pa bago pa man matamaan ng aurang nanggaling sa espada ni Steffy.
"Hindi yata ako mamamatay sa lakas ng mga kalaban kundi sa lakas ng kapangyarihan ng espada ng batang ito." Ang nasambit ni Hans sa sarili bago mawalan ng malay. Nakabaon parin ang kanyang katawan sa lupa kung saan siya tumama kanina.
Umuubo naman ngayon si Prince Kairu at pilit na itinayo ang katawan. Hinanap agad ang Snake dragon na kinakalaban kanina at nakitang nakagapos na ito sa iba't-ibang ibang uri ng mga halaman at mga bahayan ng gagamba. Balot na balot na ang buong katawan nito ngayon habang nakaupo naman sa katawan niya ang mga kabataang kasama nila kanina.
Ang snake dragon na hindi nila matalo-talo ay natalo ng mga kabataang nasa novice lamang ng invincible level? Sila na Syanra level walang laban sa snake dragon na ito tapos ang mga kabataang mas mahina sa kanila ng isang libong ulit natalo ang snake dragon na ito?
Gusto tuloy itanong ni prince Kairu kung alin sa dalawang level ang mas malakas. Ang Syanra level nga ba talaga o ang Invincible level? Parang gusto tuloy niyang bumalik sa Invincible level.
Hawak na ngayon ni Steffy ang magic core ng serpiyente.
"Hindi namin makukuha yung magic core niya kasi ang tigas ng balat." Sabi ni Rujin.
"Wala siyang balat, kaliskis lang meron." Kontra ni Arken.
"Balat parin ang dinikitan ng kaliskis." Sagot din ni Rujin.
"Kung mag-isip nalang kaya kayo ng paraan kung paano natin makukuha yung magic core? Di yung nagtatalo lamang kayo sa balat ng Deiyo beast na ito." Sabi Izumi.
"Sila na ang bahala diyan. Alis na tayo dito." Sabi ni Steffy at naglakad na paalis.
"Pero tayo yung nakahuli." Angal ni Daerin.
"Saka halos mauubusan na kami ng Mysterian ki para maikulong lang ang Snake dragon na ito tapos iiwan lang natin?" Tanong ni Daerin.
Pinagtulungan kasi nilang atakehin ang tumilapon na snake dragon saka ikinulong sa mga gawa nilang mga kulungan. Tapos iiwan lang nila? Nanghihinayang kasi sila dahil eight thousand years old ang snake dragon na ito na ibig sabihin ay may napakalakas itong magic core. Kaya lang sinabi ni Steffy na iwan na nila na ipinagtataka nila. Ngunit makitang malungkot ang mga mata ni Steffy agad silang sumunod sa sinabi nito. Si Daerin lang itong inilabas ang reklamo.
"Wag kang mag-alala. Ang mga Deiyo beast ay walang mga kaluluwa. Ang mga katawan na meron sila ay mga vessels lamang ng mga enerhiya. Mga vessels lamang silang nilagyan ng mga consciousness kaya kahit mapatay mo man sila ngunit hindi naman nawasak ang magic core nila wala ka paring nagawang kasalanan." Sabi ni Asana sa kanya mapansing nakaramdam ng awa si Steffy sa Serpiyente.
"Hindi ako takot gumawa ng kasalanan." Angal ni Steffy. Hindi naman siya isang santong nilalang dahil kung kasalanan ang pag-uusapan baka hindi na niya mabilang. Ngunit hindi naman din siya kasing sama ng iba na walang pakialam sa mga buhay na pinatay nila.
"Naisip ko lang na sinira ko ang buhay ng nilalang na wala namang kasalanan sa akin. Isang inosenteng buhay na inagawan ko lamang ng kapangyarihan." Sambit niya. Ngunit ng maisip na vessel lamang ang mga Deiyo beast, gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.
"Wag mo na yang isipin. Hindi sila katulad sa mga magic beast at mga Mysterian beast na may tunay na buhay at may sariling pag-iisip." Paliwanag naman muli ni Asana.
"Sandali lang. Saan kayo pupunta?" Tanong ni prince Kairu makitang papaalis na ang grupo ng mga kabataang ito.
"Aalis na." Sagot ni Aya na siyang pinakamalapit sa prinsipe.
Hindi na ulit nagsalita si prince Kairu at sinundan na lamang ng tingin ang papalayong grupo ni Steffy.
Iika-ika namang naglakad palapit sa kanya ang mga sugatang mga kawal at mga kasamahan.
Sama-sama nilang tinanggalan ng magic core ang snake dragon bago sila nagsimula ng maglakbay pauwi.
Kung kanina tinatawag na magnificent parade ang parada nila ngayon naman parang parada na ng mga sugatang mga Mysterian. Samahan pa ng punit-punit nilang mga kasuotan, para na talaga silang mga parada ng mga mahihirap at mga pulubi.
Palabas na sina Steffy sa labas ng Deiyo mountain nang makasalubong nila ang isang grupo ng mga estudyanteng galing sa Saynah Academy. Ang kalabang paaralan ng Sai school.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. May mapagbubuntunan na talaga tayo ng inis natin." Nakangising sabi ng lider nilang 16 years old na estudyanteng lalake.
"May kasama pa silang mga magagandang dilag. Akin yung isa." Sabi naman ng isang lalakeng nasa 18 years old habang tiningnan si Shaira mula ulo hanggang paa.
"Kung galit kayo sa amin wag niyong idamay ang mga kaibigan namin." Sabi ni Kyujin at humakbang pasulong.
"Kami ang harapin niyo hindi ang mga Mysteriang walang kasalanan sa inyo." Sabi naman ni Hasim at humakbang din pasulong.
Masyadong mapagmataas at mapang-api ang mga estudyante ng Saynah Academy. Para kasi sa kanila na sila ang mas nakakataas dahil isa sa mga nag-aaral sa paaralang itinayo ng mismong founder ng Saidore kingdom. At isa ang founder ng Saynah Academy sa kasama ng Arizonian sa pagtuklas ng Mysteria.
"Ibigay niyo na lamang ang mga kasama niyong mga babae kung ayaw niyong mapahamak." Mayabang na sabi ni Daven. Ang lider ng grupong ito.
"Harapin niyo muna kami bago mangyari yun." Cold na sagot ni Haejae. Bahagya namang napaatras sina Daven makita si Haejae ngunit maisip na mas lamang ang bilang nila na nasa tatlumpung nasa 3rd level ng invincible stage, muli na namang tumapang ang kanilang mukha.
Si Haejae ang kinatatakutan nila sa Sai school dahil sa wala itong awa sa sinumang makakakalaban. Kilala rin ito bilang killing machine ng Sai school. Lalo pa't galing ito sa assassin clan ng Saidore.
"Kung gusto niyo ng babae dapat yung kasing panget niyo naman hindi yung magaganda. Hindi nababagay sa inyo." Sabi naman ni Daerin na lalong ikinagalit ng mga Saynah Academy students.
"Ang yabang niyong magsalita a. Wag lang kayong umiyak at magmamakaawa mamaya kung tuturuan namin kayo ng leksyon." Sabi ni Daven at itinaas ang kamay bilang hudyat na atakehin na sina Steffy.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top