Journey to Arciana 32: Pinuno ng mga Pinili

Sa kaharian ng Superia naman, pinagmamasdan ng hari ng Superia ang nasasakupan niyang mga sugatan. Kitang-kita mula sa kanyang kinaroroonan ang nawasak na mga kabahayan at pamayanan dahil sa pag-ulan ng mga malalakas na mga apoy, yelo at mga itim na kapangyarihan mula sa mga portal. Ito na yata ang atakeng hindi man lang nila magawang lumaban ni di nga nila alam kung sino ang umatake o kung sino ang kalaban.

"Kamahalan, tingnan niyo po." Sabi ng isa sa kanyang mga kawal kaya napatingala siya sa langit. Isang imahe ang kanilang nakita. Imahe ng babaeng may ginintuang buhok at halatang bata pa ito.

"Magsilbing leksyon ang mga pangyayaring ito sa inyo. Matuto kayong maging tapat at makatarungan. Oras na matuklasan kong ginagamit niyo na naman ang inyong posisyon at kapangyarihan para i-suppressed ang ibang mga kaharian lalo na sa labas ng Arciana, wawasakin ko na ng tuluyan ang kaharian niyong ito." Banta ng napakagandang babae habang nakatingin sa kanila.

Ang aura ng nilalang na ito ay ibang-iba sa mga aura ng mga Mysterian o Chamnian. Hindi nakakasakal kundi tila ba nagbibigay ng lakas at magandang pakiramdam. Pinapakalma nito ang kanilang pakiramdam at ramdam na ramdam ng hari ang enerhiyang nanggaling sa aura ng babae.

"Ang aurang ito." Sambit ng hari. Matagal na nilang hinahanap ang piniling tahapaghatol. Iyon ay upang kontrolin nila at gamitin para sa pansariling hangarin at ikakalakas pang lalo ng kanilang kaharian. Balak niyang gawing pinakamalakas na kaharian ang Superia at siyang luluhuran ng mga kaharian sa buong Mysteria. Kaya naman, kinukuha nila ang mga piniling Keepers ng mga kapangyarihan ngunit pinapapatay ang mga pinili ng forbidden ability. Iyon ay dahil sa mas malakas at mahirap kontrolin ang mga may forbidden ability kumpara sa iba.

Kapag kasi namatay ang mga piniling keeper mawawalan din ng kapangyarihan ang mga Mysterian na may kapangyarihang katulad sa kapangyarihan ng keeper na iyon. Kagaya na lamang ni Yuna na siyang piniling keeper ng water elemental ability. Kapag namatay si Yuna, mawawalan ng kapangyarihan ang lahat ng may mga water element. Magagamit lang itong muli kapag may magmamana sa pagiging keeper ni Yuna.

Ang mga keeper ang maituturing siyang tagapangalaga sa kapangyarihang kailangan nilang ingatan. Sila din ang tunay na binigyan ng karapatang gumamit sa kapangyarihang inaalagaan nila. Sa ibang salita pa, sa mga Keeper nagmumula ang kapangyarihan ng iba. Kung wala sila wala ring kapangyarihan ang iba.

Ngunit ang kaharap ngayon ng hari ng Superia, hindi isang chosen keeper kundi chosen judge na maituturing na ikalawang panginoon o Diyos ng Mysteria. Ang siyang maghahatol sa sinumang Mysterian na nakagawa ng kasalanan. Ang may karapatang magparusa sa mga nagkasalang Mysterian. At ang may karapatang magbigay o bumawi sa kanilang buhay at kapangyarihan.

Mabilis na napaluhod ang hari ng Superia at pinagpapawisang humingi agad ng tawad.

"Patawad po panginoon."

"Ipangangako ko pong magiging isang makatarungang hari na ako at gagamitin ko ang aking kapangyarihan sa kabutihan." Mabilis nitong sabi.

Hindi nila inaasahan na may Chamnian pang natitira sa lugar na ito. Nang malaman nila na naglahong bigla ang Chamni inaakala nilang hindi na posibleng magpapakita pa ang mga piniling pinuno ng mga piniling keepers. At di na makakalabas pa ang piniling tagapaghatol kahit isilang man ito sa Chamni.

Alam nila na sa Chamni lamang isisilang ang mga piniling tagapaghatol maging ang mga pinuno ng mga chosen ones. Kampante din sila dahil alam nilang hindi magawang manakit ng mga Chamnian ni pumatay dahil sa kanilang pagiging sagradong angkan. At dahil bawal sa kanila ang kumitil ng buhay ng iba. Kaya kahit gaano man kalaki ng mga kasalanan ng mga Mysterian natitiyak nilang hindi naman sila papatayin ng sinumang piniling tagapaghatol sa Mysteria.

Kaya lang, wala ngang namatay sa sinumang mga nasasakupan niya pero hindi ibig sabihin nito na hindi sila nahirapan at nawalan.

Makita ang kanyang pinakamamahal na anak na nadaganan ng natumbang poste at mga kawal na hininga lamang ang meron para na rin silang pinatay. Lalo na marinig ang iyak at mga palahaw ng mga Mysterian sa paligid ng kanyang palasyo, dito niya napagtanto na may mas mabigat pang parusa kaysa sa kamatayan.

"Wag kang mag-alala, bawal kaming pumatay ngunit hindi ibig sabihin nito na bawal kaming manakit. Higit sa lahat, hindi ako katulad sa mga dating Chamnian na natatakot manakit." Sabi ni Steffy na tila ba nababasa ang nasa isip ng hari.

"Dahil hindi parusa ang kamatayan. Dahil kapag namatay kayo nabubuhay naman ulit kayo sa ibang mundo at ibang katauhan. Hindi niyo na mababayaran ang mga kasalanan niyo kaya bakit ko gagawin iyon? Ang swerte niyo naman kung ganon."

"Iyon lang ang gusto kong sabihin. Bumawi kayo sa mga Mysterian at mga kahariang nagawan niyo ng mga kasalanan dahil kung hindi, sa kaharian niyo na naman babagsak ang mga kapangyarihan ng sinumang makakalaban namin sa hinaharap." Sabi ni Steffy.

"Ito pa pala. Pakihanap ng kapatid ko at kuya Ariel ko. Kapag nalaman kong namatay sila at napunta sa mission world gagawin ko talaga kayong mga tao." Dagdag niya pa bago naglaho.

Ang mga guro naman sa Servynx at Wynx ay di na maitikom ang bibig. Nakita din kasi nila ang biglang pagsulpot ni Steffy sa kaharian ng Superia na parang Dyosa na nakatingin sa hari ng Superia.

"Piniling tagapaghatol? Akala ko ba isang Myth lamang ang mga iyan?" Di makapaniwalang sambit ni teacher Yu. Maalala ang pakikitungo niya noon kina Steffy nang dumating sila sa Servynx Academy nasampal niya ang sarili.

"Ang sama-sama ko. Ang sama-sama ko." Sambit niya pa. Hindi niya alam na di lang siya ang nagsisisi sa pakikitungo nila sa grupo ni Steffy.

Alam nila na mga Chamnian lamang ang may kakaibang mga anyo at may hindi pangkaraniwang mga ganda. Hindi ito maikukumpara sa isang tao o sa Mysterian dahil para silang mga Diyos at Diyosa kumpara sa mga Mysterian.

***

"Rainbow gang, saan naman kayo pupunta pagkatapos nito?" Tanong ni Karl na umani ng matatalim na tingin mula sa bratty gang.

"Deity group dapat. Di mo ba pansin na mukha kaming mga Immortal?" Sabi ni Steffy.

"Mukha kaya kayong mga bahaghari." Kontra ni Karl. Naitikom agad ang bibig nang samaan ng tingin. Lalo na makita ang sampung pares ng mga matang  may iba't-ibang kulay na nakatingin sa kanya. Ang gaganda sanang pagmasdan kung isa lang kaso may iba't-ibang kulay. Di niya maiwasang kilabutan.

Napatago siya sa likuran ni Kurt. Ayaw niyang magiging bato, yelo, tubig o abo dahil sa tingin ng mga bratty gang na ito.

"Pupunta kami ng Chamni, baka pupunta din kayo don." Sabi ni Gryn.

Napatingin si Steffy kay Ruffin. Sa pagkakaalam niya prinsipe ito ng Norzian kingdom.

"Isang half-Chamnian si ama at isang Perzellian ang aking ina kaya kailangan kong pumunta sa Chamni para mahanap ang mga magulang ni ama at para mahanap din ang aking ina." Paliwanag ni Ruffin makita ang nagtatanong na tingin ni Steffy.

Napakunot naman ang noo ni Steffy. Hindi kasi niya nararamdaman na may dugong Chamnian si Ruffin.

"Posible bang isa siyang Mystikan?" Naguguluhang tanong niya sa isip.

"Kailangan naming makapasok sa Chamni dahil nandoon ang portal patungo sa Mystika." Sabi naman ni Karl.

"Paano naman ang inyong ina?" Sa pagkakatanda kasi ni Steffy nagpunta sa Akrinian sina Kurt para makuha ang katawan ni Reyna Kisha.

"Kailangan na ni ina ang makabalik sa Mystika kaya kailangan naming makapasok sa Chamni." Paliwanag ni Kurt.

Napayuko naman si Steffy.

"Kahit pupunta pa kayo sa Chamni hindi parin mabubuksan ang portal kung walang mag-aalay ng buhay. Mag-aalay ba kayo ng buhay alang-alang sa kaligtasan ng inyong ina?" Tanong ni Steffy at direktang nakatingin kay Kurt.

Napayuko naman si Kurt. Masyado ng nanghihina ang ina. Kailangan na nitong makabalik sa Mystika upang magamot. Hindi Mysterian ang ina kaya hindi ito magagamot ng isang Mysterian spirit healer. Kung sana natagpuan nila ang bato ng kalikasan na nagbibigay buhay sa kahit sino ng yumao, hindi sana sila mahihirapan ng ganito. Kaso hindi nila alam kung nasaan na ang bato ng kalikasan na itinuturing din nilang bato ng liwanag. Isa na lamang ang kanilang natitirang solusyon. Iyon ay makabalik sa Mystika.

"Maghahanap kami ng ibang paraan." Seryosong sabi ni Kurt.

"May ibang paraan pero hindi ko kayang gawin." Sambit ni Steffy at nilapitan ng muli ang mga kaibigan. May alam siyang paraan ngunit ikakapahamak naman ng iba lalong-lalo na sa kanya.

"Aalis na tayo." Sabi ni Steffy sa mga kaibigan.

Mapansing ang pananamlay ni Steffy sinamaan ng tingin ni Sioji si Kurt bago sila naglaho sa paningin ng mga chosen protectors.

Naikuyom naman ni Kurt ang kamao. Tama si Steffy. May ibang paraan pero hindi rin niya gustong gawin at hindi niya gagawin.

Napatingin siya sa lugar kung saan naglaho sina Steffy.

"Wag mong sabihing isa sa kanila ang susi Aji?" Tanong ni Karl sa kuya niya. Hindi sumagot si Kurt at napayuko lamang ito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top