Journey to Arciana 31: Rainbow Gang

Dahil bigla nalang aatake ang mga kalaban nilang mga kabataan, na di man lang nila nakikita, nakakaramdam na ng takot ang mga Mystikan. Inaakala pa naman nila na napakadali lang ng misyon nila dahil mas mahina sa kanila ang mga naninirahan sa Mysteria pero di nila inaasahan na nakakatakot pala ang mga kalaban nila.

Muli na namang may sampo sa mga Mystikan na bigla na lang nababalot ng purple flame at nalusaw na lamang bigla.

Sa galit ni Jiepe inatake niya ang presensya na nararamdaman. Umiwas si Steffy at sinipa ang lalake ngunit tumilapon din siya palayo habang bumaon naman ng ilang metro sa lupa si Jiepe.

Napaluhod si Steffy sa sakit ng paa.

Sa halip na aatake napangiwi sa sakit sina Kurt at Karl sa kanilang mga paa. Sina Gryn na aatake na din sana ay nalaglag sa pababa dahil sa biglang pagsakit ng binti.

"May nasaktang pinuno ng mga pinili. " Sambit ni Luem.

Dahil sa panghihina, inilabas ni Steffy ang napanalunan nilang magic core ng Deiyo beast kanina at kinuha ang kapangyarihan na nakapaloob dito.

Ang mga nanghihinang sina Zync at iba pa, bigla na lamang nakaramdam ng kakaibang lakas.

At nang makipaglaban sila sa mga Mystikan kaya na nilang maka-survive kahit sa limang atake ngunit sa ikaanim na atake tumilapon na sila at nawalan ng mga lakas na tumayo.

Muli namang may nabawas sa mga kalaban kaya lang wala ng lakas pa ang bratty gang para lumaban.

Pagkatapos kunin ni Steffy ang kapangyarihan ng Deiyo beast saka siya nagpakita kay Jiepe.

Ang dating nanghihinang Bratty gang ay muling nagkaroon ng lakas. Saka sila muling lumabas at harap-harapan ng nakipaglaban.

Ito na yata ang pinaka madayang labanan na naranasan ni Jiepe sa buong buhay niya dahil kapag naaagrabiyado ang Bratty gang bigla silang maglalaho tapos babalik kapag magkakaroon na ulit ng lakas.

Hanggang sa matuklasan nilang nasasaktan din ang mga kabataang ito kapag nasaktan si Steffy kaya naman naisipan nilang atakehin si Steffy nang bigla na lamang silang nakaramdam ng panghihina.

"Anong nangyayari sa akin?" Naguguluhang tanong ni Jiepe makitang umaalis sa katawan niya ang kanyang kapangyarihan.

Nanlaki ang mga mata niya makitang patungo ang mga enerhiya nila sa katawan ni Steffy.

"Hindi. Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit ikaw ang piniling pinuno ng lugar na ito?" Sambit ni Jiepe at pinilit mag-teleport palayo sa lugar na ito. Ayaw niyang mamamatay sa lugar na ito. Ayaw niyang makulong dito hanggang kailanpaman.

Kaya lang, natumba na siya at nawalan ng malay.

Napatingin si Steffy sa mga kamay.

"Oras na para bumalik sa Chamni." Sambit niya at napangiti.

***

"Steffy. Bakit parang mas gumanda ka yata?" Sambit ni Aya habang nakatingala sa kaibigan at makikitaan ng paghanga ang mga mata.

"Yung mga mata mo hindi na kulay pula, kundi kulay ginto na." Dagdag niya pa.

Hindi na sumagot si Steffy at naglakad na ito sa gawi nina Kurt at Karl na nanghihina parin hanggang ngayon dahil sa pakikipaglaban nila kanina.

"Bakit nandito parin kayo?" Tanong ni Steffy sa magkapatid.

"Namimiss ka ni Aji-hmmmp." Tinakpan na ni Kurt ang bibig ng kapatid.

"Wag mong pansinin ang sinsabi ng lokong ito. Nakita lang namin na may mga kalaban kaya nandito din kami." Paliwanag ni Kurt at sinamaan ng tingin ang kapatid.

Pumagilid na lamang si Karl at itinikom na ang bibig bago alisin ni Kurt ang palad sa bibig niya.

"Bakit ba kung nasaan kami nandon din kayo? Sinusundan niyo kami ano?" Nagdududang tanong ni Rujin.

"O baka naman..." Sagot din ni Hyper na may nanunuksong mga ngiti, sabay lapit sa mukha niya kina Kurt at Karl. "nabihag na kayo sa kagandahan namin."

"Eww... Di ako pumapatol sa bakla." Sagot ni Karl. "Saka ayaw kong maging kagrupo ng malabahagharing grupo no." Sagot ni Karl na tila nandidiri.

Nagkatinginan naman ang mga bratty gang at isa-isang tiningnan ang mga kasama.

Kulay scarlet ang buhok at mga mata ni Aya, kulay emerald naman ang buhok ni Izumi at mga mata. Kulay ocean blue naman ang buhok at mga mata ni Asana, kulay silver ang buhok at mga mata ni Sioji, kulay ginto naman ang buhok at mga mata ni Steffy. Kulay hazelnut brown naman ang buhok at mga mata ngayon ni Arken. Itim naman ang mga buhok nina Rujin, Geonei at Hyper.

Tumango-tango naman si Steffy. "Ang panget nga talaga ng combinations ng mga kulay ng mga buhok natin. Violet at orange na lamang ang kulang bahaghari na talaga."

Tinuro ang mga buhok nina Hyper at Geonei. Nagiging violet ang buhok ni Hyper at orange naman ang nagiging kulay sa buhok ni Geonei.

"Pwede na. Pwede ng magiging colorful deity or colorful immortals." Nakangiting sambit ni Steffy sabay hanap ng camera sa loob ng space ring saka inabot sa naguguluhang si Kurt.

"Kunan mo kami ng larawan." Utos niya at bumalik na sa pwesto ng mga kaibigan.

"Picture tayo dali." Sabi niya pa sa mga kaibigan halatang nasasabik na.

Mabilis namang naghanap ng magandang posisyon ang mga kaibigan niya na parang hindi galing sa matinding labanan kanina.

"Bahaghari nga. Pero ang gaganda." Manghang sambit ni Zync at lumipad palapit sa kinaroroonan nina Kurt.

Si Kurt naman napapangiwi habang pinagmasdan ang mga wacky pose ng mga bratty gang. May magaganda sanang mga mukha kaso kapag pinag-isa sila, nagiging malabahaghari nga. Samahan pa ng photo bomber niyang kapatid, na halos matakpan na minsan ng mukha ni Karl ang camera, gusto talaga niyang batuhin ang kapatid.

Pagkatapos ng ilang picture taking, excited na tiningnan nina Aya at Shaira ang camera ngunit sumama ang mga mukha makita ang mga larawan nilang kundi putol ang mga ulo di naman nakuha ang mga paa. Ang iba, hindi rin makikita ang kanilang mga buhok. Samahan pa ng mukha ni Karl na palaging nakisingit.

"Patingin! Patingin. Gwapo ba ako?" Tanong ni Hyper at sumilip kaso sumama din ang mukha makitang kundi putol ang ulo niya sa pic, blurred naman ang mukha niya. Madilim ang mukha niyang nakatingin kay Kurt.

Kibit-balikat lang din ang sagot ng lalake.

"Ito hindi na malabo saka kumpleto tayo." Sabi ni Aya kaso sumama ulit ang tingin dahil si Steffy lang ang may magandang kuha na halatang sa kanya lang nakapokus ang camera.

Makitang inunat-unat nina Aya at Shaira ang mga kamay at pinapatunog pa ang mga daliri, tumakbo na palayo sina Karl at Kurt.

"Huy! Bumalik kayo dito." Sigaw ni Aya at hinabol ang dalawa.

Natawa na lang sina Steffy makitang nagkakandarapa sa pagtakbo ang magkapatid.

"Bahala sila diyan. Selfie ulit tayo." Sabi ni Asana.

"Ako na ang kukuha ng larawam niyo." Presinta ni Luem na kanina pa pala nakalapit.

"Ako na kasi." Sabi ni Zync at naglabas ng sariling camera.

Nagsibalikan naman agad sina Shaira at Aya makitang kinukuhanan na naman ng mga larawan sina Steffy. Hinihingal namang napaupo sina Kurt at Karl at napasandal pa sa isang tipak na bato.

"Akala ko pa naman na si Steffy lang ang nakakatakot sa kanila. Si Steffy lang pala ang gentle at mabait." Hinihingal na sambit ni Kurt. Kung wala lang siyang superspeed baka nabugbog na siya ng dalawang brutal na mga kaibigan ni Steffy.

Mag-anyo namang nasusuka si Karl.

"Gentle? Bulag ka ba?" Sagot ni Karl maalala ang mga binugbog ni Steffy pagkatapos gagamutin tapos bubugbugin ulit, di talaga niya maintindihan kung saan banda ang sinasabi ng kapatid niya na gentle na ugali umano ni Steffy.

Makitang nakisali na sa pagkuha ng larawan ang mga kaibigan, nakisali na rin siya. Hinila si Kurt para makasama sa picture taking.

Pagakatapos makakuha ng mga larawan napatingin si Steffy sa mga Arcianian na nakatayo parin sa gilid ng mga nakaharang na mga ugat ng halaman.

Nilapitan ni Steffy ang naglalakihang mga ugat, at unti-unti itong lumiit hanggang sa magiging maliit na halaman na lamang at kasing haba lamang kanyang palad. May limang dahon ang maliit na halaman na tila ba nakatingala kay Steffy.

"Good job." Sambit ni Steffy at hinimas ang tumutubong dahon ng halaman bago ito ibinalik sa loob ng space.

"Ano ba? Layo. Layo, huy." Iniiwas ngayon ni Rujin ang mukha sa isang bulaklak na lumalapit sa pisngi niya. Parang gusto siya nitong halikan.

"Kapag di ka titigil susunugin kita." Banta niya.

"Wala kang apoy na kapangyarihan." Sagot ng matinis na boses.

Saka naalala ni Rujin na hindi nga pala apoy ang kapangyarihan niya. "Susunugin kita gamit ang kuryente ko." Sagot ni Rujin. Napayuko naman ang bulaklak na parang batang pinagalitan.

"Alisin mo na nga ito." Sabi niya kay Steffy.

Kinuha ni Steffy ang bulaklak at muli ng ipinasok sa loob ng kanyang space.

"Para kiss lang e. Ang damot-damot mo na." Sabi niya kay Rujin.

"Kadiri ka. Kung gusto mo ikaw nalang magpahalik sa dambuhalang bulaklak na iyon." Sagot ni Rujin.

Napatingala si Steffy sa mga nagliliparang mga paruparo. "Bumalik na kayo." Sabi niya sa mga ito. Ilang sandali pa'y naglaho na silang bigla.

"Master, tingnan mo itong nakuha ko." Sabi ni Jewel na may kagat-kagat na kulay puting pulseras. Isa itong spatial item na pinagmamay-ari ng hari ng Superia.

Napangiti si Steffy makita ang dami na namang mga magic weapons at mga treasures na pinagmamay-ari ng mga Akrinian, Superian at Diagonian na dumalo sa competition ang nasa mga kamay niya ngayon.

"Ang galing niyo. Dami na naman nating naaani." Masiglang sambit niya. Ang mga magic beast kasi nila ang nagiging tagahanap ng mga treasures mula sa mga katawan ng mga Arcianian.

Napapikit na lamang si Elder Dase. Ang mga naipon niyang treasures sa loob ng tatlong daang taon niyang pakikipagsapalaran sa Mysteria kinuha lamang ng mga munting agila ng kalaban. Wala man lang siyang nagawa para lumaban. Higit sa lahat, nagiging isang ordinaryong Mysterian na lamang siya. Walang kapangyarihan na katulad na lamang sa mga tao.

"Mga bandido ang mga batang ito. Higit pa sa bandido." Naiiyak niyang sambit.

Nagpasalamat naman ang hari ng Akrinian na nakatakas siya mula sa mga kamay ng bratty gang ngunit maalala ang mga sandata at mga mamahaling mga bato sa loob ng space ring niya na kinuha ni Gellian gusto na talaga niyang magngawa.

Sila na mahilig magnakaw at mang-agaw ng mga kapangyarihan at abilidad ng iba, ninakawan din ng mga batang hindi man lang nakakalahati sa edad nila?

"Kamahalan. Nawasak na po ang buong Akrinian kingdom." Pagbabalita ng isa sa mga nakaligtas niyang kawal. Tuluyan ng napaluhod si haring Akilus dahil sa narinig.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top