Journey to Arciana 29: The real battle
"Manipulator, controller, at summoner! Sino ba sila at bakit nasa kanila na ang lahat ng mga kakayahan na para lamang sa mga pinili?" Tanong ng hari ng Akrinian.
Nakatingin naman ang naka-cloak sa stage na may nag-aapoy na mga mata.
"Hindi sila pinili. Sila ang pinuno ng mga pinili." Sambit niya na halos hindi na magawang pakalmahin ang sarili.
"Bakit buhay pa rin ang mga kabataang ito?" Dagdag niya pa na halos bumaon na ang mga kuko sa kanyang palad dahil sa higpit ng pagkuyom ng kanyang kamao.
Pinag-isa nina Aya, Asana, Rujin, Izumi at Arken ang kanilang kapangyarihang apoy, hangin, kidlat, tubig at dark energy saka tinapon sa mga Akrinian na ikinatangay nila pababa sa stage. Hindi man lang nakaiwas ang mga Akrinian dahil sa bilis ng pag-atake ng mga batang ito.
Hindi sumali sina Steffy at Sioji dahil alam nilang may makakalaban pa silang iba bukod sa mga nasa stage.
"Kailangan kunwari nawalan kayo ng malay." Utos ni Steffy.
"Pero madumi yung sahig." Angal ni Rujin. Sinamaan siya ng tingin kaya naghanap siya ng mahihigaan at pasuray-suray na naglakad sa isang sulok.
Napangiwi sina Steffy at Sioji makitang naglagay pa ng bedsheet sa sahig si Rujin at saka nagkunwaring mahimatay.
Manonood: "..."
Dumilim namang lalo ang mukha ng iilan sa mga nakasaksi dahil sa ginawa ni Rujin.
"Magpapanggap ka na nga lang nahihimatay, sagarin mo na lang hindi iyong halatang nagpapanggap ka lang." Napapangiwing sambit ng isang Akrinian.
Namili naman ng medyo malinis na lugar si Arken na matutumbahan umano, samantalang si Aya ginawang higaan si Rujin kaya nagreklamo ang kasama sa isip. "Aya naman, madudumihan ako." Angal nito.
Sumandal naman si Asana sa likuran ni Izumi na kunwari hinang-hina na rin sila. Pero gustong-gusto talaga nilang tumayo at batuin ang mga kaibigan nilang nagkunwari na ngang mahihimatay halatang-halata namang nagpapanggap lang.
Hyper: Nanghihina ba sila o naghahanda ng matulog?
Geonei: Ayokong manood. Ayokong panoorin ang mga nakakahiyang mga kaibigan na ito.
Hari ng Akrinian: Huy! Magsibangon kayo? Bakit kayo nakahiga diyan? Kung talagang nanghihina kayo bakit may bedsheet pa? Di ba dapat bumagsak na kayo kahit sa maruming sahig?
Gusto talaga niyang sigawan ang mga walangyang kabataang ito.
"Saidore win." Pag-aanunsyo ng emcee na napapangiwi na rin makita ang mga kabataang nagkunwaring nanghihina.
Napatalon naman sa tuwa sina Daerin at iba pa. Ang lahat ng mga galing sa Saidore ay napasigaw din sa tuwa. Pero hindi ang tatlong magkakaibigan na sina Kairu, Hairu at Dioseyn dahil alam nilang ito na ang simula. Ang simula ng totoong laban.
"Sabi ko magkunwari kayong nanghihina para iisipin nilang mahihina na tayo at wala ng laban." Sermon ni Steffy sa mga kaibigan.
Usapan na nila na magkunwaring nanghihina ang mga kaibigan pagkatapos gumamit ng mga kapangyarihan nila para lokohin ang mga kalaban at di nila gagamitin ang tunay nilang lakas sa kanila. Saka naman sila biglang aatake kapag hindi nakapaghanda ang mga kalabang gustong pumatay sa kanila. Kaya lang, hindi marunong magpanggap ang mga kaibigan niyang ito at inuna talaga ang mga kaartehan. Napabuntong-hininga na lamang si Steffy.
Bumaba na sa stage si Elder Sander. Ang isa sa elder ng Arcianian councils. Siya ngayon ang magbibigay sa premyo ng nanalo.
Isang twenty thousand years old Deiyo beast core na may Mystic level na kapangyarihan. Ang sinumang makakakuha sa core nito ay walang pag-aalinlangang magiging Mystic level agad, iyon ay kung makakaya niya ang lakas ng enerhiyang nakapaloob sa magic core ng isang twenty thousand years old deiyo beast.
Ang isa ay ang mapa ng naglaho ng central kingdom. Ang sino mang makakakuha sa mapang ito ay magiging bagong hari o reyna at siyang magmamay-ari sa central area ng Arciana.
Isang kahon ang huling pabuya na may lamang batong kulay pula. Ang batong ito ang susi papasok sa Haru Island kung saan nakakulong ang mga nawawalang mga Mysterian.
Nakatuon ang tingin ng lahat kay Steffy dahil siya ang kumuha sa lahat ng mga premyo. Kaya siya ngayon ang target nilang atakehin pag magsialisan na ang lahat para muli ng maglakbay pauwi.
Nagsilabasan na sina Daerin kasama ang iba pa, ayun sa desisyon nina Ashler at Hairu. Hindi nila nilapitan sina Steffy upang batiin.
"Bakit tayo biglang lumabas?" Tanong ni Haejae.
Napatingin naman sila sa gate ng arena at nakitang nakasara na ito. Kasunod non ang paglindol ng lupa at ilang mga pagsabog ang naririnig nila sa paligid.
Noong nakaraang battle competition, inatake sina Ashler at ang mga kasamahan niya habang bumibiyahe sila pauwi. Marami sa mga kasamahan ni Ashler ang namatay pagkatapos ng competition. Pero iba na ngayon, dahil sa battle arena na mismo nangyayari ang labanan.
"Napapaligiran na tayo." Sambit ni Dioseyn makita ang mga Diagonian na inaatake na ngayon ang mga kawal na nagbabantay sa paligid ng battle arena.
Sa loob ng battle arena naman, galit na galit ang mga miyembro ng council ng Arcianian battle competition. Hindi nila inaakala na hindi na rerespetuhin ng mga kahariang ito ang konseho ng Central area.
Umatake agad ang mga Diagonian dahil alam nilang may kakayahang mag-teleport sina Steffy at ang iba pa. At kapag makakaalis pa sina Steffy sa battle arena, baka wala na silang pag-asa pang maagaw ang mga yamang hawak ng Bratty gang kaya naman sinamantala na nila ang pagkakataong nandito pa sa battle arena ang grupo ni Steffy at iba pa.
Nang umatake ang mga Diagonian, umatake na rin ang mga Akrinian at nakisali na rin ang mga Superian. Pinag-aagawan nila ang sampung mga kabataang nakatayo parin sa stage.
Nahati naman ang mga Arcianian elders na may mga kinakampihang mga kaharian. Ang mga neutral, nakatayo lamang habang iniiwasan ang mga kapangyarihang naliligaw sa kinaroroonan nila.
"Mga bata. Umalis na kayo dito." Utos ni Elder Sander na siyang nagpatatag sa harang sa stage para hindi mapasok ng mga Mysterian na nagnanais maagaw ang hawak ni Steffy.
Naglakad palapit si Steffy sa matanda at inabutan ng teleportation stone.
"Para saan ito?" Nagtatakang tanong ng Elder.
"Pansin ko po kasi na may mabuti kayong kalooban kaya naman umalis na po kayo dito para hindi kayo mapahamak." Paliwanag ni Steffy.
"Pero tungkulin kong pangalagaan ang lugar na ito." Sagot ni Sander.
Malapit ng mabasag ang harang na likha niya at halata sa mukha niyang nahihirapan na siya.
"Hindi na magagamit ang lugar na ito dahil mawawasak na anumang oras." Seryosong sagot ni Steffy.
Ilang sandali pa'y nabasag na ang harang at napaatras ng ilang hakbang si Sander.
"Ibigay mo na ang susi para hindi ko na kayo papahirapan pa at bibigyan ko kayo ng mabilisang kamatayan." Sabi ng lalaking may pulang mga mata at may pakpak na kulay pula. Siya ang naka-cloak na lalaking nagmamasid sa mga naglalaban kanina sa stage.
"Isa kang Elder ng Arcianian council pero bakit isa ka rin sa mga lumalabag sa batas ng Arciana?" Di makapaniwalang tanong ni Sander.
Tumawa naman ng mapakla ang lalaki.
"Matagal ko ng hinintay ang araw na ito. Kung hindi lang ginulo ng mga kabataang ito ang plano ko, hindi sana ako mapipilitang umatake ng ganito." Sagot ni Pihu.
Siya ang mastermind sa alitan ng mga Hanaru at Wynx Empire. Siya din ang may pakana kung bakit pinapapatay ng mga Mysterian ang sinumang may hawak sa destruction swords.
Isa siyang Mystikan na inilaglag sa mundong ito dahil sa mga kasalanang nagawa mula sa kanilang mundo. At dala niya ang sumpa na hindi siya maaaring makakabalik sa mundong pinagmulan niya hanggang sa hindi namamatay ang lahat ng mga pinili sa mundong ito.
Kaya lang, kadalasan sa mga pinili ay nagmumula sa kontinente ng Chamni at pinoprotektahan din ng mga Chamnian ang mga piniling mga kabataan. Isa lamang ang solusyon para mawala sa proteksyon ng mga makapangyarihang Chamnian ang mga pinili, iyon ay papag-awayin ang mga Mysterian at Chamnian. At ihiwalay ang mga Chamnian sa mga Mysterian.
Guluhin ang Chamni para mailabas nila ang mga pinili na nasa kanilang kontinente saka hahanapin at patayin sa labas ng Chamni.
Ilang libong taon na siyang nakakulong sa Mysteria at hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa mga pamilyang naiwan niya sa Mystika. Paano na ang pangarap niyang paghihiganti kung hindi siya makakabalik?
Siya rin ang nagpakana para gumawa ng mga fake na mga pinili para hindi mahahanap ng mga makapangyarihang Mysterian ang mga tunay na pinili.
Isa sa mga piniling nakatakas mula sa mga kamay niya ay ang prinsesa ng Central Kingdom ng Arciana. Winasak niya ang buong kaharian sa galit na hindi natagpuan ang ikatlong pinili. Nakawala rin sa mga kamay niya ang unang pinili dahil sa tulong ng hari at reyna ng Saynah kingdom na nagiging sanhi pa ng ilang taon niyang pagpapagaling sa sugat na natamo mula sa mag-asawa.
At ngayon naman, nasa tapat na niya ang pinuno sa lahat ng mga pinili at ang piniling siyang maghuhusga at mamahala ng Mysteria na di niya alam kung paanong nagsama-sama na ang pwersang kinatatakutan niya. Kaya paano siya kumalma? Ang mga kabataang ito ang future leaders ng Mysteria at kung hahayaan niyang mas lumakas pa sila, paano na ang pag-asa niyang makakabalik sa Mystika?
Kaya papatayin na niya ang mga kabataang ito bago pa man mas lumakas.
Napaluhod si Sander dahil sa pwersang bumalot sa katawan niya na tila ba may napakabigat na bagay ang bumagsak sa kanya?
Ilang sandali pa'y may enerhiyang bumalot sa kanya at pumigil sa pwersang balak atakehin siya. Napalingon siya sa pinanggalingan ng enerhiya at nakitang galing ito kay Steffy.
Napatda siya sa kinatatayuan makita ang pagbabago ng mga aura ng sampung mga kabataang ito.
Nagbago ang mga kulay ng mga mata nila. Kahit ang mga balat ay halos kuminang na sa kinis at kaputian. Nakalutang ang mga ito sa hangin at may mga pakpak sa likuran.
"Chamnian!" Halos mapaluhod na si Sander sa natuklasan.
Kulay ginto na ngayon ang buhok ni Steffy ngunit kulay scarlet ang mga mata. May ginto na may halong puti at scarlet na liwanag ang aurang lumabas mula sa katawan niya.
Lumabas mula sa palad ni Steffy ang destruction swords na para sana sa piniling tagapagwakas.
"Patay na ang piniling tagapagwakas bakit hawak mo parin ang espada niya?" Di makapaniwalang tanong ni Pihu.
Napatigil sa paglalaban ang apat na grupo maramdaman ang aura ng isang Chamnian.
Nakita rin nila kung paano nagiging kulay emerald ang mga mata ni Izumi at ang light emerald green na aurang lumalabas sa katawan ng dalaga. Aura ito ng mga Vergellian na kumukuha ng lakas sa mga living beings. Hangga't may mga buhay sa paligid hindi sila makakaramdam ng pagod, panghihina o gutom. At kung mamamatay ang piniling tagapangalaga ng kapangyarihan ng Vergellian clan mamamatay din lahat ng mga halaman sa kapaligiran. Dahil sila ang maituturing na tagapangalaga ng kalikasan sa Mysteria.
Napatingin sila sa aura ni Arken na puti at itim na liwanag. Isang aura ng piniling guardian ng liwanag at guardian ng dilim. Na mamamana lamang ng isang Mysterian na may inang light guardian at amang dark guardian. At base sa lakas ng aura niya posibleng isa siya sa piniling magiging pinuno ng mga guardians.
Ang malakas na purple aura ni Sioji nagsasabi sa kanila na siya ang piniling pinuno ng mga protectors. At kung may malakas mang protector sa lugar na ito tiyak na mapapaluhod ng wala sa oras ang sinumang matatamaan ng aura niya. Ang kamatayan ng piniling pinuno ng mga protectors ay ang siyang magiging dahilan na mawawalan ng lakas at kapangyarihan ang mga piniling protector ng Mysteria.
Ang buhay ng sampung mga kabataang ito ay kaakibat ng buhay ng Mysteria. At ang kamatayan nila ay ang katapusan ng buong Mysteria. Sila ang mga kabataan na dapat protektahan at pangalagaan ng mga Mysterian kung gusto nilang hindi mawawasak ang kanilang mundo.
Sa isang bahagi naman ng Mysteria, hindi makapaniwala ang isang grupo habang pinapanood ang mga kaganapan sa Arcianian battle arena.
"Sila pala. Sila pala ang pinuno ng mga pinili at siyang dapat nating pinrotektahan." Sambit ni Luim habang pinapanood ang isang eksena sa transparent screen.
"Tingnan niyo ang ganda ni Izumi. Ang cool niya." Sambit naman ni Zync.
"Wala ba kayong napapansin?" Tanong ni Gryn.
"Na ang gaganda nila?" Nag-aalinlangan na tanong ni Ruffin.
"Bakit physical na anyo lang nila ang napansin niyo? Di niyo ba napansin na nasa maling lugar tayo? Sila ang mga hinahanap natin at dapat protektahan e anong ginagawa natin sa lugar na ito?" Sagot ni Gryn sa tatlong mga kasama.
Nasa isang lugar sila ngayon kung saan makikita ang isang kakaibang harang na nasa ibabaw ng tubig sa dagat ng Mysteria.
Minsan puro tubig lamang ang nakikita nila, minsan naman may makikita silang lugar na nababalot ng transparent na harang. Hindi nila alam kung anong lugar ito pero binabantayan nila at hinihintay ang pagdating ng iba pa nilang mga kasama.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top