Journey to Arciana 28: Mystic level Akrinian vs. Bratty gang

Itinaas ng hari ng Akrinian ang kanyang kamay at umakyat naman sa stage ang sampo pa niyang mga representatives.

Napatingin sina Steffy sa babaeng lider ng ikalawang grupo. Ito yung babaeng nakatagpo nila sa Celeptris noon at pinanggalingan din ng pulseras na kayang lumikha ng portal.

"Makakaganti na rin ako sa inyo." Sabi ni Bella nang makita sina Steffy. Dahil sa nangyari sa Celeptris noon sinikap niyang maabot ang Mystic level sa maikling panahon. Bumili sila ng mga mystic fruit at gumamit ng iba't-ibang paraan para makakuha ng mas mabilisang lakas. Tiniis niya ang sakit na dulot ng sapilitang pagpapalakas at ilang ulit pang muntik ng mamamatay dahil dito. Pero nagtagumpay rin siya sa huli.

Ngayong nasa Mystic level na rin siya katulad sa mga kasamahan niyang nagtagumpay sa sa mabilisang pagpapalakas. Marami kasi ang mga namatay sa kanila dahil hindi kinaya ang enerhiyang inaabsorb ng kanilang mga katawan ang ang sampung ito lamang ang nagtagumpay. Sila ang maituturing na pinakamalakas na alas ng hari para sa kompetisyon na ito.

Ginawa ang kompetisyon na ito hindi para malaman kung sino ang malakas na kaharian kundi para mabawasan ang alinman sa mga kahariang may kakaibang mga lakas at para mabawasan ang mga kabataang may malalakas na kapangyarihan. Ito ang katotohanan sa likod ng laro na di alam ng mga Arcianian maliban sa mga sinaunang Arcianian na bumuo sa kompetisyon na ito.

"Mga Mystic level sila." Sambit ni Kairu. Ngayon lang nila natitiyak na marami pala sa mga Akrinian ang nasa Mystic level. Ang ipinagtataka nila kung bakit may mga Mystic level na sa mga kabataang Akrinian sa kabila ng murang edad nila?

Hindi nila alam na maraming mga buhay ang naisakripisyo para lamang marating ng sampong Mystic level na mga Akrinian na ito. Ilang Syanra level Mysterian ang pinatay nila para maagaw ang mga kapangyarihan nila at ilang mga magic beast at Deiyo beast din ang nabiktima nila.

Umatake na rin ang mga Akrinian  at pinaligiran ang sampung bratty gang.

Inapak ng isang Akrinian ang isang paa na lumikha ng malakas na lindol at ikinabitak ng stage at lumikha ng butas sa mga sahig na inaapakan nina Steffy.

Ngunit hindi nahulog sa bitak ng lupa ang sampung Bratty gang saka nila napansing nakalutang pala sila sa hangin.

Ikinumpas ni Aya ang latigo at humaba ang latigo patungo sa mga Akrinian. Mabilis naman silang nakaiwas. Ang pinagtataka nila dahil tila ba may sariling pag-iisip ang latigo na hinahabol kung saan sila pupunta.

Napaatras si Aya nang maputol ang kanyang laso sa isang kumpas lang ng kamay ng isa sa Mystic level na Akrinian.

"Steffy ang lakas nila." Sambit niya.

Iniisip ng lahat na makaramdam na ng takot ang mga kabataang ito lalo na ng mapaatras din sina Rujin at Geonei nang magpakawala ng mga kapangyarihan ang dalawa pang Mystic level Akrinian.

Nagkatinginan ang bratty gang mapansing mas malakas nga ang mga kalaban nilang ito.

Umikot si Asana at may umiikot na hangin ang lumitaw sa inaapakan niya at umangat paitaas ang kanyang katawan.

Umikot din si Izumi at may tubig na umikot-ikot sa katawan niya. Umangat naman si Aya sa hangin habang nababalot ng kulay scarlet na apoy ang katawan niya. Nabalot naman ng kidlat ang katawan ni Rujin. Nabalot naman ng itim at puting liwanag ang katawan ni Arken, habang lumabas naman ang purple aura ni Sioji.

Naglaho naman si Shaira ngunit ilang sandali pa'y lumitaw ulit sa tapat ni Steffy.

"Hindi ko kayang kontrolin ang anino nila." Sambit niya. Tumango naman si Steffy.

Gumawa naman ng magic formation si Geonei.

"Kapag natatalo kayo balik kayo dito. Walang makakapasok sa harang na likha ng formation kong ito kung di ko ginusto." Sabi ni Geonei.

Nagpakawala ng isang death energy ang ikalawang Mystic level na Akrinian at unti-unti itong bumalot sa buong stage.

Nagpakawala naman si Izumi ng light energy.

"Isa ka lamang Invincible level anong laban mo sa mystic level na death energy ko?" Sabi nito at ilang sandali pa'y muntik ng malaglag si Izumi sa bitak na stage. Agad naman siyang napigilan ni Rujin.

Sinalubong naman ni Arken ng light energy ang death energy ng kalaban. Nagawa niyang talunin ang death energy ngunit nakaramdam din siya ng panghihina.

May mga hangin na singlaki ng sinulid naman ang patungo sa kanila na ang matatamaan ng hangin na ito ay mapuputol at agad na sinalubong ng kapangyarihang hangin ni Asana. Makitang ilan lamang sa mga ito ang napigilan ni Asana gumawa na ng water barrier si Izumi kaya lang dumiretso parin ang matulis na hangin ng kalaban nilang ito.

Bago pa man tumama sa Bratty gang ang matulis na hangin na ito tumilapon na pababa ng stage ang may gawa ng wind blades.

"Ops! Sorry. Nadulas ang kamay ko." Sabi ni Steffy na nakataas pa ang kamay.

"Paanong nalaglag si Nair?" Gulat na tanong ni Bella at napatingin sa kaibigan na wala ng malay na nakahiga sa ibaba ng stage. Napatingin sila kay Steffy. Kibit-balikat lang ang ibinigay nito sa kanila saka kumagat sa hawak na Mystic fruit.

"Patayin sila!" Utos ni Bella.

Umangat ang mga matutulis na mga bitak na parte ng sahig at lumipad patungo kina Steffy ngunit nagiging powder ang mga ito pagkalapit sa gawi nila.

Bigla na lamang naikulong sina Steffy sa isang swords energy formation. Mga libo-libong enerhiya na nasa anyong espada ang pumalibot sa paligid ng bratty gang na tila ipoipong umiikot sa kanilang paligid.

"Tingnan natin kung makakalabas pa ba kayo." Sambit ng ikatlong Akrinian. Ngunit napaungol nang atakehin siyang bigla ng katabi niya.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong nito at ginantihan ang kasama.

Kung kanina ay nakangiti na ang hari ng mga Akrinian ngayon naman naikuyom ulit ang kamao makitang nakikipaglaban ang mga Syanra level na mga Akrinian sa mga Mystic level Akrinian.

"Manipulator at controller." Sambit niya at napatingin sa mga kabataang nasa ibabaw na ng swords energy formation.

"Steffy wala kaming laban kapag patas na labanan. Kaya payagan mo na kami." Pakiusap ni Hyper.

"Tinatamad na rin ako. Sige tapusin na natin to." Sagot ni Steffy.

Bigla na lamang naglaho ang mga kasuotan ng dalawampung mga Akrinian at ilang sandali pa'y may mga maliliit na ipis at mga mga daga samahan pa ng mga bubuyog ang bigla na lamang nagsisulputan sa stage.

Agad na sinunog ng mga Akrinian ang mga kulisap na ito nang bigla na lamang silang nabalot ng pulot ng pukyutan kasunod ng pagsilaglagan ng mga langgam sa kanilang mga kawatan na may kasama pang mga lamok.

Nang maglaho na ang mga insekto umulan naman ng maruming tubig na may kasama pang maitim na putik.

"Pasensya na ha. Galing yan sa death forest ng Naicron mountain. Dinumihan niyo ang mga ilog sa lugar na iyon kaya naman pinaligo ko lang sa inyo." Nakangiting sambit ni Steffy.

May mga portal naman ang sumulpot sa mga maruruming ilog ng death forest at pumasok ang mga tubig nito sa portal at bumagsak sa mga Akrinian na nasa stage.

Saka naman pinainit ni Aya ang paligid at sinamahan na din ni Rujin ng kuryente. Hindi man gaanong maapektuhan ng kapangyarihan nila ang mga Akrinian na ito ngunit masama parin ang epekto ng kapangyarihan nila sa katawan ng mga Akrinian na ngayon ay nababalot na ng maruming tubig.

Nagpakawala si Bella ng mga fireballs sa paghahangad na patayin ang mga kabataang ito sa kahihiyang sinapit nila ngunit pumasok ang mga fireballs nila sa mga portal. At kitang-kita sa mga portal ang mga eksenang natamaan ng mga fireballs.

"Ang kaharian ng Superia." Sigaw ng Elder ng superia na halos mapatalon pa sa kanya inuupuan.

Nagpakawala ng mga kapangyarihan nila ang iba pang mga Mystic level na Akrinian at halos lahat ng mga tira nila nilalamon ng mga portal at napupunta sa ibang lugar ang mga kapangyarihan nila.

Sa Superia naman hindi na alam ng mga mamamayan kung saan tatakbo dahil bigla na lamang umulan ng mga apoy, death energy, mga espadang nababalot ng Mysterian ki at iba pang mga kapangyarihan na bigla na lamang susulpot sa himapapawid at babagsak.

Agad na gumawa ng malakas na harang si Haring Ken para hindi gaanong maapekhan ang kanilang palasyo sa mga umulan na mga apoy at iba pang mga kapangyarihan mula sa himpapawid.

"Kamahalan, masyadong malakas ang may gawa sa atakeng ito. Tila mga Mystic level." Pagbabalita ng kawal.

Napaatras ang hari. Mga Mystic level! Level na kinatatakutan ng lahat at pinapangarap na marating.

"Anong nangyari at bigla tayong inatake ng mga Mystic level?" Tanong niya at tinwag ang lahat ng mga pinakamagaling na mandirigma ng Superia.

Wala siyang kaalam-alam na isa lang ang kaharian niya sa napagtripan ng grupo ng mga kabataang nakikipaglaban ngayon sa mga Mystic level na mga Akrinian.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top