Journey to Arciana 27: Final competition 2

Sampung bratty gang laban sa sampung Akrinian.

Pinatugtog na ni Geonei ang music box at may intro ng musikang maririnig mula rito na likha ng iba't-ibang mga instrumento.

Pomusisyon na sila ganon din ang sampung Akrinian.

"Alam niyo bang sa mga Deiyo beast palang namin wala na kayong laban?" Sabi ng isang Akrinian at inilabas ang isang ten Thousand years old na Deiyo beast na may katawang parang snake dragon at may dalawang ulo. May itim na mga kaliskis na naglalabas ng itim na aura na parang usok.

"Death smoke. Death smoke ang nilalabas ng Deiyo beast niya." Gulat na sambit ni Hairu na halos mapatayo sa kinauupuan niya.

Kinakabahan naman ang mga Mysterian na nasa labas ng Arciana habang pinapanood ang final battle competition na ito.

May ibang kahit hindi kilala ang bratty gang, nagdadasal na rin na sana mananalo ang Sai School at bratty gang.

"Kahit Mystic soul level na Mysterian kayang lamunin ng itim na usok na iyan, paano pa kaya sina Steffy?" Nag-aalalang sambit ni Lenera.

"Tingnan mo, hindi man lang mababakasan ng pag-aalala sina Steffy kaya bakit parang ikaw itong sasabak sa labanan?" Sagot ni Elessa makitang paroo't parito si Lenera.

Sa Mystic Land naman, makikita ang kumpulan ng mga Mystikan na nanonood sa isang malaking screen.

"Akrinian ako." Sabi ng lalaking isa sa mga kabataang nakikipagpustahan sa kapag may napapanood silang livestream na may naglalaban katulad ngayon.

"Bratty gang." Sagot ng kasama.

"Akrinian." Determinadong sagot niya.

"Basta ako loyal ako sa Bratty gang." Sagot ng isa.

Makikita sa screen kung ilang milyong views na ang livestream ng Arciana battle competition na ito dahil sa paglahok ng Bratty gang.

Wala namang kaalam-alam sina Steffy na nangunguna na naman sila sa top search sa ibat-ibang online application ng ng Mystika.

"Kaya ng Deiyo beast na ito na wasakin ang isang kaharian paanong hawak na ito ng mga Akrinian?" Tanong naman ni Dioseyn na nag-alala na sa sitwasyon ng mga bratty gang na nasa stage.

"Kung ganon kailangan na nina Steffy ang sumuko?" Tanong ni Daerin na nabahala na rin.

"Sa oras na nakarating tayo dito, mahirap na para sa atin ang makalabas. Kung hindi nila matatalo ang mga kalabang iyan wala ring pag-asang makakalabas tayo ng buhay sa lugar na ito." Sabi ni Hairu.

"Hindi naman sila nakikitaan ng takot. At pansin niyo bang hindi sila naaapektuhan ng aura ng Deiyo beast na ito?" Sagot ni Kairu.

"Kala niyo kayo lang may mga magic beast, meron din kaya ako." Proud na sagot ni Steffy at tinawag si Yunic.

"Kamahalan, nasa kalagitnaan pa ako ng breakthrough papuntang Mystic level." Boses ni Yunic mula sa kanyang utak.

"Mystic level? Ang daya mo naman. Di pa nga ako napunta sa Syanra level sa Mystic level ka na agad?" Napanguso si Steffy.

"Sina Gellian nalang ang tawagin mo."

Napabuntong hininga si Steffy na ikinangiti ng kalaban niya dahil iniisip nitong wala siyang maipakitang deiyo beast.

Tinawag na lamang ni Steffy si Gellian. Isang gintong liwanag ang lumabas mula sa tapat ni Steffy. Hinihintay ng lahat ang napakalaki nitong magic beast hanggang sa mabuo ang isang pigura ng isang magic beast na kasing laki lang ng manok.

Si Gellian na bigla na lamang hinila palabas nalaglag sa sahig na ikinagising ng diwa nitong inaantok pa. Humaba na ang mga pakpak niya at mas makintab na ito kaysa noong una at may mahinang gintong aura na nakapaligid sa katawan niya.

"Kamahalan bakit mo ako inilabas? May labanan na naman ba?" Excited niyang tanong saka inilibot ang paningin sa buong paligid.

Katahimikan ang bumalot sa paligid ilang sandali pa'y may tumawa sa mga Akrinian at nagsitawanan na rin ang iba.

"Bata, nahihibang ka na ba? Inilabas mo ba iyang alaga mo para may paglaruan ang alaga ko?" Natatawang tanong ng Akrinian na naglabas ng Deiyo beast.

"Kaya mo ba iyang Deiyo beast niya?" Tanong ni Steffy kay Gellian.

"Iyan lang? Nang-iinsulto ba kayo? Hindi naman yan totoong magic beast e. Isa lamang iyang vessel ng Mysterian energy na nagkaroon ng consciousness dahil sa mahabang panahon niyang pananatili sa kanyang vessel." Sagot ni Gellian na halatang hindi makapaniwalang isang vessel lamang ng enerhiya ang makakalaban niya.

"Vessel ng mga enerhiya?" Sambit ni Steffy.

"Magagamit namin ni Jewel ang enerhiya ng mga Deiyo beast para mas lalo kaming lumakas." Sagot ni Gellian.

Natuwa naman si Steffy sa narinig at tinawag agad si Jewel.

"Master naman, naglalaro pa ako sa loob." Reklamo ni Jewel.

Nararamdaman ni Steffy kung ano ang larong tinutukoy ni Jewel. Pinaglalaruan nito ang mga sundalo sa loob ng space niya dahil nararamdam niya ang anumang mga kaganapan sa loob.

Sina Jewel at Gellian ang palaging sumusubok sa lakas ng mga sundalo ngunit madalas pinagtitripan ng magkapatid na ito ang mga sundalo sa loob. Kundi sila magpapalakas siguradong mabubugbog sila at mahihirapan sa dalawang pipit na ito.

Tinatawag siyang Master, kamahalan o Steffy ng magkapatid na ito dahil ginagaya lamang nila ang anumang tawag ng iba kay Steffy.

Mas lalo namang nagsitawanan ang mga manonood dahil isang gintong pipit na naman ang tinawag ni Steffy.

Mas bumilog ng kunti ang katawan ni Jewel at mas kumintab rin ang gintong mga balahibo niya na maari ng gawing pang-ilaw sa dilim, kaya lang, mukha itong harmless sa paningin ng mga Mysterian na nanonood sa mga kaganapan sa stage.

"Tinawag mo ba ang mga alaga mo para gawing pagkain ng alaga ko? Kahit ilang magic beast pa na katulad nila ang ilalabas mo hindi parin sapat para ikakabusog ng alaga ko." Sabi ng Akrinian na tinatawanan pa ang dalawang cute na mga pipit.

"Kayo ng bahala sa Deiyo beast niya." Sabi ni Steffy kina Jewel at Gellian.

"Master di siya masarap. Ayoko sa kanya." Naiiyak na sambit ni Jewel habang nakatingala kay Steffy. Kinurap-kurap pa ang mga mata dahil ayaw lumaban.

"Ibigay niyo ang magic core niya kina kuya Histon. Kapalit noon bibigyan ko kayo ng prutas." Sagot ni Steffy na ikinatango ng dalawa. Alam nilang madalas sagana sa enerhiya ang mga prutas na kinakain ni Steffy.

Ikinumpas ng dalawa ang mga pakpak at lumipad sa hangin.

Inutusan ng Akrinian na umatake ang alaga niyang deiyo beast na agad namang sinalubong nina Jewel at Gellian.

Naglabas na din ng mga warrior beast ang ibang mga Akrinian at siyang pinaatake kina Asana at iba pa.

Tinawag na rin nina Asana ang mga warrior beast nila.

Nabalot ng yelo ang paligid nang lumabas ang snowbird ni Shaira. Agad na binalot ng sampung Akrinian ng barrier ang paligid nila dahil sa aura ng giant snow bird ni Shaira. Ang lahat ng natatamaan ng aura nito ay nagiging yelo maging ang harang na nakapalibot sa stage.

"Bakit pakiramdam ko di yata sumisikip ang stage na ito?" Nagtatakang tanong ni Steffy. Napapansin niyang tila ba palaging lumalawak ang stage depende sa bilang ng mga nilalang na mapapadpad sa stage.

"Malawak ang stage na ito ngunit maliit lang kung titingnan mo mula sa labas. At nag-eexpand din ito kapag nadadagdagan ang bilang ng mga nakapasok sa harang na nakapalibot dito. At dahil kailangan ng mas malawak na espasyo ang mga warrior beast kaya mas lumawak din ito." Paliwanag ni Sioji na ikinakunot ng noo ni Steffy.

"Paano mo nalaman?"

"Ganito ang battle arena ng Naicron Academy at sa Arizon city." Sagot ni Sioji.

Kung kanina'y nabalot ng yelo ang buong paligid ngayon naman natunaw bigla ang mga yelo nang lumitaw ang fire phoenix ni Aya.

Ang mga Akrinian na kanina'y nakaramdam ng matinding lamig ngayon naman halos mapaso na sa tindi ng init.

Gumaan ang pakiramdam nila nang lumitaw ang light deer ni Izumi. Isa itong usa na may kulay puting pakpak at kayang gumamot at pumatay ang light magic na nililikha nito. Muli na namang bumigat ang pakiramdam nila nang lumitaw ang scarlet red na warrior beast ni Hyper. Katulad lang ito sa isang malaking ibon ngunit ang scarlet aurang lumalabas mula sa katawan nito ay nagpapabigat sa nararamdaman ng mga Akrinian.

"Hindi pa nga tayo nakaatake para na akong mahihimatay." Sambit ng ikaanim na Akrinian.

Muntik ng mabasag ang harang na ginawa nila nang lumitaw ang blue scaled bird ni Asana na lumikha ng malakas na hangin. Kumulog naman at kumidlat nang lumitaw ang warrior beast ni Geonei.

Nabasag ng tuluyan ang harang nila nang umungol ang warrior beast ni Arken. Gumaan ang pakiramdam nila nang sumulpot ang white unicorn ni Sioji. Iniisip nilang sa lahat ng mga warrior beast ang pipit lamang ni Steffy ang mahina hanggang sa makita nilang nakahiga na sa sahig ang katawan ng Deiyo beast na inilabas ng unang Akrinian kanina. Ang mas malala, wala na itong mga kaliskis.

Tinanggal kasi ito nina Jewel at Gellian para gawing sangkap sa pagawa ng battle armor ng mga sundalo na nasa loob ng space ni Steffy. Kinuha din nila ang magic core ng Deiyo beast.

"Master, kanino namin ibibigay ang enerhiyang ito?" Tanong ni Jewel na nakalagay sa likuran ang isang puting bato na nababalot ng itim na usok at kasing laki lang ng kamao.

"Ibigay niyo iyan kay Lucid." Sagot ni Steffy at naglaho na ang dalawang pipit.

Nakatayo na ngayon ang hari ng Akrinian. Kampante siya kanina dahil kitang-kita niyang hindi pa mga Syanra level ang mga kabataang ito pero ngayon hindi na. Dahil hindi man Syanra level ang mga kabataang ito mga Syanra level naman ang mga magic beast nila. At hindi lang sa magic beast kundi mga warrior beast na may Mystic level combat ability.

"Bakit may mga sacred beast ang mga kabataang ito?" Biglang tanong ng isang Elder ng Arcianian council.

"Sacred beast?" Gulat na tanong ng Superian Elder at nakitang nanginginig na ngayon sa takot ang siyam na warrior beast ng mga Akrinian.

Sa mga nagulat, isa si Elder Viore sa mga hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Magmula noong pinaalis siya bilang Elder ng Wynx namumuhay na lamang siya bilang ordinaryong mamamayan ng Wynx ngayon.

At dahil usap-usapan na naman ang paparating na Arciana battle competition, naisipan niyang manood. Hindi niya inaasahan na matutuklasan niya kung gaano kalakas ang mga kabataang balak niyang pahirapan noon.

Kung ang mga Syanra level ay nahihirapang talunin ang bratty gang sila pa kaya na hindi man lang nararating ang Invincible level?

At ang inaakala nilang munting mga agila, mas mapanganib pala kaysa sa mga sacred beast na alaga nina Asana at iba pa.

Naisip niya kung sana'y hindi niya napagdiskitahan sina Steffy siguradong tinatamasa pa rin niya hanggang ngayon ang mga prebilihiyo niya bilang Elder ng Wynx Academy. Ngunit kahit magsisi man siya, huli na ang lahat.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top