Journey to Arciana 24: Mystic fruits

"Bakit wala pa rin sina Steffy?" Tanong ni Daerin habang nakatingin sa pintuan ng battle arena.

"Di kaya may masamang nangyari sa kanila?" Nag-alalang tanong din ni Sunami.

Palage nilang tinitingnan ang pintuan ng entrance ng battle arena ngunit wala parin sina Steffy.

"Dalawang araw na ang nakalipas bakit wala parin sila?" Di na rin napigilang tanong ni Hairu.

"Malalakas sila. Baka darating sila din sila sa final." Sagot naman ni Kairu na may malaking tiwala kina Steffy.

Nagsimula na ang unang round. Mula sa Alesther ang maglalaban versus Akrinian.

Ang mga kabataang Akrinian na ito ay mga kabataang hindi naaapektuhan sa sumpa ni Empress Kisha.

Habang tumatagal ang laban, lalo namang dumidilim ang mukha nina Hairu at Kairu dahil halatang pinaglalaruan lamang ng mga Akrinian ang mga representatives ng Alesther.

Sa huli, sumuko na lamang ang mga Alestherian para hindi na mas mahihirapan pa at mamamatay. Kaya lang, siguradong hindi na sila makakagamit pang muli ng mga kapangyarihan.

Sumunod naman ang Saynah Academy versus Akeyan school kung saan nag-aaral ang mga kabataang Diagonian. Kaya lang, gaya ng mga Alestherian, wala man lang laban ang mga Saynah students at halos malagutan na sila ng hininga bago sila sumuko.

Ngayon naman ang laban ng mga Superian representatives versus Sai school representatives.

"Di niyo ba nakikita ang mga nangyari sa mga nauna sa inyo?" Tanong ng mayabang na Superian na si Lihuan.

"Umatras na kayo. Wala naman kayong laban e." Sagot naman ng isa pa.

"Tingin niyo sa kompetisyon na ito isa lamang laro at mga bata, mahihina at talunan ang ipinadala?" Sabi pa ng isa.

Halos lahat ng kalahok sa kompetisyon na ito ay mga eighteen plus ang mga edad maliban kina Daerin na nasa kinse hanggang trise anyos pa lamang. Thirteen years old pa kasi sina Daerin, Sunami at Haejae. Fourteen naman si Nana at fifteen sina Kyujin at Hasim. Higit sa lahat, nasa Invincible average lamang ang mga level ng kapangyarihan nila at nasa Invincible elite at higit pa ang kanilang mga makakalaban.

Sa height at edad palang bagsak na sila, maging sa level ng kapangyarihan. Kaya naman isang superian lamang ang ipinaharap nila sa grupo nina Daerin.

Habang minamaliit ng mga Superian ang mga Sai School representatives si Steffy naman abala sa paglilibot-libot. Natuklasan niyang tatlong mga Superian ang nasa Mystic level. At isa sa mga Akrinian ang Mystic level. Iyon ay ang hari ng mga Akrinian na hindi rin naaapektuhan ng sumpa.

Nagliwanag ang kanyang mga mata nang may makitang mga halamang may mga prutas na sagana sa kakaibang enerhiya.

"Prutas. May prutas." Sambit niya at mabilis na lumipad patungo sa lugar kung saan niya nakikita ang mga bilog na bunga ng mga halamang hindi niya kilala.

Pansin niya ang dami ng mga kawal na nagbabantay sa paligid ng nasabing lugar kung saan tumutubo ang kakaibang mga halaman na namumunga ng mga kulay pulang prutas. Nagliliwanag ang mga bunga ng mga halamang ito at kapansin-pansin ang saganang enerhiya na nagmumula rito.

"Bakit kaya binabantayan nilang mabuti ang mga prutas na ito?" Curious niyang tanong. Pansin din niya na isang level nalang ang kulang ng mga kawal na ito at maaabot na nila ang Mystic level.

"Nakakapagtataka. Ang dami ng mga Arcianian sa central area ng Arciana na nasa Syanra level pataas. Saan kaya galing ang mga enerhiyang tumutulong sa kanila para maabot ang level na ito?" Tanong niya pa bago pumasok sa harang na nakabalot sa buong lugar.

Nagsisimula na ang laban ng mga Superian versus Sai School students.

Noong una, minamaliit pa nila ang anim na Sai students ngunit sampo na sa mga Superian ang natanggal ngunit wala paring ni isa sa mga Sai School representatives ang natanggal sa stage.

Napatayo na ang isang grand elder ng superia makitang isang Haejae lamang ang katapat sa anim na mga estudyante ng Superia.

Si Daerin naman ang tipo ng Mysterian na hindi natatakot makaramdam ng sakit kaya siya ang nakipaglaban sa Superian na may kakayahang magbigay ng matinding sakit sa kalaban niya. Ngunit natalo din ito ni Daerin. Wala ding makakapigil sa gintong apoy na naililikha niya. Isang gintong apoy na naiiba sa lahat ng mga apoy sa Mysteria.

"Napakalakas ng dalawang kabataang ito. Ire-recruit ba natin sila?" Tanong ng isang elder sa grand elder ng Superia.

"Kakaiba din ang pagkontrol ng isa sa kapangyarihan niyang hangin. Na tila ba ang hangin at siya ay iisa?" Sabi naman ng isa pang saksi makita ang uri ng pakikipaglaban ni Hasim.

Bihasa naman si Kyujin sa pagamit ng kapangyarihan niyang yelo na parang may mga mata at kung aatake hahabulin talaga ng mga pinakawalan niyang yelo ang sinumang target niya.

Sa pamamagitan ng tubig ni Nana at sa kuryente ni Haejae mas dumoble ang epekto ng kapangyarihan nila sa mga kalabang natatamaan ng kanilang atake. Samahan pa ng kapangyarihan manggamot ni Sunami na kahit abala sa pag-atake nagagawa parin niyang gamutin ang sinuman sa mga kagrupo na nasusugatan.

"Kausapin niyo sila pagkatapos ng laban at kung hindi papayag alam niyo na ang gagawin." Sagot ng grand elder ng superia.

Ang mga kabataang nakikitaan nila ng kakaibang talento at kapangyarihan pinipilit nilang sumapi sa kanilang angkan at ang hindi papayag, inaatake nila at binabaldado para hindi na nakakagamit pa ng kapangyarihan habang buhay.

"Ang mga kabataang ito. Hindi dapat nakakalabas ng buhay mula dito sa central Arciana kundi sila sasapi sa angkan natin." Dagdag pa nito habang pinapanood ang anim na mga kabataang nanggagaling sa Sai School.

Si Sunami na aakalain ng sinumang pinakamahina sa grupo ang siyang may pinakamalaking naitutulong sa grupo. Dahil kaya niyang pagsabayin ang panggagamot sa kanyang mga kagrupo at pag-atake sa mga kalaban.

Siya ang dahilan kung bakit kahit anim lang sila laban sa tatlumpong mga Superian representatives nakaya parin nilang mag-survived sa loob ng anim na oras.

Ang bawat kaharian ay maaaring magpadala ng limampung mga representatives mula sa iba't-ibang paaralan ng kanilang kaharian. Pwede nilang hatiin ang limampung kalahok sa sampung team o mas mababa pa sa sampo. Iba din ang uri ng pagtatanggal sa arena. Kung ang isa sa isang team ang susuko siya lang ang matatanggal at di maaapektuhan ang iba.

Ang mga hindi sumuko o natanggal sa mga laban ang maaari pang lumaban sa susunod na labanan. Pwedeng one versus one o one versus many depende sa kung gaano ka confident ang isang kalahok. Sa kaso naman nina Daerin lumalaban sila as team.

Mahihirapang talunin ang sinuman sa kanila kung nasa team sila pero hindi sila gaanong malakas kung may nawalang isa sa kanilang team. Dahil ang bawat isa ay may mahahalagang papel sa grupo.

Walang balak na magpatalo ang mga Superian kaya naman nang makitang walang laban ang naunang tatlumpung mga representatives pinadala nila ang sampo pang natitira sa mga Superian na mas malakas pa kaysa sa mga nauna.

Nanghihina na sina Daerin at nauubusan na rin ng enerhiya si Sunami sa panggagamot sa mga nasugatang mga kasama. Halos hindi na rin makatayo sina Kyujin at Hasim sa tindi ng pagod. Sina Haejae at Daerin naman kahit nahihirapan na pinipilit paring lumaban. Sila ang tipo ng mga Mysterian na hindi susuko hangga't hindi namamatay.

"Daerin sumuko ka na. Haejae." Tawag ni Sunami sa dalawa.

Para hindi na mapahamak pa sina Hasim at Kyujin hinila na niya ito pababa sa stage. Dahil kung hindi, tiyak na mamatay sila kapag natamaan ng kapangyarihan ng sampung mga kalaban nila. Pinoprotektahan naman sila ni Nana ngunit alam niyang nahihirapan na rin ito kaya mas mabuti pang bumaba na lamang sila sa stage para hindi na sila magiging sagabal sa tatlong mga kasama.

Kapag nakababa sila sa stage wala na silang pag-asa pang sumaling muli sa laban. Ilang sandali pa'y bumagsak na pababa sa stage si Nana at nawalan agad ng malay.

"Dalawa nalang kayo bakit di pa kayo sumuko?" Tanong ng isang kalahok na nasa stage. Siya ang dahilan kung bakit nalaglag si Nana sa stage.

"Hindi ako susuko." Sagot ni Daerin. Hindi siya susuko hangga't hindi niya nakikita ang grupo nina Steffy.

Kapag sumuko sila wala ng pag-asa pa ang Saidore. Sila na lamang ang huling representatives ng Saidore. Kapag hindi nila makukuha ang susi wala na siyang pag-asa pang mahanap si Hakuah at di na masasagot pa ang mga katanungan niya kung bakit bigla na lamang namatay ang buong pamilya niya at kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa kanila.

Ganito din ang iniisip ni Haejae. Gusto din niyang malaman kung sino nga ba talaga ang pumatay sa buong pamilya niya. Kung paano at bakit sila namatay. Hindi sila Arcianian at alam niyang mula ang angkan niya sa misteryosong lugar na iyon. Kung matatalo sila, wala na silang iba pang pag-asa. Maghihintay na naman sila ng ilang taon. Ngunit hindi rin sila sigurado kung makakabalik pa sila sa Saidore ng ligtas.

Ilang sandali pa'y umangat ang katawan ni Haejae at nababalot ito ng itim na aurang parang ahas na pumaikot sa katawan niya.

"Hindi ko alam kung paanong natalo niyo ang iba pero iisa lang ang masasabi ko ngayon, katapusan niyo na." Sabi ni Gioven at mas hinigpitan ikinuyom ang palad. Mas lalo namang humigpit ang pagkakaikot ng itim na aura sa katawan ni Haejae.

Gusto namang tumayo ni Daerin, ngunit hindi na niya kayang igalaw pa ang katawan. Sa pag-akyat palang ng sampung mga Superiang ito sa stage, sigurado na sina Daerin na wala na silang laban sa mga Superian na ito ngunit hindi sila sumuko para makakuha ng sapat na oras para kina Steffy. Alam din niyang darating si Steffy sa bawat panahong nalalagay sa panganib ang buhay niya kaya kampante siyang darating ito kapag nanganganib ang buhay niya.

Sa halip na sumuko ngumiti lamang si Daerin at ginamit ang buong lakas para makatayo.

"Nandito na sila." Sabi ni Daerin na ikinakunot ng noo ng sampung superian.

Napalingon sila sa entrance door ng arena at nakita ang grupo ng mga kabataan na may mga hawak hawak na mga prutas.

Nauuna si Arken na nakalagay sa bulsa ang isang kamay habang may hawak na isang bilog na prutas ang kabilang kamay. Paminsan-minsang kinakagat ang prutas habang naglalakad. Kasunod niya si Geonei na tinatapon-tapon ang hawak na prutas sa ere saka sasaluin at itatapon na namang muli bago kakagat.

Sina Rujin naman at Hyper may hawak pang plato at dito kumukuha ng hiniwa nilang prutas at minsan nag-aagawan pa ang dalawa.

"Ako pa kaya. Bato sa akin papel ang sayo. Kaya ako pa ang dapat kakain. Ang daya daya mo." Reklamo ni Hyper. Nagbabato-bato pik kasi ang dalawa. Ang mananalo ang pwedeng kumain ng isang hiwa ng prutas na nakalagay sa plato.

"Ang sarap nito." Sabi naman ni Shaira at dinilaan pa ang katas ng kulay pulang prutas na kinagatan niya kanina.

"Ang mga prutas na iyan." Nanlalaki ang mga matang sambit ni Elder Dase.

"Mga Mystic fruits." Halos pasigaw ng sambit ni haring Akilus. Ang hari ng mga Akrinian.

Ang Mystic fruits ay matatagpuan sa pinakagitna ng central area. Napapaligiran ito ng mga harang at mga Mystic formation. Hindi rin ito basta-basta nalang napapasok ng sinuman. Higit sa lahat, mahigpit itong binabantayan ng mga kawal ng central area.

Ang mga Mystic fruits na ito ang dahilan kung bakit maraming mga naninirahan sa central area ng Arciana ang nagiging Syanra level. Nagbibigay kasi ang Mystic fruit ng mga enerhiya na tutulong sa mga Invincible level na mapunta sa Syanra level. At mula sa Syanra level papunta sa Mystic level. Napakahalaga ng Mystic fruit na ito kaya naman mahigpit itong binabantayan ng mga Arcianian councils. Kaya paanong hawak na ito ng mga bagong dating na mga kabataan?

"Busog na ako." Sabi naman ni Steffy at hinimas pa ang tiyan. Wala siyang dalang sandata kundi isang tirador lamang.

Si Aya naman, nakayakap sa braso ni Izumi at sinusubuan naman siya nito. Ilang sandali pa'y napadura.

"Izumi naman e." Angal niya dahil dahon pala ang ipinasok sa bunganga niya.

"Hahahaha, kala ko kasi mahilig sa dahon ang isang rabbit." Tukso ni Izumi na ikinanguso ni Aya.

Si Asana naman napipikon na kay Sioji. Binabato kasi siya nito ng balat ng kinakain nitong prutas. Kapag pandilatan niya ng mata si Sioji magtatago naman agad ito sa likuran ni Steffy.

"Sioji!" Inis ng sigaw ni Asana.

"Yes? Namimiss mo ako?" Tukso naman ni Sioji, ilang sandali pa'y may tumamang sapatos sa kanyang noo. Iiwas sana siya kanina nang makitang lumipad ang isang sapatos ni Asana kaso pinigilan siya ng pinsan kaya natamaan siya.

"Steffy naman e. Pinsan mo ako, bakit iba ang kinakampihan mo?" Reklamo niya at napanguso.

"Siya naman ang bestfriend ko bleeh!" Sagot ni Steffy at nilabasan pa ng dila ang mangiyak-ngiyak na pinsan.

"Nandito ba sila para lumaban o mamasyal?" Tanong ng isang lalaking isa sa mga manonood ng laban. Mga Mysterian sila na naninirahan sa central part ng Arciana.

Ito na yata ang unang pagkakataon na nakakita sila ng mga kalahok sa Arcianian battle competition na hindi man lang kinabahan at pinaka carefree na grupo sa buong kasaysayan ng Arciana.

Bumagsak si Haejae sa sahig at hinahabol ang hininga. Naglakad naman sa gilid ng stage ang sampung superian na nasa stage upang tingnan ang mga bagong dating.

"Sabi ko na nga ba. Para tayong mga celebrity kapag nale-late." Sabi ni Steffy at nag-flying kiss pa.

"Tingnan niyo, pinapanood nila tayo. Ang poge ko kasi." Sabay suklay ni Rujin sa buhok gamit ang mga daliri.

"Hello fans!" Tawag naman ni Hyper sabay kaway at nag flying kiss pa. "Muah muah! Aray." Tinulak kasi ni Geonei ang likod ng ulo niya.

"Umayos ka nga. Hindi mo ba nakikita na mapagkakamalan na tayong mga baliw?"

Si Asana naman, gusto ng magtakip ng mukha. Ang dami na ngang nanonood sa kanila tapos hindi pa nagseseryoso ang mga kaibigan niya. Kita din niya ang mga miliston sa paligid, ibig sabihin nakikita ng buong Mysteria ang labanang ito kung mayroon mang gustong manood.

"Di niyo ba pansin ang paligid?" Tanong ni Izumi habang papaakyat sila sa stage.

"Isa sa mga napapanood nating mga laban noong nasa misyon tayo." Sagot ni Steffy.

Napanood nila ang previous fight ng mga Arcianian dati noong isa sila sa mga escort ng prinsipe ng Wynx Empire papunta sa Norzian kingdom. Isa sa mga pinanood nila noon ay ang mga labanan ng Arciana.

"Ang mga kabataang ito. May Mysterian energy at Chamnian energy. Ngayong nadagdagan pa ng Mystic energy, papaanong hindi sila sumabog?" Sambit ng isang lalaking naka-cloak at isa sa mga judge ng nasabing competition.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top