Journey to Arciana 20: Estatwang bato

Sumulpot sila sa isang syudad na may maraming mga hugis taong bato. Nakakalat ang mga taong bato sa paligid. Kung titingnan maigi, aakalain ng sinuman na mga normal na mga mamamayan lang sila sa lugar na ito kundi lang sa hindi sila gumagalaw at para silang mga Mysterian na nagiging mga bato.

"Para silang mga nilalang na nagiging bato lang." Sambit ni Hyper habang pinisil-pisil ang ilong ng isang estatwang lalake.

"Ito o bagay magiging love birds." Sabi ni Aya at kinuha ang isang estatwang babae na nakapamaywang habang nakatingala sa isang lalaking may suot na katulad sa mga pinuno ng mga kawal. Idinikit niya ang mga labi ng babae at sa kawal saka tinalian gamit ang kanyang pulang laso para hindi magkahiwalay ang dalawa.

"Parang abandonadong syudad o mga nilalang na isinumpa tapos nagiging bato silang lahat." Sabi din ni Asana.

Iba't-ibang posisyon at ayos ng mga estatwa. May nakanganga may humihikab, may inaantok, may nakahawak sa tagiliran, at may nakatuwad. Meron din naman na tila nagbibinta ng paninda. Kaharap pa nga nila ang mga panindang nagiging mga bato na.

"Mga estatwa sila hindi ba?" Nakangiting tanong ni Steffy.

"Ano na naman bang iniisip mo?" Sabi ni Asana at hinimas pa ang mga nanayong mga balahibo sa braso.

"Ilabas na ang mga spatial item niyo. May marami tayong aanihin." Sabi ni Steffy at nagsimula ng ipasok ang mga nakikitang mga alahas na paninda sa loob ng kanyang mga space rings at space pouch.

"Aanhin mo yan? Mga bato yan e." Sabi ni Shaira.

"Basta kunin niyo na lahat ng mga makikita niyong mga bagay na pwede nating mapakinabangan kapag hindi na nagiging bato." Sagot ni Steffy.

Saka nila naalala na kaya nga palang ibalik ni Steffy sa orihinal na anyo ang mga batong mga kagamitan at mga alahas na ito.

"Steffy ito o ang ganda ng sapatos niya, gusto kong kunin." Sabi ni Rujin habang hinuhubad ang sapatos na bato mula sa isang maharlikang lalaking estatwa.

Lumapit naman si Steffy at hinawakan ang sapatos. Unti-unti naman itong naging normal na sapatos. Pinahiga ni Rujin ang estatwa at hinubad ang sapatos nito saka ipinasok sa kanyang spatial necklace.

"Ano ba Steffy. Marami naman tayong yaman a bakit pati mga estatwa ninanakawan mo pa?" Tanong ni Sioji.

"Kukulangin pa ang yaman nina lolo sa hinaharap. Kakailanganin natin ang lahat ng ito." Sagot niya.

"Magnakaw kayo ng gusto niyo. Basta labas na ako diyan. Mabuting nilalang kaya ako." Sabi ni Sioji ngunit napansin ang isang babaeng nakayuko at may maikling palda. Na-curious siya kung makikita ba ang tinatago nito kaya yumuko din siya para sumilip. Kasunod non ang pagtama ng isang paa sa puwetan niya na sinipa pala ni Asana.

"Bakit ka ba naninipa?" Singhal ni Sioji kay Asana.

"Bakit sinilipan mo ang babaeng bato na iyan?" Nakapamaywang namang sagot ni Asana.

"Bato naman yan e. Wala naman akong makikita diyan." Sinamaan siya ng tingin kaya tumahimik agad.

"Gumagalaw ang mata nito kanina ngunit nang tingnan ko'y naging mata na naman ng estatwa." Sabi ni Hyper na nakaturo na sa isang estatwa.

"Kapag may dadaan daw dito kinakailangang magpaalam raw muna. At kung hindi ay hindi na makakalabas pa. Bawal din daw hawakan ang alinman sa mga bagay sa lugar na ito dahil tatamaan ka ng sumpa nila." Sabi ni Izumi. Ngunit dumilim ang paningin makitang tinuro ni Geonei ang nipple ng isang estatwang babae. Sobrang nipis kasi ng suot nito at halatang walang suot pangloob.

"Akala ko ano e. Bakit ang sama na ng tingin mo?" Napatago pa siya sa likuran ng estatwa makitang akma siyang hampasin ni Izumi.

Tinapunan naman ni Steffy ng bato ang pwet ng nakatuwad na estawa pagkatapos ay nilabasan ng dila.

Pansin ni Rujin na may gumalaw sa likuran niya kaya mabilis siyang lumingon at nakita ang isang middle age na estatwa na tila ba pukpukin siya ng hawak na malaking maso.

"Teka, di ba kanina nasa likuran mo pa iyang kamay mo? Bakit ngayon nakataas na at wari pupukpukin na ako? Bakit? May balak ka bang manakit sa akin? Huh?" Kinuha ni Rujin ang maso mula sa kamay ng estawa at naghanap ng maipapalit dito.

"Steffy patulong dito." Tawag niya.

Ilang sandali pa'y may nakatayo ng isang estatwang lalake na nakataas ang kamay at nakabikini pa.

"Bagay sayo." Natatawang sabi ni Steffy.

"O ito na. Ayan. Ang poge mo na. Para ka ng kawal na nananabako." Sabi naman ni Shaira matapos malagyan ng maliit na stick ang bibig ng isang kawal na nakabuka ang bibig. Para kasi itong nakasigaw bago maging bato.

Iiling-iling namang pinapanood ni Arken ang mga kalokohan ng mga kasama. Siya ang palihim na nagmamasid sa paligid kung may kakaiba bang mangyayari sa mga estatwang ito. May iilang estatwa siyang nahuhuling gumalaw ang mga mata, maging ang mga katawan ngunit hindi niya maintindihan na nagfi-freeze ulit sila kapag natitingnan.

"Takot ba silang lumaban ng harap-harapan o hindi sila nakakagalaw kapag natitingnan?" Tanong niya sa isip.

"Para yatang kakaiba ang pakiramdam ko." Sabi ni Sioji.

"Ako din. Kakaiba ang pakiramdam ko." Sabi naman ni Hyper.

"Talaga? Ano naman ang napansin mo?" Tanong ni Sioji.

"Napansin kong... Napansin kong naiihi ako." Gusto na yatang batukan ng dalawa si Hyper.

Tumingin-tingin pa si Hyper sa paligid at mapansing abala ang mga kaibigang mga babae sa ibang bagay naghanap siya ng medyo tagong lugar at binuksan ang zipper at umihi.

Ayos lang kung umihi sa tamang lugar kaso doon pa talaga sa nakaupong estatwa at nakanganga.

"Hello estatwa. Estatwa ka nga ba?" Tanong ni Steffy sa isang kawal na estatwa at kinaway-kaway pa ang isang kamay sa tapat ng mukha nito.

"Aaah! Ayaw mong sumagot." Tumango-tango siya saka ngumiti.

"Nakita kitang gumalaw kanina e. Pero ayaw mo ng gumalaw nang tingnan kita." Kinuha ang espadang hawak ng estatwang kawal at ibinigay sa isang lalaking nakalahad ang palad.

Nagliwanag ang mata niya makakita ng isang lalaking may pasan-pasan na dalawang sako ng buhangin. Tinanggal niya ang dalawang sako at inilipat sa isa pang estatwang kawal na may hawak-hawak na latigo.

"Bagay yata sayo para maging kubang kawal." Sabi niya sabay tawa.

Pumasok siya sa isang malaking tahanan at syempre nanguha ng mga yaman.

"O ano pang ginagawa niyo diyan? Tayo na. Nakakatakot kaya ang lugar na ito. Kahit estatwa lang nakakatakot na ang mga mata, parang may mga buhay." Salubong sa kanya ni Asana nang makalabas siya.

"Bakit mo binabato ang mga buhangin ang mga estatwang yan?" Tanong ni Izumi makitang pinaliguan ni Shaira ng mga buhangin ang isang estatwang may magarang kasuotan.

"Para mapatuyan natin kung estatwa nga ba sila o nagpapaka estatwa lang." Sagot ni Shaira.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong muli ni Izumi.

"E, kasi balita ko gumagalaw raw sila tuwing gabi, bakit di nila kayang kumilos tuwing araw? O di kaya may balak silang linlangin ang lahat at papaniwalaing mga estatwa lamang sila? Dahil may iba silang binabalak."
Nagkatinginan ang mga estatwa sa isa't-isa at bumalik sa dating ayos nang mapadako ang tingin nina Shaira at Izumi sa kanila.

"Sige alis na tayo. Baka maabutan pa tayo ng dilim. Pero sandali lang." Sabi naman ni Geonei at pinalo ang ulo ng isang estatwa.

"Bakit mo pinalo? Baka gantihan ka niyan mamaya." Tanong ni Izumi.

"Kanina kasi halos lumuwa na ang mga mata makita kayo tapos nang ako na ang dumaan nakatakip na sa ilong." Sagot niya.

"Kailan ka nga pala huling naligo?" Tanong ni Shaira.

"Ewan. Di ko na matandaan." Sagot ni Geonei at napakamot sa noo. Kapag kasi nagiging abala sila sa pagsasanay o pagawa ng mga sandata may pagkakataong nakakalimutan niyang maligo.

Nagkatinginan naman ang mga magkaibigan.

"Kaya naman pala amoy kakaiba ka na." Iiling-iling na sagot ni Shaira.

Sa pinakasentro ng syudad makikita ang pagtakbuhan palayo ng mga mamayan at nagtago sa mga underground.

"Parating na sila dito. Ang masaklap kinuha nila halos lahat ng mga madadaanang mga yaman ng kaharian." Pagbabalita ng isang kawal sa isang babaeng nakaupo sa isang trono na gawa sa jade stone.

"Mga lapastangan! Titiyakin niyong hindi na sila makakalabas ng buhay sa lugar na ito." Sabi niya.

At gaya ng dati, naghihintay na sa lagusan palabas ang mga sundalo niya.

Sa isang silid naman napatayo ang isang lalake sa gulat.

"Ano? Bakit sila nakarating dito?" Gulat nitong sambit.

"Ipaalam niyo sa kamahalan ngayon din!" Sabi niya. Mabilis namang tumakbo palabas ang dalawang kasamahan niya upang ibalita sa kamahalan nila ang pagdating ng mga uninvited guest.

Kalalabas lang ni Kurt sa loob ng palasyo dala dala ang aklat na tungkol sa mga Mystic Warriors. Binabasa niya ito habang naglalakad nang bigla nalang nagbago ang sarili sa pagiging estatwa marinig ang mga papalapit na mga yabag. Gusto niyang magmura. Ni hindi man lang niya namalayan ang biglang pagsulpot ng mga nilalang na ito. At ang mas ipinagtataka niya dahil tila ba nakakagamit parin ng teleportation ability ang mga intruders na ito.

Nakita niya ang mga kabataang naglalakad sa gawi niya. Kung hindi pa nanigas ang katawan niya at naging batong bigla, baka manigas pa rin ang katawan niya makita ang pamilyar na mga mukha. Binanggaan pa siya ni Rujin na nakataas ang noo habang naglalakad.

"Teka lang, bakit nandito ang kamuka ni Kurt? Wow, kahit mukha ka ng Jade man, pogeng-poge mo parin." Puri ni Steffy sa nanigas na katawan ni Kurt.

"Yaman din yan, ano ipasok na natin sa space sack ko?" Tanong ni Aya kay Steffy.

"Oo nga no. Parang gusto ko siyang kidnapin." Sabi ni Steffy.

"Steffy! Malapit ng dumilim. Mag-aani pa ba tayo o tatakbo na palayo?" Tanong ni Asana na papasok na sa Throne room.

"Mag-aani. Sayang ang harvest." Tatakbo na sana palayo pero bumalik pa at binigyan ng halik sa pisngi ang estatwang kamukha ni Kurt.

"Ako din." Sabi ni Aya.

"Wag yan. Iyon ang ikiss mo." Sabay turo sa lalaking nakahawak ang tuhod habang nakanganga na tila ba hinihingal.

"Ayoko nga. Ang panget niyan." Sabi ni Aya at tumakbo na sa gawi nina Asana.

Sinulyapan ni Steffy ang isa pang estatwa na kamukha ni Karl.

"Gwapo kaya." Sambit niya sa isip bago sundan sina Aya.

Nang maglaho ng muli ang grupo nina Steffy saka napaluhod na ng tuluyan si Karl.

"Aji, bulag ba ang babaeng yon? Ang poge ko kaya? Bakit sabi niya ang panget ko daw?" Naiiyak niyang sambit.

"Sino bang hindi papanget e halos lalabas na ang dila mo kanina tapos lumaki pa ang butas ng ilong mo." Sagot naman ni Kurt.

"Kasalanan mo to. Tumakbo ako para maibalita sayong nandito na sa Akrinian ang grupo ni Steffy. Kaya hingal na hingal ako." Sagot ni Karl.

"Teka, yung libro mo." Maya-maya pa'y sambit niya makitang wala na sa mga kamay ni Kurt ang hawak nitong libro.

Saka napansin ni Kurt na wala na sa mga kamay niya ang libro.

"Hindi yun maaaring makakalabas sa lugar na ito." Tumakbo si Kurt papasok sa palasyo.

Natagpuan niyang nakahiga na sa sahig ang reyna at wala na ang tronong inuupuan nito kanina. Ang mas malala, nakatapis na lamang siya ng puting mabalahibong carpet.

"Papatayin ko ang mga kabataang iyon." Sigaw ng reyna.

Ilang minuto na lang at didilim na. Hindi na sila maapektuhan sa sumpa kapag nangyari yon. At sigurado siyang hindi naman makakalabas ng ganon lang kadali ang mga kabataang iyon.

"Sa lahat ng mga bandido at mga magnanakaw na napapadpad dito, sila na yata ang pinaka malala sa mga bandido." Nagngingitngit na sambit ng gigil na gigil na reyna.

"Lider naman kasi sila sa mga kinatatakutang bandido." Ito ang gustong isagot ni Karl pero pinili niyang manahimik.

Nandito sila ngayon sa Akrinian dahil hawak ng mga Akrinian ang kanilang ina. Kailangan nilang sirain ang dating lagusan papunta sa Central area ng Arciana at kailangan nilang pigilan sa pagsali sa kompetisyon ang mga Sai clan, Saynah clan, Doryunes clan at mga Alestherian kapalit ng kalayaan ng kanilang ina. Ngunit hindi nila inaakala na mabibigo ang plano nila dahil sa pagdating ng grupo nina Steffy.

Dahil naabutan sila ng dilim sa lugar na ito, natamaan din sila ng sumpa. Gagana ang sumpa kapag may mga outsiders ang titingin sa kanila. Ngunit maglalaho din naman ang sumpa sa oras na makakaalis sila sa lugar na ito.

Dumidilim na nang marating nina Steffy ang daan palabas ng Akrinian. Sa pagkakataong ito, may nakaharang ng mga mandirigma at mga kawal sa kanilang daraanan.

"Woah! Para tayong nasa fantasy movie." Manghang sambit ni Steffy. "Feeling ko talaga tayo ang bida tapos sila ang mga extra."

"Parang nasa huling stage na sila sa Syanra level. At di lang sila isa o dalawa kundi mahigit kumulang sa isangdaang libo. Makakaya ba natin sila?" Tanong ni Shaira.

"Kaya natin yan. Extra lang sila e kaya mananalo tayo." Mayabang na sabi ni Steffy.

"Sinabi na sa inyo na wag galawin ang mga ari-arian nila bakit niyo kasi ginalaw?" Sabi ni Asana.

"Bakit di mo kasi kami pinilit na pigilan?" Tanong ni Aya.

"Gusto ko din kasing malaman kung ano ang mangyayari kaya hinayaan ko na kayo." Sagot ni Asana.

Ilang sandali pa'y naramdaman nila ang napakalakas na presensyang paparating. Isang presensya na nanggagaling sa Mystic level na nilalang.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top