Journey to Arciana 2: Hari ng mga dambuhalang paruparo

Nanguha sila ng mga halaman na maaari nilang gamitin sa pakikipaglaban sakali mang makakatagpo sila ng kalabang hindi nila kayang talunin na sila lang.

"Tingnan niyo. Ang ganda ng punong ito o." Sabi ni Shaira makita ang isang punong may kulay dilaw na dahon. Hahawakan na sana niya ang isa sa mga dahon nito ngunit bigla siyang hinila ni Steffy at mabilis na inilayo sa puno.

"Mga paruparo ang mga yan na kumakain ng mga lamang tao o anumang mga nilalang." Kasasabi nito ni Steffy libo-libong mga dilaw na mga paruparo ang nagliliparan palapit sa gawi nila.

Nabalot naman sila ng isang kulay puting harang kaya hindi nakalapit ang mga paruparong ito.

"Alam ko na kung saan nanggaling ang isa sa mga species na ginawa nilang mga Deijo butterfly monster. Dito lang pala." Sambit ni Steffy.

Ilang sandali pa'y lumutang siya sa hangin at pinakawalan ang kanyang light aura. Ang mga aatake na sanang mga maliliit na mga paruparo'y napatigil sa ere. Lumapit naman si Steffy sa paruparong pinakamalaki sa iba at may kakaibang kulay kumpara sa iba. Kulay ginto ang pakpak nito na may halong kulay scarlet red.

Lilipad na sana ito palayo sa kanya. Isang puting liwanag ang pumaikot sa katawan nito at di na makakagalaw pa. Hinila ito ng liwanag palapit kay Steffy.

"Pakawalan mo ako. Ayaw kong magiging alipin ng isang katulad niyo." Sigaw nito na tanging si Steffy lamang ang nakakarinig.

"Ayaw mo non? Bibigyan kita ng masaganang pagkain at di mo na kailangan pang kumain ng mga Mysterian na may mga Mysterian ki." Sagot ni Steffy.

Sa pamamagitan ng pagkain ng mga nilalang na may Mysterian ki sa katawan ay ang siyang natatanging paraan para lalakas ang mga paruparong katulad nila. Dahil kung hindi sila makakakain ng may Mysterian ki, mamamatay sila ng maaga.

Naglabas si Steffy ng enerhiya mula sa space dimension niya.

"Ngayon lang ako nakasagap ng ganito kasaganang enerhiya. Payag na akong magiging alipin niyo mahal na shida." Mabilis na sabi ng hari ng mga paruparo.

Sumigla naman ang iba at halos makiusap sila kay Steffy na kupkupin din sila kapalit ng saganang enerhiyang kakainin nila.

Ipinasok sila ni Steffy sa isang bahagi ng dimension. Dito hindi na nila kailangan pang kumain kundi sasagap lamang sila ng enerhiya na mula sa loob.

"Nasaan na ang mga yon? Bakit bigla silang naglaho?" Tanong ni Shaira.

"Ipinasok ko sa loob ng dimension." Sagot ni Steffy.

"Paano kung kakainin niya yung mga Mysterian sa loob?" Nag-alalang tanong ni Asana.

"Hindi mangyayari yun. Sagana sa Mysterian ki sa loob kaya hindi nila kailangang tiisin ang lasa ng mga Mysterian." Sagot ni Steffy.

Alam niyang mapili din sa pagkain ang mga paruparo. At kadalasan sa mga pipiliin nila ay ang mga may malalakas na kapangyarihan dahil kung gaano kalakas ng kinain nila ganoon din kalakas ang enerhiyang makukuha nila. Enerhiya ang kailangan nila at hindi pagkain. Ito lang kasi ang paraan para mabuhay sila ng matagal at upang magkaroon sila ng ibang anyo bukod sa pagiging paruparo.

Nagpatuloy na sina Steffy sa paglalakbay hanggang sa makarating sa isang gubat malayo sa gubat ng mga dambuhalang mga halaman.

Nandito sila ngayon sa gubat na may mga dambuhalang Mysterian beast na kumakain ng mga kapwa Mysterian beast o mga Mysterian.

Sa kabilang dako naman, makikita ang mga kampo na gawa ng mga kabataang pumasok sa Deiyo mountain. Isa sa apat na lugar na kinatatakutan sa Arciana.

Nandito sila ngayon para manghuli ng mga Deiyo beast. Pinag-aagawan kasi ang mga magical core ng mga Deiyo beast dahil isa ito sa makakatulong sa pagpapalakas ng mga Mysterian sa kanilang mga kapangyarihan.

May isang grupo na nakikipaglaban sa 3,000 year old Deiyo spider, nang matalo na ang Deiyo spider na ito saka naman sumulpot ang bagong grupo na naghihintay lang pala kung kailan nila mapapatay ang Deiyo spider.

Nanghihina at sugatan na ang anim na miyembro ng grupong ito kaya wala silang laban sa bagong dating na grupo na may sampung miyembro.

"Hindi ako papayag na kukunin niyo ang pinaghirapan namin." Sabi ng isang babaeng may dilaw na buhok at sinunggaban ang pinuno ng kalabang grupo. Pero tumilapon lamang siya.

"Sunami." Tawag ni Daerin at sinalo ang kaibigan bago pa man tatama ang katawan nito sa malaking bato.

"Mga walangya kayo." Sigaw ni Hasim at aatake na sana ngunit napaluhod dahil sa Invincible average na aura na tumama sa kanya. Invincible novice lamang siya kaya wala siyang laban sa aura ng kalaban nilang ito.

"Wag na kasi kayong umangal. Wala naman kayong magagawa." Sabi ni Guming sa kanila. Inutusan ang mga kasamahan nito na kunin na ang magic core ng Deiyo spider na ito.

"Pagbabayaran mo itong ginagawa mo. Tandaan mo yan." Sigaw ni Hasim ngunit tinawanan lamang siya ni Guming.

Nakasandal naman si Nana sa gilid ng puno. Gusto man niyang lumaban pero hindi na kaya ng kanyang katawan. Napatingin siya ng masama kay Daerin. Sa tuwing nakakasama talaga nila sa grupo ang isang to, uulanin talaga sila ng kamalasan. Naiinis na talaga siya dahil palage nila itong nakakasama sa mga misyon nila. Palage tuloy silang minamalas.

"Kasalanan to ng isang yan e." Sambit niya pa.

"Hindi naman siya ang nang-aagaw sa atin. Kundi sina Guming." Sagot naman naman ni Kyujin na sugatan din ang katawan at halos hindi na makatayo pa.

Nakaharang naman ang sugatan ding si Haejae, sa katawan ng patay na Deiyo spider.

"Mamamatay na muna ako bago niyo makuha ang gusto niyo." Matapang nitong sabi.

"Ang lakas ng loob mo a. Malapit ka na ngang mamatay, haharang-harang ka pa." Sabi ng isa sa mga kagrupo ni Guming at inilabas ang kutsilyo saka inatake si Haejae.

Naglaban ang dalawa ngunit nakisali na rin ang walo pa. Kaya naman ilang sandali pa'y duguan ng tumilapon si Haejae na halos malagutan na ng hininga.

"Ganyan ang mangyayari sa mga matitigas ang ulo." Sabi ni Guming.

Hinati na ng mga kasamahan niya ang katawan ng Deiyo spider at kinuha ang magic core nito.

"Wow. Ang laki." Kasing laki ng bola ng basketball ang magic core na nakuha nila. Ito ang unang pagkakataong nakakuha sila ng malaking magic core. Kadalasan kasi, kasing laki lang ng jolin at ang pinakamalaki naman ay kasing laki lang ng pingpong. Kung mas malaki ang magic core mas malakas rin ang kapangyarihang nakapaloob dito. Kung mas matanda ng ilang libong taon ang mga deiyo beast mas malakas din ang mga kapangyarihang nakaipon sa magic core nila.

Iniwan na nina Guming ang grupo nina Daerin na nagngingitngit ngayon sa galit. Gusto man nilang lumaban kaso wala silang mga laban.

Nakangiting naglakad palayo sina Guming ngunit napatigil dahil sa grupo ng mga kabataang humarang sa kanilang daraanan.

"Salamat dito ha." Masiglang sabi ni Steffy na hawak na ang kaninang hawak na magic core ni Guming.

Nanlaki agad ang mga mata ni Guming makitang nasa kamay na ni Steffy ang hawak-hawak lang niya kaninang magic core.

"Ibalik mo yan." Sigaw ni Guming at inagaw mula kay Steffy ang magic core. Pinasa agad ni Steffy kay Sioji kaya di nakuha ni Guming.

Galit na galit na inatake ni Guming si Steffy. Kaya lang hindi siya nakatama. Ilang sandali pa'y tumilapon siya pabalik sa kung saan sina Daerin at ang iba pa. Sumubsob ang mukha ni Guming sa malapot na bukas na katawan ng Deiyo spider.

Isa-isa ring tumilapon kasunod niya ang kanyang mga kasamahan na lumikha ng usok at alikabok sa paligid.

Inilabas niya ang kanyang invincible average aura ngunit tila wala lang ito sa sampung mga kabataang bigla na lamang sumulpot sa kung saan.

"Steffy!" Masayang tawag ni Daerin.

Kinindatan naman siya ni Steffy bilang tugon.

"Inaapi kami ng mga yan. Bugbugin mo din sila." Natutuwang sambit ni Daerin ngunit napapangiwi dahil muling dumaloy ang dugo mula sa sugat niya sa tiyan.

"Kilala mo ang mga kabataang ito?" Di makapaniwalang tanong ni Sunami.

Mabilis namang tumango si Daerin na abot tainga ang ngiti.

Nagpasalamat ang mga kasamahan niya na hindi bagong kalaban ang dumating dahil kung kalaban pa baka paglamayan na sila.

Ginamot nina Shaira at Izumi ang mga kasama ni Daerin.

"Gumanti na kayo." Sabi ni Steffy sabay turo sa sampung lalaking nakahiga sa lupa. Pinipilit ng mga itong tumayo ngunit binugbog din sila ng anim na halatang masayang-masaya sa paghihiganti.

Nilabas nila lahat ng galit na kinikimkim nila kanina saka pa tinigilan ang sampung mayabang na mga lalaking ito.

"Nakapaghiganti na rin ako sa wakas." Natutuwang sabi ni Nana.

"Magpasalamat kayo sa akin. Kung di dumating ang mga kaibigan ko hindi kayo makakaganti." Sabi ni Daerin na may ekspresyon pa na purihin niyo na ako bilis. Kaso walang pumansin sa kanya dahil nagpasalamat lamang ang mga kasamahan niya kina Steffy at hindi sa kanya.

"Maraming salamat sa inyo. Dahil kundi sa inyo baka kung ano na ang nangyari sa amin sa lugar na ito." Pagpapasalamat ni Sunami.

"Wala yon. Kung di ko naramdaman na nasa panganib ang buhay ni Daerin hindi kami pupunta sa gawing ito. Ginawa lang namin ito dahil sa kanya. Kaya hindi kayo dapat magpasalamat sa amin" Sagot ni Steffy.

Napatingin sila sa nakataas noo na namang si Daerin.

"Sabi na sa inyo e. Sa akin kayo dapat magpasalamat." Sabi niya pa.

"Bakit niyo ba nararamdaman na nanganganib ang buhay niya? Saka kaano-ano niyo ba siya?" Tanong ni Nana na hindi makapaniwalang nagkaroon si Daerin ng malalakas na mga kaibigan at susulpot pa sa oras na manganganib ang buhay nito.

Anong mabuting bagay ba ang nagawa ni Daerin sa nakaraang buhay niya at sinuwerte siyang makatagpo ng mga kaibigang katulad nina Steffy?

"Kasi pareho kaming cute." Sagot ni Steffy. Wala tuloy silang masabi. Cute nga naman talaga si Daerin at magandang pagmasdan ang mukha nito kaso dahil sa kapilyuhan at pagkapasaway hindi na nakikita ng iba ang mga magagandang katangian na meron siya.

Katulad na lamang kay Steffy. Sa unang tingin masasabi nilang kakaiba ang ganda nito ngunit dahil sa kakaiba ring ngiti nito na parang walang gagawing maganda natatakpan nito ang malaanghel sana niyang mukha.

Samahan pa nitong isang galaw lang ng daliri, nakabitin na patiwarik ang mga katawan sa grupo ni Guming. Saka pinakagat ang mga ito sa mga bubuyog na di nila alam kung saan nanggaling.

May mga sugat na nga, nagsilubuan pa ang mga balat.

Ibinalik naman ni Steffy ang magic core kay Daerin.

"Magagamit mo to para makontrol ang Diagonian blood na meron ka." Sabi ni Steffy sa kanya.

Aangal sana sina Nana ngunit maalala kung sino ang nagligtas sa kanila at kung ano ang nangyari kina Guming, itinikom na lamang nila ang mga bibig. Iniisip nilang ang swerte naman ni Daerin dahil sa pagkakaroon ng mga kaibigang katulad nina Steffy.

"Pinaghirapan ng grupong ito ang magic core na ito kaya ibabalik ko ito sa grupo." Sabi ni Daerin na ikinagulat nila. Hindi nila inaakala na sasayangin ni Daerin ang pagkakataong mas mapalakas ang kapangyarihan niya at hindi na magwawala pang muli ang kapangyarihan ng pagiging diagonian niya.

Sa bawat panahong kakawala ang kapangyarihan ng pagiging diagonian niya, nakakaramdam siya ng matinding sakit at kailangan pa niyang labanan ang kapangyarihan nagnanais kumontrol sa katawan niya. Kung ayaw niyang magiging diagonian na siyang tunay.

"Kailangan mo yan hindi ba?" Tanong ni Sunami.

"Makakahanap din tayo ng iba." Sagot ni Daerin. "Kailangan natin madala ang magic core na iyan para kay Master. Kung ibibigay niyo iyan sa akin paano na lamang ang pagsisikap nating makuha iyan para may maibigay tayo kay Master?"

"Ngayon ko lang napansin na may bait ka din naman pala Daerin. Simula ngayon di na ako magiging malupit sayo." Sabi ni Nana. "Maghanap ulit tayo ng bagong Deiyo beast para may magagamit ka rin." Sabi ni Nana.

"Kayo, bakit nga pala kayo napadpad dito?" Tanong ni Hasim. "Dahil lang ba talaga kay Daerin?"

Tumango naman si Steffy. Kundi dahil kay Daerin kanina pa sana sila umalis sa lugar na ito.

"Dahil nandito na rin naman kami, tutulungan na namin kayong makahanap ng mga Deiyo beast." Sabi ni Steffy.

"Gusto ko yan. Sige. Sige. Bilisan na natin." Excited na sabi ni Daerin na nagtatalon pa sa tuwa.

Ang kaninang anim na miyembro ng grupo nila ay nagiging labing-anim na.

Sa kabilang banda naman ay ang mga grupo ng mga kawal na naghahanap ng isang ten thousand years old Deiyo beast para maibigay sa kanilang may sakit na Hara.

"Ang sinumang makakapagbigay ng isang ten thousand years old na Deiyo beast sa akin ay bibigyan ko ng isang malaking gantimpala." Sabi ni Haring Mubiyo. Ang hari ng Saidore. Isa sa apat na kaharian ng Arciana. At mula sa lahi ng mga Saynah.

Ang Saynah ay isa sa mga ninuno ng mga sinaunang Mysterian ngunit unti-unti ng nauubos ang lahi nila. Kung sino man sa Arciana na mapapatunayang may lahing Saynah, titingalahin ito ng lahat kahit di man sila ang hari o hara sa alinmang kahariang nasa loob ng Arciana. Tinagurian silang hero ng kahit sino at tinawag na huwarang lahi ng buong Arciana.

Sila ang bunga sa pinaghalong Chamnian at Mystikan na napadpad sa Mysteria. At maituturing na ring ipinagbabawal na lahi sa Chamni.

Matagal na panahon ng may sakit ang Hara ng Saidore at wala pang kahit anong gamot ang nakakapagpagaling dito. Kamakailan lamang natuklasan nila na nakakapagpagamot ng kahit anong uri ng sakit ang magic core ng ten thousand years old na Deiyo beast. Kaya lang bihira lang lumalabas at nagpapakita ang mga Deiyo beast na ito.

Nabalitaan din nila na may mga kabataang nakakagamot ng kahit anong uri ng sakit kaya siya nagpadala ng mga tauhan sa Norzian ngunit hindi na nila natagpuan ang mga kabataang ito.

Ang alam nila binubuo ito ng apat na mga kabataang puro babae. At sa Norzian sila huling nakita. Ngunit bigla silang naglaho sa Norzian. Hanggang sa may bagong grupo na naman ng mga kabataang nakakagamot din ng mga may sakit ngunit nasa Servynx city na ito kaya mabilis siyang nagpadala ng mga tauhan sa Servynx city kaso nawala na naman silang bigla.

Ngayon naman, bago lang niyang nalaman na nasa Wynx Academy na pala sila ngunit bago pa man nila makausap wala na ulit sa Wynx Academy ang mga kabataang ito. Naisip tuloy ni haring Mubiyo na pinaglalaruan lamang siya ng tadhana. Bibigyan siya ng pag-asa tapos bigla-bigla namang ibabagsak.

Kahit saan-saan na napupunta ang mga kabataang ito, bakit di nalang sa kaharian niya mapapadpad? Bakit sa lugar pang malayo sa kinaroroonan nila?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top