Journey to Arciana 19: Cursed Kingdom

Nagsimula ng maglakbay ang grupo ng mga kabataan papunta sa Arcianian Central Arena kung saan gaganapin ang Arcianian battle competition. Matatagpuan ang Arcianian Arena sa Central kingdom. Ang kahariang wala ng hari o reyna.

Makikita ang parada ng mga Royal knight at mga estudyante na kalahok sa nasabing kompetisyon.

"Bakit di ko nakikita sina Steffy?" Tanong ni Sunami.

Sa pagkakaalam nila, kasama sina Steffy sa biyahe nilang ito ngunit bakit hindi niya nakikita ang grupo nila?

"Susunod daw sila. Baka natagalan lang." Sagot ni Hairu na isa sa mga escort.

Kasama siya ngayon sa loob ng karwahe kung saan nakasakay ang representatives ng Sai School. Ang kapatid niyang si Kairu naman nasa karwahe ng mga Saynah Academy representatives.

Tatlong paaralang mula sa Saidore ang kasali sa kompetisyon na ito. Kaya tatlong grupo ng mga estudyante ang nakaparada ngayon kasama ang mga Emperial knight ng Saidore.

"Bakit di nalang tayo magpapakita? Para tayong mga stalker na nakasunod sa kanila o." Sabi ni Hyper. Nakalutang sila ngayon sa hangin at hindi nakikita sa mga mata ng ibang Mysterian.

"Kailangan nating malaman kung sino-sino iyang mga umaatake sa mga representatives ng Saidore. Walang nangyari sa mga representatives ng Saidore ngayong nagdaang mga araw kabaliktaran sa naunang mga taon kaya posibleng ngayon sila kikilos habang nasa biyahe pa." Sagot ni Arken.

Ilang araw ding naglakbay ang mga representatives hanggang sa makarating na sila sa hangganan ng pinaghihinalaang kaharian umano ng mga Akrinian.

Nagsitigil silang lahat sa paglalakbay na ipinagtataka ng mga kabataang kalahok sa nasabing kompetisyon. Hindi lang din sila ang nasa hangganang ito dahil nandito rin ang mga representatives na nagmumula sa iba't-ibang mga paaralan at kaharian.

"Bakit hindi nagpatuloy ang grupo niyo?" Tanong ni Hairu kay Ashler na siyang escort ng Alestherian representatives.

"May mga grupo ng pumunta ngunit hindi na sila nakalabas ni makabalik. At di rin naman sila nakarating sa Central Arena. Nawala rin ang kumunikasyon namin sa kanila." Sagot ni Ashler.

"May mga mayayabang na grupo ang pumasok kahapon dahil hindi naniniwala sa amin at ayon sa Council ng competition na ito, hindi pa daw sila nakarating sa battle arena at hindi na rin sila matawagan ni di sila nakikita sa miliston." Dagdag pa ni Ashler.

"Hindi pa naayos ang dating lagusan at walang ibang paraan kundi ang dumaan sa Curse Kingdom na ito." Sabay tingin sa isang malaking gate na gawa sa bato.

Tinawag nilang curse Kingdom ang dating kaharian ng mga Akrinian dahil sa biglaang paglaho ng mga mamamayan sa lugar na ito. At nagiging estatwang bato ang buong paligid kahit na ang mga mamamayan dito.

Ligtas ang nasabing lugar kapag hindi naabutan ng gabi ang mga manlalakbay na napapadaan dito ngunit kapag naabutan sila ng dilim, tiyak na hindi na sila makakalabas pa at posibleng magiging estatwang bato na rin sila. Kaya lang, tatlong araw lalakbayin ang lugar na ito gamit ang mga sasakyang panlupa. Kaya imposibleng hindi maaabutan ng gabi ang sinumang dadaan sa gawing ito.

Sasakyang panlupa lamang ang maaaring gamitin dahil walang makakadaan sa himpapawid ng lugar na ito lalo na sa Central area na mismo. Kaya ang lahat ng mga manlalakbay, hindi gumagamit ng mga sasakyang panghimpapawid. Hindi rin nagagamit ang teleportation portal o translocation ability papunta sa Arciana's Central Arena.

Iisang lagusan lamang ang maaari nilang daanan, iyon ay ang dumaan sa lugar na ito.

"Isa sa mga manlalakbay ang nakapagsabi na maraming mga estatwang bato ang nakakalat sa paligid. At posibleng nagkakaroon ng buhay ang mga estatwang batong ito kapag sumasapit ang dilim at siyang umatake sa mga Mysterian na napapadpad sa lugar na ito." Paliwanag ni Ashler.

"Ngunit may haka-haka rin na nagiging bato na rin ang mga Mysterian na naliligaw sa lugar na ito." Sabad ni Dioseyn.

"Isa lamang ang pasukan at labasan ng kahariang ito kaya mahirap makadaan ng ligtas kung wala kang superspeed." Sabi naman ni Ashler.

Napatingin sila sa gate na gawa sa bato.

"Nagbubukas ang gate kung gusto mong pumasok ngunit hindi ka na makakalabas sa pamamagitan ng gate na iyan kapag nakapasok ka na sa loob." Sabi pa ni Ashler.

"Wala na ba talagang ibang paraan para makapasok?" Muntik na silang mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Steffy sa tapat nila.

"Meron. Iyon ay kung may superspeed kang Mysterian Magic beast." Sagot agad ni Ashler.

"Kapag teleportation portal? Hindi rin ba maaari?"

"Ang tanging gumagana lang ay ang pagawa ng virtual space dimension bilang lagusan patungo sa central ng Arciana, kaya lang bihira lang ang nakakagawa ng ganito at sa buong Arciana ang pinuno lamang ng mga Superian at ang sinaunang pinuno ng Saynah clan ang nakakagawa nito. Ngunit wala na ang ang pinunong ito ng Saynah clan kaya naman ang mga nakarating ngayon sa Arciana Arena ay ang grupo ng mga Superian, Akrinian at Diagonian at ang grupong hindi makakarating sa takdang oras ay madisqualify na." Mahabang paliwanag ni Ashler.

"May natitira pang apat na araw bago magsimula ang laro ngunit wala pang ni isa sa mga representatives ng kaharian natin ang nakarating sa Arena." Sambit ni Kairu at napatingin sa isang grupo na mula sa Alesther ang nagsiatrasan.

"May hinala akong sinadya ang pagsira sa lagusan para hindi tayo makarating. Kaya naman pala ang tahimik nila sa taong ito." Sabi ni Dioseyn.

Nasa sampo lamang ang may superspeed na ability sa lahat ng mga representatives mula Alesther at Saidore kaya imposibleng may pag-asa silang talunin ang grupo ng mga malalakas na representatives ng mga Superian, Akrinian at Diagonian. Siguradong matatalo lang sila kahit na makarating sila sa Arena.

"May naisip ba kayong ibang paraan?" Tanong ni Ashler kay Steffy.

"Akala ko wala kayong balak magtanong sa akin e." Sagot ni Steffy at ngumiti.

"Kung ganon may paraan ka ba?" Tanong agad ni Kairu. Magmula kasi noong makita niya kung paano nakipaglaban sina Steffy sa nine thousand years old Deiyo beast, nagkaroon na siya ng malaking tiwala sa kanya at sa mga kasamahan niya.

"Meron."

"Ano yun?" Sabik na tanong ni Ashler.

"Maaari bang malaman?" Dioseyn.

"Iyon ay ang umatras nalang kayo." Hairu.

"..." Wala silang masabi.

"May iba pa ba bukod sa pag-atras?" Tanong ulit ni Ashler. Napatingin siya sa mga representatives niya. Kung mabibigay na sa mga Superian o Akrinian ang susi wala na silang pag-asa pang matagpuan ang mga nawawalang mga mamamayan ng Alesther. Posible ring kukunin pa ng dalawang kahariang ito ang Central Kingdom na kasalukuyang walang hari ngayon.

"Buti nalang at nagtanong ka pa ulit. Akala ko kasi mapipikon ka na sa sagot ko. May naisip ako." Muli ay sabi ni Steffy.

Muling nagliwanag ang kanilang mga mata malamang may naisip na paraan si Steffy.

"Ito." Pinakita ang isang pulseras na bigay noon ni Bella nang lusubin ng mga Akrinian ang kaharian ng mga Hanaru sa Celeptris.

"Akala ko hindi ko ito magagamit pero ngayon naalala ko na ang gamit nito." Sabi niya.

"Ano yan?" Naguguluhang tanong ni Kairu.

"Isang susi para makapagbukas ng portal." Sagot ni Steffy na ikinadismaya ng apat na lalake.

"Hindi rin nagagamit ang mga portal artifact sa lugar na ito." Matamlay na sagot ni Dioseyn.

"Pinagmamay-ari iyan ng isang Akrinian at nakikita kong kaya nitong gumawa ng portal sa alinmang bahagi ng Mysteria kaya pwede niyo itong gamitin."

Itinaas ni Steffy ang pulseras at mula sa gitna nito may lumabas na pulang liwanag. Bumuo ang pulang liwanag ng imahe at ang imaheng ito ay ang imahe ng malawak na battle arena.

"Wow! Tingnan niyo may portal si Steffy. May pag-asa ng makakapasok tayo." Masiglang sabi ni Daerin sa mga kasamang nasa loob ng karwahe.

"Iyan ba ang battle arena na dapat niyong puntahan?" Tanong ni Steffy kina Hairu.

"Iyan nga yon." Natutuwang sagot ni Ashler.

Nakikita nila ang grupo ng mga Superian students at iilan pang mga di nila kilalang mga kabataan na naglalakad-lakad sa paligid ng Arena.

Nakita rin nila ang mga miyembro ng Arcianian council na siyang namamahala sa paligsahang ito.

"Kung ayaw niyong pumasok bahala kayo. Maari namang may sumubok na pumasok tapos magbibigay nalang ng palatandaan kung ligtas ba ang lugar o hindi di ba?" Nagkatinginan sina Hairu, Kairu at Dioseyn sa sinabi ni Steffy.

"Ako na ang papasok." Sabi agad ni Daerin na nagmamadaling lumabas sa sinasakyan nila.

"Wag ka nga. Tatanga-tanga ka pa naman." Sabi ni Sunami.

"Ako nalang." Sabi ni Haejae at pumasok na sa portal.

Sa Central Arena naman, abala sa pag-uusap ang ilan sa mga representatives.

"Kapag hindi makararating ang iba siguradong kukunti na lamang ang makakalaban natin." Sabi ng isa.

"Wag mo ng isipin na makakarating pa sila. Mga wala naman silang mga kwenta e. Saka wala rin naman silang pag-asang manalo." Sagot ng kasama nito.

Nang makalayo na sila saka naman sumulpot si Haejae. Sinundan niya ang dalawang mga kabataan ngunit nakita siya ng dalawang kawal na nagbabantay sa labas ng Arena at tinutukan siya ng hawak nilang spear.

"Hindi naman pala safe e. Aalisin ko na ba si Haejae?" Tanong ni Steffy makitang nakatutok ang mga spears ng mga kawal kay Haejae.

"Sandali lang. Siguradong iyan ang battle arena. Papasok na kami." Sabi ni Ashler.

"Papasok  na kami. Pero ikaw?" Tanong naman ni Hairu.

"At ang mga kasamahan mo." Dagdag naman ni Kairu mapansing hindi kasama ni Steffy ang siyam na mga kaibigan.

Ininguso ni Steffy ang bibig sa isang direksyon na sinundan naman nila ng tingin. Nakita nila na nakaupo sa tuktok ng batong pader sina Asana kasama ang iba pa.

"Hindi sila napano?" Gulat na sambit ni Dioseyn. Nakukuryente kasi ang sinumang napapadikit sa pader na ito ngunit ang siyam na mga kabataang ito nakaupo pa sa tuktok.

"Gusto naming malaman kung ano ang meron sa likod ng gate na iyan at kung ano na ang nangyayari sa mga nakakapasok na hindi na nakakalabas pa." Paliwanag ni Steffy.

"Pero mapanganib iyan kamahalan." Nag-aalalang sabi ni Hairu.

"Ayos lang kami. Hintayin niyo nalang kaming dumating sa battle Arena." Sagot ni Steffy.

"Kung diyan kayo dadaan, diyan nalang din kami." Sagot ni Hairu.

Sumeryoso ang mukha ni Steffy.

"Mapanganib iyon. Kung may paraan kami kung paano nakapasok sa Arciana ng ligtas may paraan din kami kung paano makalabas ng ligtas sa lugar na iyan." Sabay turo sa batong gate. "Kaya hintayin niyo ang pagdating namin sa Arena."

Nakita nilang kumaway na si Haejae na ibig sabihin na ligtas ng pumasok sa portal kaya sumunod na rin ang iba maging ang mga kawal na kasama nila.

"Maraming salamat sa tulong mo, hindi namin ito makakalimutan." Pagpapasalamat ni Kairu.

"Wala iyon."

"Maraming salamat sayo Kamahalan." Pagpapasalamat din ni Hairu.

Matapos magpasalamat ang apat nagpaalam na sila at nagsipasukan na sila sa loob ng nakabukas na portal kasama ang mga kawal at iba pa.

Makitang nakapasok na ang lahat isinara ng muli ni Steffy ang portal at itinago ng muli ang pulseras sa loob ng space pouch na nakasabit sa gilid ng baywang niya.

Saka niyaya sina Asana na pumasok na sa loob ng batong gate. Hindi sila maaaring tumalon papunta sa kabila dahil may barrier na nakaharang dito at di naman sila kagaya ni Steffy na hindi naapektuhan ng anumang uri ng harang kaya naman dumaan na lamang sila sa malaking gate.

Bumukas ang malaking gate nang hawakan ni Arken ang bilog na bungong nakaukit sa gitna ng gate na ito.

"Ang tahimik." Sambit ni Aya.

Sabay-sabay na silang pumasok at napansin nilang nagbago bigla ang buong paligid.

Isang kalsada na gawa sa itim na bato ang bumungad sa kanila. At ang mas ipinagtataka nila ay ang mga dahon at damo sa paligid na tila ba'y mga gawa sa bato.

Tumigil si Sioji sa paglakad nang makaapak sa isang matigas na bagay kaya yumuko siya at pinulot ito.

"Tingnan niyo." Pinakita niya sa mga kasama ang dahon na singtigas ng bato.

"Parang matitigas na mga bato ang mga bagay sa paligid." Sabi ni Aya.

"Kakaiba rin ang hangin nila dito." Sambit ni Asana.

Isang balahibo ng ibon ang nakita ni Shaira kaya pinulot niya ito at natuklasang kasing tigas din ito ng bato.

Nakita nila ang isang fountain na parang naka-pause lang dahil nakatigil ang pagbagsak ng tubig pababa. Nang suriin nila ito, natuklasan nilang singtigas na rin ng bato ang mga tubig.

"Sandali lang." Sabi ni Steffy na ikinatigil nilang lahat.

"Sandali lang pipikit lang ako." Sabi niya.

Mabilis naman siyang pinasan ni Sioji saka siya pumikit.

Ilang oras din siyang nakapikit habang naghihintay naman ang mga kasamahan niya kung kailan niya ididilat ang mga mata.

"Okay na." Sabi niya nang idilat ang mga mata. "Pupunta tayo sa capital City." Sabi niya at hawak kamay silang  naglaho sa kinatatayuan.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top