Journey to Arciana 17: Naibabahaging kapangyarihan

Lahat sila tinatamad kumilos. Si Asana nakadapa sa lupa. Si Shaira nakaupo habang nakasandal ang likuran sa puno. Sina Arken at Sioji binubunot ang mga damo. Si Rujin nakasandal sa isang puno. Si Geonei nilalaro ang bagong gawang siako. Si Aya iniikot-ikot ang kanyang pulang laso sa hangin.

"Bakit parang nagsisisi ako kung bakit ako pumayag maging standby representatives?" Sambit ni Steffy at napanguso.

"Tamad ka kasi." Sagot ni Arken.

"E ano tawag sayo?" Sabay tingin sa binubunot na damo ni Arken.

"Tinatamad din ako. Bakit ka pa kasi pumayag? Kailangan na kaya nating umalis." Sagot ni Arken.

Hindi nila maintindihan kung ano nga ba ang tunay na plano ni Steffy. Ang dami kasing mga desisyon na wala sa kanilang mga plano.

"Magsisimula na ang pagsasanay niyo mga—"

"Bratty." Sambit ni Steffy mapansing di alam ni Hairu kung paano sila tawagin.

"Bratty?" Pag-uulit na tanong ni Hairu.

"Bratty. Iyon ang itawag mo sa amin." Sagot ni Steffy at nag thumbs up pa.

"Magsisimula na ang training niyo mga bratty." Naiilang na sabi ni Hairu. Bakit kasi sa dami ng magandang itawag sa kanila bratty pa ang napili ni Steffy?

Pagdating nila sa training ground gustong-gusto na ni Steffy na magback-out.

"Kaya naman pala tinatamad akong kumilos kanina e." Sambit niya makita si Luimero na siyang magsasanay sa kanila.

May matamis na ngiti ang Master nila habang nakatingin sa kanya.

"Palage niyong tinatakasan ang mga pagsasanay niyo di ba? Pero imposible yun dahil kung saan kayo nandoon ako." Itinaas baba pa ang dalawang kilay.

Kapag hindi lang si Luimero ang trainer nila siguradong kanina pa sinalubong ng yakap ni Steffy si Luimero kaso si Luimero daw ang magsasanay sa kanila ngayon. Anong pagsasanay na naman kaya ang ibibigay nito? Kapansin-pansin ding mas lumakas ang aura at presensya ni Luimero kumpara dati.

"Kailangan niyong matutunan ang pagkontrol sa mga bagay sa paligid niyo at di niyo kailangan pang sumali sa laban. Ang pinakamahalagang kakayahan na hindi malalagay ang sarili niyo sa panganib ay ang pagkokontrol at pagmamanipula sa mga bagay sa paligid niyo. Tandaan niyo mas nakakabuting huwag kayong lumaban ng harap-harapan." Nakatitig lamang sila kay Luimero at nakakunot ang mga noo.

"Ele, may nangyari ba? Hindi ka naman siguro makarating dito kung walang nangyaring di maganda." Tanong ni Steffy.

Nangako ng may importanteng pupuntahan si Luimero kaya paanong nandito na naman ito ngayon at siyang magsasanay sa kanila?

"Nararamdaman ko ang pagbukas ng portal mula sa ibang mundo na sa hinala ko ay mula sa Mystika. May posibilidad na may nakakapasok na mga Mystikan sa Mysteria. Hindi natin alam kung ano ang pakay nila sa lugar na ito ngunit dapat mag-iingat kayong mabuti." Paalala ni Luimero.

"Magmula din noon, hindi na muling nagparamdam ang mga magulang mo Steffy. Tiyak na may nangyayaring hindi maganda sa Chamni. Hindi ka na rin naaabot ng lolo mo kaya may hinala siya na nakarating ka sa lugar na ito. Saka magmula ngayon palage na kayong maglagay ng harang sa paligid niyo dahil kahit sino makikita na kayo. Makikita nila ang lahat ng mga ginagawa niyo kaya mag-iingat kayo." Paliwanag ni Luimero. Kamakailan lang natuklasan nila na sa pamamagitan ng miliston na nakakalat sa paligid makikita ng iba ang mga ginagawa nila.

"Kung ganon pati pagligo at pagbawas namin nakikita nila?" Nanlalaki ang mga mata ni Aya na posibleng may nakakita sa kanya habang naliligo siya.

"Wag kayong mag-alala, hangga't wala kayong dalang miliston sa pagligo niyo walang ibang mga nilalang ang makakakita sa ginagawa niyo. At ang nakakaalam lang naman sa mga pangalan niyo ang nakakapanood sa inyo."

"Kung ganon, kilala ako sa nakapula ang mga matang iyon?" Tanong ni Steffy sa isip at tumingin sa isang direksyon.

Marami ang mga matang nakatingin sa kanila at aware siya no'n kaya lang hindi niya alam kung sino-sino sila.

"Maraming mga mata ang nanonood sa atin at hindi ko alam kung kalaban ba sila o hindi." Sambit ni Steffy habang nakatingin sa direksyon ni Arken. Naituro naman ni Arken ang sarili ngunit mapansing hindi naman nakapokus sa kanya ang paningin ni Steffy napalingon siya sa kung saan ito nakatingin.

Sa isang lugar naman tinakpan ng isang babae ang isang salamin.

"Bakit pinanood mo na naman siya? Gusto mo bang mabasag din ang Mystic mirror na iyan?" Sigaw ng isang lalake sa babaeng nakaupo na ngayon sa sahig at tinapik-tapik ang dibdib.

"Gusto ko lang malaman kung bakit takot kayong panoorin ang mga ginagawa niya kaya naman sinubukan ko din. Pakiramdam ko talaga mahihigop na ang kaluluwa ko sa kaba kanina." Sambit ng babae at tinapik-tapik ang dibdib. Wala silang kamalay-malay na kahit wala na sa tapat nito ang makapangyarihang salamin, nakikita pa rin sila ni Steffy.

"Takot naman pala e." Sambit ni Steffy bago muling ibinalik ang tingin sa mga kaibigan.

"Alam mo nakakakilabot ka na." Sabi ni Asana at niyakap pa ang sarili.

"Ang wirdo ng kakayahan mo. Titingin ka lang sa iisang direksyon tapos may nakikita ka ng ikaw lang ang nakakakita. Then, bigla ka nalang nagsasalita na ikaw lang ang nakakaintindi." Sambit ni Asana ngunit natigilan nang magdire-diretso din ang kanyang paningin.

Kinusot niya ang mga mata ngunit ganoon pa rin. Nakikita niya kung ano ang nasa loob ng damit ni Aya kung saan siya napalingon ngayon at kahit ang mga buto ni Aya nakikita niya. Napalingon siya kay Steffy.

"Steffy, wag mong sabihing buong sistema ng katawan nakikita mo rin? Kahit ang blood cells nila?" Sambit niya makita ang mga joints maging ang mga blood vessels ni Aya ay nakikita na rin niya. Tatagos lamang ang kanyang paningin kapag ginusto niyang tingnan kung ano ang nasa likuran ni Aya. Hanggang sa nagsitagusan na ang kanyang paningin at patungo na ito sa ibang lugar.

Habang nag-i-explore si Asana nakatuon din ang mga atensyon ng Bratty gang sa mga bagay na nakikita ng kanilang mga paningin.

"Isa din ito sa mga napapansin ko, hangga't gugustuhin ni Steffy na magamit niyo ang anumang kapangyarihan o kakayahang taglay niya, nagagamit niyo din ito." Sabi ni Luimero.

"Ang astig nito, isang tingin lang, malalaman na natin kung malakas ba o mahina ang isang kalaban o kung may inner injury ba sila." Sambit ni Aya.

"Ang galing nito, may kakayahan na naman akong dapat linangin." Masiglang sambit ni Hyper.

"Kailangan niyo ding sanaying mabuti ang pagamit sa kakayahan na iyan para makontrol niyo ito ng mabuti. Baka kasi tinataga na nga kayo ng kalaban, sa ibang lugar pa napunta ang paningin niyo at di na tuloy maiiwasan ang mga atakeng nasa tapat lang sana ninyo." Sambit ni Luimero.

"Steffy, ano pa bang kakayahan mo na hindi mo ibinahagi sa amin?" Tanong ni Rujin.

"Yung humiwalay sa katawan? Hindi iyon naipapasa. At hindi ko alam kung kaya ko bang ipasa sa inyo ang kakayahang ito pero sinubukan ko ngunit wala namang nangyari." Sagot ni Steffy.

"Tanging may kakaibang soul spirit lamang ang may kakayahang humiwalay sa kanyang katawan. Kaya hindi niyo iyon magagawa." Sagot ni Luimero.

Umupo si Arken sa lupa at itinuon ang paningin sa kung saan posibleng makikita ang kanyang ina. Ngunit ilang oras na lamang ang nakalipas hindi pa rin niya natatagpuan kung nasaan ang gubat ng Iceria ngunit may nakikita siyang lugar. Isa itong isla at may mga kaharian sa lugar na ito. Mas magulo ang lugar na ito kumpara sa mga lugar sa Mysteria.

"Ano yun? May nakikita akong lugar na puro mga estatwa." Sambit naman ni Geonei.

Ngiting-ngiti naman si Rujin ngunit natamaan siya ng sapok mula kay Izumi.

"Ayun na yun e." Napaungol muli nang may tumama na naman sa ulo niya.

"Problema niyo ha?" Tanong niya kina Asana at Izumi na nandidilat na ang mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Sa dami ng titingnan mo ang paliguan pa ng mga babae? Steffy, wag mong ipagamit kay Rujin ang kakayahan mo, gagamitin lang niya iyan sa pamboboso." Sabi ni Asana.

Ilang sandali pa'y hindi na tumatagos ang paningin ni Rujin.

"Steffy naman, bakit mo inalis?" Nakangusong tanong ni Rujin.

"Ibabalik ko din sayo kapag kinakailangan na talaga." Sagot ni Steffy na ikinabagsak ng balikat ni Rujin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top