Journey to Arciana 16: Mga kaharian sa Arciana
Inggit na inggit ngayon ang halos lahat ng mga estudyante sa Sai School dahil sa pagmamay-ari na ni Daerin ang tahanan at kayamanan na ibinigay ng hari sa grupo ni Steffy.
Hindi na siya isang ulilang walang tirahan at kayamanan. Inayos na rin ang mga luma at mga nasirang mga gusali at mga kagamitan sa Sai School gamit ang bigay na mga kayamanan ng Saynah clan bilang compensation sa mga kasalanang nagawa ng Saynah Academy sa Sai School. At ang Donfen clan naman, magsisimula sa pagiging mahirap na mamamayan sa Saidore.
Kasama naman ngayon ng Bratty gang ang hari at si Elder Jiure.
"Kailangan namin ng malakas na representatives ng kaharian kaya lang isa-isang nagkakasakit ang mga malalakas na mga kabataan namin sa Saidore." Sabi ng hari.
Sa bawat panahon na may bagong henerasyon na makikitaan ng potensyal at posibleng magiging karapat-dapat na representatives ng kaharian para lumaban sa battle competition, bigla na lamang silang nagkakaroon ng kakaibang karamdaman. Minsan naman, may aatake sa kanila at sa kanilang pamilya at magkakaroon ng malubhang sugat hanggang sa hindi na maaaring lumaban sa papalapit na competition.
Dahil dito ang lahat ng mga makikitaan nila ng kakaibang kakayahan, ipinapadala agad nila sa ibang kaharian para makapagtago. At saka na lamang ibabalik kapag may sapat na silang lakas at kakayahan para maprotektahan ang kanilang mga sarili.
Isa sa mga kabataang may kakaibang kakayahan ay sina Razenei, Hakuah, Daerin, Haejae, Yuzin, Yuna, Blade, Saiyura at Saiyuchi. Sila ang iilan sa mga kabataang maituturing na kakaiba at may potensyal na magiging mas malakas kaysa sa iba sa kanilang henerasyon, ngunit sa mga kabataang ito, iilan lamang sa kanila ang nanatiling buhay sa ngayon at ang iba ay matagal ng nawala ni di alam kung saang parte ng mundo na sila napadpad o kung buhay pa ba sila o patay na.
Apat na taong gulang ang batang babae na si Razenei nang matuklasang may kakaiba siyang kapangyarihan at kaya niyang talunin ang mga Mysterian na nasa Syanra level. Mula siya sa kaharian ng Central Area ng Arciana ngunit isang araw, bigla na lamang nilusob ng mga di kilalang mga Mysterian ang kanilang kaharian at sinunog ang buong kaharian at walang nabuhay ni isa sa mga kalahi niya. Siya ang kilalang pinakaunang genius ng Arciana ngunit magmula sa araw na iyon, wala ng nakakaalam kung buhay pa ba siya o hindi na.
Si Hakuah naman ang adopted daughter ng leader ng Sai clan at marami ang nagmamahal dito kahit hindi siya tunay na anak ng lider ng Sai clan. Habang lumalaki, makikitaan na siya ng kakaibang lakas at sa edad na limang taon, napatay niya ang sampung Syanra level na mga Deiyo beast na bigla na lamang lumusob sa tahanan nila. Ngunit isang araw nilusob ang Sai clan ng mga di kilalang Mysterian at sa gitna ng kaguluhan, isang kulay itim na higanteng dragon ang bigla na lamang sumulpot at tinangay ang bata at magmula noon wala ng nakakaalam kung nasaan na siya at kung ano na ang nangyari sa kanya.
Si Daerin naman nakikitaan na ng kakaibang kakayahan simula pa bata ngunit isang taong gulang pa lamang siya ng lusubin ng mga Diagonian ang kanilang pamayanan at sa kanilang lugar tanging siya lang ang nakakaligtas kaya lang, natuklasan ng lahat na kaya siya nakaligtas dahil mayroon na siyang Diagonian blood na posibleng pinainom o itinurok sa kanya para lamang hindi siya patayin ng mga Diagonian. At dahil sa dugong ito, nilalayuan siya ng lahat at kinatatakutan.
Galing naman sa Assassin clan si Haejae at matatawag na pinakamagaling na batang assassin sa buong Arciania. Ang pamilya niya ang tinatawag ng mga hari sa Arciana para mahuli ang mga kriminal na tumakas sa mga kaharian ngunit isang araw bigla nalang ding namatay ang kanyang buong angkan na walang nakakaalam sa tunay na dahilan habang siya naiwan na sugatan at magmula noon humina na siya at di na kasing lakas noong hindi pa nangyari ang aksidente sa kanyang pamilya.
Sina Yuzin at Yuna naman ang susunod sana sa yapak ng dating genius na sina Saiyuchi at Saiyura ngunit habang nasa isang school mission sila, inatake sila ng mga di kilalang mga Mysterian. At dahil sa pagliligtas kay Yuzin, natamaan si Yuna ng poisonous ice blade at magmula noon hindi na kaya ni Yuna ang mga malalamig na temperatura at bilang nalang din ang araw niya kaya pinadala sila sa Wynx Empire para makahanap ng gamot sa sakit nito. Dahil narinig nila na may manggagamot sa Wynx Academy na kayang gamutin ang ang sakit ni Yuna.
Sina Saiyuchi ang dating champion sa battle competition ng Arciana at ang Sai clan ang nakakuha sa susi ngunit may nangyaring masama sa grupo ni Saiyuchi at iba pa, nang hanapin na ng mga taga-Saidore ang mga kabataang nawawala at pumasok sa lagusan papunta sa Haru Island. Si Saiyuchi lamang ang nakabalik at sugatan ito. Magmula noon, hindi na siya nakakagamit ng kapangyarihan at sumasakit na rin ang kanyang ulo sa tuwing gagamit siya ng kapangyarihan. Ang mas malala, wala na siyang maalala kung ano ang nangyari sa kanila sa loob.
Si Saiyura naman ang pumalit sa kanyang nakatatandang kapatid. Ngunit kamakailan lang natuklasan niya na sa bawat panahong gagamit siya ng kapangyarihan, makakaramdam ng matinding sakit ang kanyang kuya, kaya naman hindi na siya qualified para sumali sa nalalapit na battle competition.
Ang may pag-asang makasali ngayon ay ang dalawang prinsipe ng Saidore at ang mga kabataang kilalang kulilat ng Sai School. Kumpara sa iba mas karapatdapat sila kaya lang one tenth lang ng tunay nilang lakas ang makakaya nilang ilabas. Iyon ay dahil kapag lumagpas pa dito, hindi na nila makokontrol ang kanilang mga sarili at sa halip na sila ang kokontrol sa kanilang mga kapangyarihan, maaaring sila ang kokontrolin ng kanilang kapangyarihan.
Higit sa lahat, posibleng aatakehin na naman sila ng mga di kilalang mga kalaban kapag matuklasang may mga kabataan pang may mga malalakas na kapangyarihan.
Nagkatinginan sina Steffy matapos marinig ang rason kung bakit kailangan nina Daerin na wag gamitin ang anumang tunay na lakas na meron sila at kung bakit naiiba sila sa ibang mga estudyante ng Sai School.
"Kung sino man iyang tunay na humahabol sa mga pinili kailangan na natin silang matagpuan." Sambit ni Steffy sa isip na naririnig naman ng mga kasama.
"Hindi lang pala tayo ang mga target nila kundi pati na ang mga miyembro ng misteryosong angkan." Sagot ni Shaira.
Dati, inaakala nila na mga Hanaru ang tunay na naghahangad sa buhay nila hanggang sa inaakala na naman nilang mga misteryosong angkan ang siyang nagbabalak ng masama sa kanila ngunit ngayon, pati pala ang iilang miyembro ng misteryosong angkan na ito ay kailangan ding magtago at wag ipakita ang kanilang tunay na kakayahan kung ayaw nilang mapahamak.
"May naisip ako." Biglang sabi ni Rujin kaya napatingin ang lahat sa kanya.
"Ano naman yon? May ideya ka ba?" Tanong naman ni Aya.
"Ano yung naisip mo kamahalan?" Tanong naman ng hari ng Saidore. Kamahalan, ito na ang tawag niya sa bawat isa sa bratty gang. Iyon ay dahil sa mga special background na meron sila.
"Naisip ko na wala pala akong maisip kahit anong isip ko." Dahil sa sagot na ito nakatanggap ng napakalakas na batok mula kay Aya si Rujin na muntik na niyang ikahilo.
Talaga namang gustong-gusto din siyang batukan ng iba dahil sa sagot niya.
"Ako naman may ideya ako." Sagot din ni Steffy.
"Kung walang kwenta ang ideya na iyan wag mo ng ibahagi." Sagot ni Asana at inikot ang mata.
"Meron kaya. Naisip ko na bakit kailangan pang iisang kaharian lamang ang maaaring gumamit ng susi kung pwede namang lahat nalang. Total, iisa lang naman ang pakay ng lahat di ba? Iyon ay ang pagliligtas sa mga Mysterian na nakakulong ngayon sa Haru Island." Seryoso naman silang nakikinig dahil may punto naman si Steffy.
"Bakit kailangan pa ang battle competition na ito? Hindi kaya para malaman kung sino ang tunay na may kakaibang lakas sa pamamagitan ng labanang ito?" Tanong niya.
"May battle competition na sa simula palang ng pagbuo ng Arciana at nilikha nga ito ng sinaunang mga Arcianian upang maging paraan para malaman kung sino-sino ang mga kabataang may kakaibang lakas at kapangyarihan. Hindi susi ang gantimpala dati. Kundi kayamanan at dangal. Ngunit paglipas ng ilang taon naglahong bigla ang Chamni at paglipas ng isang taon ng mawala ang Chamni isang isla ang bigla na lamang sumulpot. Natuklasan ng mga Mysterian na may maraming mga yamang mineral at sagana sa Mysterian ki ang nasabing isla kaya dinadayo ito ng mga Mysterian kaya lang bigla na lamang itong nawala at isang susi ng nasabing isla ang sumulpot. Dito na nagsimula na ang susi ay isa na sa magiging premyo ng sinumang mananalo sa nasabing Annual Arcianian battle competition." Mahabang paliwanag ni Elder Elder Jiure.
"Saan po ba nanggagaling ang susi na ito?" Tanong ni Arken.
"Mula ito sa angkan nina Sunami na isa sa mga angkan na may kakayahang gumawa ng mga portal at space dimension ngunit matapos maibigay ang susi bigla na lamang silang nawala. At kung ano ang nangyari sa kanila, wala ng nakakaalam." Sagot ni Elder Jiure.
"Bakit hindi nalang kayo maghihiraman ng susi para kahit sino malayang makalabas at pasok sa Haru Island?" Tanong din ni Sioji.
"Iyon ay dahil minsan ng naging sanhi ang susi na ito sa Arcianian war. Pinag-aagawan ang susi ng mga kaharian at para matigil na ang labanan, napagkasunduan ng limang kaharian ng Arciana na ang sino na lamang ang mananalo sa battle competition ang maaaring hahawak sa susi. At ang hindi susunod sa patakarang ito tatamaan ng curse magic." Paliwanag ni Elder Jiure.
Ikinuwento na rin niya na pinaghihinalaan nilang natamaan ng curse magic na ito ang central Arciana dahil sa paglabag sa napagkasunduan. Nagiging bato ang lahat ng mga mamamayan sa lugar na ito at sinasabing makakabalik lamang sila sa dati nilang anyo kapag sumapit ang hating gabi. Ngunit wala pang nakakapagpatunay kung totoo bang bumabalik sila sa dati dahil wala ng sinumang nakakalabas pa sa mga Mysterian na naaabutan ng gabi sa nasabing curse kingdom.
May haka-haka na dati itong kaharian ng mga Akrinian ngunit walang makakapagpatunay kung ito nga ba ang dating kaharian ng mga Akrinian. Sa totoo lang, walang nakakaalam kung ilan nga ba ang bilang ng mga kaharian sa Arciana. Ang napapasyalan at napupuntahan lamang ng iba ay ang Alesther, Superian, Saidore at ang naglahong kaharian dati na tinatawag na Central Kingdom.
Nalaman lang nila na may Akrinian, Diagonian at Azalean dahil sa mga dayong nagpapakilala na galing sila sa mga kahariang ito. At sa mga representatives na sumasali sa battle competition. At kung saan man ang mga kahariang ito, walang nakakaalam.
"Ang grupo nina Haejae ang balak kong gawing representatives ng paparating na competition ngunit kapag may mangyayaring di maganda sa kanila kayo ang papalit." Suhestiyon ni Elder Jiure.
"Parang sinasabi niyong sila ang gagawing pain samantalang kami naman ang tunay na lalaban. At pang-distract lamang ang kanilang grupo." Hula naman ni Aya.
"Wow! Aya, gumagana din pala ang utak mo akala ko di ka marunong gumamit niyan?" Bara ni Rujin kaya nasamaan na naman ng tingin.
"Palibhasa di ka marunong gumamit niyang utak mo." Ganti ni Aya.
"Marunong ako, di lang talaga gumagana." Sagot naman ni Rujin.
"Palibhasa wala kang utak." Sagot din ni Hyper.
"Kaysa may utak nga wala namang talino." Sagot ni Rujin kay Hyper.
"May talino ako di ko lang ginagamit. Baka kasi sasabihin mo ang sama na sayo ng Poon dahil di ka na nga biniyaan ng kagwapuhan hindi ka pa binigyan ng kunting talino." Panlalait ulit ni Hyper.
"Di mo ba nakikita na ang gwapo-gwapo ko? Di ba Steffy ang gwapo ko?" Tanong niya kay Steffy.
"Gwapo ka nga."
"Sabi ko na ba." Proud na sagot ni Rujin ngunit bumagsak ang balikat sa idinugtong ni Steffy.
"Pero kapag medyo naninilim ang paningin ko lalong-lalo na kapag nahihilo ako. Ang gwapo-gwapo mo sa paningin ko."
"Mahilo ka nalang sana palage." Nakangusong sambit ni Rujin. Nakalimutan niya na hindi nga pala siya kinakampihan ng isang to kaya inirapan niya ito saka tinalikuran.
"Payag ba kayong maging standby or extra representatives ng Saidore?" Tanong ng hari na makikitaan ng pagsusumamo ang mga mata. Umaasang papayag ang grupong ito na magiging stand by representatives nila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top